Share

Chapter 27

Author: Bratinela17
last update publish date: 2026-04-04 19:54:41

Tinapos ko na ang aking pagligo at isinantabi na lang ang mga laman ng aking isip. Ayokong magpatalo sa emosyon ko. Magkapatid kami period ayon ang dapat kung isipin palagi at itanim sa kukote ko. Nag bihis na ako at nag ayos ng aking sarili para makapag pahinga na rin ako at bukas maaga na naman akong papasok ng opisina at pupunta ng ospital..

Wala na akong magagawa sa takbo ng utak ni Terrence pero, ako matino pa naman ako alam ko ang tama sa mali kaya naman ako na lang ang iiwas rito. Hind
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Behind Those Mistakes   Chapter 27

    Tinapos ko na ang aking pagligo at isinantabi na lang ang mga laman ng aking isip. Ayokong magpatalo sa emosyon ko. Magkapatid kami period ayon ang dapat kung isipin palagi at itanim sa kukote ko. Nag bihis na ako at nag ayos ng aking sarili para makapag pahinga na rin ako at bukas maaga na naman akong papasok ng opisina at pupunta ng ospital.. Wala na akong magagawa sa takbo ng utak ni Terrence pero, ako matino pa naman ako alam ko ang tama sa mali kaya naman ako na lang ang iiwas rito. Hindi ko kayang pasamain ang loob ng mga magulang na nagmahal sa akin. Hanggat kaya kong iwasan ito ay gagawin ko alang alang sa pamilya namin nang wala ng eskandalo pang mangyari. Kinaumagahan inayos ko ang sarili ko at maging ang anak ko. Inihatid ko muna ito sa school bago ako pumasok sa kumpanya. Nasa ospital pa rin si Terrence. At wala muna akong balak magpakita rito, baka sakaling makapag isip-isip ito kung di niya ako nakikita. Sa totoo lang na attract lang naman siya kapag nasa paligid niy

  • Behind Those Mistakes   Chapter 26

    Sinaway ko siya at umalis na agad ako. Gusto ko ng iwasan ang kapatid ko. Mabilis akong lumabas ng kwarto at nagpunta sa parking lot. Hindi niya dapat nakikitang ganito ako sa kanya para tigilan na niya talaga ako at mamatay ang pag-asa niya na magiging kami, dahil malabong mangyari iyon. Ayokong saktan ang damdamin ng mga magulang ko na walang sawang minahal ako kahit na hindi naman nila ako kadugo pero, tinuring nila akong tunay nilang anak. Mabilis ang pagmamaneho ko kaya nakauwi agad ako ng Mansyon. Medyo maliwanag na rin at nagpark na ako sa garahe. Nang matapos akong makapag park ng kotse diretso ako sa exit door kung saan naroon ang kwarto ng anak ko na nasa itaas. Pagpasok ko sa loob diretso akong pumanhik sa hagdanan at naglakad papasok sa unang kwarto rito kung saan ang kwarto ni Drake. Aaminin ko medyo nabusy ako nitong araw dahil kapag galing sa kumpanya diretso naman ako sa hospital. Hindi ko kasi pwedeng hindi pasyalan si Terrence at hindi siya nakikinig sa mga nurses

  • Behind Those Mistakes   Chapter 25

    Pumasok ako ng comfort room at nagbabad sa shower room area. Dama ko ang katamtamang init na bumabagsak sa balat ko. Hindi ko gustong maramdaman ito lalo na't sa kapatid ko na rin. Hindi man kami magkadugo ngunit sa batas ng tao ay legal kaming magkapatid at hindi magandang tingnan kung may makakakita na may ginagawa kaming kababalaghan lalo na si Manang. Hiyang hiya ako kanina kung sakaling naabutan niya kami sa aming ginagawa. Habang bumabagsak ang lagaslas ng tubig sa balat ko siya namang lalong lumukob ang init sa aking katawan. Hindi ko alam at bakit hindi kayang patayin ng shower ang init na iyon. Para na akong mababaliw sa sakit ng puson ko. Pinatay ko na ang shower. At kumuha ako ng towel na malinis sa cabinet. Mabuti na lang talaga nasa private room si Terrence naka confined. Nang marinig ko wala na si Manang lumabas ako na nakatowel lang at naiwan ko ang damit ko sa paper bag. Nawala ako sa sarili sa ginawa ni Terrence. Nakita ko namang nakapikit na ito at mukhang tulog na

  • Behind Those Mistakes   Chapter 24

    Hinawakan ko agad ang kamay niya at baka totohanin niya ang banta niyang aalis. Ayoko naman na mag-isa sa ospital. "Sorry, hindi na ako mangungulit pa. Magbebehave na ako." pakiusap ko kay Celestina.. "Mabuti naman, hwag ka ng makulit okay. Teka lalabas lang ako at bibili ng makakain, nagugutom na rin ako. "Bumalik ka ha." lambing ko dito sabay hawak ng kanyang kamay. "Oo na, sige mauuna muna ako at darating naman si Manang para kahit wala ako may mag aasikaso sayo." aniya. Tumango tango na lang ako at wala naman rin akong magagawa pa. Kung gagalitin ko siya mas lalong magagalit ito sa akin. At ayoko naman mangyari iyon. Nang sumara ang pintuan wala na akong nagawa kundi matulog.. Nagising ako pasado alas dos na ng hapon at saktong nandito na si Manang kaso wala si Celestina. "Manang nasan si ate?" tanong ko. "Nasa kumpanya mamaya raw siya babalik at may urgent meeting. Iniwan niya lang ang pagkain mo, sige na kumain ka na sir." ani ni Manang. Bumangon ako at sin

  • Behind Those Mistakes   (Part 2)

    Mag-isa na lang ako sa kwarto at masamang masama parin ang loob ko kay Celestina. Bakit ba kasi ginagawa niya akong laging bata. Hindi naman na ako bata pa. At isa pa hindi ko siya ate at hinding hindi ako papayag na maging ate ko siya. Ayoko! Hindi naman kami magkaano ano. Oo, legally adopted siya ng parents ko pero, hindi ibig sabihin non magkapatid na kaming dalawa. Ngayon pang dama ko na mahal niya rin ako kaya hindi ako titigil para ipaalala sa kan'ya na kami ang nararapat sa isa't-isa hindi ang lalaking 'yon. Nang bumukas ang pintuan may dala itong pagkain at nilapag lamang niya. Aalis na sana ito ng magsalita ako. "Stay with me, Celestina. Don't make things hard for me." pakiusap ko. "Hard? Sure ka ba dyan, Terrence sa mga pinagsasabi mo sa akin. Huh! Ako pa talaga ang nagpapahirap ng damdamin mo. Hindi ba ikaw na selfish at sarili mo lang ang iniisip mo. Yang letseng puso mo. Bakit ba kasi pinipilit mong hindi tayo magkapatid na hindi mo ako ate." bulyaw niya sa akin per

  • Behind Those Mistakes   Chapter 23- (Part 1)

    Nang imulat ni Terrence ang mga mata napansin niyang puno ng aparatus ang buong katawan niya. Masakit rin ang ulo niya at nahihirapan siyang maka galaw. Umuungol siya para mapansin siya ng mga tao pero, tanging siya lang ang nasa loob ng kwarto. Maya maya pumasok ang doctor at nang nakitang may malay na siya agad nitong cheneck up ang kalagayan niya hanggang sa nagsalita ito sa may intercom at nagpasukan ang mga nurse sa loob. Samantalang nakaupo naman si Celestina habang naghihintay ng balita tungkol sa kan'yang kapatid. Katatapos niya lang maka usap ang parents niya at hindi niya na muna ibinalita dito ang nangyari sa kan'yang kapatid at gusto niyang itago ito para sa ikakabuti ng kalagayan ng kan'yang daddy. Nagulat pa siya ng nagtatakbuhan sa emergency room ang mga nurses tila kinabog ang dibdib niya at nahihirapan siyang huminga. "Hwag naman sanang may mangyaring masama kay Terrence." usal niya habang nanalangin. Tanging sa Diyos lang siya kakapit para sa kaligtasan ng kan'

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status