LOGINLAKING GULAT ni Harrison nang pag-uwi niya ay nadatnan niya ang sariling pamilya sa loob ng kanyang bahay.Prenteng nakaupo ang tatlo sa isang mahabang sofa na nasa sala.“M-Mom? D-Dad? Hailey? A-anong g-ginagawa niyo rito?!” gulat at kandautal na tanong niya sa mga ito.“Hijo. Hindi na kasi kayo roon bumibisita ni Kaelin sa mansyon, kaya kami na lang ang nagpasyang puntahan kayo rito. Iniisip kasi namin na baka sobrang busy niyong dalawa kaya nahihirapan na kayong isingit sa schedule ninyo ang pagbisita sa amin, kaya para maiba naman, kami naman ang bumisita rito sa bahay ninyo,” paliwanag ng kanyang ina.“By the way, where’s Kaelin?” tanong ng kanyang ama. “Hindi kasi namin siya naabutan dito kanina,” dugtong pa nito.Halos malunok niya ang sariling dila dahil sa kawalan ng maisasagot. Pinagpapawisan na rin siya ng malamig. Parang isang napakalaking pagsubok ang kinakaharap niya ngayon.Tiningnan muna niya ang kapatid bago siya nagpasyang sagutin ang tanong ng kanyang ama.“A-Ahm… I
ISANG BUWAN. Isang buwan na ang nakalipas simula nang iwan siya ni Kaelin.Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwala na nagawa nitong iwanan siya sa kabila ng labis na pagmamahal nito sa kanya.Hindi niya maipaliwanag ang lungkot, sakit ng damdamin, at panghihinayang sa kanyang puso habang dumaraan pa ang mga araw.Hindi na rin siya nakakadalaw pa sa kaniyang pamilya simula nang umalis ito, dahil natatakot siyang malaman ng kanyang ina at ama na hindi na sila nagsasama pa.Puro na lang siya dahilan kapag tumatawag ang mga ito sa kanya. Parang bigla siyang nawalan ng lakas ng loob na humarap sa mga ito na wala sa kanyang tabi ang asawa.At si Veronica.Galit na galit sa kanya ang babae dahil hindi na niya ito pinuntahan pa. Nagsabi pa ito sa kanya through text na tatapusin na lang nito ang isang kontrata at iiwan na nito ng tuluyan ang career para tuparin ang pangarap niyang magkaanak dito, kung iyon lang ang nata
KINABUKASAN ay muling bumalik si Harrison sa mansyon ng mga Castellon. Hindi alintana kung muli siyang saktan ng mga kapatid ni Kaelin dahil sa panggugulo niya rito.Sa katunayan, kayang-kaya naman niyang labanan ang dalawa nitong kapatid, pero dahil sa kagustuhan niyang bumalik sa kanya ang asawa at muling makuha ang tiwala at pagmamahal nito, ay hinahayaan na lang niyang masaktan siya ng mga ito para hindi siya mahirapang makalapit kay Kaelin.“Kaelin!” tawag niya sa pangalan ng asawa.Kinakalampag at kinakatok niya ng malakas ang malaking gate.“Sir, bawal na ho kayo rito. Ibinilin sa’kin nina sir Kieran at sir Kristoff na paalisin kayo kapag muli kayong bumalik dito,” ani ng guard na nakabantay roon.“No! I need to talk to my wife!” malakas niyang sambit.“Wala na ho si ma’am Kaelin dito, umalis na. Kahapon pa,” pahayag ng guard.“W-What?! U-umalis?! B-bakit daw?! At saan ba raw siya pumunta?!” natataranta niyang tanong.“Hindi na kita puwedeng sagutin sa mga tanong ninyong ‘yan,
MISTULANG naubos ang lahat ng lakas ni Harrison habang mabibigat ang mga hakbang na nilisan niya ang harapan ng mansyon ng pamilya Castellon.Namumula ang mga mata niya dahil sa pagluha, kasabay ng mabibigat na paghinga na tila pasan niyon ang kanyang labis na pagsisisi.Kahit anong pagsusumamo, pagmamakaawa, at pakiusap ang gawin niya, nanatiling matigas si Kaelin. Ni hindi man lang ito natinag kahit nakita pa siya nitong sinasaktan ng mga kapatid.Ganoon pala ang pakiramdam ng ipinagtatabuyan.Masakit, malungkot, at nakakawala ng pag-asang magpatuloy sa buhay. Ganoon pala palagi ang nararamdaman ni Kaelin noong magkasama pa sila.Pero kung gaano ito katagal na nagtiyaga sa ugali niya, ganoon din kahaba ang gagawin niyang pagsusumamo rito para pabalikin ito sa buhay niya.Kahit araw-araw pa siyang pumunta sa mansyon ng mga ito para lang magmakaawa rito ay gagawin niya.Pagdating niya ng bahay ay nalukot ang mukha ni Veronica nang makita ang hitsura niya.“What happen to you, Harrison
SIGURO kung katulad pa rin siya ng dati na nagkakandarapa na makuha ang atensyon nito, siguro ngayon ay titiklop kaagad siya rito.Hindi man niya alam ang dahilan ng biglaan nitong pagbabago, ay wala siyang pakialam. Nakakagulat man ang tila paghahabol nito sa kanya ngayon, pero sapat na ang mga naranasan niyang sakit sa piling nito para hindi siya matinag.Akmang papasok si Harrison sa nakabukas na gate ng mansyon nang biglang may nagsalita sa likuran niya.“Hanggang diyan ka na lang,” malamig na sabi ni Kieran kay Harrison.Kasunod ni Kieran si Kristoff, kapwa seryoso ang ekspresyon.“Hindi ako pumunta rito para makipag-away,” mahinahong sagot ni Harrison. “Gusto ko lang makausap ang asawa ko.”“Ngayon mo lang naisip ‘yan?” sarkastikong tanong ni Kristoff. “Noong nasa poder mo siya, ano ang ginawa mo sa kanya?! Binalewala mo siya at sinaktan!”“Alam kong nagkamali ako,” ani Harrison, bakas ang pagsisisi sa boses. “Pero…mahal ko si Kaelin. Handa akong ituwid lahat ng mga pagkakamali
LUMIPAS ang limang araw mula nang tuluyang lumipat si Veronica sa bahay ni Harrison. Sa simula, inakala niyang magiging maayos sa kanila ang lahat.Akala niya, sapat na ang presensiya ni Veronica para mawala ang kung anumang pangungulilang nararamdaman niya simula nang umalis si Kaelin.Akala niya, magiging masaya sila ni Veronica kapag nagsama na sila sa iisang bubong na wala ng hadlang, katulad nang parang isang tunay na mag-asawang nagmamahalan.Pero mali ang lahat ng kanyang inakala.Unti-unti niyang napagtanto na may mga bagay na hindi basta napapalitan.Madalas siyang umuuwi na nadadatnang magulo ang sala, walang pagkaing nakahain sa mesa, at ang bahay na tila nawalan ng sigla.Hindi na nga ito naglilinis, nagagawa pa nitong magkalat. Hindi ganito ang bahay noong si Kaelin pa ang kasama niya.Kapag tinatanong niya si Veronica, madalas ay nakatutok lang ito sa cellphone o kaya’y nagrereklamo na pagod din ito sa buong araw.“Hindi mo ba puwedeng asikasuhin man lang itong bahay?” m







