Share

Chapter 7

Nang makarating sa resort ay dumiretso muna kami sa convention hall kung saan gaganapin ang business conference. Nagsisimula na nga ang event, at may mga kilalang personalidad na sa mundo ng business ang nagsasalita sa stage.

Nakahanap naman kami agad ni Primo ng puwesto, tapos ay magkatabing umupo. Abala ako sa pakikinig kunware sa nagsasalita kahit na wala naman akong maintindihan. Iniisip ko pa rin kasi ang mga napag-usapan namin ni Primo sa sasakyan niya.

Hindi ko talaga inakala na napakalungkot pala ng mga nangyari sa kanya. Ang dami na niyang pinagdaanan pero ngayon ay ngumingiti siya na parang ang saya lang ng lahat. Napakalakas niya.

Feeling ko kung sa akin nangyari iyon, baka hindi ko kinaya. It’s either nabaliw na ako o baka nawala agad sa mundo. Hindi ko alam. Madalas ay nadi-disappoint ako sa mga desisyong ginagawa ko, nagagalit sa sarili kasi hindi lahat ng gusto kong gawin ay nagagawa ko, laging nakabase iyon kay Dad at sa kung ano ang gusto niya.

Pero kung iisipin ay napakasuwerte ko pa rin pala kasi kahit na papaano ay may mga magulang na umantabay sa akin mula noon, at hanggang ngayon. Hindi lahat ay may pribilehiyo na mamuhay sa buhay na meron ako ngayon. Hindi lahat ay may magandang bahay. Hindi lahat ay may masarap na pagkaing naihahanda sa hapag. At hindi lahat ay may magulang na nakasama sa paglaki nila.

Being sad over things that makes us sad is a valid feelings. Kahit na gaano pa kababaw para sa iba ang dahilan ay valid pa rin ang lahat ng nararamdaman, but at the end of the day, we still have to be grateful for the things that we have.

“Lalapit ako sa ’yo at aakbayan kita,” bulong ni Primo na siyang kinagulat ko, napabalik ako bigla sa reyalidad dahil doon.

“H-Huh? Why?” kinakabahan at nalilitong tanong ko.

“Your ex-boyfriend is looking at you. Katabi niya ang girlfriend niya,” sagot niya. “Don’t look at them!” agad na sabi pa niya nang akmang titingin ako sa direksiyon na tinitignan niya.

“A-Alright,” sagot ko na lang.

Marahan kong kinagat ang ibabang labi ko nang hilain niya ang upuan niya papaapit sa akin, tapos ay inakbayan na niya ako. Pilit naman akong ngumiti na parang wala lang habang nakatingin pa rin sa lalaking nagsasalita sa entablado.

Hindi ko alam kung gaano iyon katagal, basta nang matapos ay nagsitayuan na ang lahat. Ang iba ay nanatili pa para kumain ng mga inihandang pagkain para sa event na ito. Pero ako naman ay busog pa sa sandwich na kinain namin kanina sa sasakyan.

“Magpa-book na muna kaya tayo ng hotel room? I mean, this conference is going to last for three days. Sa dami ng tao baka maubusan tayo ng kuwarto,” may halong pag-aalangang saad ko.

“Ang bilis mo naman masyado, hindi ako easy to get, ano!” pagbibiro niya.

Napanganga ako dahil sa sinabi niya pero mahina ring natawa. Na-realize ko lang din na hindi naman pala mahirap sakyan ang mga kalokohan niya, at kung hindi ako pikon ay matatawa na lang ako.

“Alam mo ikaw, ang kapal mo!” natatawang biro ko rin.

“Aliyah?” sabay kaming napalingon sa tumawag ng pangalan ko.

Bahagya pa akong natigilan nang makita si Jeric Ignacio, ang ex-boyfriend ko na may kasamang isang babae na maganda rin naman pero sadyang sumobra lang sa kapal ang makeup. Ako kasi ay purong face powder at lip tint lang, eh. Kaya na rin siguro pinagpapalit ako lagi at niloloko.

“Hey,” medyo naiilang na bati ko naman at pilit pang ngumiti.

“Who’s he, babe?” may halong lambing na tanong ni Primo sa akin, alam ko na umaarte lang siya kasi kilala naman niya si Jeric pero iyon pa ang tinanong niya.

“Uhm, Jeric, he’s an old friend,” pakilala ko. “Jeric, si Primo nga pala—”

“Fiancé,” nakangiting pakilala ni Primo at nakangiti pang naglahad ng kamay.

Muntik naman akong napanganga dahil sa sinabi niya. I mean, being his fake girlfriend is already a bit too much to take. Tapos ngayon fiancé naman daw. Nakakaloka!

“Fiancé,” sabi ni Jeric tapos ay marahan pang tumango. “This is Aryan Lim, international model and my fiancée,” pakilala rin naman ni Jeric.

Napangiwi ako kasi halatang nagyayabang siya at nakikikumpetensiya. Ugali na kasi niya ang ganito. Hindi niya gusto ang nagpapatalo.

“What? When did you propose?” tila nalilitong tanong naman ni Aryan kay Jeric, muntik na akong matawa dahil doon. Mukhang hindi kasi siya aware sa sinabi ni Jeric.

“Just now,” sabi ni Jeric bago ako nilingon. “Where’s your engagement ring?” tanong niya sa akin.

“I…uhm,” hindi siguradong sagot ko.

Nagulat naman ako nang hawakan ni Primo ang kanang kamay ko tapos ay pinadausdos ang isang mukhang mamahaling singsing doon. It’s a white gold with diamond on top of it.

“I told you not to remove it, babe. I don’t want people to assume that you’re still available,” pag-arte ulit ni Primo. “Hindi mo na ba ako mahal?” tanong pa niya.

Muntik na akong humagalpak ng tawa kasi ang cute niya nang tanong iyon. Mabuti na lang at napigilan ko ang sarili ko.

“Hala, sorry na kasi,” kunware ay kinikilig na saad ko, kahit na totoo naman. Medyo kinilig talaga ako. Ang galing kasi niyang umarte.

“Attorney!” sabay-sabay kaming napalingon sa isang matandang lalaki na may kalakihan ang tiyan, siya iyong isa sa mga nagsalita kanina sa stage.

“Mr. Lim,” nakangiting bati ni Primo tapos ay naglahad pa ng kamay. “Do you know my daughter?” nakangiting tanong pa niya at umakbay kay Aryan.

“I just met her today, sir. Kaibigan daw ng fiancée ko si Mr. Ignacio,” sagot naman ni Primo.

“Wow, I didn’t know you got engaged,” sabi ng lalaki at marahan pang tumawa. “Well, it’s a small world, isn’t? Samahan niyo na lang kami sa table namin.”

“Sure, sir,” sagot naman ni Primo.

Medyo napangiwi ako kasi medyo mahaba ang mesa nila at masyadong maraming mga tao. Gano’n pa man ay sinubukan ko na lakasan ang loob ko. Magkatabi pa rin kaming umupo ni Primo, nasa harap naman namin sina Jeric at Aryan, habang ang tatay ni Aryan na si Mr. Lim ay nasa dulo.

“So, what is your name again, hija?” nakangiting tanong sa akin ni Mr. Lim nang makaupo na kami.

“Aliyah po. Aliyah Williams,” pakilala ko naman.

“We’re here to represent WGC, sir. Anak po siya ni Alejandro Williams,” sabi ni Primo, malawak naman na napangiti ang matanda dahil sa narinig at mabilis na tumango.

“I personally sent Alejandro an invitation, it’s an honor to have you here, hija,” masayang sabi niya. “I so envy your father, I didn’t know that he has a daughter who’s into business. Ito kasing anak ko pagmomodelo lang ang gusto,” pagbibiro pa niya kaya natawa ang marami.

“She’s the current acting president of WGC, sir. And she’s really good at what she does,” ani Primo at muli akong inakbayan.

“Napakagaling mong pumili, hijo,” malawak ang ngiting sabi ulit ni Mr. Lim.

“How did you know Attorney Primo, dad?” interesadong tanong ni Aryan, tapos ay tinignan pa niya si Primo na parang nagpapa-cute kaya napangiwi ako.

“He owns Hernani Law Firm. Sila ang nalapitan ko sa Embezzlement case ng kuya mo. Wala pang naipapatalong kaso kahit na isa. Such a good lawyer,” may halong pagmamalaking sagot naman ni Mr. Lim.

Tumango-tango naman ang iba pa naming kasama sa table na parang namamangha rin sa mga naririnig.

“I’ve been reading some news articles about you, Attorney. Sobrang sikat mo. Mabuti at hindi napabalita na engage ka na pala?” tanong naman nung isa sa table.

“You see, my wife-to-be here hates the attention. Kaya itinago na muna namin. Kaya makikiusap po muna sana ako na wala munang ibang makaka-alam nito,” nakangiting sabi pa ni Primo.

“Dad, what about my request?” parang batang tanong ni Aryan.

“Hindi ko pa sila nakakausap ulit, hija. I’m not making any promises, but I’ll still try kahit na ilang beses na silang tumanggi,” sagot naman ni Mr. Lim.

“Mukhang imposible ang gusto mo, Aryan. Kahit na kailan ay hindi pina-rentahan ng mga Montealegre ang Isla Amara. Humanap ka na lang ng ibang resort,” sabi naman ng isa pa naming kasama.

“Sa Isla Amara ang gusto ko!” pinal na saad ni Aryan.

Isla Amara? Lagi kong nababasa iyon sa mga news articles. Sobrang ganda ng isla. At oo, alam ko na walang ibang puwedeng magpunta ro’n kung hindi ang pamilya Montealegre lang at mga malalapit sa kanila.

“Ilang beses na rin akong nakiusap sa kanila. I’m willing to pay the price that they want. Para lang matigil na itong si Aryan. Pero wala talaga,” sabi ni Mr. Lim at napailing pa.

“Maybe I can try using my connections?” pagyayabang ni Jeric at mayabang pang ngumisi kay Primo.

Mahina namang natawa si Primo dahil doon. Sumama ang tingin ni Jeric sa kanya dahil doon. Inilabas naman ni Jeric ang phone niya tapos ay may tinawagan.

“Hello, this is Jeric Ignacio of Ignacio Corp., I’m calling in behalf of my dad, Jerome Ignacio. Can I speak with Mr. Montealegere?” mayabang na saad niya.

Natahimik ang lahat ng nasa table dahil doon. Ni-loud speaker pa ni Jeric ang tawag na akala mo ay confident sa makukuhang sagot. Napangiwi ako kasi mukhang mapapahiya siya. Tapos bigla kong naalala na kaibigan pala ni Primo ang mga Montealegre.

Teka, close friends ba sila? As in, super close? Baka kasi magyabang din siya at mapahiya lang sa huli.

“This is Jaguar Montealegre,” narinig naming saad nung nasa kabilang linya.

“This is Jeric—”

“I heard. What do you need?” pagputol ni Jag mula sa kabilang linya kaya napangiwi ako.

“Well, my girlfriend wants to have a photoshoot on Isla Amara. I’m willing to pay any amount—”

“Mr. Jeric-whatever, I have way more money than you. I’m going to end this call now because I’m very busy. Stop calling me about this again,” sabi ni Jag tapos ay ibinaba na ang tawag.

Mahina namang natawa si Primo dahil doon. Muling sinamaan ng tingin ni Jeric si Primo na halatang napahiya.

“Maybe your connections weren’t powerful enough,” ani Primo tapos ay inilabas ang cellphone.

Nakita ko na d-in-ial niya ang number ni Jag. Dalawang ring lang ay sumagot na ito agad.

“Who’s this, please?” tanong ni Jag kaya napangiwi ako, napangisi naman si Jeric dahil doon.

“Did you delete my number?” tanong ni Primo.

“Oh, shoot! Primo, brother! I’m sorry. Basta ko na lang kasi sinagot. I’m kind of busy, you know…”

“I can just call some other time,” ani Primo.

“No, no. It’s okay. What can I do for you?” tanong ni Jag.

“Well, you see. My girlfriend and I wants to have a vacation, I’m thinking if maybe, we can visit Isla Amara?” tanong ni Primo.

“Anytime, brother. Sabihin mo lang kung kailan at magpapa-grocery ako kina Nanang para may makain kayo ro’n. You can stay there for as long as you want,” napanganga ako dahil sa narinig.

Nakita ko naman na nagliwanag ang mukha ng mga kasama namin sa mesa, maliban kay Jeric na mukhang inis na inis na dala ng pagkapahiya.

“Okay lang ba kung may mga isasama kami ro’n? You know, we have a friend and she wants to have a photoshoot in Isla Amara as well,” sabi pa ni Primo.

“Sure, brother. Not a problem,” sabi ni Jag at halos mapapalakpak naman si Aryan dahil sa narinig. “Oo nga pala, nakausap mo na ba si Dim?” narinig kong tanong ni Jag.

Inalis ni Primo ang pagkaka-loud speaker ng tawag tapos ay itinapat niya ang phone sa tenga niya.

“What happened?” seryosong tanong ni Primo. Mayamaya lang ay napangiti siya bigla. “Alright, I’m going to call him. Thanks again, brother,” aniya bago ibinaba ang tawag.

“Thank you so much, hijo!” masayang sabi ni Mr. Lim Pagkatapos.

Nakita ko naman ang pagkamangha sa mukha ng lahat ng kasama namin sa mesa dahil sa nangyari.

“How did you know them?” kuryosong tanong naman ni Aryan.

“Matagal ko na silang kaibigan,” sagot na lang ni Primo.

Lumingon pa siya kay Jeric at ngumisi na parang nang-aasar. Ako man ay nagpipigil ng tawa dahil sa nangyari. Nilingon ako ni Primo at kinindatan. Tapos ay umakbay siya sa akin sa harap ng maraming mga tao.

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Misty Dellomas Cruzim
nakakamis c primo otor...️
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status