Share

Chapter 2

Flashback

Rachel's debut is coming so soon. And I was invited, of course, I am one of her bestfriends. I was invited not just as a normal guest, but as one of her 18 candles.

For a low class person like me, I was excited to attend an important, grand event like this. I have never imagined to be part of a grand event, all thanks to Rachel, she made my dream come true.

Present at active ako sa lahat nang practice para sa cotillion. Gustong-gusto ko ang pakiramdam na isinasayaw ng labing-walong lalaki. Pakiramdam ko, isa narin ako sa nagbirthday.

And today, the big day for all of us, especially to Rachel, I was crying like a fool. Hindi ako ang nagbirthday pero ako ang umiyak nang umiyak.

"Gaga!" Rachel jokingly hit me. She was all teary-eyed. "Kung makaiyak ka riyan, parang ikaw ang nagbirthday, ha?"

Napanguso ako sa sinabi niya. "Bruha ka, kaya umiiyak ako ngayon kasi hindi ako makapaniwala na matanda ka na," pagbibiro ko sa kanya.

Kaagad niya akong hinampas dahilan para magtawanan kaming tatlo.

"Sa lagay na 'yan, sinasabi niyo naring matanda na kayo. Eh, nauna pa kayong magdebut sa akin, eh. Mga bruha kayo."

Napatawa ako sa sinabi niya. "Oo nga, kaya nga maghanap ka na nang jojowain mo, matanda ka na."

"Sira! Wala pa akong oras diyan."

"Walang oras, o wala lang talagang nanligaw sa 'yo?" pang-iinis ko sa kanya.

"Gaga ka, eh, libo-libo nga yung pumipila sa kagandahan ko, eh."

"Oh? Ba't hindi ko yata alam 'yan?"

Akmang lalapitan na ako ni Rachel nang awatin na siya ni Allyson. "Oh, tama na. Rachel, 'wag nang malikot, naaabala mo yung hair stylist mo."

We're here at the dressing room. Kasalukuyan kaming inaayusan ng mga staff.

"You're done, ma'am." Napatingin ako sa salamin nang magsalita ang babaeng naka-assign sa akin. Napanganga ako.

It wasn't the first time that I wore a dress partnered with a make-up, but hell, those are nothing compared with this now. This is awesome!

"Thank you."

Ngumiti lang sa akin ang babae bago siya tumulong sa iba. Hindi naman ako nakita nina Rachel at Allyson dahil kasalukuyan silang nakapikit para sa make-up session nila.

"Teka, tapos ka na, Yang? Patingin," halatang excited na sabi ni Rachel.

Napangisi ako. "Mamaya na. Inaayusan pa kayo. Sige, labas lang muna ako."

Hindi na sila nakaangal pa nang makalabas ako ng dressing room. Naglakad-lakad ako sa buong bahay hanggang sa mapadpad ako sa main hall kung saan gaganapin ang event. Halos nakanganga ako habang nakatingin sa buong paligid.

This is... This is magnificient!

All the flowers, balloons, chairs, tables, cakes and all stuffs here are colored peach partnered with fuchsia pink that makes it more awesome.

"W-Wow," tanging nasabi ko habang nakatingin sa buong paligid. Bumaba ako ng hagdan at nakitang abala ang lahat sa pag-aayos. Unti-unti naring nagsidatingan ang mga bisita.

Nang magsawa na ako, no, not totally loathed with the surrounding, I don't think I can be loathed. Umakyat ako pabalik sa dressing room, only to see a princess look alike.

"Wow," tanging nasabi ko kina Rachel at Allyson. "Who's these two princesses here? I hope you two won't mind if I ask your names," pagbibiro ko sa kanilang dalawa na ikinatawa lang nila.

"Wow, nagmumukha kang tibo sa lagay na 'yan, Yang." Napatawa si Rachel. She then flips her hair. "Well, I can't blame you, maganda talaga kami."

Bahagya akong napangiwi sa sinabi niya. "Kahit maging tibo ako, hindi ako magkakagusto sa 'yo."

Malakas kaming napatawa ni Ally nang sumimangot siya. Tumalikod siya sa akin. Aba, himala at hindi nagalit. Nagtampo nga lang.

Lumapit ako sa kanya at niyakap siya mula sa likuran. "Joke lang. Siyempre, ikaw ang pinakamagandang babaeng nakilala ko maliban kay Allyson. Mahal ka namin." I was in a sweet voice while saying that words, and I was sincere.

Napangiwi si Allyson. "Ang corny, pero sige, pasali."

"Group hug!"

Maya-maya lang ay tinawag na kami ng staff, magsisimula na raw ang event. Nagpaalam lang kami kay Rachel dahil siya yung maiiwan dito.

"Happy birthday ulit girl, wala munang gaga at bruha since birthday mo ngayon."

Napatawa sila sa sinabi ko. Sabay kaming lumabas ni Allyson para pumunta na sa baba.

"Good evening, ladies and gentlemen!" masiglang panimula ng emcee. It was Jake, but since he's gay, he wanted us to call him Jane, para raw babaeng-babae. "Davis family wanted to tell all of you here how grateful they are, knowing y'all attended in their daughter's most awaited and special day inspite of all the hectic schedules."

Marami pang sinabi si tita Jane. Hindi na ako nakinig pa dahil abala ako sa paligid. Ang dami-daming bisita. Some of them I recognized as businessmen, some were the school staffs, our classmates and schoolmates, and also Rachel's relatives.

"And tonight, let us all witness the unica hija of Davis family, Ms. Rachel Anne Davis!"

Malakas na nagsipalakpakan ang lahat nang dahan-dahang bumaba sa mahabang hagdan si Rachel. I dreamily look at her. She's like a princess in her peach gown, walking her way down.

"Wow, you're really a goddess, inaanak, huh? Siyempre, sa'n pa ba magmamana kundi sa 'kin lang din," pagbibiro ng emcee na si tita Jane.

Napatawa ang lahat sa sinabi ni tita Jane. Rachel smiled, too. I can sense she says her gratitude to tita Jane.

The event goes on. Rachel says her gratitude to all of us, who attended this night.

"And now, for the highlight of this event, here comes the dance of 18 roses and 18 candles together with the debutant and her escort."

Nagsipalakpakan ang lahat. Malakas na kumabog ang dibdib ko sa magkahalong kaba at excitement. Pumikit ako at huminga nang malalim para pakalmahin ang sarili ko.

Napamulat ako ng mata nang may marinig akong tawa. Napasimangot ako. It was Allyson who laughed at me.

"Tara na. 'Wag kang kabahan. Maliit na bagay lang 'to." Kinindatan niya ako.

Napangisi ako sa sinabi niya bago ako tumayo. Pumunta ako sa pwesto ko. Nang magsimulang tumugtog ang musika, pakiramdam ko, nawala lahat nang kaba ko. The song is Rewrite the Stars by Zac Efron, Zendaya. Sumasayaw kami sa gabay ng tugtog, wala itong liriko. Kumbaga, violin style ang music.

Nakangiti ang lahat matapos ang sayaw. It was great, showing in front of many people.

The event goes on and on hanggang sa oras na para hipan ni Rachel yung candle niya. We all sing a happy birthday song while she was closing her eyes to make a wish.

"Happy birthday, Rachel!" sigaw namin kasabay n'on ang pag-ihip niya sa kandila.

Tumakbo siya sa stage. "And now, it's time to eat!" Nagsigawan ang lahat. Tumingin siya sa buong paligid, tila may hinahanap. "Hey you, cousin! Since tapos ka nang kumain diyan..." patiuna ni Rachel, naroon ang pagiging mapaglaro sa boses.

Nagtawanan ang lahat. Tumingin ako sa tinitingnan nila. Napabusangot ako nang hindi ko masyadong makita ang lalaki mula sa pwesto ko.

"Kantahan mo kami," dagdag ni Rachel sa naunang sinabi.

Nagsigawan na naman ang mga tao. Waiters started serving the foods kaya natuon na ang atensyon ko roon.

Napatingin ako saglit sa stage nang may umakyat na apat na lalaki at isang babae roon. They're all busy setting their own instruments.

Napatingin ako sa mesa nang may inilagay na mga pagkain doon. Nginitian ko ang waiter.

"Thank you," I say my gratitude.

Yumuko lang siya sa akin bago siya umalis. Wow, parang prinsesa lang ang peg.

Napatingin akong muli sa stage nang magsimulang tumunog ang piano.

"Hey..."

Napanganga ako ng kaunti sa lamig at lumanay ng boses ng babae. Ang galing niya.

Yumuko ako saglit para kumain nang bigla na lamang bumilis ang tibok ng puso ko nang marinig ko ang boses nang lalaki.

"You know I want you..."

Kaagad akong napatingin sa stage. He was holding his mic while staring at us. Nakangiti siya habang nakatingin sa lahat.

The song goes on, and I saw him closing his eyes while singing the song.

"Rhea..."

Habang nanonood sa kanya, kahit ang ingay-ingay ng paligid, malinaw kong napapakinggan ang boses niya.

"Gaga!" Natauhan ako nang may bigla na lamang bumatok sa akin. It was Rachel. Sinamaan ko siya ng tingin. Napanganga naman siya. "Aba, nakakita lang ng guwapo, nagsusungit ka na." Ngumisi siya. "Gusto mo yung pinsan ko, 'no?"

Napakurap-kurap ako sa sinabi niya. Bahagya pa akong namula dahilan para mapaiwas ako nang tingin sa kanya.

"A-Ano bang pinagsasabi mo riyan?"

Mas lalong lumapad ang ngisi niya. "Nauutal, umiiwas nang tingin at nagsusungit, aba, complete ka, huh? Symptoms 'yan nang taong nagsisinungaling at kinikilig."

Tiningnan ko si Allyson para sana humingi ng tulong, pero nakita ko siyang pangisi-ngisi sa akin dahilan para mas lalo akong mapabusangot. Pinagtutulungan ako!

Hindi ko nalang sila pinansin at tumingin na sa stage.

"So who can stop me if I decide that you're my destiny..."

Bahagya akong natigilan at pakiramdam ko, tumigil ako sa paghinga nang bigla na lamang nagmulat ng mata ang lalaki at deritsong napatingin sa akin. Tumingin ako sa likuran ko at nakitang mga businessman na yung mga naroon. Tumingin akong muli sa kanya at nakitang nakabaling na siya sa iba. Hindi ko alam kung assuming lang ako pero pakiramdam ko, ako ang tiningnan niya kanina.

Akmang babawiin ko na ang paningin ko sa kanya nang tumingin na naman siya sa gawi ko.

"It's up to you, and it's up to me... No one can say what we get to be... So why don't we rewrite the stars... Maybe the world could be ours... tonight..."

Halos napakurap-kurap ako nang kantahin niya ang nga katagang iyon nang sa akin lang nakatingin.

Did he really stared at me while singing those lines? Or I was just being assuming? What is it, no one can tell what it is.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status