LOGINChapter 3
Tahimik lang siya nang ilang segundo, nakapikit, parang pinipigilan ang sariling lumuha. Pagkatapos ay marahan siyang nagsalita, halos pabulong, parang batang humihingi ng tulong. “Okay… I understand,” mahina niyang sabi. “But can you… hug me until I sleep?” Napatingin ako sa kanya. Ang mga mata niya ay pagod, puno ng kirot, at may bahid ng takot na muling mag-isa. Hindi ko alam kung anong pwersa ang nagtulak sa akin, pero bago ko pa napigilan ang sarili ko, marahan kong inalalayan siya pahiga. Lumapit ako, dahan-dahan, at inilapit ang braso ko sa kanya. At nang tuluyan kong yakapin siya— parang sumabog ang lahat ng ingay sa utak ko. Mainit ang katawan niya, marahan ang paghinga, at sa bawat galaw niya ay naramdaman kong unti-unti siyang kumakalma. “Thank you, Fire…” mahina niyang bulong. “You make me feel safe.” Napapikit ako. Kung alam mo lang, Ninang… hindi ko dapat ginagawa ‘to. Pero sa sandaling ‘to, wala na akong lakas tumanggi. Hinaplos ko ang buhok niya, marahan, habang unti-unti siyang nakatulog sa bisig ko. At sa gitna ng katahimikan ng gabi, habang hawak ko siya, isang pangako ang tahimik kong binitawan. Kahit bawal… ako ang magbabantay sa’yo. Pero sadyang napadaig ako sa sarili kong damdamin. Habang nakayakap ako kay Ninang Ruth, ramdam ko ang bawat tibok ng puso niya — kalmado, mapayapa, habang ang sa akin ay nagwawala. Gusto ko siyang protektahan. Gusto kong manatili lang siyang ligtas sa mga bisig ko. Pero sa loob-loob ko, may boses na paulit-ulit na bumubulong ng kasalanan. Hindi mo siya dapat mahalin. Nais ko siyang angkinin… pero hindi ko kaya. Hindi ko dapat. Naglalaban ang isip at puso ko hanggang sa naramdaman kong hindi na ako makahinga sa bigat ng emosyon. Dahan-dahan akong gumalaw, marahan kong inalis ang kamay kong nakayakap sa kanya. Ayokong magising siya. Ayokong makita niyang natatalo na ako sa sarili kong damdamin. Tumayo ako at tahimik na lumakad papunta sa banyo. Pagkapasok ko, saka ko lang napansin kung gaano kainit ang katawan ko — hindi dahil sa pagnanasa, kundi sa matinding pagpipigil. Sinandal ko ang kamay ko sa lababo at tumitig sa sarili kong repleksyon. She’s my Ninang. She’s off-limits. Pero bakit, sa tuwing nakikita ko siyang nasasaktan… ako ang unang gustong sumalo sa kanya? Pinikit ko ang mga mata ko, pilit pinapakalma ang sarili. Hindi ko alam kung hanggang kailan ko kakayanin ‘to. Pero isang bagay ang sigurado, kapag nagpatuloy pa ako, baka hindi ko na mapigilan ang sarili ko. Agad kong binuksan ang shower. Malamig ang tubig na bumuhos mula sa itaas, at sa bawat patak ay parang sinusunog nito ang apoy na kanina pa kumakain sa loob ko. Tinanggal ko ang mga basang tela na nakakapit sa balat ko, hindi para magpakasaya—kundi para makalimot. Gusto kong mawala ang init na kanina pa nagliliyab sa dibdib ko, ang kasalanang pilit kong nilalabanan. Habang dumadaloy ang tubig sa mukha ko, pumikit ako at pilit na pinapakalma ang puso kong tumitibok pa rin sa pangalan niya. Ruth… Bakit ikaw pa? Gusto kong manahimik, pero kahit sa lamig ng tubig, ang katawan ko ay nananatiling gising— at ang damdamin kong pinipigilan, lalo lang lumalalim. Biglang bumukas ang pinto ng banyo. Mabilis akong napalingon, at doon ko siya nakita— si Ninang Ruth. Mahina pa ang kilos niya, halatang lasing. Nakayuko, nakahawak pa sa pinto, at tila hindi man lang namalayan na may ibang tao sa loob. “R–Ruth…” Napalunok ako, hindi alam kung aalis o lalapit. Dahil sa kalasingan, para bang wala siyang pakialam sa paligid. Agad kong iniwas ang tingin at lumapit sa gilid, pilit pinipigilan ang tibok ng puso kong bumibilis. Hindi ko alam kung hiya o kaba ang nangingibabaw, pero ramdam ko ang tensyon sa pagitan naming dalawa. Isang maling galaw lang… at siguradong may mangyayaring hindi na dapat mangyari. Agad kong inabot ang towel at itinali iyon sa bewang ko. Gusto kong umiwas, gusto kong lumabas bago pa ako tuluyang lamunin ng sitwasyon. Ngunit bago pa man ako makalayo, narinig ko ang mahina ngunit basag na tinig ni Ruth. “Kapalit-palit ba ako? Pangit ba ako? Hindi ba ako magaling?” Napahinto ako. Ang bawat salitang binitawan niya, parang mga karayom na tumusok sa dibdib ko. “Anong meron siya na wala ako? Ginawa ko naman lahat para sa kanya. Kahit mga magulang ko, kinalaban ko… pinili ko siya. Pero ito pala ang kapalit?” Umiyak siya, hindi na mapigilan ang mga hikbi. Ramdam ko ang bigat ng bawat patak ng luha niya— ang sakit, ang pagkadurog, ang kababaihang hindi na pinahalagahan. Gusto kong lapitan siya. Gusto kong yakapin, patahanin, iparamdam na may taong handang pahalagahan siya… Ako ‘yon. Pero paano kung malaman niyang ako si Ace— ang anak-anakan niya sa binyag? Paano kung sa halip na yakap, galit ang iganti niya? Kaya nanatili akong tahimik. Nakatingin sa kanya mula sa salamin, habang pinipigilan ang sariling hindi tuluyang masawi sa kasalanang tinatawag na pag-ibig sa bawal. “Mga puta silang dalawa! Mga demonyo!" Napasigaw si Ruth habang nakatingin sa kawalan, luhaang nakasandal sa pader. “Best friend ko pa! Tinatrydor nila ako! Niloko nila ako patalikod!” Walang tunog ang paligid maliban sa boses niyang basag at puno ng hinanakit. Ako naman—nanatiling tahimik. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong sabihin. Ang tanging nagawa ko lang ay ang titigan siya habang unti-unting nababasag sa harapan ko ang babaeng matagal kong iniidolo. Huminga siya nang malalim, saka ako tinitigan ng diretso sa mata. Ang mga mata niyang dati ay puno ng liwanag, ngayon ay puno ng luha at pagod. “Tell me, Fire…” Mahina, halos pabulong niyang tanong. “Hindi ba ako ‘yung tipong babae na kaya pang mahalin?” Parang may kumurot sa puso ko. Kung alam lang niya kung gaano ko siya kamahal. Kung alam lang niya na sa mga mata ko, siya ang babaeng hindi kailanman pwedeng palitan ng kahit sino. Pero hindi ko puwedeng sabihin. Hindi pa ngayon. Kaya ngumiti lang ako, pilit na kalmado kahit ang puso ko’y gumuho. At sa pagitan ng katahimikan, isa lang ang sigaw ng isip ko. “Kung pwede lang, Ruth… sana ako na lang.”Chapter 25 Ruth POV Hindi ko alam kung kailan nagsimulang bumigat ang dibdib ko—kung noong narinig ko ang boses ng mga magulang niya sa telepono, o kung noong binanggit ang salitang pagkakanulo kahit hindi iyon direktang sinabi. Basta ang alam ko, may kirot na hindi nawawala. Tahimik akong nakaupo sa gilid ng kama habang hawak niya ang cellphone, habang sinasalubong niya ang galit na ako ang ugat. Hindi ko kailangang marinig ang buong usapan para maintindihan ang bigat ng sitwasyon. Kilala ko ang mga magulang niya. Alam ko kung gaano nila ako pinagkakatiwalaan. Itinuring nila akong pamilya. At sinira ko iyon. Ako ang mas matanda. Ako ang dapat umiwas. Ako ang dapat unang tumigil. Nang ibaba niya ang tawag, nakita ko ang pilit niyang tatag—pero kilala ko na siya. Sa likod ng matapang na anyo niya, may batang nasasaktan dahil sa pagitan ng pagmamahal at pamilya. Lumalapit siya sa akin, pero umatras ang loob ko. “Ace…” mahina kong sabi, puno ng bigat. “Kasalanan ko ’to.” Napa
Chapter 24 Lumipas ang dalawang buwan—dalawang buwang halos hindi ko namalayan ang pagdaan ng oras. Araw-araw kaming magkasama, at sa bawat paggising ko sa Milan, may isang dahilan akong ngumiti. Kasama ko si Ruth. Hindi man palaging engrande ang mga sandali, sapat na ang mga simpleng bagay—ang sabay na pag-inom ng kape tuwing umaga, ang paglalakad nang walang direksyon sa mga kalsadang kabisado na namin, ang tahimik na pag-upo sa gilid ng kanal habang pinapanood ang paglubog ng araw. Sa bawat sandali, mas nakikilala ko siya—hindi bilang Ninang, hindi bilang babaeng may sugat mula sa nakaraan—kundi bilang Ruth, ang babaeng marunong magmahal at mas lalong marunong lumaban para sa sarili. Masaya ako. Tunay. Sa Milan, natutunan naming maging normal—walang mata ng mundong nakamasid, walang bulong ng nakaraan. Dalawa lang kaming humaharap sa kasalukuyan. At sa bawat araw na lumilipas, mas tumitibay ang loob ko na piliin siya, kahit alam kong darating ang panahong kailangan naming buma
Chapter 23 “Bawal na tadhana, sabi nga nila,” mahina pero matatag kong sabi. “Pero ang bawal na ’yon… kaya kong suungin, maangkin ko lang ang babaeng mahal ko.” Tumingin ako sa kanya, walang pag-aalinlangan. “At ikaw ’yon, Ruth.” Bago pa siya makapagsalita, hinila ko siya palapit sa akin—hindi marahas, kundi puno ng damdaming matagal kong kinimkim—at hinalikan ko siya sa labi. Isang halik na walang paghingi ng paumanhin, tapat at buo. Akala ko itutulak niya ako. Pero sa halip, tinugon niya ang halik ko. Sa sandaling iyon, parang naglaho ang lahat ng alinlangan. Walang edad. Walang takot. Walang bawal. Tanging dalawang pusong sabay na pumipintig sa parehong ritmo. Ilang minuto ang lumipas—o marahil ilang segundo lang—nang maghiwalay ang mga labi namin. Nanatili kaming magkalapit, magkadikit ang noo, parehong humihingal, parehong nanginginig. “Ace…” pabulong niyang sambit, halos idinikit ang noo niya sa akin na parang takot na maputol ang sandali. “Hindi kita bibitawan,”
Chapter 22 Huminto ako sa paglalakad. Tumigil din siya, nagtataka, saka humarap sa akin. “Ruth, may sasabihin ako sa’yo,” seryoso kong sabi. Hindi ko na kayang itago ang bigat sa dibdib ko. Nakita ko ang pagbabago sa mga mata niya—nag-ingat, pero hindi umatras. “Ano ’yon?” mahinahon niyang tanong. Huminga ako nang malalim. Isang beses. Dalawa. Para ayusin ang sarili ko. “Hindi ako nagsasalita bilang inaanak mo,” diretsahan kong sabi. “Hindi bilang batang inalagaan mo, o taong may obligasyong magbantay.” Tumingin ako sa kanya, buong tapang. “Nagsasalita ako bilang isang lalaki… na umibig.” Tahimik ang paligid, parang sinadyang pigilin ng mundo ang ingay. Naririnig ko ang sariling tibok ng puso ko. “Hindi ko pinlano,” dugtong ko. “Hindi ko ginusto na mangyari. Pero dumating siya—ang damdaming ito—habang pinagmamasdan kitang bumabangon, habang nakikita kitang pinipiling maging matatag kahit sugatan.” Nilunok ko ang kaba. “Minahal kita, Ruth. Hindi dahil sa kung sino ka sa buhay
Chapter 21 Pumikit din ako. Sumabay ang hininga ko sa kanya, tahimik, halos nagtatago sa ingay ng paligid. Sa gitna ng mga yabag at bulungan ng mga tao, malinaw ang isang hiling sa isip ko—walang paligoy, walang pagtatanggol. Na sana… maging kami. Hindi bilang Ninang at pamangkin. Hindi bilang bantay at binabantayan. Kundi bilang dalawang taong piniling magmahal—malaya, totoo, at handang harapin ang mundo. Saglit akong nanatiling nakapikit, parang umaasang mararamdaman ko ang sagot ng tadhana sa pagitan ng tibok ng puso ko. Pagmulat ko ng mata, nakita ko siyang nakangiti—banayad, payapa, parang may nabawas na bigat sa dibdib niya. “Tapos na,” sabi niya, halos pabulong. “Anong hiniling mo?” tanong ko, kahit alam kong hindi dapat itanong. Ngumiti siya at umiling. “Secret.” Tumango ako. “Mas mabuti nga siguro.” Nagpatuloy kami sa paglalakad, magkatabi, walang humahawak—pero ramdam ko ang distansyang unti-unting lumiit. Hindi ko alam kung tutuparin ng lugar na iyon ang hiling
Chapter 20 Napatingin siya sa kanyang relo saka marahang huminga. “I have to go, Ice. May pupuntahan pa ako,” ani niya, may bahid ng pagmamadali sa boses. Hindi ako nag-atubili. “If it’s okay, I’ll go with you, Ninang.” Napatingin siya sa akin, bahagyang nagulat. “Huh, are you sure?” Tumango ako. “Yeah. Saan ba gusto mong pumunta, Ninang?” Sandali ko siyang tinitigan—hindi bilang pamangkin, hindi bilang tagapagbantay—kundi bilang isang lalaking gustong manatiling malapit. “Ahm… if it’s okay lang sa’yo,” dugtong ko, mas mahinahon, “habang andito tayo sa Milan, pwede ba kitang tawagin sa pangalan mo na Ruth?” Parang huminto ang oras. Kitang-kita ko ang pag-aalinlangan sa mukha niya—ang mabilis na pagkurap, ang bahagyang pagkagat sa labi. Para bang may pader na unti-unting gumuguho sa pagitan naming dalawa. “Ace…” mahinang sambit niya, bago tuluyang huminga nang malalim. “Sige. Ruth.” Isang simpleng salita lang iyon. Isang pahintulot. Pero para sa akin, para bang may bi







