Share

Chapter 125

Author: SKYGOODNOVEL
last update publish date: 2026-05-15 22:51:12

Chapter 125

Ilang segundo lang ang lumipas matapos naming mag-order ay may kumatok agad sa pintuan ng suite.

Napatingin kami pareho ni Zahra sa isa’t isa.

“Ang bilis ah,” sabi niya habang tumatayo.

Napatawa ako nang mahina. “Five-star service daw.”

Mabilis siyang naglakad papunta sa pinto habang ako naman ay inayos ang mga nakakalat naming gamit sa kama.

Pagkabukas niya ng pinto, bumungad agad ang isang hotel staff na may dalang food cart.

“Good evening, ma’ams,” magalang nitong bati sa
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Bawal Na Tadhana: I'm Obsessed With My Ninang Ruth (SPG)   Chapter 125

    Chapter 125 Ilang segundo lang ang lumipas matapos naming mag-order ay may kumatok agad sa pintuan ng suite. Napatingin kami pareho ni Zahra sa isa’t isa. “Ang bilis ah,” sabi niya habang tumatayo. Napatawa ako nang mahina. “Five-star service daw.” Mabilis siyang naglakad papunta sa pinto habang ako naman ay inayos ang mga nakakalat naming gamit sa kama. Pagkabukas niya ng pinto, bumungad agad ang isang hotel staff na may dalang food cart. “Good evening, ma’ams,” magalang nitong bati sa English habang nakangiti. “Your dinner has arrived.” “Wow,” bulong ni Zahra habang napapaatras para papasukin ito. “This smells amazing.” Napangiti ang staff. “I hope you enjoy your meal.” Isa-isa nitong inayos ang mga pagkain sa dining table ng suite. Mainit na steak. Creamy pasta. Soup. Fresh bread. At ilang desserts na mukhang sobrang sarap kahit tinitingnan pa lang. Pakiramdam ko tuloy mas lalo akong nagutom. “Thank you,” sabi ko habang lumalapit sa table. “You’re welcome, ma’am,” m

  • Bawal Na Tadhana: I'm Obsessed With My Ninang Ruth (SPG)   Chapter 124

    Chapter 124 Pagdating namin sa hotel, agad akong napatingin sa napakataas na building sa harap namin. Glass walls. Elegant lights. At modernong design na agad nagbibigay ng mamahaling aura. “Okay…” mahina kong sabi habang bumababa ng sasakyan. “Mukhang hindi biro ang hotel na ‘to.” Nakangisi namang bumaba si Zahra. “Told you.” Pagpasok pa lang namin sa lobby, halos mapahinto ako sa ganda ng interior. Napakalawak ng lugar. May malaking crystal chandelier sa gitna habang ang marble floor ay kumikislap sa linis. Tahimik at classy ang atmosphere. Hindi maingay kahit maraming guests. At lahat ng staff ay magalang na bumabati habang dumadaan kami. “This is insane,” bulong ni Zahra habang paikot-ikot ang tingin. Napangiti ako nang bahagya. Hindi ko rin maikakaila… impressive talaga. Pagkatapos ng mabilis na check-in, sinamahan kami ng isang hotel staff papunta sa suite namin. Habang nasa elevator kami, maayos nitong ipinaliwanag ang services ng hotel at ang schedule ng hous

  • Bawal Na Tadhana: I'm Obsessed With My Ninang Ruth (SPG)   Chapter 123

    Chapter 123 Habang nasa himpapawid kami, hindi ko maiwasang mapatingin sa malawak na tanawin mula sa bintana ng eroplano. Sa taas na iyon, parang napakaliit ng mundo. Ang mga ilaw ng siyudad ay unti-unting nagmistulang maliliit na bituin sa ibaba habang ang mga ulap naman ay tila dagat na walang hanggan. Tahimik akong napasandal sa upuan habang pinagmamasdan ang dilim at liwanag na naghahalo sa kalangitan. Minsan talaga… parang buhay lang ang paglalakbay sa himpapawid. May mga parte na kalmado. May mga parte na magulo at puno ng turbulence. Pero kahit gaano kalakas ang pagyanig ng eroplano, hindi ibig sabihin no’n ay hindi na ito makakarating sa destinasyon nito. Dahil minsan, kailangan mong pagdaanan ang magulong ulap bago mo muling makita ang malinaw na langit. Napabuntong-hininga ako sa sarili kong iniisip. Siguro ganoon din kami ni Ace. Marami kaming dinaanang bagyo. Maraming maling desisyon at lalong maraming taong humusga sa amin. Pero sa kabila no’n. Pero, bakit para

  • Bawal Na Tadhana: I'm Obsessed With My Ninang Ruth (SPG)   Chapter 122

    Chapter 122 Pagsapit ng Linggo, maaga pa lang ay nasa airport na kami ni Zahra. Tahimik akong nakaupo sa waiting area habang hawak ang boarding pass at nakatanaw sa malalaking salamin ng paliparan. Busy ang paligid. May mga taong nagmamadaling humabol sa flight. May mga pamilyang nagpapaalaman. At may mga batang excited sa biyahe. Pero kahit maingay ang buong airport… parang ang tahimik ng isip ko. O baka… masyado lang akong maraming iniisip. “Stop overthinking.” Napalingon ako kay Zahra na ngayon ay may hawak nang dalawang coffee cups. Isa roon ay agad niyang inabot sa akin. “Halata ba?” tanong ko habang tinatanggap iyon. “Very.” Umupo siya sa tabi ko. “Parang iiwan mo ang anak mo for ten years.” Napabuntong-hininga ako. “First time ko kasi.” Alam niyang si Gab ang tinutukoy ko. Mula nang ipanganak ko si Gab, hindi pa kami nagkakahiwalay nang ganito katagal. One month. Napakahaba no’n para sa isang ina. “Relax,” sabi ni Zahra habang umiinom ng kape. “Kasama niya si

  • Bawal Na Tadhana: I'm Obsessed With My Ninang Ruth (SPG)   Chapter 121

    Chapter 121 “Ruth, bilang isang kaibigan…” seryoso nitong sabi habang nakasandal sa upuan. “What if he proposes to you?” Napakurap ako. “H-Huh?” halos mabulol kong sagot. “What propose do you mean?” Tinaasan niya ako ng kilay na parang obvious naman ang tinutukoy niya. “A marriage proposal,” diretsahan niyang sabi. Pakiramdam ko biglang nag-init ang buong mukha ko. “Zahra!” “Ano?” natatawa niyang sagot. “Impossible ba?” Napailing ako agad habang pilit bumabalik sa trabaho. “Hindi mo ba naririnig sarili mo?” “Actually, yes. And I sound smart.” Napabuntong-hininga ako saka ibinagsak ang ballpen sa mesa. “Walang ganoon.” “Talaga?” Tinaasan niya ako ng kilay. “Kasi kung paano tumingin si Ace sa’yo ngayon? Girl, isang tuhod na lang kulang.” Napaiwas ako agad ng tingin. Nakakainis dahil may parte sa akin na gustong kontrahin siya. Pero may parte rin na natatakot… dahil paano kung tama siya? “Hindi ganoon kadali,” mahina kong sabi. Bahagyang naging seryoso ang mukha ni Zah

  • Bawal Na Tadhana: I'm Obsessed With My Ninang Ruth (SPG)   Chapter 120

    Chapter 120 Akala ko ay tapos na ang usapan namin. Akala ko magpapaalam na siya pagkatapos naming pag-usapan si Gab. Pero bigla siyang muling nagsalita. “And when you come back…” mahinahon niyang sabi. “Papabinyagan natin ang triplets. Kailangan andito ka na.” Natigilan ako. Napahigpit ang hawak ko sa phone habang nakatingin lang sa mga papel sa harap ko. Bakit kailangan niya pa akong hintayin? Pwede naman niyang gawin iyon kahit wala ako. May pamilya siya. May mga taong puwedeng nandoon para sa mga bata. Pero bakit parang mahalaga para sa kanya na present ako? Nais kong itanong iyon. Gusto kong malaman kung ano bang ibig sabihin no’n para sa kanya. Pero bago pa ako makapagsalita… ibang sagot ang kusang lumabas sa bibig ko. “Okay,” mahina kong sabi. “I’ll be there.” Tahimik ang kabilang linya. At kahit hindi ko siya nakikita… parang ramdam kong ngumiti siya. “Good,” sagot niya nang mahina. Biglang sumingit si Gab sa background. “Mommy! Ikaw magi

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status