Home / Mystery/Thriller / Behind Closed Doors / A Stranger With a Secret

Share

A Stranger With a Secret

Author: La Vendetta
last update publish date: 2026-09-20 12:20:51

CHAPTER 5

Maingay ang loob ng kulungan nang gabing iyon.

May mga preso na abala sa kani-kanilang ginagawa. May naglilinis ng paligid, may nag-uusap sa isang sulok, habang ang iba naman ay tahimik na nakaupo at naghihintay na matapos ang oras.

Nasa isang bahagi ng common area si Miguel nang marinig niya ang kanyang pangalan.

“Miguel.”

Napalingon siya.

Nakatayo roon ang isang warden.

“May dalaw ka.”

Bahagyang kumunot ang noo ni Miguel.

Sandali siyang natigilan.

Wala siyang inaasahang bibisita sa kanya.

Sa loob ng halos sampung taon, kakaunti lamang ang mga taong dumadalaw sa kanya. Natutunan na niyang huwag umasa sa mga bagay na maaaring bigla lamang mawala.

Tumayo siya at sumunod sa warden patungo sa visitation room.

Habang papalapit siya, hindi niya maipaliwanag kung bakit biglang bumilis ang tibok ng kanyang puso.

Pagbukas ng pinto—

may isang babaeng nakaupo sa kabilang panig ng mesa.

Nakatagilid ang katawan nito at nakatalikod sa kanya.

Ngunit kahit hindi pa niya nakikita ang mukha nito, nakilala na niya agad.

Ang paraan ng pagkakaupo.

Ang mahaba nitong buhok.

Ang bahagyang paggalaw ng balikat habang tahimik na naghihintay.

Ellaine.

Sampung taon niyang hindi nakita ang babaeng iyon nang ganito kalapit.

Huminto si Miguel nang ilang hakbang mula sa mesa.

Para bang biglang bumalik sa kanya ang napakaraming alaala.

Ang unang pagkikita nila.

Ang mga araw na magkasama sila.

Ang kasal.

Ang kanilang anak.

At lahat ng bagay na nawala.

Huminga siya nang malalim bago tuluyang lumapit.

Umupo siya sa harapan ni Ellaine.

Ilang segundo silang parehong walang imik.

Si Ellaine ay nakatingin lamang sa kanya.

Walang galit.

Walang ngiti.

Walang excitement.

Parang kaharap lamang niya ang isang taong matagal nang bahagi ng kanyang nakaraan.

Samantala, hindi maitago ni Miguel ang bahagyang ngiti sa kanyang mukha.

“Hindi ko akalain na pupunta ka.”

Tahimik si Ellaine.

“Akala ko…” Napangiti siya nang kaunti. “Hindi mo na ako pupuntahan.”

Unti-unting nawala ang ngiti ni Miguel.

Saglit siyang tumingin sa mga kamay ni Ellaine na nakapatong sa mesa.

“Pero masaya akong makita ka.”

Hindi sumagot si Ellaine.

“Malapit na akong makalabas.”

“I know.”

“Sinabi sa akin ng warden na approved na.”

Tumango si Ellaine.

“Alam ko.”

Mas lalong luminaw ang ngiti ni Miguel.

“Ellaine…”

Huminga siya nang malalim.

“Hindi mo alam kung gaano ko katagal hinintay ang araw na ’to.”

Tahimik pa rin si Ellaine.

“Sa wakas, makakauwi na ako.”

Bahagyang napatingin si Ellaine sa kanya.

“Hindi na katulad ng dati ang uuwian mo, Miguel.”

Napahinto ang lalaki.

Unti-unting nawala ang ngiti sa kanyang labi.

“Alam ko.”

“Hindi mo na kailangang umasa na paglabas mo rito, babalik tayo sa dati.”

Diretsahan ang boses ni Ellaine.

Walang galit.

Kaya mas masakit.

“Ellaine…”

“Hindi ako galit sa’yo.”

Napatingin si Miguel sa kanya.

“Pero ayoko ring isipin mong may hinihintay pa ako.”

Matagal siyang tinitigan ni Miguel.

Napayuko siya bago bahagyang ngumiti, kahit may sakit sa kanyang mga mata.

“Matagal na tayong nawala, Miguel.”

Sandaling natahimik si Ellaine bago muling nagsalita.

“Pero kahit gano’n, hindi kita hahadlangan sa buhay ng anak mo.”

Tumingin siya nang diretso kay Miguel.

“Pwede mo siyang makita, makilala, at maging ama para sa kanya.”

Bahagyang kumislap ang mga mata ni Miguel.

Natahimik ang buong paligid para sa kanilang dalawa.

At sa unang pagkakataon mula nang marinig ni Miguel na malapit na siyang makalaya, napagtanto niyang ang paglabas niya sa kulungan ay hindi nangangahulugang makakabalik siya sa dati niyang buhay.

Dahil ang babaeng pinakamahalaga sa kanya ay naroon mismo sa kanyang harapan.

Ngunit hindi na siya hinihintay.

Huminto ang sasakyan ni Ellaine sa harap ng isang malaking bahay sa loob ng isang exclusive subdivision.

Huminga muna siya nang malalim bago kinuha ang folder sa passenger seat.

Bago pa man siya tuluyang makalabas ng sasakyan—

Tok! Tok!

Napapitlag siya.

Pagtingin niya sa windshield, nakita niya si Jacob na nakatayo sa tabi ng sasakyan at nakangiti.

“Good morning.”

Nagulat ngunit natawa na lamang si Ellaine nang makita siya habang bumababa ng sasakyan.

“Sorry. I thought you saw me.”

“Maaga ka.”

“Fifteen minutes early.”

Tumango si Ellaine at itinuro ang bahay.

“Ready?”

“Absolutely.”

Magkasabay silang naglakad papasok.

Habang naglilibot, ipinaliwanag ni Ellaine ang mga pangunahing detalye ng property—house and lot, mga kuwarto, garage, garden, at ilang minor repairs na maaaring kailanganin.

“Kasama na sa asking price ang bahay at lupa?” tanong ni Jacob.

“Yes. Pero kung gusto mong mag-proceed, kailangan pa rin nating dumaan sa proper due diligence. Iche-check natin ang title, taxes, ownership documents, at iba pang requirements bago tayo mag-finalize.”

Tumango si Jacob.

“Good. I don't want to rush anything.”

“Hindi naman kita pipilitin. Take your time.”

Naglakad sila patungo sa living area.

Malaki ang espasyo at maraming natural light ang pumapasok mula sa malalaking bintana.

“This is actually better than the pictures.”

“That’s what most buyers say.”

“May ibang interested?”

“May ilang inquiries.”

“So I have competition.”

Bahagyang ngumiti si Ellaine.

“It’s still your decision.”

Muling tumingin si Jacob sa paligid.

“Honestly, I think this could work.”

“Then we can prepare an offer kapag decided ka na.”

“Reservation?”

“Once we agree on the terms. Pero dapat malinaw muna sa’yo lahat bago ka maglabas ng kahit anong payment.”

“I appreciate that.”

Bago pa man sila makapagpatuloy, tumunog ang cellphone ni Jacob.

Napatingin siya sa screen.

“Excuse me.”

Lumayo siya nang kaunti upang sagutin ang tawag.

Hindi nagtagal, bumalik siya.

“Sorry about that.”

“It’s okay.”

“My mom.”

Tumango si Ellaine.

“Everything okay?”

“Yes. She just wanted to check if I already found a place.”

“Tell her you might have.”

Napangiti si Jacob.

“I will.”

Muli silang nagpatuloy sa pag-ikot.

Natapos ang property viewing nang maayos.

Napag-usapan na nila ang presyo, terms, at mga susunod na dokumentong kailangang ihanda.

Matapos iyon, pareho silang umalis sa property sakay ng kani-kanilang sasakyan.

Hindi na sila nagkasabay.

Samantala, dumiretso si Jacob sa ibang lugar.

Makalipas ang ilang minuto, huminto ang kanyang sasakyan sa harap ng isang malaking bahay.

Pagkababa niya, agad siyang pumasok sa gate.

Walang nagtanong sa kanya.

Walang pumigil.

Para bang pamilyar na pamilyar siya sa lugar.

Diretso siyang pumasok sa bahay at nagtungo sa swimming pool area.

May isang babae roong nakatalikod sa kanya, tahimik na nakaupo habang nakatingin sa tubig.

Lumapit si Jacob.

“Everything is all set.”

Hindi agad sumagot ang babae.

Patuloy si Jacob.

“I like the place. Maganda. Malaki, tahimik, at okay yung location. Sakto sa kailangan ko.”

Nanatiling tahimik ang babae.

“So far, everything went well. Nakuha ko rin yung information na kailangan natin.”

Bahagyang tumigil si Jacob bago muling nagsalita.

“Wala naman siyang napansin.”

Ilang segundo ang lumipas.

Saka lamang dahan-dahang humarap sa kanya ang babae.

Si Marian Fuentes.

Tinitigan siya nito nang ilang segundo bago bahagyang ngumiti.

“Good. So everything went well, according to plan.”

Ngumiti rin si Jacob.

“Yes, Mom.”

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Behind Closed Doors   A Stranger With a Secret

    CHAPTER 5Maingay ang loob ng kulungan nang gabing iyon.May mga preso na abala sa kani-kanilang ginagawa. May naglilinis ng paligid, may nag-uusap sa isang sulok, habang ang iba naman ay tahimik na nakaupo at naghihintay na matapos ang oras.Nasa isang bahagi ng common area si Miguel nang marinig niya ang kanyang pangalan.“Miguel.”Napalingon siya.Nakatayo roon ang isang warden.“May dalaw ka.”Bahagyang kumunot ang noo ni Miguel.Sandali siyang natigilan.Wala siyang inaasahang bibisita sa kanya.Sa loob ng halos sampung taon, kakaunti lamang ang mga taong dumadalaw sa kanya. Natutunan na niyang huwag umasa sa mga bagay na maaaring bigla lamang mawala.Tumayo siya at sumunod sa warden patungo sa visitation room.Habang papalapit siya, hindi niya maipaliwanag kung bakit biglang bumilis ang tibok ng kanyang puso.Pagbukas ng pinto—may isang babaeng nakaupo sa kabilang panig ng mesa.Nakatagilid ang katawan nito at nakatalikod sa kanya.Ngunit kahit hindi pa niya nakikita ang mukha

  • Behind Closed Doors   What Really Happened

    CHAPTER 4Makalipas ang ilang oras, tapos na si Ellaine sa pag-aayos ng sarili.Kakapaligo lamang niya. Nakasuot na siya ng maluwag na damit pambahay habang nakaupo sa harap ng salamin. May tuwalya pa sa kanyang ulo habang dahan-dahan niyang pinupunasan ang basang buhok.Tahimik ang buong kwarto.Tanging mahinang ugong ng air conditioner ang maririnig.Hindi niya namamalayan, matagal na pala siyang nakatitig sa sarili niyang repleksyon.Tinitigan niya ang kanyang mukha.Ang kanyang mga mata.Ang kanyang mga labi.Pamilyar pa rin ang mukha niyang iyon, ngunit tila may mga pagbabagong dala ang nakalipas na sampung taon.At sa pagtingin niya sa sarili, unti-unting may mga larawang nabuo sa kanyang isipan.Si Miguel.Bago pa sila naging mag-asawa.Noong nagsisimula pa lamang ang relasyon nila.Mga simpleng pagkikita. Mga tawanan. Mga gabing ayaw pa nilang umuwi dahil gusto pa nilang magkasama.Mga panahong pareho nilang pinaniwalaan na wala nang makapaghihiwalay sa kanila.Hanggang sa isa

  • Behind Closed Doors   The Past Comes Home

    CHAPTER 3Mula sa floor-to-ceiling windows ng opisina, tanaw ni Ellaine ang halos buong lungsod.Matataas na gusali, abalang kalsada, at mga sasakyang tila maliliit na ilaw mula sa kanyang kinatatayuan.Sa kabilang bahagi ng lungsod ay isang construction site—isa sa mga proyektong kasalukuyang pinamamahalaan ng kanyang kumpanya.Sa loob ng sampung taon, unti-unti niyang napalawak ang negosyong ipinasa sa kanya ng kanyang ama. Mula sa residential properties at luxury homes hanggang sa mga high-end subdivisions at commercial developments, mas lumaki pa ang kumpanyang minsang ipinagkatiwala lamang sa kanya.Hindi naging madali ang mga unang taon.Kailangan niyang patunayan na kaya niyang pamahalaan ang negosyo nang wala ang gabay ng kanyang ama, habang sabay na inaalagaan ang anak at binubuo muli ang sarili niyang buhay.Ngayon, hindi na lamang siya kilala bilang anak ng isang mayamang negosyante.Siya na mismo ang bumuo ng sariling pangalan.Sa ibabaw ng kanyang desk ay nakalatag ang il

  • Behind Closed Doors   The Dead Don't Stay Buried

    CHAPTER 2Makalipas ang ilang minuto, huminto ang sasakyan ni Ellaine sa tapat ng isang malawak at tahimik na sementeryo.Pinatay niya ang makina, ngunit hindi agad bumaba.Ilang sandali siyang nanatiling nakaupo, nakatingin sa mga puntod na tanaw mula sa kanyang windshield.Sa labas, banayad ang hangin.Walang malakas na ulan. Walang kulog. Walang sigawan.Tahimik ang paligid.Hindi tulad ng gabing paulit-ulit niyang napapanaginipan.Dahan-dahan siyang bumaba ng sasakyan.May hawak siyang isang simpleng bulaklak. Mahigpit niya itong kinapitan habang naglalakad sa pagitan ng mga puntod.Hindi siya nagmamadali.Para bang bawat hakbang ay kailangan niyang pag-isipan.Hanggang sa tuluyan niyang makita ang puntod na matagal na niyang iniiwasan.RYAN FUENTESNapatigil si Ellaine.Ilang segundo siyang nakatayo sa harap nito nang walang sinasabi.Pagkatapos, dahan-dahan siyang lumuhod at inilapag ang bulaklak sa ibabaw ng puntod.Tumayo siya.Nanatili lamang doon.Pumikit siya at huminga nan

  • Behind Closed Doors   The Night that Never Ends

    CHAPTER 1Ten Years AgoNapakalakas ng ulan nang gabing iyon.Halos hindi na makita ang labas mula sa mga bintana ng bahay. Walang tigil ang pagbuhos ng tubig mula sa langit, humahampas sa bubong at salamin na para bang pilit nitong tinatabunan ang anumang nangyayari sa loob.Pero mas magulo sa loob ng bahay.Dalawang lalaki ang nag-aagawan.At sa pagitan nila—isang baril.“BITAW!”Isang lalaki ang sumigaw habang pilit na inaagaw ang baril mula sa kamay ng isa. Nagbanggaan ang kanilang mga katawan, dahilan para umuga ang isang mesa at bumagsak ang isang upuan.May basag na salamin na kumalat sa sahig.At ilang hakbang lamang mula sa kanila, nakaluhod si Ellaine.Nanginginig ang buong katawan niya. Ramdam niya ang lamig ng sahig sa ilalim ng kanyang mga tuhod, ngunit mas malakas ang kaba na kumakapit sa kanyang dibdib.Namumuo ang luha sa kanyang mga mata habang pilit niyang inuunawa kung paano nauwi sa ganito ang lahat.“Miguel!”Napatingin siya sa kanyang asawa.Pero hindi siya nito

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status