LOGINLimang taon ang tiniis ni Lorraine upang maging mabuting asawa kay Tommy at mabuting anak sa magulang nito. Ngunit sa limang taon na yon puro pasakit, sama ng loob ang natatamo niya mula dito lalo na, na siya ang sinisisi ng mga ito sa pagkamatay ng kapatid niyang si Lyca. Lahat na ay ibinigay niya para sa taong mahal niya ngunit hindi pa din ito sapat Limang taon muli ang lumipas ng magkrus muli ang landas ni Lorraine at Tommy. Magkakaroon kaya muli ng pagkakataon para sa kanilang dalawa o mananaig ang poot at galit ni Lorraine sa kaniya
View More"Tommy anong g-gusto mong dinner mamaya?"
Tanong ko sa asawa ko habang inaayos ang bag na dadalhin niya sa trabaho. Walang gana siyang tumingin sa akin. "Wag ka na magluto malalate ako ng uwi dahil marami akong tatapusin sa opisina" Nalungkot ako sa sinabi niya Alam ko naman na hindi totoo ang sinasabi niya, alam ko naman na sa iba siya magdidinner, Yes, alam kong may ibang babae ang asawa ko. Hindi naman niya tanggap at kahit kailan hindi niya ako matatanggap bilang asawa niya. Dahil hanggang ngayon ako pa din ang sinisisi niya kung bakit nawala ang babaeng pinakamamahal niya. Kung alam niya lang kung gaano ko din sinisisi ang sarili ko dahil sa pagkamatay ng kapatid ko. Kung hindi siguro ako niligtas ng kapatid ko ako sana ang nawala at masaya sana sila ni Tommy ngayon. Nang mamatay ang kapatid ko ako at si Tommy na ang pinagkasundo ng Daddy ko, Nung pinakasalan niya ako akala ko tanggap niya ako yun pala pahihirapan niya lang ako dahil yun daw ang kapalit sa pagkawala ni Lyca, Wala akong nagawa kung hindi tanggapin ang pagpapahirap niya, dahil kung hindi dahil sa akin buhay pa sana ang babaeng mahal niya, Inabala ko na lang ang sarili ko sa mga gawaing bahay kahit na mayaman ang asawa ko hindi siya kumuha ng katulong kaya ako lahat ang gumagawa sa gawaing bahay. Mag isa akong nag dinner mapait akong ngumiti, bakit hindi pa ako nasanay. Sa limang taong nagsama kami hindi ko man lang siya nakasama sa hapag kainan kahit isang beses lang, maging sa pagtulog ay magkaiba ang kwarto namin Kung tatanungin niyo ako kung bakit ako nakatagal ng ganong set up yun ay dahil mahal ko si Tommy, Noon pa man may lihim na akong pagtingin sa kaniya. Nakahiga na ako ng marinig ko ang tunog ng sasakyan hudyat na nandiyan na ang asawa ko, kaya dali akong tumakbo pababa para salubungin siya. Paglabas ko naabutan ko si Sandro, ang kaibigan ni Tommy na akay akay ang lasing kong asawa. "Lorraine, pasensya ka na nagpakalasing na naman 'tong asawa mo, kahit na anong pigil ko ayaw magpaawat" Mahabang paliwanag niya "Nako ayos lang!, ako nga ang humihingi ng pasensya sayo naabala ka pa namin" Kinuha ko ang braso ni Tommy para akayin papasok sana sa loob ng bigla niyang hawiin ng malakas. "Lumayo ka sakin!!" "Tommy ano ba asawa mo yan!!" Saway ng kaibigan "Anong asawa!! katulong ko lang yan!!" Sabi pa ni Tommy Parang may patalim sa dibdib ko, kahit kailan talaga hindi niya ako tinuring na asawa, pinakasalan niya lang ako pero hindi niya ako kailan man matututunang mahalin. Pinigilan ko ang nagbabadyang luha napatingin ako kay Sandro at nakikita ko sa kaniya ang awa dahil sa sinabi ng kaibigan niya. Pilit akong ngumiti at kinuha ang lasing na lasing kong asawa. "Lorraine— "Ayos lang um, ako na bahala kay Tommy, pasensya ka na at naabala ka pa niya" "Are you sure your okay?" Nag aalalang tanong niya. Agad naman akong tumango at ngumiti, Maya maya ay napagdesisyunan niya nang umalis matapos akong tulungan na ipasok si Tommy sa kwarto niya. "Lyca" Pagtawag niya sa pangalan ng kapatid ko, napahinto ako sa paghubad ng sapatos niya. "I miss you so much babe, ikaw lang ang babaeng nandito sa puso ko" Napakasakit marinig mula sa bibig ng asawa ko ang mga salitang yon, napakatagal na ng panahon na lumipas hanggang ngayon si Lyca pa din ang laman ng puso niya. Hindi ko mapigilan ang mapaiyak habang inaasikaso ang asawa ko habang siya naman ay banggit ng banggit sa pangalan ng kapatid ko. Tapos ko na siyang asikasuhin mahimbing na ang tulog niya. Pinagmasdan ko ang itsura ng asawa ko, maamo ang mukha, napakagwapo at ang labi.. Napailing na lang ako at napabuntong hininga. Lumabas na ako ng kwarto para maghanda na sa pagtulog, hindi ko mapigilan ang masaktan at malungkot dahil kahit kailan hindi niya ako tinuring na asawa niya. 'Kung nandito ka lang siguro lyca masayang masaya siguro si Tommy ngayon' --- Kinabukasan tanghali na ako nagising dahil madaling araw na akong nakatulog, nagmadali akong tumungo sa kwarto ni Tommy, wala na siya doon marahil ay pumasok na siya. Napahinga na lang ako ng malalim Bakit nga ba hindi pa ako nasasanay sa loob ng limang taon ganito ang lagi kong nararanasan. abala ako sa paglilinis ng tumunog ang cellphone ko Si sandro ang tumawatawag.. "Hello Sandro napatawag ka?" "Yeah, i just wanted to check on you" Napatahimik ako dahil unang beses na may nangamusta sa akin "Ayos naman ako Sandro, ikaw kamusta ka?" "Im okay, how's between you and Tommy?" He suddenly ask "A—ayos lang n-naman" "Alam ko hindi.." Saglit na katahimikan "Lorraine if you want someone to talk to, nandito lang ako ha" I nod as if he see me, Napangiti ako, dahil meron pa rin palang taong concern sakin. "Salamat sa pagtawag at pagkamusta sa akin.. na appreciate ko" Nakangiting sabi ko sa kanya "Sana magkaroon din tayo ng chance na makapag lunch together" Natigilan ako sa sinabi niya, hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa kaniya Narinig kong tumawa siya sa kabilang linya "Just kidding, baka bugbugin ako ni Tommy" 'How i wish, pero hindi naman mangyayare yon' "Sige na kinumusta lang talaga kita" Then he ended the call, napatingiti ako habang nakatingin sa cellphone ko Ngayon ko lang naramdaman ulit na mahalaga ako huling naramdaman ko ang ganito nung buhay pa si Lyca, Siya lagi ang nangangamusta sa akin sa tuwing mapapagalitan ako ni Papa. Lagi niya din akong pinapangiti kapag nakikita niyang malungkot ako. Ngunit sa isang malagim na pangyayare hindi ko na naranasan muli yon dahil ang kaisa isang taong nagparamdam non sa akin kailan man hindi ko na makikita at makakasama pa. Sobra akong nasasaktan dahil sa nangyare kay Lyca Araw araw kong sinisisi ang sarili ko dahil sa nangyare. Kung hindi sana naging matigas ang ulo ko, kung nakinig lang sana ako sa kaniya noon edi sana nandito pa siya, Simula ng mawala siya hindi ko na naranasan ang maging masaya, papaano ko mararanasan yon? Mula sa asawa ko hanggang sa magulang ko ako ang sinisisi.. Kaya hanggang sa mawala din siguro ako dala dala ko ang bigat ng pagkawala ni Lyca.Minsan sa buhay natin ay may mga bagay tayong kailangan pagdesisyunan kahit pa masakit para sa akin.Buong buhay ko ang hinangad ko lang naman ay mahalin at pahalagahan pero hindi naman yun ang nangyare.Hindi ko alam kung may pagkakataon pa kami ni Tommy sa isa't isa.Pagtapos ng pag uusap namin ni Tommy ay hindi na muli siya nagpunta sa bahay o nanggulo man lang.Alam ko at naniniwala akong tama ang desisyon ko.Habang nakatingin sa kisame ay biglang tumunog ang cellphone ko.Sandro Calling~"Hello""Hello Lorraine, im sorry i got busy with business kaya ngayon lang ako nakatawag"Napangiti ako"Okay lang yon.. kamusta ka?""I'm good! ikaw? kamusta ka? i heared from Joanna about what happened"Sandaling katahimikan ang namayaniNapayuko ako,"Trying to be okay""I'm so sorry Lorraine.. i know its very hard for you to accept.. im here you can always lean on me""Salamat Sandro""Pwede ba tayong magkita? and if not it's okay naman"Umiling ako"No its okay" Huminga ako ng malalim"Ila
Isang linggo na akong nandito kay Joanna.Kahit papaano nakakatulong naman ako sa gastusin dito sa bahay niya.. pero minsan hindi niya tinatanggap yung panggastos na inaabot ko sa kaniya..Maganda naman ang trabaho ng kaibigan ko pero nakakahiya dahil nakaka istorbo na ako sa kaniya dagdag pa ako sa mga gastusin niya dito sa bahay."Tulala ka na naman diyan" tumabi siya sa akin sa sofa.Sa sobrang lalim nang iniisip ko hindi ko namalayan na nakauwi na pala siya"Pwede mong ilabas sa akin yan Lorraine you know im here to listen"Tipid akong ngumiti sa kaniya"Masyado na akong nakakaabala sayo tapos ayaw mo pang tanggapin yung pera binibigay ko"Ngumiwi siya sa sinabi ko"Yun ba yung iniisip mo?""Gusto ko din maghanap ng trabaho at magpakalayo layo muna" I look at her"Gusto kong makalimot Joanna"Nagbabadya na naman ang mga luha sa mga mata ko Walang araw na hindi ako umiiyak sa tuwing maalala ko ang mga nangyare sakin lalo na ang pagkawala ng anak koHuminga ng malalim si Joanna"Pa
"Tommy answer my question.. you're having an affair!!?"Galit na tanong ng Daddy niya,"Y—yes Dad, but, but tinapos ko na yon""What the hell Tommy!!" Sigaw ng Daddy niya"And you know all of this iha?"Hindi ako kumibo all of a sudden bigla akong napagod sa lahat, ang laman lang ng isip ko ay ang anak ko.'My poor baby'Hindi man lang nabigyan ng chance masilayan ang mundo.Humiga ako at tinalikuran sila, wala naman akong magagawa, wala na ang anak ko.. wala na ang nagbibigay ng pag asa at kasiyahan sa akin.. Siya na lang sana, kahit siya na lang pinagkait pa sa akin..Napaka unfair ng buhay."Lorraine" that was the voice of my husband.Akala ko magiging okay na lahatAkala ko magiging masaya na ako dahil sa wakas tanggap at mahal niya na ako.Pero isang malaking kasinungalingan ang lahat."Umalis ka na, umalis na kayo.. gusto kong mapag isa""Let me stay love"Napapikit ako ng mariin, ang kapal ng mukha niya."Ayokong nandito ka, please Tommy umalis na kayo!!!"And i started to cry
Pagkauwi ko ay natanaw ko na ang sasakyan ni Tommy, Mukhang maaga nakauwi ang asawa ko.Pero ang ipinagtaka ko ay meron pang isang sasakyan na nakaparada sunod lang sa sasakyan ni Tommy. Ngayon ko lang nakita ang sasakyan na yonO baka may bisita si Tommy?Nagmadali akong makapasok sa bahay nakakahiya at wala ako doon, baka wala pang pagkain."Arriane,enough! umuwi ka na dahil baka pauwi na si Lorraine"Narinig ko ang boses ni Tommy nang makapasok ako sa bahay.I froze as i heard the name of that woman!"Oh she's here"Nakita ko silang parehong nakatayo at sabay na napatingin sa akin.."Lorraine" Madaling naglakad papalapit sa akin si Tommy."I'll explain everything""Explain mo na din kung ano ang pinag uusapan natin""Enough!!"Napatalon ako sa gulat dahil sa lakas ng sigaw niya."A—anong bang nangyayare?" Palipat lipat ang tingin ko sa kanilang dalawa,Si Arriane ay nakangisi habang si Tommy ay hindi na maipinta ang mukha dahil kita ko sa kaniya ang takot.Ano ba dapat ang ipapaliw







![I’m Yours [ Book 3- The Princess of Hilton’s family]](https://www.goodnovel.com/pcdist/src/assets/images/book/43949cad-default_cover.png)










Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
reviews