LOGINHindi na natanggal ang awkwardness sa akin buhat nang lumipat ako sa bahay ni Kyle. Hindi ko alam kung ako lang ba ang awkward sa kaniya o maski siya ay ganoon din ang nararamdaman para sa akin. Ni hindi ko man lang siya makausap nang matino ngayong kaming dalawa na lang ang magkasama sa iisang bahay. "Hindi ko alam kung ano ang problema sa pagitan naming dalawa at mukha tayong nasa awkward phase ng ating relasyon," sambit ni Kyle nang minsang sinalubong niya ako para pigilan sa pagtatagong gagawin ko sana. "What's happening? Bakit awkward na awkward ka sa akin? May ginawa ba ako sa iyo na hindi mo nagustuhan?" Isang iling agad ang ibinigay ko kay Kyle dahil alam kong wala sa kaniya ang problema. Nasa akin iyon dahil ako ang tensyonado sa aming dalawa. Nagulat na lang ako nang bigla niya akong hinapit sa baywang para lang mapalapit sa kaniya. Sinubukan ko pang umiwas ng tingin sa kaniya ngunit hinawakan na niya ako sa baba nang sandaling iyon upang mapatitig sa kaniya. "Sabihin mo
"Sa akin muna ang apo ko ngayong gabi," sabi agad ni Sir Alexander, or sa ngayon ay tinatawag ko na ring "dad" upon his request. "Hindi natin sigurado ang safety ni Chiara hangga't hindi inilalabas ng korte ang temporary restraining order laban sa mga magulang mo.""No choice tayo, mas safe si Chiara rito lalo na at mas strict ang security ni Dad kung ikukumpara sa bahay mo," sagot ni Kyle. "Hindi ba puwedeng lumipat na lang kami ni Chiara sa bahay mo?" tanong ko kay Kyle. "Hindi ako sanay na magkakahiwalay kami sa mas mahabang panahon.""Sa ngayon ay kailangan mo munang tikisin ang nararamdaman mo," sabi ni Dad sa amin. "Mahihirapan si Kyle kung dalawa kayong babantayan sa iisang bahay. Don't worry, hindi ko rin pababayaan ang pag-aaral ng apo ko."Isang malalim na hininga ang aking napakawalan nang wala sa oras. Hindi ko alam kung tama ba na pumayag ako sa kagustuhan ni Dad. Alam kong nag-aalala lang siya sa kalagayan namin lalo na at alam niya na may bahid na ng pagbabanta ang hul
"With this, sigurado na akong hindi na makakalapit pa ang mga magulang at kapatid mo sa inyo ni Chiara," sabi ni Kyle sa akin habang ipinapakita sa akin ang isang papeles na siyang patunay na kami ay hindi na puwedeng lapitan ng mga taong nagtakwil sa akin noon.Hindi ko napigilan ang pagsilay ng isang ngiti sa aking labi nang sandaling iyon. Mukhang sa pagkakataong ito ay makakamit ko nang muli ang katahimikang ninais ko noon. Hindi man iyon permanent restraining order ay sigurado akong may bisa pa rin iyon na kung sakaling lalabagin nila ay mayroong karampatang parusa."Kailangan nating paghandaan ang kaso kung gusto nating magkaroon ng permanent restraining order laban sa kanila," sabi ni Kyle sa akin.Isang iling ang ibinigay ko kay Kyle, "Magulang ko pa rin sila. Kalabisan naman na siguro kung sasampahan ko pa sila ng ko pa sila ng kaso para sa permanent restraining order.""But still, hindi natin alam kung ano ang kaya nilang gawin," sagot ni Kyle sa akin. "Lalo na kung may maku
Hindi na ako nagulat nang sumunod na mga araw ay nagpakitang muli sa akin ang aking mga magulang. Hindi na rin ako nagtataka kung sa boutique ko na sumulpot muli si Mama upang ako ay komprontahin. Sigurado ako na dumiretso na siya sa boutique sa oras ng aking trabaho upang iwasan ang banta ni Kyle sa kaniya. Nakalimutan niya na may kakayahan na akong mag-file ng permanent restraining order para sa kanila. "Ano ba ang sinabi mo sa yaya ng anak mo at ayaw niya kaming palapitin sa sarili naming apo?" galit na tanong sa akin ni Mama. "Kung makapagsalita ka ay parang wala kang utang na loob ah!" Isang malalim na hininga ang aking pinakawalan. Tinitigan ko si Mama sa mata bago nagsalita. "Wala akong utang na loob?" tanong ko sa kaniya sa isang seryoso't inis na tinig. "Hindi pa ba nabayaran ng bawat pagpaparaya ko kay Andreah ang sinasabi mong utang ko?" "Jean Antoinette, baka nakalilimutan mo na kung wala kami ng papa mo ay wala ka rin sa posisyon mo," sabi ni Mama sa akin. "Kami a
Buhat nang nakilala ni Sir Alexander si Chiara ay madalas na niyang kulitin si Kyle tungkol sa kaniyang apo. May mga pagkakataon na kinakausap ako ng aking boyfriend para makasama ni Sir Alexander ang bata. "Hindi ko halatang mabait sa bata si Sir Alexander ah," sambit ko nang muli akong kinausap ni Kyle para makasama ni Sir Alexander si Chiara. "Ang akala ko ay masungit din siya sa mga bata." "Well, masungit siya sa adults pero mas affectionate siya sa mga bata," sagot ni Kyle. "Kaya hindi na ako magtataka kung gusto niyang makasama si Chiara. Isa pa, first apo niya ang anak natin kaya excited talaga siya na makasama si Chiara." Isang malalim na hininga ang aking pinakawalan. Pagkatapos ng ilang pagkikita ng maglolo ay napanatag ang aking loob. Hindi na rin iba ang tingin ni Sir Alexander sa akin at itinuturing din niya ako bilang anak, lalo na nang nabalitaan niya kung ano ang sitwasyon ko sa mga sarili kong magulang. "Nga pala, ang sabi ni Dad ay kailangan mo nang tanggapin ang
Ilang buwan na rin kaming nananatili rito sa Maynila ni Chiara at ni minsan ay hindi naisipan ng aking mga magulang na ako ay bisitahin o kumustahin ang aking lagay. Tinupad nila ang kanilang sinabi sa akin noon na itatakwil nila ako bilang anak dahil hindi ko kayang pagbigyan ang kalokohan ni Andreah na humantong pa nga sa pagkakakulong sa kanilang dalawa ni Jake. Alam kong hindi na nila ako mapapatawad pa dahil mas mahalaga para sa kanila ang welfare ni Andreah kahit na sabihin ko pang marami siyang ginawang masama sa akin noon. "Wala ka na bang balak na ipakilala pa sa mga magulang mo si Chiara?" tanong ni Kyle sa akin. Isang iling ang aking isinagot, "Itinuring na rin naman nila akong patay kaya sa tingin ko ay wala na ring halaga kung ipapakilala ko pa sa kanila ang bata.""Kunsabagay, mas mainam na ring hindi mo sila nakikita para hindi kayo stressed," sabi ni Kyle sa akin. "I mean, hindi mo kailangang ipilit ang existence ninyo sa kanila."Isang malalim na hininga ang aking p







