Share

Chapter 17

Beatrice POV

Nang makabalik ako sa pwesto ko ay hindi ko maiwasan ang hindi mapatingin sa opisina ni Storm, hindi ko alam kung anong mukha ang ihaharap ko sa kanya dahil sa mga sinabi ko tungkol sa kanyang mga magulang.

Mayamaya pa ay bumukas ang pinto at iniluwan no'n si Kiara, napansin ko ang pamamaga ng kanyang mga mata na mukhang kagagaling lang sa pag iyak. Napayuko ako dahil hindi ko alam ang sasabihin ko.

"You can go home early Bea, wala na dito si kuya at umalis na." wika niya ng makalapit siya sa akin.

"Kia, sorry sa nagawa ko." anas ko.

Tumingin naman siya sa akin at ngumiti. "Naiintindihan ko dahil wala ka namang alam sa nangyari. Sana lang ay huwag na maulit ito Bea dahil hindi ko kayang nakikitang nasasaktan ang kapatid ko."

"Umuwi na ba siya? Gusto ko kasi siyang kausapin sa personal para makahingi ng tawad sa nasabi ko. Nakakahiya kasi ang ginawa ko." tanong ko sa kanya.

"Ang alam ko ay uuwi siya ng condo niya. Alam mo naman kung saan 'yon dahil minsan ka ng nakap
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status