Home / Romance / Becoming The CEO's Contract Lover / CHAPTER EIGHTY-NINE: NEW LIFE

Share

CHAPTER EIGHTY-NINE: NEW LIFE

Author: Lovina Alice
last update publish date: 2025-12-08 16:57:22

Buhat nang lumipat sa amin si Kyle ay naramdaman ko na mas gumaan ang aking buhay. It seems like nawala ang mga mabibigat na isipin na lagi kong pasan noong wala pa siya.

"Dapat ay ipakilala na natin si Chiara kay Dad," sabi ni Kyle sa akin nang minsang sinundo niya ako mula sa boutique. "Nalaman na niyang may apo siya at excited na siyang makilala ang bata."

Namutla ako sa sinabi ni Kyle. Sa pagkakaalam ko ay hindi ako gusto ng dad niya para sa kaniya dahil magkalayo ang estado naming dalawa.
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Becoming The CEO's Contract Lover   IN LOVE WITH MY TOMBOY: CHAPTER SIXTY-FOUR (FINAL CHAPTER): MARRIED AT THE RIGHT TIME

    Mabilis na lumipas ang mga araw at nakita na ni Heaven ang kaniyang sarili na humaharap sa judge kasama si Roman. Sa ngayon, alam na niya sa kaniyang sarili na sigurado na siya sa lalaking pakakasalan. Wala na siyang pakialam kung malakas man ang kabog ng kaniyang dibdib nang sandaling iyon, ang mahalaga lang sa kaniya ay magkasama na sila ng kaniyang mapapangasawa. "You're beautiful," pabulong na sambit ni Roman sa kaniya. "Ilang beses mo nang sinabi iyan," pambabara ni Heaven upang mapagtakpan ang pamumula ng kaniyang mukha nang sandaling iyon. "Bawal na bang sabihin nang paulit-ulit?" tanong ni Roman sa kaniya. Bago pa man makapagsalita si Heaven ay isang tikhim ang nakuha nila mula sa mayor na magkakasal sa kanilang dalawa. Namula na lang siya dahil alam niya sa kaniyang sarili na sinaway na sila ng nasabing opisyal upang masimulan na ang kanilang kasal. Wala mang naririnig na kahit na anong background music para sa kasal nina Heaven at Roman ay nararamdaman pa rin ng mg

  • Becoming The CEO's Contract Lover   IN LOVE WITH MY TOMBOY: CHAPTER SIXTY-THREE: WEDDING PREPARATIONS

    Kahit na sabihin pang civil wedding lang ang gusto nina Roman at Heaven ay hindi pa rin nila inaasahan na may mga aayusin pa rin silang mga papeles. Ang buong akala nila ay wala na silang aasikasuhin dahil hindi rin naman nila naiisip ang isang magarbong reception para sa kanilang mga bisita. Ang balak nga lang nila ay magpa-reserve sa isang restaurant para sa isang maliit na salo-salo after ng kanilang kasal."Nasa inyo naman na kung paano ninyo idadaos ang kasal," sabi ni Jean Antoinette sa dalaga. "Ang mahalaga lang naman ay masiguro ninyo ring maipapakita ninyo ang inyong CENOMAR bilang patunay na hindi pa kayo naikakasal kahit kanino."Isang malalim na hininga ang pinakawalan ni Heaven. Ang buong akala niya talaga ay wala na siyang ibang aasikasuhin dahil simple lang naman ang gaganaping kasal kung sakali. Wala siyang ideya sa kasal na gusto niyang mangyari."Alam mo, puwede pa rin naman ang sikretong kasal kung gusto ninyo," sabi ni Jean Antoinette sa dalaga. "Wala namang kaso r

  • Becoming The CEO's Contract Lover   IN LOVE WITH MY TOMBOY: CHAPTER SIXTY-TWO: MARRIAGE TALKS

    "Hindi naman natin kailangan ng sobrang engrandeng kasal para sa kanila," sabi ni Connie sa mag-asawa nang nagharap-harap na sila para pormal na pag-usapan ang detalye sa kasal nina Heaven at Roman. "Ang mahalaga lang ay mayroong mga tatayong ninong at ninang at tanggap na nila sa kanilang mga sarili na ikakasal na nga silang dalawa."Nakahinga nang maluwag si Miranda nang narinig niya ang sinabi ni Connie, "Buti naman at walang kaso sa iyo kung magarbo o hindi ang kasal nilang dalawa. Ang akala namin ay gusto mo ng best para sa nag-iisa mong anak.""Kilala ko si Heaven at alam ko na pribado siyang tao," sagot ni Connie. "Sigurado ako na kahit marami siyang kakilala ay hihilingin pa rin niya na maging simple ang kasal nilang dalawa ni Roman. Iyong tipong tanging malalapit lang sa kanilang dalawa ang dadalo sa kasal."Napatango si Miranda sa sinabi ni Connie, "Ano naman ang masasabi ni Harvey tungkol sa bagay na iyon? Kung hindi ako nagkakamali ay --""Kung ano ang mas gustong gawin ng

  • Becoming The CEO's Contract Lover   IN LOVE WITH MY TOMBOY: MEETING OF TWO FAMILIES

    Mabilis na lumipas ang mga araw nang hindi namamalayan ni Heaven. Ang buong akala niya ay nawala na sa isipan ng kaniyang ina ang tungkol sa salitang pamamanhikan dahil wala rin naman siyang nababanggit tungkol sa bagay na iyon. "Tumawag sa akin ang nobyo mo, nagtatanong kung kailan tayo puwede para sa pamamanhikan ng kaniyang pamilya rito," sabi ni Connie sa anak. "Mukhang may pinag-uusapan na kayong dalawa ng mapapangasawa mo ah." Nangunot na lang ang noo ni Heaven sa narinig, "Ano po ang ibig ninyong sabihin na may napag-usapan na po kaming dalawa ni Roman?" Isang knowing smile ang ibinigay ni Connie sa anak, "Date kung kailan pormal na kukunin ni Roman ang kamay mo sa akin para sa kasal." Literal na nagulat su Heaven sa sinabi ni Connie. Sa pagkakaalam niya ay wala pa rin silang napag-uusapang dalawa tungkol doon. Isa pa, hindi rin nasabi ng kaniyang boyfriend na magkausap sila ng kaniyang mama. "Huwag na huwag mong aawayin si Roman ngayon dahil ako ang makakalaban mo k

  • Becoming The CEO's Contract Lover   IN LOVE WITH MY TOMBOY: CHAPTER SIXTY: BIG NEWS

    Isang malapad na ngiti ang sumilay sa labi ni Connie nang nakita niya ang isang simpleng singsing sa daliri ng kaniyang anak. Iba na iyon sa promise ring na ibinigay ni Roman kay Heaven noon kaya sigurado na siyang may kinalaman na iyon sa next level ng kanilang relasyon."Sabihin mo, sa kasal na ba mauuwi ang inyong relasyon?" tanong ni Connie sa anak na biglang namula nang sandaling iyon."Mama...""Kailan ang kasal?" tanong kaagad ni Connie kahit na alam niya sa kaniyang sarili na wala pang napag-uusapang petsa ang dalawa."Kagabi lang po nag-alok ng kasal si Roman, hindi pa po namin napag-uusapan ang details," sambit ni Heaven sa ina.Isang mahinang tawa ang pinakawalan ni Connie, "Oo nga naman. Masyado akong excited. Aba, dapat ay ihanda na rin natin ang bahay para sa pamamanhikan ng pamilya ni Roman. Nakakahiya kung maaabutan ng aking mga balae na marumi iyon."Nangunot ang noo ni Heaven, "Pamamanhikan?""Oo, pamamanhikan," sabi agad ni Connie sa anak. "Kailangan iyon para mapag

  • Becoming The CEO's Contract Lover   IN LOVE WITH MY TOMBOY: CHAPTER FIFTY-NINE: PROPOSAL

    "Hindi ka pa rin ba inaaya ni Roman ng kasal?" tanong ni Jean Antoinette sa isang kaswal na tinig nang nagkita silang dalawa ni Heaven. "Ilang buwan na rin yata kayong magkasama sa iisang bahay ah."Binilang ni Heaven kung ilang linggo na silang magkasama ni Roman bago pa man niya binigyan ng isang masamang tingin ang kaibigan. There is no way in hell na hahayaan niyang tuksuhin lang siya nito tungkol sa pagsasama nilang dalawa ng nasabing lalaki."What? Mali ba ako ng bilang?" sunod-sunod na tanong ni Jean Antoinette sa kaibigan.Isang malalim na hininga ang pinakawalan ni Heaven. Hindi na niya alam kung ano ang isasagot niya sa kaniyang kaibigan.Habang kausap ni Jean Antoinette si Heaven ay masinsinan ding kinakausap ni Kyle ang kaniyang assistant na si Roman sa sarili niyang opisina. Nasa palad nito ang isang singsing na matagal-tagal na rin nitong binili para sa kasintahan."I guess this is the perfect time para alukin ko na ng kasal si Heaven," sabi ni Roman sa kaniyang boss. "A

  • Becoming The CEO's Contract Lover   CHAPTER ONE HUNDRED TWENTY: THE WEDDING CELEBRATION (FINAL CHAPTER)

    Hindi ko inakalang darating pa rin ang araw na makikita ko ang aking sarili na magsusuot ng wedding dres at maglalakad sa lalaking ipinangako sa akin ang forever na akala ko ay sa fairy tale lang nagaganap."Sinasabi ko na nga ba, sobrang swerte ko na ikaw ang ihaharap ko sa altar," pabulong na sab

    last updateLast Updated : 2026-04-01
  • Becoming The CEO's Contract Lover   IN LOVE WITH MY TOMBOY: CHAPTER TWO: NEGOTIATIONS

    Tulad ng utos ni Kyle, naghanap agad si Roman ng bahay na malapit lang sa bahay na tinutuluyan ni Jean Antoinette. Marami na siyang nakikita, but unfortunately, lahat iyon ay okupado na. Hindi iyon pinarerentahan sa kahit sino kaya problemado siya. Wala siyang malaking halaga na puwedeng ipambayad

    last updateLast Updated : 2026-04-01
  • Becoming The CEO's Contract Lover   CHAPTER ONE HUNDRED NINETEEN: BABY TROUBLES

    Buhat nang nakabalik kami sa bahay ay masasabi kong may naiba na sa daily routine naming dalawa ni Kyle. Ang dating diretsong tulog namin sa gabi ay napalitan na ng sleepless nights, lalo na kapag nagigising si Baby Izabelle sa gabi. Oo, nagawa ko ngang magpakananay noon kay Chiara kahit nag-iisa a

    last updateLast Updated : 2026-04-01
  • Becoming The CEO's Contract Lover   IN LOVE WITH MY TOMBOY: PROLOGUE

    "Baliw ka ba? Imposible na magustuhan mo ang isang tulad ko!" iyan ang unang sinabi ni Azenith "Heaven" Santiago kay Roman Agustin nang ipinagtapat sa kaniya ng binata ang nararamdaman nito para sa kaniya. There is no way in hell na paniniwalaan niya ito lalo na at alam niya sa mga kilos nito na li

    last updateLast Updated : 2026-04-01
More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status