LOGIN"Hindi naman natin kailangan ng sobrang engrandeng kasal para sa kanila," sabi ni Connie sa mag-asawa nang nagharap-harap na sila para pormal na pag-usapan ang detalye sa kasal nina Heaven at Roman. "Ang mahalaga lang ay mayroong mga tatayong ninong at ninang at tanggap na nila sa kanilang mga sarili na ikakasal na nga silang dalawa."Nakahinga nang maluwag si Miranda nang narinig niya ang sinabi ni Connie, "Buti naman at walang kaso sa iyo kung magarbo o hindi ang kasal nilang dalawa. Ang akala namin ay gusto mo ng best para sa nag-iisa mong anak.""Kilala ko si Heaven at alam ko na pribado siyang tao," sagot ni Connie. "Sigurado ako na kahit marami siyang kakilala ay hihilingin pa rin niya na maging simple ang kasal nilang dalawa ni Roman. Iyong tipong tanging malalapit lang sa kanilang dalawa ang dadalo sa kasal."Napatango si Miranda sa sinabi ni Connie, "Ano naman ang masasabi ni Harvey tungkol sa bagay na iyon? Kung hindi ako nagkakamali ay --""Kung ano ang mas gustong gawin ng
Mabilis na lumipas ang mga araw nang hindi namamalayan ni Heaven. Ang buong akala niya ay nawala na sa isipan ng kaniyang ina ang tungkol sa salitang pamamanhikan dahil wala rin naman siyang nababanggit tungkol sa bagay na iyon. "Tumawag sa akin ang nobyo mo, nagtatanong kung kailan tayo puwede para sa pamamanhikan ng kaniyang pamilya rito," sabi ni Connie sa anak. "Mukhang may pinag-uusapan na kayong dalawa ng mapapangasawa mo ah." Nangunot na lang ang noo ni Heaven sa narinig, "Ano po ang ibig ninyong sabihin na may napag-usapan na po kaming dalawa ni Roman?" Isang knowing smile ang ibinigay ni Connie sa anak, "Date kung kailan pormal na kukunin ni Roman ang kamay mo sa akin para sa kasal." Literal na nagulat su Heaven sa sinabi ni Connie. Sa pagkakaalam niya ay wala pa rin silang napag-uusapang dalawa tungkol doon. Isa pa, hindi rin nasabi ng kaniyang boyfriend na magkausap sila ng kaniyang mama. "Huwag na huwag mong aawayin si Roman ngayon dahil ako ang makakalaban mo k
Isang malapad na ngiti ang sumilay sa labi ni Connie nang nakita niya ang isang simpleng singsing sa daliri ng kaniyang anak. Iba na iyon sa promise ring na ibinigay ni Roman kay Heaven noon kaya sigurado na siyang may kinalaman na iyon sa next level ng kanilang relasyon."Sabihin mo, sa kasal na ba mauuwi ang inyong relasyon?" tanong ni Connie sa anak na biglang namula nang sandaling iyon."Mama...""Kailan ang kasal?" tanong kaagad ni Connie kahit na alam niya sa kaniyang sarili na wala pang napag-uusapang petsa ang dalawa."Kagabi lang po nag-alok ng kasal si Roman, hindi pa po namin napag-uusapan ang details," sambit ni Heaven sa ina.Isang mahinang tawa ang pinakawalan ni Connie, "Oo nga naman. Masyado akong excited. Aba, dapat ay ihanda na rin natin ang bahay para sa pamamanhikan ng pamilya ni Roman. Nakakahiya kung maaabutan ng aking mga balae na marumi iyon."Nangunot ang noo ni Heaven, "Pamamanhikan?""Oo, pamamanhikan," sabi agad ni Connie sa anak. "Kailangan iyon para mapag
"Hindi ka pa rin ba inaaya ni Roman ng kasal?" tanong ni Jean Antoinette sa isang kaswal na tinig nang nagkita silang dalawa ni Heaven. "Ilang buwan na rin yata kayong magkasama sa iisang bahay ah."Binilang ni Heaven kung ilang linggo na silang magkasama ni Roman bago pa man niya binigyan ng isang masamang tingin ang kaibigan. There is no way in hell na hahayaan niyang tuksuhin lang siya nito tungkol sa pagsasama nilang dalawa ng nasabing lalaki."What? Mali ba ako ng bilang?" sunod-sunod na tanong ni Jean Antoinette sa kaibigan.Isang malalim na hininga ang pinakawalan ni Heaven. Hindi na niya alam kung ano ang isasagot niya sa kaniyang kaibigan.Habang kausap ni Jean Antoinette si Heaven ay masinsinan ding kinakausap ni Kyle ang kaniyang assistant na si Roman sa sarili niyang opisina. Nasa palad nito ang isang singsing na matagal-tagal na rin nitong binili para sa kasintahan."I guess this is the perfect time para alukin ko na ng kasal si Heaven," sabi ni Roman sa kaniyang boss. "A
Sa umpisa ay awkward para kay Heaven ang pagtira sa bahay ni Roman dahil hindi siya sanay na may lalaking nakayakap sa kaniya kapag siya ay nagigising sa umaga. There are so many times na nananatili lang siya sa awkward state dahil hindi rin niya alam kung paano niya tatangalin ang braso nito sa kaniyang katawan. Mas madalas pa nga na magpapanggap siyang tulog kapag nararamdaman na niyang malapit na rin itong gumising. "Good morning," iyon lagi ang unang sambit ni Roman kapag nagigising na ito bago pa man siya nito bigyan ng isang halik sa noo. "Kumusta ang tulog mo?" "Hindi ko pa masasabi kung maayos ba ang tulog ko o hindi," sagot ni Heaven sa binata. "Bakit? Malikot ba akong matulog?" sunod-sunod na tanong ni Roman na halata ang concern sa boses nang sandaling iyon. Isang iling ang isinagot ni Heaven, "Hindi ka malikot matulog. Nagkataon lang na naninibago ako sa setup natin lalo na at nasa ibang bahay na ako ngayon." Isang malalim na hininga ang pinakawalan ni Roman, "A
Dumating ang araw ng Sabado at nakita na lang ni Heaven ang kaniyang sarili na tinutulungan ni Roman sa paglilipat ng mga gamit papunta sa bahay nito."Hindi ka pa ba pagod?" tanong ni Roman nang natapos na siyang ilapit sa pader ang cabinet ni Heaven. "Kanina ka pa nag-aayos ng mga gamit mo ah.""Bakit? Ililibre mo ba ako kung sakali?" tanong ni Heaven sa isang pabirong tinig."Puwede rin naman kung sasabihin mo lang," sagot ni Roman sa kasintahan. "Order tayo online ng food."Nanlaki ang mata ni Heaven nang nakita niyang kinuha ni Roman ang phone mula sa bulsa nito."Magluluto na lang ako ng pagkain natin," sabi agad ni Heaven sa binata. "Bumili ako ng stocks para hindi na tayo gumastos pa."Umangat ang isang kilay ni Roman sa narinig, “Sure ka na magluluto ka pa? Hindi ba pagod ka na? Hayaan mo nang mag-order na lang muna ako ng pagkain natin para makapagpahinga ka rin kahit papaano. Sabihin mo na lang sa akin kung ano ang gusto mong kainin.”“Bahala ka nang mamili kung ano ang kak
Halata kong hindi na ako patatakasin pa ni Sir Kyle dahil pinabantayan na niya ako kay Roman. Hindi ko magawang tawagan si Heaven dahil sigurado akong pakikinggan niya ang aking pakikipag-usap. There is no way in hell na hahayaan ko siyang maipaalam sa kaniyang boss ang tungkol sa aming anak. "Thi
"Jean Antoinette, may bagong imbitasyon na naman akong nakuha," sabi ni Heaven sa akin nang pumasok siya sa aking opisina. "Hindi mo paniniwalaan kung sino ang nag-iimbita sa atin ngayon."Umangat ang aking kilay sa narinig, "Hindi pa ba sapat ang dami ng invitations na nakuha natin sa mga nakalipa
Wala na akong nagawa nang sinabi ni Heaven kay Tita Connie na ako ay may sakit at kailangan kong magpahinga nang araw na iyon."Mas mahalaga sa amin ang health ng aming mga empleyado," sabi ni Tita Connie nang sinubukan kong magsabi sa kaniya na papasok pa rin ako kapag bumuti na ang aking pakiramd
Subukan ko mang iwasan si Sir Kyle kapag oras ng trabaho ay napapatunayan ko na lagi iyong palpak. Kailangan ko pa rin siyang harapin dahil sa fashion show project na ibinigay niya sa akin. Hindi ko siya binibigyan ng pagkakataon upang makausap ako tungkol kay Ma'am Jessica. "The big night is tom







