Share

Chapter 4

Author: Lucy Heart
last update Last Updated: 2022-11-30 06:23:43

"WELCOME to Hidden paradise of dreams beach resort!" basa ni Chandria sa malaking signage na naroon sa mismong labas ng resort. Nagliwanag ang kanyang mukha sa nabasa dahil sa wakas ay nakarating din siya ng buhay sa pupuntahan niya. Hindi siya naligaw or kahit ano mang bad luck ang maaring mangyari sa kanya sa daan.Tama din naman si Sena na hindi ito mahirap matuntun ngunit iyon nga lang, bako-bako lang ang daan.

Bumusina na siya kaagad pagkatapat niya mismo sa gate at mabilis na pinag buksan naman siya ng nakangiting guard na naroon.

"Maayong buntag, Ma'am," bati sa kanya ng guard. Nginitian niya ito kahit na may konting pagka-kunot sa kaniyang noo. Hindi naman kasi niya maintindihan kung ano man ang sinabi sa kanya ng butihing guard. "May reservation po ba kayo, Maam? " Tanong ulit nito na ikinatuwa na niya dahil nagtatagalog na ito. Inilahad nito ang kamay na tila may hinihingi. Kaagad naman niyang naisip ang papel na ibinigay sa kanya ni Lexy.

"Yes po, kuya,wait po ha," mabilis nitong tugon sabay halungkat sa kanyang bag ngunit bigo itong makita ang papel na prinint-out ni Lexy. Marahil kung saan-saan na niya nailagay kanina ng tumilapon siya dahil sa pagkakabangga sa kanya ng walang modong lalake. Tila nagpapasaklolo itong napatingin sa mamang guard and good thing dahil tila mabait naman ito.

"Sige po, ma'am, hanap na lang po muna kayo ng mapagparkingan diyan at proceed na lang po tayo sa front desk sa loob," ani ng guard at tuluyan na siya nitong iniwan para mas lalong luwagan ang pagkakabukas ng gate.

Kaagad naman siyang tumalima upang maghanap ng mapagparkingan. Nakampante siya nang may nakitang bakante kaagad. Umabante na siya para maka-pwesto na sana nang biglang may sumulpot na isang magarang sasakyan na kulay pula.

Naunahan siya nito sa bakanteng pagpaparkingan niya sana. Biglang naningkit ang mata nito sa galit.

"Shit!" malakas niyang mura sabay hampas sa mismong manibela. Sa sobrang inis ay dali-dali itong bumaba ng sasakyan. Marahan nitong kinatok ang pinto ng sasakyan na nasa driver's side ngunit tila may pagkabingi ang driver kaya mas lalo niya itong nilakasan. Napahugot siya ng isang malalim na hininga nang makitang bumababa na ang mismong front door glass ng sasakyan.

"Yes— Miss?" anito ng isang boses.

Kapwa sila natigilang dalawa. Kung kanina nakangiti ang lalaki ngayon ay parang namilog ang mata nito nang makita muli ang dalaga at ganoon din si Chandria.

"You? Ikaw na naman ulit!" Halos magkasabay rin nilang bulalas

sa isa't isa.

"Kung minamalas ka nga naman," ani ni Chandria in a sarcastic tone at sabay na pinag-krus ang mga braso.

"Oh, kung sinuswerte ka nga naman," sarcastic ding sagot ni Niel sabay kindat sa dalaga bago tuluyang lumabas sa sariling sasakyan . "Mukhang pinagtagpo talaga tayo ng tadhana, Ms. Mataray. Do you believe in destiny?"

"No! " masungit na sagot ni Chandria sabay taas ng kilay nito.

"Then maniwala ka na dahil ito na 'yon," pilyong sagot ni Niel na mas lalo namang ikina-inis ng dalaga.

"You wish!" ani ni Chandria sabay irap sa binata. "pwede ba, Mr.Whatever or kung sino ka man. Nakikiusap po ako sa inyo na umalis kana riyan dahil ako naman talaga ang unang nakakita ng parking space na 'yan, " sabay turo sa lugar kung saan naka-park na ang sasakyan ni Neil.

Napakamot naman si Niel sa kanyang batok at pilyong ngumiti sa dalaga. "Miss, It doesn't mean dahil nauna mong siyang nakita ay para sa'yo na. Sometimes kasi available siya dahil nakareserba sa iba."

Umawang ang labi ng dalaga sa narinig. Hindi niya mawari kung inaasar ba siya ng kausap or produkto talaga ng isipan niya ang naging sagot nito.

"Hugot?" nakangiwi niyang tanong na naka-ikis pa rin ang mga braso. "basta, ako iyong nauna kaya sa akin iyan. The hell I care about kung kanino man iyan nakareserba." protesta niya.

Kung kanina na agrabyado na siya nito. This time ay talagang hindi na niya hahayaan na maka-score na naman ito muli.

"Excuse me po," isang tinig ng babae na siguro ay nasa trenta anyos na ito. Nakapandamit ito ng uniporme ng guard kaya marahil ay gwardiya ito rito.

Sa sobra siguro nilang ingay ay nilapitan na sila ng isang babaeng guard. Akala siguro nito ay magpapatayan na silang dalawa.

"Nandito po pala kayo, sir," sabi nito ng

makatingin kay Niel.

"Ooh! Bakit siya kilala ng guard? Siya kaya ang may-ari ng resort na ito?" piping tanong ni Chandria sa kanyang isipan habang pinaglipat-lipat ang tingin sa dalawa. "If kung ganoon dapat marunong siyang magpa-ubaya sa mga customer niya."

"Ano ba iyong problema ninyong dalawa?" tanong ulit ng babaeng guard na hindi naman maalis-alis ang mata nito sa gwapong binata. Napa-irap na naman tuloy si Chandria mukha kasing dehado na naman siya sa appeal mayroon itong binata.

"Hindi naman ganun kalaki, Ms. Lovelyn," nakangiting sagot ni Niel at tila kinilig naman ang babae ng binanggit ni Niel ang totoo niyang pangalan. "This pretty lady kasi, Ms. Lovelyn," sabay turo kay Chandria gamit ang kaliwang kamay. "inakusahan ako na mang-aagaw ng parking space." sabay pakita ng paawa effect face nito sa Ginang.

Tila kinilig naman ang Ginang kaya hindi mapigilang umirap muli ni Chandria.

"Ah, 'yon lang po ba?" ani naman ng ginang at bumaling na ang mga mata kay Chandria. "Naku! Maliit na bagay lang po pala, Ms. Ganda." magalang itong ngumiti sa dalaga ngunit labis na inis naman ang nararamdaman ng dalaga.

Nanlaki ang mata nito napatingin sa ginang na tila hindi makapaniwala sa narinig. Bakit tila siya pa ang mali?

"I swear, I saw it first and— " tangkang paliwanag sana niya ngunit napalatak na lang siya sa sobrang inis dahil tila wala namang silbi kung makipag-debate pa siya sa mga 'toh. Pakiramdam niya nanalo na naman ang binata sa kanya.

"Hanapan ko na lang po kayo ng pwede ninyong pagparkingan, " ani ng ginang na nakangiti pa rin.

Kumibit- balikat na lang si Chandria at napilitan na lang sumang-ayon kahit may kunting inis pa sa kanyang dibdib, ngunit bago iyon ay binigyan niya muna ng nakamamatay na irap ang binata bago tinalikuran ito. Naisahan na naman siya ng mokong.

Sinuklian naman siya ng binata ng nang-aasar nitong ngiti at syempre inirapan lang din 'nya ito.

"So, ako ang mali? Ako na naman ang mali? Ako na iyong tumilapon ng bonggang bongga at ako na iyong inagawan ng mapagparkingan. Ako pa ang mali?" nagmamaktol nitong sabi habang pabalik sa sasakyan niya. "Saan na po ako magpa-park?" naiinis niyang tanong pagkalingon sa babaeng guwardiya na nakasunod lang din pala sa kanya. Hindi naman talaga siya naiinis sa guard kundi doon lang sa nang-agaw ng parking space sa kanya.

"Doon lang po," sabay turo na malapad na parking area sa dulong bahagi.

Biglang nanlaki ang kanyang mga mata at nakaramdam ng pagkapahiya. Para tuloy siyang temang na nakipag-away sa mapag-parkingan na ang dami-dami naman pala dito sa dulo. Na may kalapitan lang naman sa una niyang nakita. Sana pala hinayaan niya na lang na i*****k sa baga ng mokong na iyon ang parking space na inagaw sa kanya.

"Ate?" tawag nito sa babaeng guard na wala ng bahid ng inis sa maganda niyang mukha. "sino po ba kasi iyong mokong na iyon?" sabay nguso sa kinaroroonan ni Niel.

"Si— Sir Niel, po ba iyong tinutukoy ninyo?" paninigurado nito.

"Oh! So, Niel pala ang pangalan ng mokong na iyon," bigla na namang naningkit ang kanyang mga mata sa inis.

"Naku, pasensya na po kayo kanina, Ma'am 'ha , nakareserba kasi ang space na iyan sa kanya, talaga. Walang pwedeng makipag-park diyan sa mismong spot 'nya kundi siya lang. "

Umangat na naman ang kilay ni Chandria sa narinig.

"Bakit ba tila special ang turing ninyo sa mokong na iyon? Siya ba iyong boss dito? " Nakabusangot niyang tanong sa ginang.

"Naku, hindi po," ani ng ginang sabay kamot sa ulo nito." Alam 'nyo po ba iyong Quirino Corporation? "

Bahagya naman siyang tumango. Sino ba naman kasi ang hindi nakakakilala sa isa sa mga sikat at prominenteng pangalan pagdating sa negosyo sa bansang ito.

"Siya lang naman po ang nag-iisang anak ng mga Quirino," pagmamalaki ng guwardiya.

"Po?" bulalas niya na parang hindi makapaniwala. Kilalang-kilala niya kasi ang mga Quirino at hindi ito basta-basta na matitibag pagdating sa mga negosyo. To make it short they considered as a legend pagdating sa business industry.

She even idolized the woman behind that corporation's success and now, she got to meet her son. Ang walang modong anak nito na sa dinami- dami ng puwedeng maging anak nito, bakit ang mokong na 'yon pa.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Beautiful Days with You   Chapter 35

    Nasa kalagitnaan na siya ng trapiko nang muli na namang bumalik sa isipan niya ang mabait na boss. Napapa-isip pa rin siya dahil parang familiar sa kanya ang pangalan ng babae. Hindi niya lang matandaan kung saan niya narinig o kanino."Hindi kaya nagkita na kami noon pa?" bulong niya at ikiniling ang ulo. Nagmumukha na kasi siyang baliw kung magpapatuloy pa siya. Saktong paglingon niya sa kabilang linya ay nahagip ng kanyang tingin ang malaking billboard ng Quirino family. Namungay ang mata nito ng makita ang lalaking mahal niya na pinagitnaan ng mga magulang. Hindi niya maiwasang mapangiti, no words can expressed how much she missed that guy.Binaba pa nito ng maigi ang salamin ng kotse para makita ito ng maayos. Lalo lang itong gumuwapo sa bago nitong style na buhok. Kagalang-galang na rin ang dating nito na tila seryoso na sa buhay. Hindi niya tuloy maiwasang itanong sa sarili kung makulit pa rin ba ito katulad ng dati. Kung mahilig pa ring mang-asar. Ilang sasakyan na ba ang nako

  • Beautiful Days with You   Chapter 34

    Four years later......."Hi!" bati niya kay Nougat pagkabungad niya mismo sa cake shop nang mga ito. "Mag-isa ka lang? Nasaan ba si Hazel?"“ Hindi pa naka-uwi 'eh." sagot ni Nougat. "Medyo na late ka 'ha!” maarteng wika pa nito.“Yeah, I’m sorry,” nakangiwi niyang sabi. Nagpareserved kasi siya ng cake sa mga ito at kukunin niya by 5:00 P.M ngunit dahil marami siyang inasikaso ngayong araw kaya medyo na late ng isang oras ang kanyang pick-up time. “Ang dami ko kasing customer na inasikaso.” paliwanag niya.“Ano ka ba, okay lang ‘no!” sagot naman ni Nougat. “Pero huwag puro trabaho ‘ha! Minsan mag-jowa ka rin para balance. Charot!” Bahagya naman siyang natawa sa biro ng bakla. “Oh, ‘sya! Sandali at kukunin ko na iyong cake mo. Maupo ka muna,” ani nito bago tumalikod.Umupo naman siya sa bakanteng silya na naroon at nalungkot ng konti nang makita ang larawan nina Levy at Ezekiel na nakasabit sa pader. Magkatabi ang dalawa habang puno ng sigla at saya ang makikita mo sa kanilang mga m

  • Beautiful Days with You   Chapter 33

    Two weeks later….Nasa harapan siya ng puntod ng ina habang ang ibang mga kaibigan at kakilala ng ina na dumalo sa pakikipaglibing ay isa-isang na rin nagsi-uwian. Habang naiwan pa rin silang tatlo nina Sena at Norilyn sa harap ng puntod ng ina. Napapagitnaan siya ng mga ito at walang humpay pa rin ang hikbi ng dalawa habang siya'y wala sa sariling nakatingin lang sa lapida ng ina. She was supposed to be happy dahil magkasama na ang parents nito sa langit. They reunited and hoped they found forgiveness in their hearts too."I can't believe na wala talaga siya!" ani ni Sena na walang tigil pa rin ang hikbi. "She wasn't just a mentor to me. Para ko na rin siyang pangalawang ina. Ang dami niyang naitulong sa akin at ni hindi man lang ako lubusang nakapag-bayad sa kanya ay kinuha na kaagad siya ni Lord."Malungkot na sinulyapan niya lang ito dahil kahit siya ay hindi rin gaano ka tanggap ang pagkawala ng ina. She is totally orphaned now."She's been a good boss to me. Hindi ko alam kong

  • Beautiful Days with You   Chapter 32

    "May cancer po ang Mama nyo, two years ago pa," panimula ng P.A ng Mommy niya na si Norilyn. Parang nag-echo iyon sa kanyang pandinig. She kept on asking herself kung bakit ito nangyayari sa kanya. Bakit hindi man lang niya magawang maging masaya.Her mother is dying at hindi niya alam kung ilang araw at buwan niya na lang itong makakasama."Bakit niya nagawang ilihim ito sa akin?" nakatulalang tanong niya habang titig na titig sa natutulog na ina."Iyon po ang hindi ko alam pero alam ko po kung gaano kayo ka mahal ng iyong ina. Araw-araw, ikaw lang po ang bukambibig niya. Kung gaano na raw kayo ka ganda ngayon at kung gaano kayo kakulit noon." Napangiti siya ng mapait. "She really wanted to live a long more years kaya sa kabila ng sinasabi ng mga doktor sa kanya na may 30% na chances na lang ito na maka-survive. Hindi talaga siya nawalan ng pag-asa. Kahit na gustong-gusto na niyang sukuan ang mga chemo session niya ngunit pilit niyang kinakaya. Gustong-gusto niya kasing bumawi sa iny

  • Beautiful Days with You   Chapter 31

    A week after she totally lost Niel, she decided to go somewhere else that can heal her brokenness. Naintindihan naman iyon ng Nanay Bebang niya at ni Lexy. Gaya ng pangako ng ina ni Niel, ibinalik na nito ang lahat sa normal. Bumalik na si Ken sa kompanyang pinagtatrabahuhan pati na rin ang ama ni Ana. Hindi na rin natuloy ang paglipat nila ng bagong pwesto dahil biglang nagbago raw ang isip ng buyer ayon kay Mrs. Hernandez. Laking tuwa rin ni Ana ng ibalita sa kanya na may bago na itong sponsor sa kanyang scholarship. Wala na rin problema si Lexy sa catering at reception ng kanilang kasal ni Ken.Everything go back to normal, maliban lang sa kanyang nararamdaman. She can't deny the fact that she doesn't even know how to move on and go back to her normal life. Hindi naman siya dating ganito at alam niyang sanay na sanay siya sa disappointment na nangyayari sa kanyang buhay. Sa murang edad niya ay nasaksihan na niya kong paano masaktan ng husto. She grew up and tried so hard to be str

  • Beautiful Days with You   Chapter 30

    Dumaan ang isang linggo matapos ang break up nila ni Niel. Panay ang tawag ng binata sa kanya ngunit hindi niya lang ito sinasagot. Isang linggo na rin siyang nakakulong lang sa kanyang kwarto. Gustuhin niya mang pumasok sa kanilang shop pero alam niyang pupunta at pupunta doon si Niel at iyon ang gusto niyang iwasan. She can't take it to see him suffer in pain. Crying in front of her and begging for her to come back. Alam niyang masakit ang kanyang piniling desisyon and half of it ay gustong gusto niyang pagsisihan ngunit wala naman siyang magagawa. She just keep convincing herself that she do the right thing. Kailangan niyang magsakripisyo alang-alang sa mga taong nakapaligid sa kanila. At kung sila talaga ni Niel sa huli ay muli silang pagtatagpuin ng tadhana at kung hindi man ay magiging masaya pa rin siya para sa binata. Napatingin siya sa labas ng bintana ng kanyang kwarto. Walang bituin sa kalangitan kaya bigla na lang siyang nalungkot dahil tila uulan ngayong gabi."Chandy!

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status