Partager

Chapter 39

Auteur: Serene Hope
last update Date de publication: 2026-11-19 17:16:34

“DIYOS KO! Kawawa naman pala si Henry, Konrad. Parang nakokonsensiya tuloy ako sa ginawa nating pag-iwas sa kanya nitong nakaraang taon. Hindi man lang natin siya nadalaw noong nasa hospital siya para kumustahin ang kalagayan niya,” ani ng ina niya na may labis na pag-aalala habang kausap ang kaniyang ama.

Matapos ang dinaluhan nilang birthday party ni Leandro, agad siyang lumuwas at umuwi sa kanila kinabukasan para ibalita sa mga magulang ang nalaman mula kay Hailey. Hindi rin niya nakalimutan
Continuez à lire ce livre gratuitement
Scanner le code pour télécharger l'application
Chapitre verrouillé

Dernier chapitre

  • Begging Her to Love Me Again: A Billionaire's Regret   Chapter 42

    SOBRA ang saya at ligayang nararamdaman ngayon ni Harrison.Hindi man iyon nakikita sa seryoso niyang mukha, pero ang puso niya ay nagdiriwang.Sino ba naman ang hindi sasaya at liligaya kung ang daratnan niyang bisita sa ibaba ay ang asawa niya at ang pamilya nito?Hindi pa man niya nakakausap ang asawa ay excited na siya.Sumasayaw sa kanyang isipan ang ideyang baka makikipagbalikan sa kanya ang asawa at mag-uusap sila ng masinsinan, kaya pati ang pamilya nito ay kasama.Habang tinatanggal niya ang mga kasuotan ay tinatawagan naman niya ang kanyang assistant.Isang ring pa lang ay agad nang sinagot ang tawag niya.“Good morning, Sir Harrison!”“Good morning,” maikling sagot niya.Siguro, kung hindi maganda ang mood niya ngayong umaga ay baka hindi niya sinagot ang pagbati nito.Kaya suwerte nito dahil maganda ang mood niya ngayon, pati na ang lagay ng kanyang puso.“Are you on your way to the office, sir? Your first meeting is scheduled at eight, and the board members are already ex

  • Begging Her to Love Me Again: A Billionaire's Regret   Chapter 41

    NAPALUNOK siya nang makita kung gaano kagwapo ang asawa niya sa suot nitong pang-opisina. May bitbit pa itong briefcase sa kanang kamay, habang ang kaliwang kamay nito ay abala sa pag-aayos ng necktie.Bago pa siya maglaway sa nakikitang perpektong nilalang sa hindi kalayuan ay mabilis na niyang inalis ang mga mata roon. Mabuti na lang at walang nakapansin ni isa man sa ginawa niyang pagkatulala sa paparating na asawa.Abala kasi ang ama at ina niya sa pakikipag-usap kay Cora, habang ang mga kuya naman niya ay may pinag-uusapang ibang bagay.Napabuntong-hininga tuloy siya ng malalim. Kung nahuli siya ng pamilya sa ganoong sitwasyon, tiyak na maku-question siya ng mga ito, lalo na ang dalawa niyang kuya.Mabuti na lang talaga…“Mom, bakit hindi ninyo sinabi na bibisita pala rito ang pamilya ng asawa ko? Sana ay nakapaghanda man lang ako.”Nanlaki ang mga mata niya sa gulat nang marinig ang boses ni Harrison. Hindi niya namalayan na nakababa na pala ito at tuluyang nakalapit sa kanila.

  • Begging Her to Love Me Again: A Billionaire's Regret   Chapter 40

    AMININ man ni Kaelin sa hindi, habang papalapit sila sa mansyon ng pamilya Kensington ay hindi na tumigil sa pagwawala ang kanyang puso.Halos nahihirapan na siyang huminga dahil sa sobrang pagtibok niyon.Pero pilit niyang binabalewala ang nararamdaman.Pilit niyang isinisiksik sa kanyang utak na hindi na niya mahal ang asawa, na hindi na siya babalik sa piling nito kailan man.Dahil noong nasa gitna siya ng pagdurusa, ay iyon ang ipinangako niya sa sarili.Pero bakit tila ipinagkakanulo siya ng sariling puso? Lalo na noong gabing makita niya ito sa birthday party?Niloloko lang niya ang sarili kung sasabihin niyang hindi siya na-attract sa kagwapuhan nito noong gabing iyon.Dahil sa lahat ng mayroon ito, ay iyon ang kinabaliwan niya rito noon.“Haaays…lubayan mo na ako utak, please…” mahinang bulong niya sa sarili.“Bunso, may sinasabi ka?” kunot-noong tanong sa kanya ni Kristoff.“A-Ah, w-wala naman, kuya,” kagat ang labing sagot niya sa kapatid.Sana lang ay maniwala ito.“Weh? Ma

  • Begging Her to Love Me Again: A Billionaire's Regret   Chapter 39

    “DIYOS KO! Kawawa naman pala si Henry, Konrad. Parang nakokonsensiya tuloy ako sa ginawa nating pag-iwas sa kanya nitong nakaraang taon. Hindi man lang natin siya nadalaw noong nasa hospital siya para kumustahin ang kalagayan niya,” ani ng ina niya na may labis na pag-aalala habang kausap ang kaniyang ama.Matapos ang dinaluhan nilang birthday party ni Leandro, agad siyang lumuwas at umuwi sa kanila kinabukasan para ibalita sa mga magulang ang nalaman mula kay Hailey. Hindi rin niya nakalimutang banggitin na nagkita sila ni Harrison at sinusubukan siya nitong kausapin. “Huwag kang mag-alala, Carmela. Parang hindi mo naman kilala si Henry. Alam kong maiintindihan niya ang lahat kapag ipinaliwanag natin sa kanya ang dahilan,” sagot ng kanyang ama. “Kaya bukas na bukas din ay dadalawin natin siya sa kanilang mansyon,” dugtong pa nito.“Sasama po ako sa inyo, dad,” sabat niya.“Kaelin, sigurado ka ba? Alam mong kapag sumama ka roon ay magkikita at magkikita kayo ng asawa mong walang bay*

  • Begging Her to Love Me Again: A Billionaire's Regret   Chapter 38

    PAGKATAPOS masabi ni Kaelin ang lahat ng mga hinanakit niya kay Harrison sa nakaraan, ay umalis na siya sa harapan nito.Iniwan niyang nakayuko at parehong luhaan ang magkapatid.Tumatakbo siya sa hallway at hindi niya alam kung saan siya papunta. Dahil sa labis niyang pag-iyak ay naging malabo na ang daan, kaya naman hindi sinasadyang may nabangga siya.“Pasensiya na—”“Kaelin?” tawag sa kanya ni Leandro.Ito pala ang nakabangga niya.“Kanina pa kita hinahanap. Ang tagal mo kasing bumalik, kaya naman pumunta na ako rito.”Mabilis siyang yumakap dito.“Kuya Andro, please. Alisin mo na ‘ko rito ngayon din,” humihikbi niyang pakiusap. “I’m sorry kung hindi ko na personal na makikilala si Don William…”“I’ts okay, Kaelin. Marami pa namang panahon at pagkakataon para makilala mo siya. Bakit ka ba umiiyak? Dahil ba sa asawa mo? Nagkita ba ulit kayo kayo? Nagkausap?”Hindi niya ito sinagot, bagkus ay ipinagpatuloy lang niya ang pag-iyak sa balikat nito.Ang hindi niya pagsagot ay nangangahu

  • Begging Her to Love Me Again: A Billionaire's Regret   Chapter 37

    “NAKAKAIN na ang daddy ninyo, anak. At napainom ko na rin siya ng gamot,” sagot ng ina niya matapos niya itong tawagan para alamin ang kalagayan nito, lalo na ang kanyang ama.“Mabuti naman kung ganoon, mom…”“Ilang oras pa lang kayo ritong nawawala ni Hailey pero tumatawag ka na agad. Dapat nag-e-enjoy ka riyan, hindi ‘yong nandiyan ka nga pero ang isip mo naman ay naiwan dito.”Pagkarinig sa pangalan ng kapatid ay napahawak siya sa noo. Muntik na niyang makalimutan na kasama nga pala niya ito.“Mom, hindi niyo naman ako masisisi. Hindi niyo talaga maiaalis sa ‘kin ang huwag mag-alala.”“I know, son.”“Magpapaalam na muna ako, mom. Hahanapin ko lang si Hailey.”“Okay. Mag-enjoy kayo riyan ng kapatid mo.”Matapos niyang patayin ang tawag ay muli siyang napahawak sa noo.Nakita lang niya kanina ang asawa ay nakalimutan na niyang kasama pala niya roon ang kapatid.Mabibilis ang mga hakbang niya para bumalik sa bulwagan. Pero naisip niya, sa laki niyon at sa dami ng mga dumalo ay mukhang

Plus de chapitres
Découvrez et lisez de bons romans gratuitement
Accédez gratuitement à un grand nombre de bons romans sur GoodNovel. Téléchargez les livres que vous aimez et lisez où et quand vous voulez.
Lisez des livres gratuitement sur l'APP
Scanner le code pour lire sur l'application
DMCA.com Protection Status