Share

Chapter 8

“How’s that?” nakangising tanong sa akin ni Primo pagkapasok namin ng hotel room.

We’re done for today. Bukas na ulit ang susunod na conference. Magsisimula iyon ng alas otso ng umaga hanggang alas onse, tapos ay may libreng lunch ulit pagkatapos.

“Did you see his face?” natatawang tanong ko bago ibinagsak ang sarili ko sa malambot na kama. “That was awesome, Attorney. Grabe nakakatawa!” masayang dagdag ko pa.

Oo, tuwang-tuwa ako nang makita ang napapahiyang mukha ni Jeric. Hindi naman sa bitter ako, pero napakatamis lang na kahit na papaano ay nakaganti ako.

Tumagal lang kami ng isang buwan ni Jeric. Simula noong maging kami, unang araw pa lang ay wala siyang tigil kaka-request na may mangyari sa amin. Of course, I’m not a fool to immediately do that.

Akala ko noong una ay understanding kasi hindi naman talaga siya namimilit. He’ll just simply ask for it. At kapag humindi ako ay nagkikibit na lang siya ng balikat. But after a month of dating him, I caught him in his condo unit in bed with another girl.

Hindi naman ako nasaktan, pero sobra akong na-disappoint. Kaya pala hindi namimilit ang gago kasi ang dali lang sa kanya na humanap ng iba. Hiyang-hiya ako sa sarili ko noong mga panahong iyon.

Pakiramdam ko noong umalis ako ay pinagtatawanan nila ako. Kaya ngayon ay sobrang sarap sa feeling na alam kong siya naman ang napahiya.

“Ang yabang nga, eh. May pa-connection pa siyang nalalaman. Kung totoong kilala niya ang mga Montealegre, alam niyang wala siyang magagawa unless sobrang close niya sa pamilya ng mga ito,” may halong pagmamalaki na saad pa niya.

“Oh, God! I can’t get his embarrassed reaction off my mind!” sabi ko at muling humalakhak, maging si Primo ay natawa rin bago tumalon sa kama at humiga sa tabi ko.

Natigilan naman ako dahil sa ginawa niya at agad na napaupo. Kunot-noo naman niya akong tinignan na parang nagtatanong kung bakit ganito ang naging reaksiyon ko.

“What?” tanong niya nang walang marinig na kahit ano mula sa akin.

“We’re not going to sleep on the same bed, are we?” may halong kaba na tanong ko, ngumisi naman siya ng nakakaloko at umupo rin sa kama, prente pa siyang sumandal sa headboard.

“I just helped you get even with your jerk ex-boyfriend, Aliyah. Hindi ba dapat may reward ako?” may halong kalandiang tanong niya tapos ay kinagat pa ang ibabang labi.

Nanlaki naman ang mga mata ko tapos ay naubo. Mabilis din akong tumayo sa kama at hinila ang melatang dala ko. Dahil doon ay malakas siyang humalakhak.

“You are so gullible, Aliyah. Relax! Like I said, I won’t do things that you won’t like,” aniya. “After telling those people that I am your fiancé, sa tingin mo ba maganda tignan na sa magkaibang kuwarto tayo? Magtataka sila. You can sleep comfortably on the bed. Sa sofa na lang ako,” dagdag pa niya.

Para naman akong nakahinga ng maluwag dahil sa narinig. Well, normal lang naman siguro ang naging reaksiyon ko. Ito kasi ang unang beses na may kasama akong lalaki sa hotel room.

“I think I need a shower,” aniya mayamaya lang at tumayo na. “Sasabay ka?” nakangising tanong pa niya kaya nanlaki na naman ang mga mata ko.

“Attorney!” sigaw ko na lang.

Mahina lang siyang humalakhak bago hinila ang travel bag na dala niya at pumasok na sa banyo. Bahagya na lang akong napanguso at napaupo ulit sa kama. Ang hilig talagang mang-asar ng isang iyon.

Siguro naman ay makakasanayan ko rin ang kakulitan niya, ano? Ewan ko. Pero sana.

Halos sampong minuto lang ang itinagal ni Primo sa banyo. Pagkalabas nga niya ay basa ang buhok niya pero bihis na rin naman siya. He’s wearing a black khaki shorts and a white beach polo.

Nakabukas pa ang tatlong butones sa taas na bahagi ng polo na suot niya kaya bahagyang nakalitaw ang matipuno niyang dibdib. Nag-iwas naman ako agad ng tingin bago pa niya makita na tinitignan ko siya.

“Hindi ka maliligo?” tanong niya sa akin.

“Uhm, mamaya na siguro,” may halong hiya na sagot ko.

“Maligo ka na, mainit pa naman sa labas. Para lang presko ka,” sabi niya kaya napatingin ako sa kanya.

“May pupuntahan ba tayo?” tanong ko.

“We’re not going to stay here until tomorrow, are we?” tanong niya at nagtaas pa ng isang kilay. “Come on, Aliyah. We need to enjoy the place!” nakangiting dagdag pa niya.

Sa totoo lang ay parang ayaw kong lumabas dahil kagaya nang sinabi niya ay mainit sa labas. Pero masyado akong nag-enjoy sa pagkapahiya ni Jeric kanina, at umaasa na sa paglabas namin ay makakasama ulit namin sila at may part two pa ang nangyari. Kaya naman sa huli ay ngumiti na lang ako at tumango.

“Alright!” sagot ko.

Hinila ko na ang dala kong maleta at pumasok sa banyo. Ini-lock ko rin ang pinto at hindi na nag-aksaya pa ng panahon na maligo. Naging mabilis lang iyon kasi hindi ko naman na binasa ang buhok ko. It was just a half-bath. Naghanap ako ng masusuot na babagay sa suot ni Primo, para magmukha talaga kaming couple.

Mabuti na lang at pinalitan ko iyong mga in-empake na mga damit sa akin nina mom at dad. Naidala ko iyong mga gusto kong dalhin. I found a white floral dress. Iyon na ang sinuot ko.

Pagkalabas ko sa banyo ay naabutan ko si Primo na nakaupo sa kama, nakasandal siya sa headboard habang ang mga mata ay nasa flatscreen na TV at hawak pa sa kaliwang kamay ang remote control.

“Ready?” tanong niya nang makita ako, ngumiti naman ako at marahang tumango.

Pinasadahan muna niya ako ng tingin, mula ulo hanggang paa. Tapos ay nagkibit siya ng balikat bago pinatay ang TV at tumayo na sa kama.

“Saan ba tayo punta?” tanong ko.

“Maglalakad-lakad lang sa resort. Titingin ng mga puwedeng masubukang resto, kahit na ano,” sagot niya.

Hinila niya ang susi ng kotse at wallet niya na nasa bedside table. Tapos ay sinuot niya ang isang kulay itim na tsinelas na bagay na bagay sa kanya. Napamangha nga ako nang makita kung gaano kaputi ang mga paa niya at kung gaano kalinis ang mga kuko niya.

Halatang malinis siya sa katawan. Para kasi sa akin ay isa iyon sa mga basehan kung malinis sa katawan ang isang tao. Ako naman ay nagsuot ng doll shoes na babagay sa dress na suot ko.

Nang masiguradong naka-lock na ang hotel room namin ay naglakad na kami papunta sa elevator.

“Let’s hold hands later. Kapag nagbukas na ang elevator,” sabi niya, tumango naman ako.

It’s not like we’re going to kiss. Inakbayan na nga niya ako kanina na halos parang niyayakap na, eh. And it’s not like I’m going to lose my v-card by simply holding his hand. Kaya okay lang iyon.

Nang nasa baba na kami, bago magbukas ang elevator ay pinagsaklop namin an gaming mga kamay. Nagkatinginan pa kami at sabay na natawa. Mabuti na lang at ginawa namin iyon. Pagkabukas kasi ng pinto ng elevator ay agad naming nakita sina Jeric at Aryan sa may lobby.

“Aliyah! Attorney!” masayang tawag sa amin ni Aryan nang makita kami, kumaway pa siya na parang isang inosenteng bata.

Hindi ko alam pero naiinis ako sa pagpapa-sweet niya. Hindi naman niya bagay. Kahit pa wala naman siyang ginagawang hindi maganda sa akin ay makaka-inis pa rin. Alam niyo iyong feeling na makita mo pa lang ang isang tao ay naiinis ka na? Gano’n ang nararamdaman ko sa kanya.

“Saan kayo pupunta?” nakangiting tanong ni Aryan at nagpa-cute pa kay Primo nang makalapit kami sa kanila.

“Maglalakad-lakad lang sa resort,” sagot ni Primo.

Napansin ko ang matamang titig sa amin ni Jeric, bumaba pa nga ang mga mata niya sa kamay namin ni Primo na magkahawak.

“Great! Iyon din ang balak namin ni Jeric. Double date na lang tayo?” suhestiyon ni Aryan at matamis na namang ngumiti.

“I’m okay with it,” ani Primo at nagkibit pa ng balikat. “Ikaw, okay lang ba sa ’yo na may kasama tayo? Okay lang na hindi mo ako masosolo?” may halong pang-aasar na tanong pa niya sa akin kaya mahina akong natawa.

“Puro ka talaga kalokohan!” kunware ay nahihiyang sabi ko at mahina ko pang hinampas ang braso niya. “Siyempre okay lang,” dagdag ko pa tapos ay ngumiti kina Jeric at Aryan.

“Alright, let’s go!” excited na sabi ni Aryan.

Kumapit siya sa braso ni Jeric na nakatingin pa rin sa amin. Tapos ay nauna na silang maglakad palabas ng hotel. Nagkatinginan naman kami ni Primo at parehong napangisi, tapos ay naglakad na kasunod ng dalawa.

Habang naglalakad-lakad ay may nakita akong nagbebenta ng sorbetes. Bigla akong napangiti nang maalala na noong mga bata pa kami ng kakambal kong si Alison ay lagi kaming bumibili no’n ng pasikreto sa tuwing dumadaan sa bahay ang matandang nagtitinda.

Bawal ipaalam kina mom at dad kasi lagi nila sinasabi na marumi raw ang pagkakagawa no’n. Hindi naman kami naniniwala.

“Attorney, puwede ba tayong bumili muna ng sorbetes?” tanong ko.

Napalingon sa amin ang dalawa dahil sa sinabi ko. Pareho pang nakakunot ang noo nila at hindi ko alam kung bakit.

“You’re calling him Attorney?” kuryosong tanong ni Jeric, na para bang may gustong iparating.

“Of course, Your Honor,” malambing na sagot ni Primo at pabiro pang kinurot ang tungki ng ilong ko kaya parang nakahinga ako ng maluwag.

“Oh, what an odd endearment,” sabi naman ni Aryan.

“I think it’s sweet,” sabi ko at matamis pa na ngumiti sa kanila.

Nagkibit na lang siya ng balikat tapos ay nauna nang maglakad papunta sa puwesto nung matandang nagbebenta ng sorbetes. Apat ang binili namin, tig-iisa kaming lahat.

Tapos ay naghanap kami ng bakanteng open cottage sa tabing dagat para tumambay muna. Mainit ang sikat ng araw, pero presko naman ang hangin. Tapos mula sa cottage na tinambayan namin ay malilim kasi napapalibutan din iyon ng malalaking mga puno.

Tanaw na tanaw pa ang kahabaan ng dagat na siyang napakagandang pagmasdan.

“This is good,” sabi ko habang kumakain ng sorbetes, ngumiti naman sa akin si Primo at tumango.

“Dahan-dahan lang sa pagkain. You can have mine if you want more,” malambing na saad pa niya tapos ay bahagya akong natigilan nang punasan niya ang gilid ng labi ko gamit ang daliri niya.

Teka, hindi ba parang sobrang sweet na niya? I mean, alam ko na nagpapanggap lang kami, pero bakit dalang-dala ako sa bawat kilos niya? Grabe lang! Parang totoo kasi. Sobrang galing niyang umarte.

“Gaano na kayo katagal nagde-date?” tanong ni Jeric sa amin.

“Almost a year,” agad na sagot ni Primo. “Pero matagal na kaming magkakilala. May share ako sa WGC. Matagal na rin akong pinipilit ni Tito na maging company lawyer nila. When I started dating Aliyah, hindi na ako nakatanggi,” dagdag pa niya.

“Kayo, gaano na kayo katagal?” tanong ko naman.

“Two years—”

“One week,” sagot ni Aryan.

Gusto ko sanang matawa pero mabuti na lang at napigilan ko. Nagtatakang nilingon ni Aryan si Jeric. Napabuntong hininga na lang ang huli at napailing.

“Oo nga pala, may barbecue party sa poolside mamaya na inihanda si Dad para sa ating lahat. Punta kayo, ah? Marami ring alak doon,” nakangiting sabi ni Aryan sa amin.

“Yeah, sure,” sagot ni Primo.

Ako naman ay hindi na nagsalita. Hinayaan ko na lang silang mag-usap habang tahimik na kinakain ang sorbetes na hawak ko.

“Gusto mo pa?” pabulong na tanong ni Primo sa akin mayamaya lang. “Puwede mo ring kainin ang sorbetes ko,” dagdag pa niya.

Naubo ako dahil sa tanong niya. Pakiramdam ko kasi ay may ibang meaning iyon. Natawa naman siya na parang nasisiyahan dahil sa naging reaksiyon ko.

“Attorney!” may halong lambing na pagbabawal ko kunware, pero pasikreto ko siyang kunurot sa tagiliran kaya napangiwi siya.

Ang lokong ito ang halay mag-isip. O baka naman literal iyon at ako lang ang marumi mag-isip? Ay ewan!

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Cherry Liza M. Cariño
i love this part,sn nd cl nagpapanggap pr mas masaya.ng sumaya nmn ang lovelife n aliyah for real
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status