Share

21

Author: Anoushka
last update publish date: 2026-02-04 19:16:30

Matagal nang nagbabantay si Avina sa ospital, at habang tumatagal, lalo siyang naiirita. Simula pagkabata, sanay siyang inaalagaan at pinagsisilbihan. Kailanman, hindi siya ang nag-aalaga ng iba, lalo na sa ganitong klaseng sitwasyon. Ang magpakain, mag-abot ng tubig, magpunas, magbantay? Hindi iyon bagay sa kanya.

Kaya ang unang pumasok sa isip niya ay si Avery.

Nagkunwari siyang natapunan ang baso ng tubig, at agad namang nagsimulang mag-alala ang ilang magkakapatid. Hindi nagtagal, hinikayat
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Emilie Baylosis Forbes
magandang story habang patuloy kung binabasa ito Anong twist kaya Myron ang novel na ito
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Beneath His Shadow   139

    Mahinang napangiti si Davian habang nakatingin sa kalsada, ngunit malamlam ang mga mata niya, para bang may naalala siyang matagal nang nakabaon sa isip niya.“Noong bata pa kami,” mababa niyang simulang kuwento, “hindi pa gano’n kalaki ang impluwensiya ng pamilya Tapere. Madalas pumunta rito si Mrs. Tapere dahil close siya kay grandma since college days pa. Isang beses, narinig kong sinasabihan niya si Alexa, dalawa o tatlong taong gulang pa lang noon, na huwag akong inisin at dapat daw maging close sa’kin.”Bahagyang tumigil si Davian bago muling nagsalita.“Sabi niya, kapag naging malapit siya sa Guzman family, sasabay ding aangat ang pamilya nila.”Tahimik na nakinig si Avery. Sa totoo lang, hindi siya gaanong nagulat.“Normal lang naman yata ‘yon,” mahinahon niyang sagot. “As long as hindi naman sila naninira o nang-aagaw ng resources, at marunong lang sumabay sa opportunity… I don’t think masama agad.”Bahagyang gumaan ang ekspresyon ni Davian. Kumurba nang kaunti ang labi niya

  • Beneath His Shadow   138

    Bahagyang ngumiti si Alexa matapos marinig ang sagot ni Avery.“That’s good,” sabi niya sa malumanay na tono. “Mukha kang bata pa, Avery, pero hindi ko inakalang gano’n ka ka-open-minded at ka-mature mag-isip.”Sa ganoong klaseng “papuri,” simpleng ngumiti lang si Avery.Ngiting hindi umabot sa mga mata.Pagkatapos ay tahimik niyang ibinaba ang tingin, kalmado ang ekspresyon na parang walang kahit anong emosyon.Samantala, halatang ayaw palampasin ni Alexa ang pagkakataong makasama si Davian."Davian,” mahinahon nitong sabi habang nakatingin sa lalaki, “rare tayong magkita nang ganito. Since maaga pa naman, bakit hindi ko na lang ilibre si Avery ng dinner? Para na rin makabawi ako sa nangyari kanina.”Tahimik na nakinig si Avery.Ngunit mabilis niyang napansin ang pagbabago sa ugali ni Alexa.Kanina, may halatang pag-iingat at kompetisyon pa ito sa kanya.Pero matapos niyang sabihin na “hindi na magagamot” ang mga paa niya, biglang naging mas magaan at mas friendly ang pakikitungo nit

  • Beneath His Shadow   137

    Pagkarinig ni Avery sa sinabi ni Alexa, bahagya siyang nagpakita ng pagtataka bago marahang ngumiti.“Really?” magaan niyang sabi habang tumitingin kay Davian. “Bakit hindi ko yata kailanman narinig kay Kuya Davian na may childhood sweetheart pala siya?”Sa tabi niya, halos hindi halata ngunit bahagyang lumuwag ang pagkakahawak ni Davian sa wheelchair.Kanina pa kasi siya tensyonado dahil sa paraan ng pagpapakilala ni Alexa.Ngunit sa paraan ng pagtatanong ni Avery ngayon, mukhang wala naman itong ibang iniisip.Samantala, hindi na nakapagpigil ang ilan sa mga babaeng kasama ni Alexa.“Kailangan bang sabihin ni Mr. Guzman sa’yo lahat?” mayabang na sabi ng isa. “Close ba kayo nang gano’n?”“Baka nga taboo topic si Alexa kay Mr. Guzman,” dagdag pa ng isa habang nakangisi. “Hindi lang siguro basta-basta binabanggit.”“At saka,” singit ng isa pa, “magsisinungaling ba si Alexa tungkol diyan? Hindi naman siya kinontra ni Mr. Guzman, ‘di ba?”Tahimik na tumango si Avery na parang may malalim

  • Beneath His Shadow   136

    “Ano namang guarantee?” tanong ni Davian habang bahagyang nakataas ang kilay, halatang curious sa gusto nitong sabihin.Napangiti si Avery at bahagyang kumindat dito, may pilyang kislap sa mga mata niya.“Kapag namili tayo mamaya,” sabi niya, “ako ang magbabayad ng mga bibilhin ko. Hindi puwedeng si Kuya Davian ang maglalabas ng card.”Bahagya siyang tumuro rito na parang seryosong nakikipagkasundo.“At kapag hindi ka pumayag,” dagdag niya, “hindi na lang ako sasama.”Napatawa si Davian.Akala niya kung anong seryosong kondisyon ang sasabihin nito. Maliit na bagay lang pala.“Bakit?” amused nitong tanong. “Hindi ba gusto ng mga babae na may nagbabayad para sa kanila? Spend lang nang spend?”Mariing umiling si Avery.“No, no, no,” sabi niya habang bahagyang nakakunot ang noo. “Pang boyfriend-girlfriend lang ‘yon.”Natural na sagot naman ni Davian, “Pero kapatid mo ako. Normal lang na ako magbayad para sa little sister ko.”Muli na namang umiling si Avery.“Kung menor de edad pa ako, ok

  • Beneath His Shadow   135

    Unti-unting nalilito si Avery sa sarili niyang damdamin.Parang habang tumatagal, isa-isang nakukumpirma ang mga hinalang pilit niyang itinatanggi sa sarili. Ang paraan ng pagtrato ni Davian sa kanya… masyadong espesyal. Masyadong iba.At iyon ang mas lalong nagpapagulo sa isip niya.Bahagya siyang napatingin dito bago marahang nagtanong, tila sinusubukang kumpirmahin ang isang bagay na matagal nang gumugulo sa kanya.“Ganito rin ba si Kuya Davian sa pag-aalaga kina Draven at sa iba?” tanong niya, pilit pinapakalma ang tono.Bahagyang kumunot ang noo ni Davian, tila hindi man lang kailangang pag-isipan ang sagot.“How is that possible?” diretso niyan

  • Beneath His Shadow   134

    Dinala ni Davian si Avery papunta sa ward.Pagdating nila roon, nagkakagulo na sa loob. Nagmamadaling pumasok ang mga doktor at nurse matapos marinig ang komosyon, ngunit bago pa man nila malapitan si Jonathan, mahina ngunit malinaw itong nagsalita.“Huwag na…” hirap niyang sabi habang nakahandusay sa sahig. “No need to save me… huwag na kayong magsayang ng gamot at oras. Iligtas n’yo na lang ang iba.”Nagkatinginan ang doktor at mga nurse, halatang nag-aalangan. Bilang medical staff, hindi nila kayang basta pabayaan ang pasyente. Ngunit nang sandaling iyon, bahagyang ibinaling ni Jonathan ang ulo niya patungo sa pintuan.Doon niya nakita si Avery.Tahimik itong nakatayo sa tabi ni Davian, at kahit malayo, malinaw niyang nakita ang pagsuko sa mga mata ni Jonathan. Wala na itong balak mabuhay.Huminga nang malalim si Avery bago nagsalita nang malamig at diretso.“Ako ang kapatid niya,” sabi niya. “At kung ayaw na niyang magpagamot… then respect his decision. You can leave.”Dahil doon,

  • Beneath His Shadow   13

    Mahigpit ang pagkakahawak ng malaking palad sa kanyang leeg. Ramdam ni Avery kung gaano kabigat ang maling akusasyong ito, isang maling pagkaunawa na maaaring ikamatay niya. Kung alam lang sana niya na ganito kasuspetsoso ang lalaking ito, hinding-hindi niya hahayaan si Professor Butan na magtago n

  • Beneath His Shadow   12

    Sandaling nagpalitan ng maaanghang na salita ang magkabilang panig. Lumilipad ang laway sa bawat sigaw at mura, at halatang anumang sandali ay puputok na ang gulo.Nakita ni Avery na may ilan nang kumakapit sa camping chair, handang ihampas iyon. Hindi na siya nagdalawang-isip. Mabilis siyang lumab

  • Beneath His Shadow   11

    Sa dati niyang buhay, narinig ni Avery kay Avina ang tungkol sa nangyaring insidente kay Draven. Noong araw na iyon, habang naglalaro at nagkaka-camping siya kasama ang mga kaklase, nagkaroon daw siya ng alitan sa ibang grupo. Nauwi iyon sa suntukan, at sa huli, napinsala ang isa niyang binti at hi

  • Beneath His Shadow   10

    Halos sabay na napalingon ang dalawang tao sa loob ng sasakyan, kapwa hinahanap kung saan nagmula ang tinig. Ngunit walang kahit sinong nakaupo sa likurang upuan. Kinabahan ang assistant, baka nasa trunk? Mabilis niyang inapakan ang preno at inihinto ang sasakyan sa gilid, handa nang bumaba at sili

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status