แชร์

CHAPTER 42

ผู้เขียน: Gael Aragon
last update ปรับปรุงล่าสุด: 2025-10-15 08:00:53

“Hon, are you okay?” tanong sa kaniya ni Lucifer. Sakay na sila ng kotse nito patungo sa mansyon ng mga ito. Doon gaganapin ang birthday ng ina nito.

Huminga muna nang malalim si Lucianna bago tumingin sa katabi. Nasa back seat silang pareho, habang si Leonard ang nagmamaneho ng sasakyan.

“Okay lang ako,” malamig niyang tugon.

Napakunot ang noo nito. “Are you sure? Noong isang gabi ka pa ganiyan.” Hinawakan nito ang kamay niya, pero sandali lang iyon dahil binawi rin niya agad ang kamay.

“Ayos lang ako.” Humalukipkip siya at tumingin sa labas ng bintana. Sa gilid ng kaniyang mga mata, kita niyang matagal siyang pinagmasdan ng katabi, bago nito sinulyapan si Leonard. Hindi rin naman ito nagsasalita.

“Sabi ko naman sa ’yo kung hindi ka pa handang makilala sina mama at papa, wala namang problema sa akin. Alam mong ayokong n

อ่านหนังสือเล่มนี้ต่อได้ฟรี
สแกนรหัสเพื่อดาวน์โหลดแอป
บทที่ถูกล็อก

บทล่าสุด

  • Behind The Mafia's Mask   CHAPTER 54

    “Hi!”Napatunghay si Lucifer nang may bigla na lang pumasok sa opisina niya. Ngumiti siya nang makitang ang impostorang Eleanor iyon.“Hi. What are you doing here?”Pa-demure na naglakad ito patungo sa lamesa niya. May bitbit itong isang paper bag na nahihinuha niyang pagkain ang laman. Madali rin niyang pinasadahan ng tingin ang itsura nito. She’s wearing a red dress, above the knee. Hakab na hakab iyon sa katawan nito, kaya kita ang magandang kurba nito. Kaya lang, alam na niya kung ano ang pakay ng babae kaya hindi na nito mabibilog ang ulo niya, kahit pa namumula ang mga labi nito sa lipstick na gamit at halos iluwa na ng suot nito ang dibdib.“I just want to give you this. Nabalitaan ko kasi kay mommy ang nangyari. I’m so sorry to hear that,” sympathetic nitong wika bago inilapag ang paper bag sa ibabaw ng lamesa niya. Pagkatapos, umi

  • Behind The Mafia's Mask   CHAPTER 53

    Tumayo si Lucifer at tumingin sa madilim na paligid. “Nauunawaan kong masyadong ka ng naguguluhan sa mga nalaman mo ngayon, pero ayoko ng ipagpalipas pa ang bagay na ito. Gusto ko ng magpakatotoo sa ’yo.” Naisip niyang oras na rin para malaman nito ang lahat-lahat tungkol sa kaniya.“B-bakit may dapat pa ba akong malaman bukod sa totoong pagkatao ko?”Tumango siya nang hindi nililingon si Eleanor. “Tungkol ito sa totoong ako— sa totoong pagkatao ko. Dahil kung may iba kang katauhan, ganoon din ako, El . . .”Dama ni Lucifer ang pagkalito nito habang nakatitig sa likuran niya. Dama niya ang maraming katanungang naglalaro sa isipan nito. Kung alam naman niyang hindi pa ito handa, hindi naman siya magsasalita. Pero sinigurado naman ng therapist nito na kakayanin na nito ang mabibigat na usapan, dahil ilang beses na rin daw nitong napagdaanan iyon, kaya na-overcome na ni Eleano

  • Behind The Mafia's Mask   CHAPTER 52

    “A-ano’ng ibig mong sabihin? Si Eleanor ay hindi talaga si Eleanor?” Tumango ito. “Eh, sino siya?” naguguluhang tanong pa rin ni Lucianna.“She’s an impostor. Pinaiimbestigahan ko na rin siya para mas malaman pa namin ang totoo.”“Ganoon ba?” Bigla siyang nakadama ng lungkot para kay Mrs. Juarez. “Alam na ba ito ni Tita Emelie? I’m sure malulungkot iyon kasi base sa mga narinig ko noong magkakasama tayo, ang tagal din palang nawala ng anak niya.”Subalit sa pagtataka niya, ngumiti pa nang malapad si Lucifer. “Hindi naman siya nalulungkot. In fact, she’s vey happy. Kaming dalawa— pareho kaming masaya.“Paano naman nangyari iyon na hindi kayo malulungkot? Eh, kung hindi siya si Eleanor, ibig sabihin maghahanap ulit kayo.”Umiling ito, pinakatitigan siya. Halo-ha

  • Behind The Mafia's Mask   CHAPTER 51

    Hindi naman tumutol si Lucianna. Miss na rin naman niya ang kasintahan kaya hinayaan na lang niya ito sa gusto nitong mangyari. After all, siya pa rin ang pakakasalan nito.Kinuha ni Lucifer ang hawak niyang kopita. Ipinatong nito iyong muli sa lamesa bago siya binuhat. Hindi naman sila umalis doon, dinala lang siya nito sa malapad na couch na naroon.“F**k! I missed you so much!” paanas nitong wika habang naglalandas na ang mga labi nito sa leeg niya.Naging mapaghanap ang mga kamay nila sa isa’t isa. Si Lucifer, inaalis na ang suot niyang pantalon. Siya naman, hinuhubad na ang damit nito. At nang matapos iyon, nagpalit naman sila ng huhubarin. Ito naman sa T-shirt niya habang siya naman sa pantalon nito.Humagis lang sa kung saan-saan ang mga damit nila. Pagkatapos, muli nilang dinama ang bawat isa. Pareho silang naghahabol ng hininga nang lumapat sa pagitan ng dibdib niya ang mga

  • Behind The Mafia's Mask   CHAPTER 50

    “Saan na naman tayo pupunta?” tanong sa kaniya ni Lucianna habang sakay sila ng kaniyang kotse. Pagkatapos nilang mag-usap ng kaniyang Tita Emelie ay pinuntahan kaagad niya ito at niyayang lumabas.“At the place you feel like home,” sagot niya bago hinawakan ang palad nito at pinisil iyon. Hindi pa siya nakontento at dinala iyon sa mga labi.“Manila Bay?” hindi pa rin tumitigil na tanong nito.Natawa siya kahit ang totoo ay kinakabahan siya nang husto. “How did you know?”“Iyon lang naman ang alam ko na malapit sa bahay mo at may dagat. Saka, nakakotse lang tayo.”Tumango-tango siya. Oo nga naman. Alam na alam na nito kung paano siya kumilos.“Okay lang ba?” tanong niya.“Ayos lang naman. Kakain lang ba tayo roon? Ano bang oras na?” Sinili

  • Behind The Mafia's Mask   CHAPTER 49

    “Tita Emelie?” Nagulat si Lucifer nang mabungaran ito sa kaniyang opisina nang umagang iyon. Ilang araw na rin siyang hindi mapakali. Hindi pa rin siya nakakukuha ng lakas ng loob na magpaliwanag dito at kay Lucianna. Hindi pa niya nagagawang harapin ang kasintahan dahil natatakot siya. Natatakot siya sa magiging reaksyon nito. Natatakot siya na baka magalit ito sa kaniya at tuluyan na siyang iwan.“Hijo . . .” Magiliw itong ngumiti sa kaniya.Malalaki ang mga hakbang na nilapitan niya ito at niyakap. “May problema ho ba?” tanong niya nang pakawalan ito.“Please sit down first,” wika nito.“Oh . . . Okay.” Umikot siya sa kaniyang lamesa at naupo sa kaniyang swivel chair. “Why are you here?” agad niyang tanong.“I just wanted to give you this.” May dinukot itong isang puting sobre sa loob ng bag ni

บทอื่นๆ
สำรวจและอ่านนวนิยายดีๆ ได้ฟรี
เข้าถึงนวนิยายดีๆ จำนวนมากได้ฟรีบนแอป GoodNovel ดาวน์โหลดหนังสือที่คุณชอบและอ่านได้ทุกที่ทุกเวลา
อ่านหนังสือฟรีบนแอป
สแกนรหัสเพื่ออ่านบนแอป
DMCA.com Protection Status