Share

Chapter 26

"Good morning!" nakangiti niyang bati kay Lexy sa hapag kainan nila. Nakapangalumbaba ito at tila malayo ang tingin. "May problema ba?" nag-alala niyang tanong habang nagtetempla sa sarili niyang kape.

Tipid naman siyang nginitian ni Lexy at umayos ito ng upo. "Ano kasi—" saglit itong napahinto at nilaro-laro ng daliri ang hawakan ng mug sa harapan nito. "natanggal sa trabaho si Ken."

Bahagya niyang nabitawan ang kutsaritang hawak-hawak at nanlaki ang mata na napatingin kay Lexy. He knows Ken so well in terms of his work. Masipag naman ito bilang ahente ng mga condo.

"Bakit? Ano raw ba ang dahilan?" puno ng pag-alala na sabi niya. Humila ito ng isang upuan saka umupo bitbit ang tenimplang kape.

Huminga muna ng malalim si Lexy bago muling nagsalita. "Hindi rin niya alam eh! Ayon sa manager nila nag-babawas daw ng mga empleyado ang kompanya nila at isa siya sa napili. Pero–ang nakakapagatataka raw ay bakit siya. Eh, malakas naman daw ang benta niya at lagi niyang naabot ang quota niya
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status