Papá will seriously freak out if he saw me, his favorite daughter, become this domesticated to a man whom was not even her boyfriend!“!M*****a sea!” [Damn it!] bu-bulong ako sa sarili ko habang nakangiwi at nandidiring pinupunasan at nililinisan ang marumi at amoy sukang sahig. Sa sobrang kalasingan kasi ni William ay sinukahan niya ang sarili niya, maging ako, dahil nakaalalay ako sa kaniya kanina at pinupunasan siya ng warm water na may halong alcohol para maging presko ang pakiramdam niya at para hindi siya makatulog na amoy alak pero sa sobrang kalasingan nga niya ay sinukahan niya ang sarili niya—maging ako—at tumulo iyon sa sahig niya at sa comforter niya dahilan para mapatili ako sa inis. But hindi naman kaya ng konsensiya ko na hayaan siyang matulog ng amoy suka ang damit at comforter niya, so nilinisan ko siya. Nanghiram ako ng unused clothes sa closet niya. After kong maligo at masigurong hindi na ako amoy suka niya at feeling fresh na ako ay lumapit ako sa kaniya, pinalit
Nang mapagod ako sa paglaro-laro sa buhok niya ay niyakap ko na lang siya at pinatakan ko ng halik ang kaliwang balikat niya, ang labi niya, at ang noo niya. Sobrang saya ko ngayong gabi dahil bukod sa nakasama ko siya ay nayakap at nahalikan ko siya.I sighed dreamily. Ayaw ko ng matapos ang gabing ito. Ayaw ko ng magising sa napakagandang panaginip na ito. Me and William in one bed and the fact that something almost happened to us is enough to keep me awake the whole night.He murmured something again kaya bahagya ko siyang itinulak paalis sa ibabaw ko at tinanong ulit. Pero dapat pala ay hindi na ako nagtanong pa dahil ako lang naman pala ang mag-isang umaasa sa wala at ang siyang nananaginip ng gising. Ako lang naman pala ang tangang umaasa na sa wakas ay nakita na niya ako bilang ako, bilang isang babaeng nagmamahal sa kaniya, at bilang isang taong handang gawin ang lahat para lang sa kaniya at sa pagmamahal niya.He murmured, “Olivia.” With a fucking smile on his drunk face tha
Pumalahaw ako at napabulalas ng malakas na iyak. This time ay hindi na lang dahil sa sakit at frustration na dulot ni William sa akin kundi dahil ngayon ko higit na napatunayan na ang suwerte ko dahil may mga kaibigan ako’ng gaya nila. Suminghot ako.I don’t care kung nasa gitna kami ng lobby ng Saavedra Towers or kung nakaka-attract kami ng atensiyon dahil sa nakakahiyang pag-iyak ko. All I know was that I have to let this all out. That I have to let all this disappointment, pain, and the fury slowly bubbling within me—all because of William and that Olivia. Dahil kung hindi ko sila mailabas ay baka mabaliw ako.Baliw na nga ako kay William, e kaya ayaw ko ng madagdagan pa ang pagkabaliw ko. Rex heaved a deep sigh and clicked his tongue bago ako binuhat sa mga braso niya paalis sa mga kuryuso, nagtatanong, at mga mapanghusgang mga tingin ng mga taong nandoon sa lobby.I sniffed bago ko sinubsob ang mukha kong puno ng pinaghalong luha at sipon. Kadiri na ako but Rex doesn’t seem to
Prólogo Ang sabi nila ay sobrang suwerte ko raw sa buhay dahil nasa akin na ang lahat-lahat—ganda, talino, kasikatan, karangyaan, at ang pagiging asawa ni William Saavedra, isang mayamang business tycoon dito sa Pilipinas at Asya. Ang sabi nila ay wala na raw ako’ng ibang mahihiling pa sa buhay ko dahil nasa akin na nga ang lahat ng kinaiinggitan ng halos lahat ng mga kababaihan pero ang hindi nila alam ay lahat ng iyon ay isang kasinungalingan lamang, isang malaking pagpapanggap dahil ang totoo ay kabaliktaran ng nakikita ng mga mata nila ang totoong mga nangyayari sa marriage life ko. Behind closed doors I don’t have a perfect life—a far cry from what everyone thought of the life I am living—because behind closed doors, I am the invisible, neglected, and hated wife of William Saavedra. Isa lang naman sana ang gusto kong makamit sa buhay na ito at iyon ay ang mahalin din ako ni William kagaya ng pagmamahal ko sa kaniya pero ang sobrang hirap na makamit iyon lalo na kung kasal nga
Capítulo Uno: The Transferee Eight years ago… “Buenos días, mi amor!” [Good morning, my love!] masiglang bati ni Mommy sa akin pero inismiran ko lang siya at sumubo ng isang kutsarang punong-puno ng chocolate cereal at hindi siya pinansin. “Nagtatampo ka pa rin ba dahil umuwi tayo rito sa Pilipinas?” “Sí!” [Yes!] sagot ko bago malakas na napabuntong-hininga. “I-I just can’t understand your decision, ‘My. Why divorce Papá? Why left Spain for this… this...” I paused. Ni hindi ko nga alam kung ano ang tamang salitang idudugtong ko para lang ma-i-describe ko ang bansang ito. “This is also your country, Sasha. You are a Filipina, like me. Hindi ba’t marapat lamang na malaman mo ang isang parte ng pagkatao mo?” “Por favor!” [Please!] Sarkastikong pinaikot ko ang mga mata ko dahil sa sinabi niya. Hinding-hindi ko matatanggap ang kasinungalingang sinasabi niya sa akin. “Hindi pa ba sapat na kaya kong magsalita ng language na ito, Mommy? Para lang masabi mong Filipina rin ako? Anyway, I’m
Capítulo Dos: The Brat Napaling pakaliwa ang mukha niya dahil sa ginawa kong pagsampal ng sketch sa kaniya. Bahagyang na-guilty naman ako sa pananakit na ginawa ko sa kaniya pero siya ang humingi sa akin noon! Siya ang huminging saktan ko siya dahil sa pang-iinsulto niya sa passion at craft ko. Pinanuod ko ang pagtatagis ng bagang niya at ang bahagyang pagmasahe ng kamay niya sa kaniyang kanang bahagi ng mukha. Namumula ang kanan niyang pisngi at bumakat talaga doon ang sketch pad ko. “Sino ka sa tingin mo para saktan at ipahiya ako ng ganito sa harap ng maraming tao?” Matalim ang mga mata niyang nakatingin sa akin. Gusto kong matakot sa pagbabanta sa boses niya at mapaatras sa dilim na nakikita ko sa mukha niya pero ang mataas kong pride ang siyang nagpipigil sa aking gawin iyon. Isa pa ay alam kong hindi niya ako kayang saktan lalo’t nasa classroom kaming dalawa. “Ako? Hmm…” nang-aasar kong tanong kahit pa medyo kinakabahan na ako sa kaniya at sa naging reaksiyon niya. “Ako la
Capítulo Tres: The Truth Nakahalukipkip at nakataas ang kilay na tinitigan ko ang maarte at OA na si Olivia habang nanginginig hindi lang ang mga kamay niya kundi maging ang bibig niya sa kaba. Namumutla na rin siya pagkatapos niyang makitang pumasok sa loob ng Guidance Office ang mga magulang niya. Pfft! Takot siya sa parents niya? Poor Olivia. I scoffed loud enough for all of them to stare at me for a good one minute before they looked away after I raised my right brow at them. “Alam ninyo ba kung bakit ko kayo ipinatawag lahat sa opisina ko, Ma’ams and Sirs?” Umismid ang pulang-pula na labi ni Mrs. Vanderhurst at matalim at dismayadong tinapunan ng tingin si Olivia na mas lalong napayuko at napaiwas ng tingin. “Ano pa nga ba sa tingin mo, Dr. Herrera? Malamang ay may kalokohang ginawa na naman iyang si Olivia.” Ooh! Sweet! Isang ngiti ang sumilay sa labi ko pagkarinig ko sa sinabi ni Mrs. Vanderhurst. Mukhang alam niya rin kung gaano kaloko, kasinungaling, at ka-loser ang an
Capítulo Cuatro: The Mischievous Brat Kinabukasan ay late na ako’ng pumasok dahilan para pagtinginan ako ng lahat maging ng gurong nasa gitna. “You are early for your next class, Miss?” patanong na sita sa akin ng babaeng guro. Ngumisi ako sa kaniya bago ko hinawi ang mahaba at kulot-kulot kong buhok na kulay kayumanggi patungo sa kanang balikat ko. “Sasha,” tugon ko habang may maliit na ngiting naglalaro sa bibig ko. “Yo soy Sasha Domingo Miranda, Señora. Encantada de conocerte.” [I am Sasha Domingo Miranda, Ma’am. Nice to meet you.] Napatango-tango siya habang istrikto pa rin ang bukas ng mukha niya. “I supposed ay nagpapakilala ka ng sarili mo.” Nakangiting tumango ako at dinilaan ko ang labi ko habang nakatingin pa rin sa mga mata niya at bumulong sa sarili ng, “Obviously, I did.” “Dahil late ka ay tatayo ka riyan sa labas hanggang matapos ang klase natin at may tig-dalawang libro ang nakapatong sa likod ng mga kamay mong nakadipa. Isang oras kang tatayo riyan sa labas dahil