Home / Romance / Becoming The CEO's Contract Lover / CHAPTER FORTY: RESERVATION

Share

CHAPTER FORTY: RESERVATION

Author: Lovina Alice
last update publish date: 2025-09-29 22:28:38

Tulad nang sinabi sa akin ni Sir Kyle, iniwan na niya sa akin ang creative part ng runway. Binigyan niya ako ng kontrol sa paggawa ng design hanggang sa pagpili ng tela na gagamitin para sa mga nasabing damit. Ang kailangan ko lang isipin lagi ay ang masiguro na pasok sa standard niya ang aking ginagawa.

"Hindi ka na raw lumalabas kaya pinadalhan ka na ni Sir Kyle ng pagkain," sabi ni Sir Roman habang inilalapag sa aking mesa ang pagkain. "He's concerned with your health lalo na at ang naging p
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Becoming The CEO's Contract Lover   IN LOVE WITH MY TOMBOY: CHAPTER THIRTY-THREE: CONSEQUENCES

    Hindi alam ni Heaven kung paano siya nakabalik sa boutique nang sandaling iyon. All she knows right now is gusto niyang mapag-isang muli dahil hindi niya maproseso ang bombang ibinagsak ni Connie sa kaniyang harapan. "All this time, alam ni Mama kung ano ang totoo sa hiwalayan nilang dalawa ni Papa, pero hindi niya iyon sinabi sa akin," umiiyak na sambit ni Heaven sa kaniyang sarili. "Bakit? Bakit inilihim niya iyon?" Nagpasiya si Heaven na manatili muna sa loob ng kaniyang opisina upang makapag-isip-isip nang maayos. Pinatay rin niya ang kaniyang phone dahil ayaw niyang makipag-usap kahit kanino." "Tita Connie, kung sakaling alam ko man kung nasaan si Heaven ngayon ay bibigyan ko muna siya ng privacy para makapag-isip-isip," sabi ni Roman sa ginang nang tinawagan siya nito. Isang malalim na hininga ang pinakawalan ni Connie, "Ito na nga ba ang aking sinasabi. Masasaktan ko lamang ang anak ko. Sana ay hindi ko na lang sinabi ang katotohanan sa kaniya." "Tita, mas mabuti na r

  • Becoming The CEO's Contract Lover   IN LOVE WITH MY TOMBOY: CHAPTER THIRTY-TWO: HURTFUL TRUTH

    Pinag-isipan ni Connie ang mga sinabi ni Roman sa kaniya. Alam niya sa kaniyang sarili na malaki ang possibility na iniisip ni Heaven na may ginawa ito noong bata pa ito sa kaniyang asawa para iwan sila nito. Masakit para kay Connie na balikan ang nakaraan, pero sa tingin niya ay iyon lang ang makakatulong sa dalaga upang maging mas bukas ito sa pag-ibig. Isang malalim na hininga ang kaniyang pinakawalan bago pa man niya tinawagan ang anak. "Heaven, anak, puwede ka bang umuwi rito mamaya?" tanong niya sa anak sa isang seryosong tinig. "May problema po ba, Mama? Bakit parang seryoso ang tono ninyo?" sunod-sunod na tanong ni Heaven sa ina. "Wala, pero gusto lang talaga kitang makausap," sagot ni Connie. "Miss na kita eh." "Sige po, daan po ako riyan kapag wala na pong tao rito sa boutique," sambit ni Heaven. "Baka naman po magsara kami nang maaga." "Sige, hihintayin kita ah." "Opo." Isang malalim na hininga ang pinakawalan ni Connie pagkatapos ng tawag na iyon. Sa totoo la

  • Becoming The CEO's Contract Lover   IN LOVE WITH MY TOMBOY: CHAPTER THIRTY-ONE: TITA CONNIE

    "Nalaman ko na kay Heaven na tumatawag pala ang dati kong asawa sa kaniya," sabi ni Connie kay Roman nang sila ay nagkitang dalawa sa transient house. "Kumusta ang anak ko? Is she fine?" Isang malalim na hininga ang pinakawalan ni Roman sa tanong ni Connie. Hindi niya alam kung ano ang kaniyang isasagot lalo na at ang ipinapakita ni Heaven sa kaniya ay okay lang ito kahit na deep inside ay hindi ganoon ang sitwasyon. There is no way in hell na magiging okay lang ang lahat sa dalaga lalo na at nang nakausap niya ito tungkol sa ama ay ramdam niya ang matinding pinagdadaanan nito. "Kilala ko si Heaven at alam kong hanggang ngayon ay nasasaktan pa rin siya sa ginawa ng kaniyang ama noon," sabi ni Connie sa isang malungkot na tinig. "Pero mas mabuti na ring naghiwalay kami noon ni Harvy kaysa naman sa manatili kami sa isang relasyon na alam naming makakasakal lang sa amin pareho." Nangunot ang noo ni Roman nang sandaling iyon, "Ano po ang ibig ninyong sabihin?" "Malinaw sa akin noo

  • Becoming The CEO's Contract Lover   IN LOVE WITH MY TOMBOY: CHAPTER THIRTY: LATE NIGHT TALK

    "Hindi kita masisisi kung pinagselosan mo si Jean Antoinette nitong nakaraan," sabi ni Roman nang tuluyan nang buksan ni Heaven sa kaniya ang mga saloobin nito. "Hindi ko alam na ganoon ang ginawa niya sa iyo." Isang mapait na ngiti ang pinakawalan ni Heaven, "Ano ang laban namin ni Mama sa first love ni Papa noon? I mean, naging sila lang ni Papa dahil ginawa siyang rebound ng magaling kong ama. At nang sabihin ng first love niya na may nararamdaman pa siya kay Papa ay hindi siya nagdalawang isip na iwan kami ni Mama noon." "Hindi ko man maiintindihan nang buo ang pinagdaanan mo ay sigurado ako na mali ang ginawa ng ama mo," sagot ni Roman. "He wanted love pero hindi niya ibinigay ang pagmamahal na deserved ni Tita Connie." "Alam ko, kaya nga hindi mo puwedeng sabihin sa akin na patawarin ko na lang siya basta-basta," sambit ni Heaven sa binata. "Mahirap para sa akin na gawin ang bagay na iyon.""Huwag kang mag-alala, wala naman akong balak na panghimasukan ang mga personal mong

  • Becoming The CEO's Contract Lover   IN LOVE WITH MY TOMBOY: CHAPTER TWENTY-NINE: HER FATHER

    Hindi maintindihan ni Roman kung bakit isang seryosong Heaven ang sumalubong sa kaniya buhat nang siya ay nanggaling sa Batangas. Pakiramdam niya ay may nagawa siyang kasalanan sa dalaga na sa tingin niya ay hindi nito magagawang patawarin kaagad. Gumapang ang kaba sa kaniyang balat nang naisip niya ang posibilidad na alam na nito ang tunay na ginawa niya sa nasabing lugar. "Heaven, I --" Bago pa man magawang tapusin ni Roman ang kaniyang nais sabihin ay nagsalita si Heaven, "May kailangan kang malaman tungkol sa akin na sa tingin ko ay hindi mo pa nalalaman." Nangunot ang noo ni Roman sa sinabi ni Heaven. Hindi na lang siya nagsalita at sa halip ay hinintay na niya kung ano man ang sasabihin ng dalaga sa kaniya. "I was uncomfortable sa ideya na nagpunta ka sa Batangas nitong mga nakaraang araw," sabi ni Heaven sa binata. Pinakunot lalo ni Roman ang kaniyang noo nang sandaling iyon upang maipakita sa dalaga na genuine ang pagtataka niya, "Bakit hindi ka komportable na pumunta ako

  • Becoming The CEO's Contract Lover   IN LOVE WITH MY TOMBOY: CHAPTER TWENTY-EIGHT: BATANGAS

    Nang nasiguro ni Roman na tama ang impormasyong hawak niya tungkol sa ama ay nagpaalam na siya kay Heaven. Ginamit na niya ang alibi na una niyang sinabi upang makalusot sa mapanuring dalaga. "Nandito na ako sa Batangas," sambit niya kay Heaven. "Gusto mo bang makita ang location ng lupa na bibilhin ni Sir Kyle para sa aming clothing line?" tanong pa niya sa dalaga. Isang iling ang ibinigay ni Heaven, "Malaki ang tiwala ko sa iyo na hindi monkey business ang pakay mo riyan," sagot niya sa binata. "Galingan mo na lang sa trabahong ibinigay sa iyo ng boss mo." "Okay, mag-uuwi ako ng pasalubong sa iyo kapag nakatapos na ako rito," sabi ni Roman kahit na alam niyang hindi iyon gugustuhin ng dalaga. Nang nasiguro ni Roman na hindi na siya mapaghihinalaan pa ni Heaven ay nagpunta na siya sa address na nakuha niya mula sa kaniyang imbestigasyon sa ama ng dalaga. Hindi niya ito kakausapin kaagad. Pupuntahan lang niya ito upang alamin kung ano ang kalagayan nito ngayon. If possible ay

  • Becoming The CEO's Contract Lover   CHAPTER TEN: CONFLICT OF INTEREST

    Hindi ko alam kung ano ang nangyari sa akin at naging sunud-sunuran ako sa sinabi ni Sir Kyle. Hinayaan ko siyang makapasok sa bahay habang hinahalikan niya ako. Hindi pa siya nasiyahan dahil kinailangan pa niya akong isandal sa pader nang sandaling iyon.“Sir, hindi ba makakasama sa iyo kung may

    last updateLast Updated : 2026-03-17
  • Becoming The CEO's Contract Lover   CHAPTER FOURTEEN: INVESTIGATION

    Tulad nang ipinangako sa akin ni Sir Kyle, tanging pag-aasikaso sa mga personal niyang gamit ang idinagdag niya sa aking trabaho. Hindi niya ako tinatawag sa gabi para maging lover niya at kung sakaling gusto niyang maglabas ng kaniyang sexual tension ay sa hotel pa rin namin iyon ginaga

    last updateLast Updated : 2026-03-17
  • Becoming The CEO's Contract Lover   CHAPTER EIGHT: JAKE

    “Jean Antoinette, nasaan ka? Gusto kitang makausap.”Nangunot ang aking noo. Sa pagkakaalam ko ay iniwan na niya ako at ipinagpalit sa aking kapatid na si Andreah. Wala akong nakikitang rason para pagbigyan ang kaniyang kahilingan. Mahirap na, magugulo ulit ang buhay ko dahil lang sa kaniya.“Jean

    last updateLast Updated : 2026-03-17
  • Becoming The CEO's Contract Lover   CHAPTER THIRTEEN: HOUSE RULES

    Dahil sa ginawa ni Jake sa akin ay nagpasya si Sir Kyle na dalhin ako sa sarili niyang pamamahay. Hindi ako nakapalag lalo na at sariwa pa sa akin ang nangyari. Kung hindi sila dumating ni Sir Roman ay baka kung ano na ang nangyari sa aming dalawa ni Jake na siguradong pagsisisihan ko sa bandang h

    last updateLast Updated : 2026-03-17
More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status