Share

CHAPTER 26: TIME

Ngayong araw ang libing ni Ion. Hindi umiiyak si Irene pero malakas amg kutob at pakiramdam ko na, tinatago niya lang sa akin ang kalungkutan niya. Panay ang tawa niya na ikinatakot ko na ng husto.

Nakikipagkwentuhan siya sa mga madre na parang isang normal na araw lang ngayon. Mas kinababahala ko pa ang pagtawa niya kaysa sa pag-iyak.

Kinalabit ko ang pinsan ni Ynigo para makapagtanong. Hindi talaga ako mapalagay sa nangyayari sa bata. "Kyla, okay lang ba talaga si Irene?"

Napakamot sa ulo ang babae saka ako sinimangutan. "Mukhang hindi siya maayos, Denice. Mahiyaing bata iyan si Irene. Hindi nga madalas makipag-usap sa akin eh. Bibihirang humarap sa tao. Ngayon lang iyan naging ganyan."

Ganoon din ang pagkakakilala ko sa bata kaya ako kinakabahan. Mas gusto kong ilabas niya ang totoong nararamdaman niya kaysa itago iyon sa tawa, ngiti at mga masasayang kwento na sinasabi niya sa mga taong kausap niya nga

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status