Share

Chapter Ten

CLOUD CALLING...

HINDI maiwasang makaramdam nang inis si Alexander nang makita kung sino ang tumatawag sa cellphone ni Venixe. Nasa loob pa ng banyo si Venixe, at nilapag lang nito ang phone sa bedside table. May katagalan na nasa loob ng banyo ang dalaga. Dumating na ang kanilang food na inorder niya ay hindi pa rin lumalabas ng banyo si Venixe.

Dinampot niya ang cellphone ni Venixe at sinagot ang tawag. Wala siyang pakialam kung magalit man ang dalaga dahil sinagot niya ang tawag. Marahil ay ito ang lalaking naghatid kay Venixe noong nakaraang araw, sa isip ni Xander. Kaya naman, talagang matindi ang pagseselos niya na makitang tumatawag ito ngayon. He'll make sure, na hindi na ito makakalapit kay Venixe dahil talagang babakuran na niya ang dalaga.

"Ven, where are you?" mas lalong nainis si Xander nang marinig ang boses ng lalaki sa kabilang linya. Tama ang kanyang hinala na ito 'yong lalaking kasama ni Venixe buong maghapon at naghatid sa kanya sa resort.

"Nasa banyo pa si Nix. May kailangan ka ba at ganitong oras ka tumatawag sa kanya?"

"Who are you?!" iritado rin ang boses ng lalaki sa kabilang linya.

"Alexander, her boyfriend. So stop calling her!" saad ni Xander saka pinindot ang end button ng call.

Hindi maintindihan ni Xander kung bakit ganito ang kinikilos niya. Kailan lang niya nakilala ang dalaga, pero iba ang epekto sa kanya ni Venixe. Hindi niya kayang isipin na may ibang lalaki na tumatawag sa kanya. At lalong hindi siya makakapayag na mapunta ito sa iba.

Mayamaya ay lumabas na rin si Venixe. His lips parted when he saw Venixe came out from the bathroom. Bagong paligo ito at nakasuot ng roba. He need to control himself dahil nag-iinit ang kanyang pakiramdam. Mas lalo siyang nag-iinit sa nakikitang ayos ng dalaga. He can picture in his mind's eye her naked body underneath the robe she's wearing. Napalunok siya habang titig na titig kay Venixe. Nabubuhay unti-unti ang kanyang pagkalalaki.

Napalingon siya sa labas ng binata sa pagbuhos muli nang malakas na ulan. Nakikita ang labas ang tanawin ng hotel dahil hinawi niya ang kurtina.

Mukhang kinabukasan na sila makakabiyahe dahil sa lakas ng ulan. Napangisi siya sa kanyang isipan. Makakatabi niya sa pagtulog si Venixe. Kailangan ay maging mabait siya rito para mangyari iyon. Hahayaan niya muna ito at hindi iinisin ang dalaga para hindi masira ang mood. Napreskuhan siya kaya maganda na ang mood nito ngayon.

"Let's eat," yaya niya kay Venixe at umupo na sa harap ng mesa na naroon. Nakaready na ang kanilang pagkain. Kung ano-ano na ang naiisip niya.

Sumunod si Venixe. Hindi pa ito nagbibihis o nagsuklay man lang. Mas lalo siyang nasisiyahan sa ayos ng dalaga. Wala kasi itong arte kung ano man ang magiging itsura niya sa harap niya. Parang matagal na silang magkakilala ni Venixe. Lihim siyang napapangiti dahil hindi naman nagsusungit ang dalaga sa kanya.

Pinaghila niya ng upuan si Venixe.

"Thank you."

Nagsimula na silang kumain at tahimik lang. Panaka-naka niyang sinusulyapan ang dalaga. Para itong babasaging kristal na hindi makabasag ng pinggan. Napaka-inosente ng mukha at pino kung kumilos.

Biglang napatigil ng pagkain si Venixe. Nakatingin ito sa labas at nanlulumo ang mga mata sa nakikitang malakas ang ulan. Hindi niya isusuhestiyon na dito na sila matulog sa hotel dahil baka magwala iyon si Venixe o kaya, ay biglang magsungit sa kanya. Patuloy lang siya sa pagkain.

"Is it safe to travel back to Manila with this heavy rain? Malakas ang ulan. Kakayanin mo bang magdrive?"

He just shrugged his shoulders. "Kaya naman. It's up to you." Deep inside, ay pinagdarasal ni Xander na hindi na sila tutuloy ni Venixe sa pagbiyahe.

He yearns for another kiss on her lips. He's desperate for a kiss from her. Para 'yon isang droga sa kanya na hinahanap hanap niya simula nang natikman niya ang malambot na labi ni Venixe. His whole being was having a hard time forgetting her, even for just a minute. Kaya kahit iniisip niyang hayaan na lamang ito, ay hindi niya magawa. He is addicted to her.

"W-hat?! Bakit mo ako tinitingnan ng ganyan?" Pinanlakihan pa siya ng mata ni Venixe at inirapan.

Kapag tinatarayan siya ng dalaga, ay mas lalo niya itong gustong halikan sa labi para parusahan sa katarayan nito sa kanya.

"Because you're beautiful babe." He winked at her. Kahit kinukumbinsi niya ang sarili na hindi ako asarin, ay hindi niya talaga kayang kontrolin.

"Tsk... Bukas na lang tayo magbiyahe kapag hindi na malakas ang ulan. I'll transfer to another room after we eat."

He knew it. Hindi iyon papayag si Venixe na makasama siya nito sa iisang room. Napatango na lang siya sa sinabi ng dalaga sa kanya, pero hindi siya makakapayag, He must do something.

"You can stay here. I'll sleep on the couch. You can sleep on the bed," seryosong saad ni Xander pagkatapos nitong magpunas ng labi gamit ang table napkin. Hindi kumibo si Venixe at tinatantiya ang kanyang sinabi. Nakatingin nang diretso sa kanyang mga mata. Tipid itong ngumiti sa kanya kaya napakurap pa si Xander kung tama ba ang nakita na nginitian siya ng dalaga o namalikmata lamang siya.

"Okay," tipid nitong sagot.

Napangiti si Xander. Hindi na iyon nakita ni Venixe dahil yumuko na ito sa kanyang plato at naghiwa ng karne. Kahit nagtataka siya kung bakit pumayag ang dalaga, ay masaya pa rin siya. Himala nga talaga, at hindi ito nakipag-argumento sa kanya. Kanina no'ng napatitig lang siya dito ay inirapan na siya agad. Kung ano man ang dahilan at biglang bumait ito ngayon, ay sana palaging maging dahilan para mas mapalapit pa siya sa dalaga.

Hindi na sila ulit nag-usap pa na dalawa. Tahimik na lang sila na nagpatuloy sa kanilang pagkain. 

Pagkatapos kumain ay naligo na si Xander. Si Venixe naman ay nagcheck ng kanyang cellphone. Kinabahan pa si Xander dahil tiningnan siya ng dalaga bago siya pumasok ng banyo. Nakalimutan pa naman niyang idelete ang tawag ni Cloud sa call history ng phone nito. Pero sabagay, hindi naman niya iyon magagawa dahil nakalock ang phone nito. Nag-iwas na lang ng tingin si Xander kay Venixe at saka dumiretso sa pagpasok sa loob ng banyo. Nakahinga siya nang maluwag ng wala namang sinabi si Venixe sa kanya.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status