LOGINThird person POV
Naglalakad sina Axl, Joric, Roby, Jerry at si Kenn naman ay parang malayo ang isip.
“Bakit ang isang kagaya mo ay kailangan magbalat kayo?,” katanungan ni Kenn habang patuloy na iniisp si Zhaine.
Hanggang nakita nila ito--nangungulit sa isang construction site. Hindi alintana ni Zhaine na makikita siya ng kan’yang mga estudyante.
“ Tignan nyo mga p’re! ang teacher natin,” turong sabi ni Axl.
“ Siguro ang dami niyang sinusuportahan: teacher sa umaga. Kargadora sa hapon. Sa gabi ano naman ka’ya?, “ tatawa-tawang sabat ni Roby.
Ngunit si Kenn ay hindi kumikibo--pinagmamasdan lang nya ito.
“Alam ba talaga ng babaeng ito ang pinag-gagawa n’ya. Sino ka bang talaga?”.
“ Alam nyo, ang mabuti pa’y kain na lang tayo. Treat ko,” tanging nasabi ni Kenn sa mga tropa nya. Dahil ayaw nitong marinig at pinagtatawanan ito ng mga barkada n’ya.
“ Yan ang gusto ko sa pare ko,” tuwang-tuwang sabi sagot ni Roby.
Lahat ay kayang gawin ni Zhaine para sa kanyang estudyante. Dahil na rin sa kan’yang mga pangako sa mga ito: kahit mahirap ay pipilitin niyang kayanin.
Namasukan si Zhaine sa isang construction site bilang helper upang makalikom ng pera para kay Simeon. Hindi lingid sa kaalaman nito na may taong nakamasid sa kan’ya--pinapanood s’ya.
Nakatago sa isang sulok si Kenn dahil sa minamanmanan nito ang bawat ginagawa ng kanyang teacher.
Natapos ang isang buwan ni Zhaine sa trabaho at kan’yang natanggap ang kaniyang sahod na ipangdadagdag naman niya para matubos si Simeon sa mga sindikato.
Tulad ng mga nagdaang araw ay nakamanman pa rin sa kan’ya si Kenn. Bigla siyang napa-isip.
“Di kaya... para kay Simeon ang kinita n’ya?”
Pumasok si Zhaine sa warehouse na hawak-hawak ang naipun niyang pera para kay Simeon--nilapag sa gitna na mesa kung saan naroroon ang mga amo nito.
“Isang daang libo. Walang labis. Walang kulang. Kaya kung maari ay isauli n’yo na ang aking estudyante.”
“ Bata, hindi mo man lang sinasabi na may mayaman ka pa lang teacher,” ngising sabi ng Big Boss habang binibilang ang pera na biglang hinagis naman kay Simeon.
“ Salamat dito. Ngunit hindi totoo ang sinabi ko.”
“ Ano ang ibig mong sabihin, Simeon?”
“ Simple lang. Niloko lang kita.”
Halos nanlumo si Zhaine sa kan’yang narinig kay Simeon. Hindi siya makapaniwala sa ginawa sa ka’nya nito.
“Hindi, Maaari. Simeon, Nangako ka sa akin!”
Pinakalad-kad na s’ya ng Big Boss sa mga tauhan nito palabas ng warehouse.
“Sandali...” bukod na lang niyang nasabi.
Hangga’t hindi lumalabas si Zhaine ay nanatili si Kenn. Nakita n’ya ito na hawak-hawak ng mga maskuladong lalaki palabas ng warehouse. Sa hindi mawari ay sinumdan n’ya ito palihim. Pumasok ito sa isang sementeryo.
Nagtago lang s’ya sa isang gilid at nakita niyang wala ng tali ang buhok nito at nakita nya muli ang totoong mukha nito habang umiiyak.
“ Papa, kaya ko bang abutin ang pangarap mo sa akin?” iyak ni Zhaine.
Nakaramadam ng awa si Kenn. Galit na sinugod ang kan’yang bestfriend.
Sinakto niyang nasa labas ito. Isang malakas na suntok sa mukha ang tinanggap ni Simeon sa kan’ya.
“ P’re! bakit?,” nagtatakang tanong nito habang nakahawak sa kaniyang mukha.
" Simeon, pinaghirapan ng teacher natin yan! dahil sa kagustuhuan n’yang sagipin ka sa pinagtratrabahuan--makabalik ka lang sa eskwelahan, " sigaw nito sa kan’ya’t hawak-hawak ang damit nito.
" Ah. Dahil pala babaeng wirdo na y’on kaya sinuntok mo ang bestfriend mo! di naman ganyan ang turing natin sa mga teacher, ah? bakit ngayon parang naging sunod-sunuran ka na sa kan’ya? saka.. di ko naman alam na sisiryusuhin nya. Dahil uto-uto kasi s’ya,”
Lalong nagpantig ang tenga ni Kenn--nasuntok niya muli ito sa pangalawang pagkakataon.
“ Kilala mo ko, Pre! ang pinaka ayaw ko sa lahat ang ginawa mo sa Kan’ya. Oo, isa s’yang wirdo subalit hindi mo kinakailangang tatrantaduhin. Subukan mong bumalik sa school, doon mo malalaman kung bakit ako nagkakaganito sa Wirdong y’on.”
Sabay bitaw sa kaniyang bestfriend at muling nagtungo sa kinaroroonan ni Zhaine.
Nagpakita na siya kay Zhaine--nag- abot pa ng panyo.
“ Oi, sino ba yang iniiyakan mo?”
Nagulat si Zhaine at sabay tingala sa lalaking nag-abot sa kan’ya ng panyo.
Habang nagmamadaling pawiin ang luha upang itago na umiiyak s’ya.. Nang bigla tumabi ito sa kan’ya at muling inulit ang tinatanong nito.
“ Sino ba yang iniiyakan mo dyan?”
“ Ah, kanina ka pa ba d’yan?”
“ Fifteen minutes. Nakita na kitang umiiyak kaya huwag ka na magkunwari pa.”
“ Bakit ka pala nandito, Mr. Singson?”
“ Kung p’wede lang Kenn na lang ang itawag mo sa akin. Ayoko kasing tinatawag ako sa apelyido.”
“ Pero, teacher mo ko,” angal pa nito.
“ wala nang pero-pero. P’wede ba kitang tawaging Zhaine?”
“ Off course, puwede naman. Saka mas bet ko nga ‘yan. Teka, ano ba ang ginagawa mo dito?”
Nag-isip ng isasagot si Kenn dahil ayaw n’yang malaman nito na sinusundan nya ito.
“ Napadaan lang ako. Sino ba yang iniiyakan mo d’yan?”
“ Ito ang papa ko. Sa kaliwa ang mama ko.”
“ Zhaine siguro proud na proud sila sayo. Sa pagtupad ng pangarap nila para sayo.”
“Oo, naman Mr.Sing.. ay, Este. Kenn pala.”
Nilingon nya muli ito at biglang sumeryoso ang mukha nito.
“ Pinatay sila sa harapan ko. Wala silang awa sa mama ko. Binugbog nila ang papa ko’t pinagbabaril. Limang taong gulang lang ako noon.”
Nakaramdam ng awa si Kenn Kay Zhaine habang pinapakinggan niya ang mga kinukwento nito.
“ Nung mga oras na pinatay sila sa mismong harapan ko isinumpa ko sa kanila na tutuparin ko ang pangarap nila para sa akin at hahanapin ko ang pumatay sa kanila.”
“ Alam ko na. Kaysa magmukmok ka d’yan, kain na lang tayo,” nakangiting aya ni Kenn upang libangin ito.
Hinatak s’ya ng binata patayo.
“ Teka, sandali... wala akong pera,” Angal ni Zhaine habang sinusubukan n’yang kumawala sa pagkahawak ng kamay ni Kenn sa kanyang palad.
“ Treat ko. Kaya, ayusin mo sarili mo at itong salamin sa bag na lang.”
Hindi na nakatutol pa si Zhaine. Habang magkahawak sila ng kamay biglang kumalma ang puso niya. Hindi niya mapaliwanag kung ano ang nangyayari sa kan’ya. Ganon din si Kenn sa kanya.
Sa warehouse... pagkatapos komprontahin ni Kenn si Simeon, nanatili na tahimik ito sa isang sulok. Napa-isip siya sa mga sinabi ng kan’yang bestfriend.
“ Ano kaya ang nangyari kay Kenn. Hindi naman magkakaganon ang bestfriend ko. Bumalik kaya ako sa pag-aaral?”
Pagkasabi ni Tyron ay bigla siyang napatingin sa kaniyang nobya. Kaagad n'ya itong binigyan ng upuan. " Mahal, Pagkatapos ng klase sa 12-d, ihahatid na kita sa bahay." " Pero, Mahal." " Ms. Tuazon, huwag kang makulit!! Pinag-bigyan na kita kahapon. Ngayon, ako naman ang dapat na masunod." Wala ng nagawa pa si Zhaine. Hindi na rin s'ya nakipagtalo. Muling bumalik si Kenn sa topic ng klase. " 12-D, yung nangyari kahapon ay inyong kalimutan. Tyron, nasaan na yung upuan na nasira niya?" " Nasa likod, Sir. Inayos na namin iyon kahapon, pati yung mesa."Tumindig si Kenn sa harapan ng section 12-D. Matalas na nagsabi. " Kahapon nakita n'yo kung paano mangamba ang inyong wirdong teacher sa bawat isa sa inyo. Kahapon upang mapigilan niya na madamay ang maraming estudyante. Nilagay niya sa alanganin ang kaniyang buhay. Nakikita n'yo ang itsura niya ngayon. Dahil iyon sa bala ng sumpak na tumama sa kan'yang mga hita at hiwa ng katana. So, ngayon alam n'yo ng lahat kung baki
Pagkatapos nilang makakain ng almusal.. pinainom na muna ni Kenn ang Kaniyang kasintahan. " Mahal, sigurado ka na kaya mong pumasok?" " Oo naman, Mahal. Kaya ko. Ihatid na muna natin itong tatlo na ito sa kani-kanilang bahay. Para hindi gaano mag-alala ang mga magulang nila," malamig na tinig ni Zhaine sa kan'ya. " Kayong tatlo. Tumayo na kayo d'yan para makauwi." Nauna nilang hinihatid si Enrico. Lumabas ang mama at papa nito para salubungin sila. Niyakap ng mag-asawa ang kanilang anak. Lubos na nagpasalamat sa mag-asawa. " Ms. Tuazon, pasok po muna kayo sa loob." Tumango lang ito't nagpaalam si Zhaine sa kaniyang kasintahan. " Mahal, sandali lang." Inalalayan naman s'ya na lumabas ng kotse ni Kenn. Habang nasa loob ng bahay ay puro pasalamat ang sinasabi ng mag-asawa sa kan'ya. " Maraming salamat po sa paghatid sa aking aming anak,"– nakayuko at nahihiya na Sabi ng papa nito. " Walang anuman po, Sir. Mabait naman pong bata si Enrico. Maya agahan mo pumasok.
kinaumagahan. Pagkabangon ni Zhaine agad na bumungad ang nakasimangot na mukha ni Kenn. " Nasaan na yung tatlong pasaway na yon?", tanong ni Zhaine kay Kenn. " Nandoon sa dining table. Kumakain ng Almusal," nakasimangot na sagot nito.. " Mahal, galit ka ba?" Ramdam ni Zhaine na galit sa kan'ya si Kenn kung kaya't sinubukan niyang tumayo upang lapitan at suyuin. " Ano pa sa tingin mo? Gusto mo ba matuwa ako sa nangyari sa iyo, kahapon." Narinig nila ang pagtaas ng boses ni Kenn, nilabas nila ito. " Mahal, pasensya ka na. Iyun lang ang tanging paraan para mahuli ang mga taksil."–paliwanag ni Zhaine habang patuloy na sinusubukang makatayo.Sumagot si Kenn, at tila ba sad'yang tumulo ang kaniyang mga luha. " Lagi mo naman sinasabi sa akin. No choice din kung kailan ka gigising. Kung makakaligtas ka ba o hindi! Mahal, ang bigat-bigat sa pakiramdam na iuuwi ka dito sa bahay na duguan at nanghihina. Gaya nang nag-agaw buhay ka noon na halos ikawala ng aking sarili. Tapos na
Third Person POV Nagmadali sina Senko upang maiuwi sa bahay dahil ang kanilang boss Jhai. Nanghihina na si Jhai dahil sa lason ng sumpak sa kaniyang katawan." Anak, madali ka. Latagan mo ng higaan si Jhai." " Papa, bakit? ano ang nangyari?"— pag -aalalang tanong nito. " Mahal, Senko." –biglang nangimbal na naman si Kenn sa itsura ng kan'yang kasintahan." Ano ang nangyari sa kan'ya?" Nawawalan ng malay tao si Jhai bago ito naiuwi nina Senko.Nakatingin lamang sa kanilang guro sina Gerard , Enrico at Xyle. Agad na nagtungo si Luan at whang sa kusina upang gumawa ng pangotra sa lason ng sumpak." Luan, dalian n'yo," sigaw ni Senko. Samanatalang si Kenn ay kumuha ng damit at basang pamunas para kay Zhaine." Kayong tatlo, tumalikod kayo!! Walang lilingon. "Pinunasan n'ya ang buong katawan nito nang maligamgam na tubig, saka binihisan."Mahal, bibihisan lang kita.""Ako na, Mahal."Tumayo ito, inalalayan na lamang siya ni Kenn. " Dahan-dahan, 'yan kasi."Pagkatapos nitong magbi
Jhai's POV Mas tumindig pa ang tensyon sa bulawaran. Ibang Jhai na ang nakikita ng buong samahan. Marunong siyang bumasa ng galaw. Inilabas ni Luan si Lobo sa harapan ng mga ito. Hindi inaasahan ng buong samahan ng Lion Warrior's ang ipapakita ni Jhai sa kanila. Nang nailabas na ni Luan ang mga ito. Pagdaka'y nagtungo si Jhai sa harapan, dinampot at sinakal ng kaniyang braso si Lobo. Habang nakaharap ito sa lima. Sapilitan niyang pinaluhod ito sa harapan ng lahat. " Lobo, ngayong nasa harapan mo na ang limang iyan. Ituro mo kung sino sa kanila." May hawak na sumpak ang isa sa lima, ito'y alam ni Jhai. Alam din niyang pag-hinarap n'ya si Lobo, papatayin nila ito. Muli n'yang pinatayo si Lobo. Habang nakasakal pa ang kaniyang braso sa leeg nito. Pagdaka'y binulungan n'ya ito ng hindi nalalaman ng lahat. Gusto din niyang mailigtas ang buhay ni Lobo sa Limang tao na nagtaksil sa kan'ya. " Hindi ko maagapan ang iyong buhay kapag di' ka pa nagsalita. Papatay ka nila. May lason
Napagpasyahan ni Zhaine na idiretsyo sina Gerard, Enrico at Xyle sa kaniyang bahay. Nagpalit ng damit: Ang kaniyang black suit na damit na habang paa ang haba nito. Sinuot din niya ang mga suksukan niya ng patalim–sa likod, sa mga hita nito. Bago dumirestyo sa bulawaran. " Kayong tatlo! Walang uuwi sa inyo hangga't di' ko sinasabi. Maliwanag!"– matapang na bilin nito sa kanila. " Mahal, sasama ako sa'yo"–sabi ni Kenn ngunit hindi pumayag si Zhaine. " Mahal, kaya ko na ito. Hindi ka pa p'wedeng humarap sa kanila." " Ngunit, Mahal. Di' ba nakasulat na ang ating pangalan sa talaan? Anong silbi ng simbolo na nasa pin ng aking necktie." " Mahal, makinig ka. Hindi pa nararapat na hiharap ka sa kanila. Huwag muna sa ngayon. Bantayan mo na lang muna ang tatlong iyan. Tawagan mo din Ang papa mo, paki-sabi na may inaayos lang ako." " Senko, Whang, tayo na." " Mahal." Tinitigan lang s'ya nito, saka umalis. Hindi na nagawa pa ni Kenn na pilitin ito. Inabutan lamang niya nga fi