Se connecter
Nagising si Avery sa ingay ng boses mula sa cellphone na naiwan sa loob ng sasakyan. Mahina pa siya, pero nang dumilat, nanlaki ang mga mata niya, nakagapos siya sa loob ng sariling kotse.
Mabilis na bumalik sa isip niya ang huling alaala bago siya mawalan ng malay, ang ama niyang si Arnold, nakangiti habang iniaabot sa kanya ang isang baso ng alak. “Let’s celebrate tonight, my daughter.” Pagkatapos no’n, dumilim ang lahat.
Ngayon, habang iniikot niya ang paningin, napagtanto niyang nasa gilid siya ng bangin. Siya lang ang nasa loob ng kotse, habang nasa labas ang pamilya niya, ang ama, tatlong kapatid na lalaki, at ang kakambal niyang si Avina. Lahat sila ay nakatingin sa kanya nang malamig, walang bakas ng awa.
“Papa… Kuya… ano’ng ginagawa n’yo?” garalgal niyang tanong habang pilit kumakalas sa tali. “Bakit n’yo ako dinala rito?”
Nasa tabi ni Arnold si Avina, maputla, payat, at nakasuot ng eksaktong kaparehong damit at make-up ni Avery. Mula sa kulay ng lipstick hanggang sa ayos ng buhok, halos hindi sila mapagkaiba.
Limang taon na ang nakalipas mula nang maghiwalay ang mga magulang nila. Noon, sinabi ng ina na isasama si Avery sa bagong pamilya nito, pero si Avina ang sumama, mas pinili ang marangyang buhay.
“Matagal mo nang alam na ikaw ang dahilan kung bakit mahina si Avina,” malamig na sabi ng ama. “Ikaw ang unang lumakas sa sinapupunan. Ikaw ang kumuha ng nutrisyon kaya siya pinanganak na sakitin. May utang ka sa kanya, Avery. Panahon na para bayaran mo iyon.”
Nanginginig ang boses ni Avery. “Ano’ng ibig mong sabihin?”
Ngumiti nang mapait si Arnold. “Hindi gusto ng mga Guzman ang kapatid mo. Ipapakasal daw siya sa isang probinsyanong walang-wala. Pero dahil magkamukha kayo, ikaw na ngayon si Avina, at siya, si Avery.”
Tumawa si Joshua, ang panganay. “Kung hindi mo ako pinilit mag-exam noon, baka mas maganda na buhay ko ngayon! Si Avina lang ang laging nag-aalala sa amin. Ikaw? Puro ambisyon mo lang iniisip.”
Sumingit si Jerry, ang sikat na artista. “Tama siya. Kung hindi dahil sa akin, hindi ka magkakaroon ng koneksyon sa investors. Si Avina lang ang marunong tumanaw ng utang na loob.”
Ang bunso, si Jonathan, ay sumigaw, puno ng galit. “Dahil sa’yo napilit akong pumasok sa boxing! Alam mo ba kung ilang beses akong binugbog? Pero si Avina lang ang nakakaintindi sa akin! Kaya kung nasaan ka man ngayon, deserve mo ‘yan.”
Nanginginig si Avery, halos hindi makapaniwala. “Ginawa ko ang lahat para sa inyo!” sigaw niya, halos maiyak. “Tatlong trabaho ang pinasok ko para mapondohan ang review ni Kuya! Nakipag-inuman ako sa investors para matulungan si Jerry! Pinilit kong ipasok si Bunso sa gym para may direksyon siya! Kahit si Papa, tinulungan kong makahanap ng kapital para sa negosyo!” Napahikbi siya. “Lahat ng ‘to, ginawa ko para sa inyo… para sa pamilya natin. Wala man lang ba kayong nakikita?”
Ngunit malamig ang sagot ng ama. “Tama na. Alam naming lahat, may kapalit bawat ginagawa mo. Wala kang ginawang walang sariling pakinabang. Kung wala kami, wala ka rin. Isa ka lang damong ligaw na puwedeng yurakan kahit kailan.”
Nanlamig si Avery habang nakatingin sa kanila, ang mga taong minahal, pero ngayo’y gusto siyang patayin. Sa halip na takot, galit ang pumuno sa dibdib niya.
“Kung gusto n’yong mamatay ako…” mahina niyang bulong, nangingilid ang luha, “…then let’s all die together.”
Ginamit niya ang voice unlock ng sasakyan, pinaandar ang makina, at imbes na paabante, inareverse niya ito nang todo, diretso sa mga taong minsan niyang tinawag na pamilya.
Ang huling narinig niya ay ang mga sigaw nila.
Pagmulat ni Avery, humihingal siya. Nasa bahay na pala siya. Pumikit siya nang mariin, at bumalik sa alaala noong labing-walong taong gulang pa lang sila ni Avina.
Nasa sala noon ang pamilya, pinag-uusapan kung paano makikinabang sa mga Guzman. “Ako na lang ang magtatrabaho ng extra,” sabi ng ina, “para may dagdag sa gastusin.”
Tahimik lang si Avery, pero nang marinig ang plano nilang gamitin siya, napatingin siya sa fruit knife sa mesa.
Tumayo si Avina, nakangiting mapagkunwari. “Hindi ko kayang iwan sina Papa at mga kuya. Hindi ko kailangan ang Guzman. Kahit mahirap tayo, basta magkasama, masaya ako.”
Napangiti ang lahat, nadala sa drama niya.
At sa loob ng puso ni Avery, unti-unting sumiklab ang apoy, hindi na ng takot o luha, kundi ng paghihiganti.
***
Mabilis na pumasok si Avery sa bahay at nagsimulang mag-impake. Narinig niya ang tunog ng mga kotse sa labas, dumating na ang pamilya.
“Anong ginagawa mo? Saan ka pupunta?” singhal ng ama.
Huminto si Avery, tumingin nang diretso. “Pupunta ako kay Mama. Ayaw na rin naman nila kay Avina, bakit pinipilit n’yo pa rin siya?”
Nag-iba ang mga mukha ng pamilya sa narinig niya, puno ng galit. Lumapit agad si Avina, pinigilan siyang mag-impake. “Avery, huwag mong isipin na mababait ang mga Guzman. Hindi mo sila kilala.”
Sandali siyang natigilan. Naalala niya ang mga reklamo ni Avina noon sa video call, ang matandang Guzman na mahigpit, pinipilit siyang mag-aral ng piano, chess, at painting. Ang chairman na kuripot, ang mga stepbrother na malamig at parang laging nakabantay. Lahat daw doon, bastos at walang galang. At higit sa lahat, si Davian, ang tagapagmana ng pamilya. “He looks at me like I’m already dead,” sabi pa ni Avina noon.
Ngunit malamig ang boses ni Avery nang magsalita. “Hindi ko naman hinahangad na maging mabait sila. Basta marunong lang silang kumilos bilang tao.”
Hindi napansin ni Avina ang bigat ng tono ng kapatid. “I’m just trying to warn you,” aniya.
“What? Warn me? Isa ka sa gustong mawala ako kanina. Tinulungan mo silang palitan ako, tapos ngayon nagmamalinis ka?”
“Avery! Nagmamalasakit lang si Avina!” singit ni Joshua. “Papa, dapat hinulog na lang natin ‘yan kanina!”
Napangiti si Avery, mapait. ‘Gusto kong makita kung hanggang saan sila aabot nang wala ako.’
Siya ang dahilan kung bakit lumago ang negosyo ng pamilya, kung bakit sumikat ang mga kapatid niya. Pero ngayon, wala na siyang pakialam.
Ilang pirasong damit lang ang nilagay niya sa bag, sapat na.
Ilang sandali pa, may dumating na sasakyan mula sa Guzman. Maayos ang bihis ng driver.
“Wait, paano nila nalaman na pupunta ka sa kanila?” tanong ni Jerry.
“Tinawagan ko ang mansyon bago niyo pa ako tuluyang patayin. Sinabi kong anak ako ni Mama, ang isa pa niyang anak. Kaya alam na nila kung sino ako,” sagot ni Avery.
Nanlaki ang mga mata nila, tila hindi makapaniwala.
“Miss Tamayo, pinasundo po kayo,” magalang na sabi ng driver. “Nasa abroad po sina Madam at Chairman. Itinanong po nila kung gusto n’yong sa lumang bahay o sa villa ng panganay na anak tumira.”
“Sa lumang bahay na lang,” mahinahon niyang sagot.
Tinulungan siya ng driver sa mga gamit, pero bigla siyang hinila ng ama. “Ang kapal ng mukha mong sumuway sa akin! Hindi ka aalis, ”
“Sir, utos po ni Madame na ihatid siya. Paki-bitawan si Miss Tamayo,” putol ng driver.
Ngumiti si Avery at marahang inalis ang kamay ng ama, saka pinagpagan ang braso na parang may tinanggal na dumi. Pagkatapos, tumalikod na siya at sumakay sa sasakyan.
Pagdating sa mansyon, sinalubong siya ng matandang kasambahay at inihatid sa loob. Bago pa man makapasok sa sala, narinig niya ang usapan.
“Look at you,” wika ng matandang babae. “You can’t even sit properly. When your sister arrives, I’ll let you see how I punish someone who doesn’t behave.”
Tahimik lang si Avery, bahagyang yumuko. ‘So this is the ‘cruel’ old lady my sister talked about?’ Pero kakaiba ang tono nito, may lambing, hindi tulad ng sabi ni Avina.
Isang boses ng lalaki ang sumabat, may halong tawa. “What sister? I’m the youngest here. She’s not even related to us.”
Umubo ang matanda. “Huwag kang bastos, Draven. The moment her mother joined this family, she became one of us. Apo ko na rin siya, at hindi ko papayagang apihin ninyo siya.”
Umingos ang binata. “Grandma, you’re already taking her side and she hasn’t even arrived.”
Isang malamig at matalim na boses ang biglang sumabat mula sa likod ni Avery. “Draven, watch your words. Don’t talk to Grandma like that.”
Nanlamig siya. Dahan-dahan siyang lumingon, at nakita si Davian. Matangkad, nakaitim, at may presensyang nakakatindig-balahibo. Malalim ang mga mata, matangos ang ilong, at bawat galaw ay may awtoridad.
Nagbaba ng tingin si Avery. “Kuya,” mahinahon niyang bati. Kahit hindi niya naman alam kung tama bang tawagin ang lalaki ng ganoon.
Ngunit malamig ang tugon ni Davian. “Wala akong nakaugaliang kumilala ng kapatid nang basta-basta. I suggest you change how you address me, Miss Tamayo.”
Tumama ang bawat salita tulad ng sibat. Pero ngayon, hindi na siya natakot. Sa halip, naramdaman niya ang tibay ng loob.
Handa na si Avery harapin ang pamilyang Guzman, hindi bilang biktima, kundi bilang taong muling babawi sa buhay na minsang kinuha sa kanya.
Biglang tumahimik ang buong kusina matapos ang sinabi ni Davian, parang kahit isang karayom na mahulog ay maririnig. Walang gustong gumalaw.Ang head chef ay halatang kinakabahan. Gusto niyang magsalita, pero pinili niyang manahimik. Alam niyang isang maling salita lang at baka mawalan siya ng trabaho.Huminga nang malalim si Avery, pinilit maging kalmado bago nagsalita. “Ang alam ko po, gusto mo ng steak na medium rare, kailangang hiwang-diyamante ang itsura, may kapal na isa hanggang isa’t kalahating sentimetro, at kailangang galing mismo sa imported cold-chain delivery sa parehong araw para siguradong sariwa. Sa tingin ko, para sa isang ordinaryong tao tulad ko, masasabi na medyo… mapili na po iyon.”Bahagyang nagdilim ang mukha ni Davian. Para sa kanya, normal lang naman ang mga ganoong detalye. “Sino ang nagsabi niyan sa’yo?” malamig niyang tanong.Napalingon ang head chef, pawis na pawis, halatang nag-aalala na baka siya ang mapagbintangan.Ngunit agad umiling si Avery. “Hindi p
“Ang admission score ng Eldridge University ngayong taon ay 695 points,” mahinahong sagot ni Avery. “Kung regular na college entrance exam, kailangan mahigit 700 points para makapasok. At dahil hindi ako nakapag-high school, halos imposible para sa ’kin... maliban na lang kung isa akong genius, pero alam kong hindi ako gano’n.”Huminga siya nang malalim bago nagpatuloy. “Ayaw ko rin pahirapan ang pamilya ninyo na gastusan ako. Ang gusto ko lang ay makilala si Professor Kemp Butan. Kung mabigo man ako, tatanggapin ko.”Napakunot ang noo ni Draven. “Professor Kemp Butan? Sino ’yon?”Bahagyang tiningnan ni Davian si Avery, malamig ang tinig pero may bahid ng pagtataka. “Isa siyang eksperto sa larangan ng artificial intelligence. Kakauwi lang niya mula sa abroad at kinuha siyang mentor ng Eldridge University.”Hindi niya na binanggit na nakikipag-ugnayan din ngayon ang Guzman Group kay Professor Butan upang maging technical director ng kumpanya. Ang alam lang ni Davian, hindi karaniwang t
Si Davian, ang lalaking kinatatakutan ng marami, ay nanatiling malamig tulad ng dati. Noon pa man, narinig na ni Avery na ang presidente ng Guzman Group ay isang taong walang puso at walang emosyon, at ngayong nakaharap na niya ito, malinaw na hindi biro ang reputasyong iyon.Hindi rin naman niya inasahan na agad siyang tatanggapin ng pamilyang ito. Sa totoo lang, siya mismo ay hindi rin handang tanggapin ang mga bagong “kamag-anak” na tila mga estranghero. Sa mga naranasan niya noon, ang mga pagtataksil, ang sakit, ang kawalan ng halaga, natutunan niyang ang tanging mapagkakatiwalaan niya ay ang sarili niya.Kaya kalmadong binago niya ang pananalita. “Mr. Guzman,” mahinahon niyang sabi.Bahagyang kumunot ang noo ni Davian, pero walang sinabi. Tumalikod ito at tumuloy sa sala, kaya sumunod si Avery. Pagdating niya roon, marahan niyang binati ang matandang ginang.“Magandang araw po, Mrs. Guzman.”Halos pitumpung taong gulang na ang matanda, ngunit halatang inaalagaan ang sarili. Malib
Nagising si Avery sa ingay ng boses mula sa cellphone na naiwan sa loob ng sasakyan. Mahina pa siya, pero nang dumilat, nanlaki ang mga mata niya, nakagapos siya sa loob ng sariling kotse.Mabilis na bumalik sa isip niya ang huling alaala bago siya mawalan ng malay, ang ama niyang si Arnold, nakangiti habang iniaabot sa kanya ang isang baso ng alak. “Let’s celebrate tonight, my daughter.” Pagkatapos no’n, dumilim ang lahat.Ngayon, habang iniikot niya ang paningin, napagtanto niyang nasa gilid siya ng bangin. Siya lang ang nasa loob ng kotse, habang nasa labas ang pamilya niya, ang ama, tatlong kapatid na lalaki, at ang kakambal niyang si Avina. Lahat sila ay nakatingin sa kanya nang malamig, walang bakas ng awa.“Papa… Kuya… ano’ng ginagawa n’yo?” garalgal niyang tanong habang pilit kumakalas sa tali. “Bakit n’yo ako dinala rito?”Nasa tabi ni Arnold si Avina, maputla, payat, at nakasuot ng eksaktong kaparehong damit at make-up ni Avery. Mula sa kulay ng lipstick hanggang sa ayos ng







