LOGINNAGISING si Hailey dahil sa malalakas na katok mula sa main door ng bahay.Tiningnan niya ang oras sa kanyang cellphone, alas nueve na ng umaga.Bigla siyang napabalikwas ng bangon dahil sa pag-aakalang si Kaelin ang kumakatok sa pinto.Baka kanina pa ito roon, paniguradong galit na galit na ito.Talagang masisira ng tuluyan ang image niya rito kapag nagkataon.Kaya kahit walang sapin sa mga paa ay mabilis siyang lumabas ng guest room at tinakbo ang main door.Pero laking gulat niya nang mabungaran doon si Veronica.Alam niyang uuwi ito ng bansa at nalaman niya iyon sa kanilang ina, pero hindi niya inaasahan na dederetso ito roon.Muntik pa siyang mapangiwi dahil sa nakitang hitsura nito.Nakangisi ang labi nitong may makapal at pulang-pulang lipstick.Mayroon itong suot na naglalakihang hikaw at kumikinang na kuwintas.Bumaba ang tingin niya sa suot nitong damit.Nakasuot ito ng black tube dress na hapit na hapit sa katawan nito.Pero tila yata kinulang iyon sa tela, dahil sigurado s
“KUYA, MAGAALAS-OTSO NA. Pero wala pa rin si ate Kaelin. Saan kaya siya nagpunta at ang tagal niyang umuwi?” ani Hailey habang nakapangalumbaba sa lamesa.Naroroon silang magkapatid sa kitchen.Hinihintay nila na dumating si Kaelin para kung anuman ang sabihin nitong lulutuin nila ay agad nilang mai-prepare.Kanina pa silang alas sais nandoon, at halos dalawang oras na silang naghihintay sa babae.“Hailey, mukhang hindi na siya uuwi. Alas-otso na, eh. Pa-deliver na lang tayo ng food,” aniya sa kapatid.Nakakaramdam na kasi siya ng gutom, at alam niyang ganoon din ito.Hindi niya alam kung saan pumunta si Kaelin.Basta ang alam niya ay hindi ito uuwi ngayong gabi dahil alanganing oras na.Umaasa pa naman siya na magkatabi sila mamaya sa pagtulog, katulad ng ginagawa ng tipikal na mag-asawa.Pero tila yata iyon ang iniiwasan nito, kaya sa ibang bahay ito makikitulog.“Tawagan mo muna kaya siya, kuya? Para alam natin kung uuwi ba siya o hindi?” mungkahe ni Hailey.Nahihiya man siyang taw
“A-ATE KAELIN, okay lang ba talaga sa ‘yo na rito muna ako katulad nang sinabi ni dad kanina?” nag-aalangang tanong sa kanya ni Hailey habang naghuhugas siya ng mga plato.Umuwi na sina Henry at Cora ilang oras lang matapos ang kanilang umagahan, kaya nasimulan na niya ang paghuhugas ng mga pinagkainan.“Hindi naman sa ‘kin itong bahay na ito, sa kuya mo. Kaya kung may dapat kang tanungin, siya iyon, hindi ako,” sagot niya nang hindi man lang ito tinitingnan.“Pero mag-asawa kayo, kaya sa ‘yo na rin itong bahay—”“Sa papel lang kami mag-asawa, hindi sa personal,” pambabara niya rito.Hindi agad ito nakahuma.Ano kaya ang pakiramdam nito ngayong ibinabato niya rito ang mga sinasabi nito sa kanya noon?“A-Ate…g-gusto kong humingi ng tawad sa ‘yo—”“Matagal na kitang napatawad, kayo ng kapatid mo. Pero ang sakit na idinulot ng mga ginawa at sinabi ninyo sa ‘kin noon ay nananatili pa rin sa puso’t isip ko.”“K-Kung ganoon, bakit tinanggap mo ulit si kuya?” garalgal ang boses na tanong nit
EKSAKTONG alas otso nga nang dumating ang pamilya ni Harrison.Pagkaligo niya kanina ay agad siyang nagbihis dahil gusto niyang hintayin sa labas ng bahay ang pagdating ng mga ito.Hindi naman siya nagtagal sa paghihintay dahil ilang minuto lang siyang naroroon sa labas nang huminto sa harapan niya ang sinasakyan ng mga ito.“Good morning, anak!” nakangiting bati sa kanya ni Cora pagkababang-pagkababa nito ng sasakyan.Hinalikan siya nito sa pisngi, samantalang nakipagbeso naman siya kay Henry.“Magandang umaga, hija…” bati sa kanya ni Henry.Huling lumabas ng sasakyan si Hailey.Pero napakunot siya ng noo dahil sa one-week na magiging bakasyon nito roon ay bakit yata tila napakarami naman nitong dalang gamit?Tatlong malalaking maleta lang naman ang dala nito na inilalabas ng driver mula sa compartment ng sasakyan.“H-Hi, a-ate K-Kaelin…” kandautal nitong bati sa kanya, ni hindi makatingin ng diretso.Simpleng pagtango lang ang naging sagot niya rito.“Naku, tamang-tama ang dating ni
DAHIL SA GINAWA ni Harrison ay nakaramdam siya ng sobrang hiya, kaya naman walang paalam na iniwan niya ito sa loob ng guest room.Bahala na itong maghakot ng kanyang mga gamit mag-isa.Nagluto na lang siya ng almusal para sa kanila at sa paparating na pamilya nito.Habang nagluluto ay sumasagi pa rin sa isip niya ang ginawa ni Harrison sa kanya kani-kanina lang.Hindi niya maikakaila na nagustuhan niya ang ginawa nito sa kanya.Ang matigas nitong kamay na humaplos sa kanyang pisngi, at ang malaki nitong braso na yumapos sa kanyang baywang.At ang pinakatumatak sa kanyang isipan ay ang ginawa nitong paghalik sa kanyang leeg.Bulta-bultaheng kuryente ang nilikha niyon sa katawan niya.Ganoon pala ang pakiramdam kapag hinahalikan at hinahawakan ng taong mahal naman talaga niya sa umpisa pa lang.Pinaghalong kaba, kilig at excitement ang nararamdaman niya ng mga sandaling magkalapit ang kanilang mga katawan.Lalo pang nagwala ang kanyang puso nang maamoy niya ang mabango nitong hininga.
NGISING ASO si Harrison habang nakasunod sa badtrip na asawa.Sa wakas, natupad na rin ang pangarap niyang makasama ito sa iisang silid.Salamat sa matalino at madiskarte niyang kapatid, dahil kung hindi dahil sa tulong nito ay hindi ito ngayon mangyayari.“Bilisan mo na riyan dahil marami tayong hahakutin! Baka ma-late ka pa sa trabaho, kasalanan ko pa!” mataray na sambit ng kanyang asawa.“Hindi ako ngayon papasok. Dito lang ako ngayong araw.”“Okay. Bahala ka sa buhay mo. Choice mo ‘yan, eh.”Naninibago talaga siya sa ugali nito.Dahil kilala niya itong mahinhin, mabait, mapagpasensiya, at nananahimik lang sa isang tabi kahit na ano pang masasakit na salita ang sabihin niya rito.Sa halip na makipagsagutan ito sa kanya rati sa tuwing inaaway niya ito, ay idinaraan na lang nito sa pag-iyak.Nung gabing makita niya ito sa birthday party, ni wala man lang siyang nakita kahit katiting na reaksyon sa maganda nitong mukha.Nakatingin lang ito sa kanya ng walang ekspresyon, na kung dati n







