The coldness was spreading through my skin as I wrapped myself with the blanket across the room. I couldn't help but shivered my body from the sensation yet still manage to let out buds of sweats dripping through my forehead. Ano'ng nangyayari sa akin? Why am I suddenly having chills? May narinig akong kaluskos sa paligid ngunit hindi ko na inabala pang imulat ang mga mata ko. Bukod sa nanghihina ako ay mas gusto ko na lang magpahinga dahil sa sakit ng buong katawan ko. "Manang..." bulong na pagtawag ko. "It's cold," I continued.I know it's her. Siya lang naman palagi ang nand'yan tuwing nagkakasakit ako.Wala pang ilang segundo ay naramdaman ko ang pagdagdag ng blanket na nakabalot sa akin. Akala ko ay sasapat na iyon para mabigyan ako ng init ngunit patuloy pa rin akong nanlalamig. I was trembling and mimicking Manang's name. Pakiramdam ko ay wala na ako sa aking sarili. Mayamaya pa ay umangat ang mga blanket mula sa aking katawan. Kasunod niyon ang paglubog ng kama at mahigpit
"How did you convince, Mr. Revelar?" my father asked on the phone.Napahinga na lamang ako nang malalim at saka inayos ang suot kong peplum dress. "I told you, Dad. Nag-offer lang ako na maging assistant niya paminsan-minsan," pagsisinungaling ko.Hindi naman siya agad nagsalita sa kabilang linya. Alam kong hindi niya tinatanggap ang palusot ko, pinagdadasal ko na lang na sana hindi na niya pilitin na alamin. Mayamaya pa ay narinig ko ang kanyang pagbuntonghininga. "Are you sure you want to do this, Khrystal?" seryoso niyang tanong sa akin.I bit my lower lip and nodded, it was as if he's in front of me. "Huwag kang mag-alala, Daddy. I can handle this," pagpapagaan ko sa loob niya.Sandali ko pang pinasadahan ng tingin ang sarili ko sa salamin habang hawak sa bandang tainga ko ang aking telepono."Okay," pagsuko niya. "Anyway, how's your apartment? I was not informed that your mom took an apartment instead of a condo for you."Tipid naman akong ngumiti. Hanggang ngayon ay naninibago
"M-Mr. Revelar..." kabado kong sambit habang pumapasok kami sa condo unit niya. "M-my car... naiwan," alanganin kong patuloy.Hindi naman siya sumagot at sinamaan lamang ako ng tingin."Does it still hurt?" he asked flatly.Wala sa sariling napaangat ang kilay ko sa pagtataka sa kung anong tinutukoy niya. Iyong paa ko ba?He lazily ran his fingers through his hair and tilted his gaze down to my...Eh?Pinamulahan ako ng mukha nang mapagtanto ang tanong niya. He's asking for my cherry's condition!Napalunok ako at nalilito sa kung ano'ng isasagot. Should I lie?Pero bago pa man ako nakaimik ay mabilis siyang lumapit sa akin at pinangko ako gamit ang matitipuno niyang braso. "K-Kagagaling ko lang," kabado kong paalala sa kanya.Tila bingi naman siya at diretyo lamang ang lakad patungo sa kanyang silid. Sa ilang araw kong pananatili sa condo niya ay saulado ko na ang bawat sulok; ang kwarto niya na tinigilan ko, ang guest room na tinutulugan niya noon, kusina, banyo, at iba pa.I shrie
It's been a week. Gano'n katagal akong hindi tinatawagan o tine-text ni Mr. Revelar. Hindi ko alam kung bakit pero ipinagpapasalamat ko na lamang iyon. After what happened that day, I don't think I can face him properly.Sa mga nagdaan na araw na iyon ay inintindi ko na lang ang pagde-design ng iba't ibang istilo ng silid para sa hotel bukod sa paminsan-minsang pagdalaw sa site. Ibinuhos ko ang panahon ko roon dahil wala rin naman akong ibang gagawin. Tulad sa Vista Querencia ay wala rin akong kaibigan na matatawag dito sa kumpanya. Walang barkada na makakadaldalan o grupo na kinabibilangan tulad ng iba kong nakikita. Hindi man masama ang tingin nila sa akin ay iwas pa rin sila na makasalamuha ako nang nalaman na anak ako ni Daddy. Puros trabaho lang ang inilalapit nila sakaling may kailangan akong aprubahan.Nakakatawang isipin na kahit saan daanin, wala talagang may gusto na mapalapit sa akin. Kung sa Vista Querencia ay may mga lalaki pa rin na nakipagkaibigan sa akin, dito sa kumpa
Hindi ko alam kung ilang minuto na akong nakatitig sa kisame ng apartment ko. Mula nang pumasok ako sa bahay ay agad akong nagtungo sa aking kwarto at nahiga. Paulit-ulit kong inisip ang ginawa ni Agustine, ngunit kahit anong gawin ko ay hindi ko talaga alam kung bakit siya umaakto ng gano'n.Napapikit na lamang ako at napahilot sa aking sintido. "I left my car," I uttered, and shook my head. "Sino naman kasi ang taong susundo sa gitna ng trabaho? I mean, it should be done after work!" I talked to myself.Sa halip na magpakabaliw sa pag-iisip ay iwinaksi ko na lang 'yon sa aking utak. Masyadong mahalaga ang oras ko para lang aksayahin sa kanya. Sandali akong nagpahinga at saka ginawa ng normal kong gawain sa araw-araw; naglinis ng sarili, nagbihis, nagluto, kumain, at iba pa. Kinagabihan, habang naghahanda sa aking pagtulog ay bigla na lamang pumasok ang isang ideya sa utak ko na nakapanindig ng aking mga balahibo.No, it's impossible.Hindi niya naman ako crush, 'no?I cringed. "Kun
"Ms. Dagsinal."I heaved out a deep breath. Hindi ko mabilang kung ilang beses na niya ako tinawag mula nang pumasok kami sa bagong gawa niyang opisina. Magtimpla ng kape, mag-stapler ng papeles, mag-xerox, at marami pang iba. Nag-Architect pa ako. Magiging alila rin pala ako sa huli, tsk!On the other hand, I felt relieved. Mas kampante ako sa maya't maya na pag-uutos niya kaysa sa milagrong pagbabago ng pakikitungo niya. Sa ganitong paraan kasi ay alam ko kung bakit niya ako pinahihirapan—'though it's really not that hard—dahil nga sa nagawa ko sa kanya. Pero 'yong biglang pagbait ng pakikitungo niya sa akin, iyon ang mahirap spelling-in. Yes, it's weird. But I am more comfortable with this. Kapag kasi mabait siya o hindi nagsusuplado pakiramdam ko ay kinakapos ako ng hininga. Mabilis ang bawat pagpintig ng puso ko at kulang na lamang ay magwala ang lamang loob ko sa tiyan kapag kakaiba ang trato niya sa akin. It's kinda... scary. Tumayo ako sa gilid ng opisina kung saan nandoon
We ate silently. Until now, prinoproseso ko pa rin ang nangyayari. "You're still doubting?" he broke the silence.Napaangat ako ng paningin sa kanya. Sandali kong nilunok ang pagkain sa bibig ko at tumikhim. "Can you blame me?" I shot another question instead of answering.He slowly licked his lower lip. "Then try me," hamon niya."By you, not fvcking me?" I raised an eyebrow.He nodded. Hindi ko tuloy naiwasan na tumawa. "Of course it's an easy option for you," I stated. "As if you can't bed another woman to satisfy your needs, Mr. Revelar." I smirked."What we are talking right now is about us, Dagsinal. To prove my sincerity, I won't touch you," he pointed out. "But as for your statement, if that can reduce your anger towards me, then I will not bed another woman." Napatiim-bagang ako habang nakatitig sa kanya. Is he serious?"What made you change?" direktang tanong ko at sumimsim ng wine. "And why are you doing this?" I added."To be your friend?" he answered.I was caught of
I don't how did it happen, but I just find myself getting close with Agustine. Madalas kaming mag-lunch nang magkasama, nag-uusap nang maayos, nagngingitian, at iba pa. True to his words, he never brought up about that fvck role thing. Sa trabaho, hindi katulad noon na halos maging sekretarya ako. Ngayon ay hinahayaan niya akong magdisenyo ng mga silid, landscapes, o ano pa. Minsan ay hinihingian niya rin ako ng mga suhestyon sa ginagawang hotel. I could say that for the past few days, we're really business partners slash friends. "Are you free this evening?" Agustine asked when I was about to put my seatbelt.Kagagaling lang namin sa site para tingnan ang ginagawang hotel. So far, maayos naman at walang problemang kinakaharap ang proyekto. I glanced at him. "Hmm. Kinda?" I answered and continued to settle on my seat."Wanna eat at my place?" kagat-labing bulong niya, nakatingin sa unahan habang paminsan-minsang tinatapik ang manibela gamit ang kanyang daliri.Hindi ko napigilan na