Dahil sa matapang at matapat na mga salita ni Zhaine, tila natauhan ang ilang estudyante. Hinabol nila siya sa labas.
“Ms. Tuazon, sandali lang! Saan ka pupunta?!” sigaw nila habang tinatakbo siya.
Ngunit hindi na siya lumingon. Dahil sa kagustuhang mapigilan ang gulo, nagmamadali siyang nagtungo sa lugar na tinumbok nina Kenn.
Nagpunta sina Kenn, Jerry, at Xian sa isang bakanteng lote—tambayan ng mga estudyanteng nambugbog kay Xian.
“Tingnan mo nga naman, sumugod ang mga taga-kabilang school! Naawa ba kayo sa lampang ‘yan?” pang-aasar ng lider ng kabilang grupo.
“Ah, lampa pala, ha?!” sigaw ni Kenn.
At walang pasabing sinugod nila ang mga ito—basagan ng ulo, suntukan, at sipa.Ngunit nagulat sila. Marami palang kasama ang kabilang grupo—handa na ang mga ito.
“Hindi maaari! Naisahan tayo, mga pare!” sambit ni Kenn habang bugbog sarado silang tatlo.
“Ano sa akala niyo? Na lalaban kami ng patas? Tatlo lang kayo tapos sumugod kayo rito?” dagdag pa ng lider ng kabilang grupo, may halong pangungutya--pinagtawanan pa sila.
Biglang dumating ang natitirang miyembro ng 12-D.
“Tatlo lang? Nakalimutan n’yo na bang mas marami kami, kumpara sa 'nyo?!” sigaw ni Galvez habang papasok sa eksena.
Sakto rin ang pagdating ni Zhaine--naawa sa sinapit ng kanyang mga estudyante.--Nang makita niyang aatakehin si Kenn at ang iba pa, agad siyang sumigaw.
“Huwag na huwag n’yong sasaktan ang mga estudyante ko!”
Nagulat ang lahat—ang buong 12-D, pati na rin ang kabilang grupo. Lumakad si Zhaine papalapit, matatag at puno ng determinasyon.
“Di ba binalaan ko na kayo? Pero hindi kayo nakinig! Ang mga alitan ay puwedeng idaan sa maayos na usapan!” sigaw niya kay Kenn at sa buong klase.
“Ano ba sa tingin n’yo ang ginagawa n’yo? sinabihan ko na kayo ang titigas ng mga ulo 'nyo! Matatawag ba kayong bayani sa ganitong paraan?” sermon niya habang nakatitig sa kanila. Wala ni isa ang makatingin pabalik—napayuko ang lahat.
Pagkatapos, hinarap niya ang kabilang grupo.
“Salamat ha, sa pananakit n’yo sa mga estudyante ko,” matapang nyang sabi habang papalit sa mga kalaban.
Napakunot-noo ang isa sa mga kalaban.
“Ikaw ‘yung babae kahapon, ‘di ba?”Habang papalit ito't nakatingin ng diretsyo--dito na inalis ni Zhaine ang kanyang salamin at tinanggal ang pagkakatali ng kanyang buhok.
Nagulat ang buong klase.
Mula sa isang mukhang "weirdo," lumitaw ang isang napakagandang babae—matapang, matikas, at malayo sa nakagawiang itsura niya sa paaralan.
“Binalaan ko na kayo kahapon at sinabihan--Duwag lang ang lumalaban sa kaunti. Ako na lang ang harapin n’yo!”
At sa isang iglap, sinugod niya ang mga kalaban. Naiilagan niya ang bawat suntok at sipa, na para bang kabisado niya ang bawat gala--kan'ya naman itong isinusukli sa kanila. Bumuwelo ang isa para suntukin siya sa mukha, ngunit agad niya itong pinilipit sa braso.
“Lalaban pa ba kayo?!” sigaw niya habang inihahagis ang estudyanteng iyon palayo.
Lahat ng kalaban ay napaatras. Isa-isa silang napaupo sa lupa dahil sa takot.
“Sa susunod na may kumanti sa mga estudyante ko… ako ang makakalaban n’yo. Tandaan n’yo ‘yan.”
Walang naglakas-loob na tumutol. Lahat ay kumaripas ng takbo.
Bumalik siya sa kanyang mga estudyante.
“Sabi na nga ba... ikaw ‘yung babae kahapon,” ani Xian.
“Paano ‘yun?” gulat na tanong ni Kenn.
“Nagulat kayo? Hindi kayo makapaniwala sa nakikita n’yo, no? Akala n’yo kasi porket babae, mahina. Akala n’yo ‘yung itsurang weird ay walang alam. Pero mali kayo.”
“Sino ka ba talaga, huh?!” sigaw ni Kenn.
“Ako? Ako lang naman ang adviser n’yo. Simula ng tinanggap ko ang trabaho na ito, ipinangako ko sa sarili kong aalagaan ko kayong lahat. Proteksyonan. Kaya tara na, bumangon na kayo diyan. Pinaghahanap na kayo ng Vice Principal. Sigurado akong nag-uusok na ang ilong nun! "
“At isa pa… hangga't maari'y huwag na huwag n’yong ipagsasabi ang nakita n’yo kanina. Please lang.”
Habang inaayos niya ang buhok at isinuot muli ang salamin, naglakad na siyang palayo.
“Guys... ngayon lang ako naka-encounter ng teacher na ganyan. Mas gustong itago ang tunay niyang ganda sa katauhan ng isang weirdong old-fashioned,” ani Clark.
“Totoo. Hindi ko akalain na gano’n siya kaganda. Para kang nakakita ng anghel na bumababa galing sa langit. Di ba, Kenn?” dagdag ni Jerry.
“Ewan... pero kailangan nating alamin kung bakit,” maiksing sagot ni Kenn habang pinagmamasdan si Zhaine.
Pagbalik nila sa school, bumungad agad sa kanila ang Vice Principal.
“At saan kayo galing?!” pasigaw at matalim ang tingin kay Zhaine.
“Nag-out door activity po kami, sir,” mabilis na palusot ni Zhaine.
“Talaga lang ha? Eh bakit may mga pasa ang mga ito?” usisa ng Vice Principal.
“Naglaro kami ng track and field... saka tumbang preso po, sir.”
Hindi kumbinsido ang Vice Principal.
“Di ba sinabi ko sa’yo, Ms. Tuazon, na ilapit mo ang sarili mo sa kanila? ‘Yan ang ginagawa ko, sir.” ani ni Zhaine para kumbinsihin.
“Tandaan mo ‘to, Ms. Tuazon. Babantayan ko ang bawat kilos ng mga estudyante mo… at pati ikaw.”
Ngunit hindi siya natinag.
“Kayo na po ang bahala, Sir. Don’t worry, ako na po ang bahala sa mga mababait kong estudyante.” sabay ngiti niya.Pag-alis ng Vice Principal, agad siyang kumuha ng first aid kit at ginamot ang mga sugat ng tatlo.
“Kailangan ko talaga kayong gabayan. Next time, maaari bang pag-isipan nyo muna ang in'yong binabalak. Mabuti na nga lang at napaniwala ko si sir.”
Tahimik lang si Kenn, nakatitig sa kanya. Hindi pa rin s'ya makapaniwala sa wirdong kaharap n'ya.
“Ang lakas mo. Ang ganda mo. Pero... bakit kailangan mo pang magtago sa itsura mong ‘yan?” tanong ni Xian.
“Mahabang kuwento ‘yan. Personal. Pero tandaan n’yo, sa panahong ‘to, kailangan nating matutong lumaban. Mahirap ang mundo. Kailangan kong ipagtanggol ang sarili ko.”
Pagtingin niya sa relo:
“O siya, time’s up. May pupuntahan pa ako. By the way, 28 kayo sa klase, ‘di ba? Nasaan ang isa?” tanong ni Zhaine.
“Si Simeon Lim,” sagot ni Roby.
“Yes, may alam ba kayo tungkol sa kanya?”
Sumagot si Kenn.
“May problema ‘yun sa pamilya. Siya lang ang inaasahan ng dalawang kapatid niya. Kaya’t kahit delikado, pinasok na rin niya ang trabahong ‘yun. Para lang may makain sila.”Napaluha si Zhaine sa narinig.
“Ganon ba... Pero huwag kayong mag-alala. 28 kayong nagsimula, at 28 din kayong gagraduate. Pangako ko ‘yan. "“Uwi na ako. Uwi rin kayo. Diretso sa bahay, ha?” dagdag pa n'yang bilin bago tuluyang lumabas ng silid.
Nagkatinginan ang buong klase. Simula noon, binalak na nilang alamin kung bakit nga ba tinatago ni Ms. Tuazon ang kanyang totoong pagkatao.
Kinagabihan
Nagbakasakali si Zhaine na makita si Simeon sa pinagtatrabahuhan nito. Tumigil siya sa tapat ng isang gusali at tinanong ang lalaking lumabas.
“Excuse me. Kilala n’yo po ba si Simeon Lim? Ito po ‘yung picture niya.”
“Bakit mo siya hinahanap?” matigas ang tono ng lalaki.
“Kakausapin ko lang po siya.”
Sakto namang lumabas si Simeon, may bitbit na basura.
“Oy, bata. May hinahanap ka raw. Ka-usapin mo, pero bilisan mo!”
“Bakit? Sino ka?” tanong ni Simeon.
“Ako si Zhaine Tuazon. Ako ang adviser mo. Bakit hindi ka na pumapasok? Nag-aalala na mga kaklase mo.”
“Wala muna akong balak pumasok. Kailangan kong magtrabaho. Ako lang ang inaasahan ng aking pamilya. May utang pa akong kailangang bayaran.”
“Magkano ba ang kailangan mo?”
“100 thousand.” sagot nito.
“Kung mababayaran ‘yan, babalik ka sa school? Tutulungan kita makagraduate.”
“Imposible. Nagpapatawa ka ba? Wala namang teacher na may pakialam sa amin. Patapon kami't walang patutungahan--yan ang tingin nila sa'min,"
“Maniwala ka sa hindi--Gusto kitang tulungan. Mark my words, Simeon. Babalik ako dala ang kailangan mo—pangako. Basta mangako ka rin… babalik ka sa school.”
“Oo na. Sige na.” pilit na sagot ni Simeon.
Pag-uwi ni Zhai sa kanyang bahay.
Pagdating nito ay agad niyang binuksan ang kanyang savings book.
“Twenty thousand na lang ang kulang…” bulong niya.
Habang nag-iisip ng paraan, lumapit si Senko.
“Boss... isang illegal casino ang pinapasukan ng estudyante mo. Ayon sa impormante natin, may droga rin sa loob. Ang may-ari... dating kasapi ng samahan—tumiwalag matapos ang pagkamatay ng iyong ama. "
Third Person POV Nabigla si Zhaine sa pagtawag ni Roby sa kaniya. " Bakit ka napatawag, Roby?" Humahangos niyang ibinalita kay Zhaine ang nagaganap na rambol. " Zhaine, magmadali ka. May nagaganap na rambol dito. All-boys high laban sa kabilang school. Mukang mga estudyante mo mga ito." " Ano?! sige papunta na ako." Nagmadaling magbihis si Zhaine. Papalabas na siya, nakita n'yang naka abang na sa kaniya si Simeon sa labas ng kaniyang bahay. " Zhaine, salo."– tawag nito't sabay hagis ng helmet sa kan'ya. Inabangan na agad si Simeon si Zhaine dahil ito ang unang natawagan nina Roby at Axl. Sina Roby at Axl ang unang nakaalam ng rambol dahil nagkayayaan ang dalawa na kumain ng momi sa madalas nilang kinakainan at pinagtatambayan. Nakita nila ang nagaganap na away ng mga estudyante kaya minabuti nilang tawagan kung sino ang mga malapit lalong-lalo na si Zhaine. Kasi mukang mga estudyante niya ang mga ginugulpi ng kapwa estudyante din. Dumating naman ng agaran sina S
Ang panibagong Section 12-D. Lumipas ang ilang buwan, muling nag-umpisa klase. Pagkagising ni Zhaine, bumungad agad ang chat ni Kenn. " Mahal, good morning." " Good morning too," –reply nito na may kasamang heart na emoji. " Start na ng bagong 12-D students mo, ah. Balumbunan mo agad ng isa." " Loko ka! Ikaw kaya ang balumbunan ko pag-uwi mo." Sabay reply ng emoji na peace si Kenn. " Ikaw naman nagbibiro lang. Mahal, sige na, mag-ayos ka na. Matutulog na muna ako. Pagod sa klase. Ang hirap pala nito." " Kaya mo yan, Mahal," cheer ni Zhaine sa kan'yang boyfriend. " Salamat. I always loving you." " Ganoon din ako, Mahal." Pagkatapos nilang mag-usap ni Kenn, bumangon na si Zhaine upang mag-ayos ng kaniyang sarili, bago pumasok sa kaniyang trabaho. First day of class ng mga bagong trouble makers na mga estudyanta ni Zhaine . Panibago batch ng section 12-D na proprotektahan niya't gagabayan hanggang ang mga ito ay makagraduate. Pagpasok niya'y kaniyang nadatnang sob
Third Person POV Nahuli si Luke, dinala s'ya sa mental hospital. Nang dahil sa nalulong na rin ito sa pinagbabawal na gamot. Unti-unti gumaling s'ya. Subalit lalong sumiklap ang kan'yang galit kay Jhai. " Magpakasaya kayong dalawa, Jhai. Gaganti ako. Oras lang na makalabas ako dito, sinisugurado kong hindi lang ang samahan na pinamumunuan mo ang mawawasak maging ikaw. Sisirain ko buhay mo, pati ng lalaking pinakamamahal mo,"– galit na galit nitong sabi habang nakatingin sa picture Nina Jhai at Kenn na nakatikom ang mga kamay. Nalaman din n'ya na nakaligtas ito. " Boss, nagpapagaling na ang mata ng Lion warriors,"– balita ng isang alliance n'ya. " May sa pusa ka talaga, Jhai. Hintayin mo ang pagbabalik ko. Magsasama kayo ng Kenn na iyan sa kabilang buhay." Muling bumaling si Luke sa kaniyang kausap. " Ipagpatuloy mo lang ang pagmamat'yag sa kanila. Sirain mo ang Lion Warriors. Pabagsakin mo ang samahan. Pag' laya ko dito, saka ko ibaba ang plano sa Anak ni Lion." " Mas
Ang araw ng kanilang pagtatapos... Kagaya ng dati'y nagtuturuan muli sina Senko at Whang sa pag-gising kay Zhaine. " Kuya, ikaw na." " Whang, ikaw na dali. Tignan mo anong oras na." Dumating si Kenn. Narinig niyang nagtuturuan ang dalawa kaya't umakyat siya. " Boss Kenn, nandyaan ka na pala." " Di pa rin ba s'ya gising? Sige ako na bahala." " Salamat po, Boss." Pumasok sa loob ng kuwarto ni Zhaine si Kenn. Nakatalukbong pa ito ng kumot sa mukha–nagkunwaring natutulog pa. " Mahal," tawag nito't naupo sa tabi niya. Dahan-dahang tinaggal ni Kenn ang kumot nito sa mukha. " Mahal, bangon na." sabay halik nito sa kaniyang labi. Naramdaman ito ni Zhaine. " Mahal, good morning," Nakangiting sabi nito kay Kenn. " Mag- ayos ka na, ah. Hihintayin kita sa baba. Bilisan mo lang, baka Malate tayo." " Opo." malamig niyang sagot Pagkalipas ng ilang saglit, siya ay bumaba na ang kaniyang suot ay ang kaniyang tracksuits. " Bakit 'yan ang sinuot mo? tanong nito. "
Ang simula ng pagbuo ng 12-D Gang. Dahil sa hindi pa maaari na ipasama Ang buong section 12-D sa Lion Warrior. Nakaisip si Simeon na buuin ang 12-D Gang, alam na ni Kenn iyon. " Guy's. Alam n'yo ang gusto ko na mangyari sa inyo ay maging mga professional kayo balang-araw." " Zhaine, promise namin sa'yo na magiging professional na kami. Kahit mag-excist na ang 12- D gang." Sagot ni Kenn.. " Sino naman ng magiging pinuno n'yo? Huwag n'yong sabihing?" " Yes na yes," sagot ni Simeon.Nakangising tinanong ni Kenn si Zhaine. " Sino ba ang school adviser ng section 12-D?" " Ako." " Tumpak. Dahil ikaw ang nag-iisang teacher ng section 12-D. Ikaw ang magiging pinuno namin." Aangal pa sana s'ya." Mahal, sandali." " I second the motion,"–malakas na sabi ni Simeon sa lahat. Wala na s'yang magawa ng mga oras na iyon. Nabuo na ang 12-D gang. Wala ng iwanan kahit sila ay grumaduate– tahakin ang kani-kanilang mga pangarap sa buhay. Kinabukasan, bago matapos ang kanila
Umupo sina Kenn at Zhaine sa buhanginan kung saan pinapanood nila na naglalaro ng volleyball ang section 12-D. " Malapit na ang graduation n'yo. Talaga bang kukuha ka ng law?" tanong ni Zhaine. " Oo, Mahal. Dahil gusto kong matupad ang pangarap ko na kasama ka. Kaya hintayin mo ko, ah. Ikaw ba magpapatuloy ka ba sa pagiging teacher? " " Oo, Mahal. Sinabihan na ko ng papa mo. Sa next school year ay regular teacher na ko na adviser ng section 12-D." " Talaga, Mahal." " Oo, dahil ako daw talaga ang nararapat maging school adviser ng mga pasaway na estudyante. Ano kaya ang mga ugali ng magiging bago kong estudyante?" " Malamang 'yun. Katulad din namin. Nakakahiya man aminin. Alam kong nakukuha mo din ang loob nila kagaya namin." " Sana. Akala ko ba papasyal tayo." Tumayo si Kenn at inalalayan n'ya ang kaniyang girlfriend. " Tara. Mga pare, mamasyal lang kami." Nag thumbs-up lang ang mga ito.. Namasyal sila't nagtungo sa bilihin ng pagkain, nakakita sila ng mga tuho