LOGINTahimik ang private office ni Sebastian Zen Montecarlos—malawak, elegante, at nakakatakot sa pagiging perpekto. Floor-to-ceiling glass windows, isang mesa na parang hindi kayang galawin ng kahit sino, at isang lalaking nakatayo sa gitna ng silid na parang siya mismo ang may-ari ng lahat ng nasa loob... pati ako.
"Sit," utos niya.
Hindi siya nagturo ng upuan. Isang salita lang. Pero sinunod ko.
Umupo siya sa tapat ko, dahan-dahan, parang sinasadya niyang patagalin ang bawat galaw. Inilapag niya ang folder sa mesa—ang kontrata. Hindi pa niya binubuksan.
"Do you know why I asked you to stay behind, Ms. Vera?" tanong niya.
Umiling ako. "For the proposal, sir?"
Bahagyang ngumiti ang labi niya.
"The proposal was excellent," sabi niya. "But that's not why you're here."
Sumandal siya sa upuan, pinagkrus ang mga daliri, at doon niya ako tuluyang sinipat—walang pagtatago, walang awa.
"You're here because you don't know how desperate you look," dagdag niya, malamig ang tinig. "And desperate people make honest decisions."
Sumikip ang dibdib ko. "I'm capable," giit ko. "Not desperate."
Tumayo siya bigla. Napahigpit ang kapit ko sa armrest ng upuan ko.
"Capable?" ulit niya, papalapit sa akin. Tumigil siya sa tabi ng mesa, sapat na lapit para maramdaman ko ang presensya niya. "Look at you. You’re already begging because of your situation. One stupid move and you lose everything.” Nanigas ako. Hindi ko alam kung paano niya nalaman.
"Relax," dagdag niya, tila nabasa ang takot ko. "I don't expose weaknesses. I use them."
Binuksan niya ang folder at itinulak iyon papalapit sa akin.
"This contract gives you security," sabi niya. "Money, stability, a future for your family."
Tumingin siya diretso sa mga mata ko.
"In exchange, you work for me. You follow my rules, no arguments."
Nilunok ko ang laway ko. "And if I refuse?"
Tumuwid siya, walang emosyon sa mukha.
"Then you walk out," sagot niya. "And you continue drowning."
Tahimik ang silid. Masyadong tahimik.
"And Elara," dagdag niya, unang beses binigkas ang pangalan ko. "Once you sign, there's no pretending you're still in control."
Tumingin ako sa kontrata.
Alam kong sa sandaling iyon, hindi lang trabaho ang kapalit ng pirma ko.
Kundi ang sarili ko.
Ang tunog lang na naririnig ko ay ang sarili kong paghinga—mabagal, pilit, parang bawat hinga ay may kasamang pag-aalinlangan. Nasa harap ko ang kontrata. Mas makapal kaysa inaasahan ko. Gumapang na naman ang kaba sa dibdib ko.
Marriage Agreement.
Nanlaki ang mga mata ko sa salitang iyon.
Hindi ito simpleng alok. Hindi ito trabaho. Isa itong kasunduan na may iisang malinaw na layunin—itali ako sa kaniya.
“Take your time,” sabi ni Sebastian, malamig ang boses, walang bahid ng emosyon. “Pero huwag mong isipin na ginawa ko ito dahil naaawa ako.”
Hindi ko siya tinignan. Kung gagawin ko, baka umatras ako.
Isa-isa kong binasa ang mga linya.
Legal marriage. Public appearance as husband and wife. Confidentiality. Exclusivity. No emotional attachment. No refusal once signed.Higit sa lahat,
I was not allowed to fall in love with himIsang kasal na walang pagmamahal. Isang pangakong walang pangarap. Isang papel na magpapanggap na may saysay ang lahat.
“Fake lang,” dagdag niya, parang wala lang. “Sa mata ng mundo.”
Humigpit ang hawak ko sa papel.
“Pero sa batas,” pagpapatuloy niya, “legal, buo, hindi pwedeng bawiin kung kailan mo gusto.”
Sa wakas, tumingin ako sa kaniya. “Bakit ako?”
Isang saglit na katahimikan. Pagkatapos, ngumiti siya—
“Dahil kailangan kita,” sagot niya. “At kailangan mo ako.”
Tumayo siya at lumapit sa mesa, inilapag ang ballpen sa harap ko.
“Once you sign,” sabi niya, mababa ang boses, “you become my wife. Hindi sa kama—kundi sa kontrata. Sa pangalan. Sa buhay na ipapakita natin sa lahat.”
Sumikip ang dibdib ko. May bumabara na gustong kumawala.
“Kung umatras ka ngayon,” dagdag niya, kalmado, parang negosyo lang ang usapan, “lalabas ka sa pintong ’yan na walang proteksyon. Walang pera. Walang sasalo sa’yo kapag bumagsak ang mundo mo.”
Tahimik akong nag-isip. Kailangan kong magdesisyon ngayon.
Hindi ko kayang umatras. Hindi ko kayang bumalik sa buhay na araw-araw akong kinakain ng takot—kung may kakainin pa kami bukas, kung makakapag-aral pa si Kiara, kung hanggang kailan ko kakayanin magpanggap na matapang.
Isang pirma kapalit ng kaligtasan.
Isang apelyido kapalit ng kontrol.
Dahan-dahan kong kinuha ang ballpen.
Isinulat ko ang pangalan ko.
Elara Reine Vera
Sa sandaling binitawan ko ang ballpen matapos ko pumirma, parang may isinara sa paligid ko. Isang pinto. Isang buhay. Isang kalayaang hindi na mabubuksan muli.
Kinuha ni Sebastian ang kontrata, sinuri ang pirma ko, saka tumango—kontento.
“Good,” sabi niya. “Congratulations, Mrs. Montecarlos.”
Parang sinuntok ang sikmura ko sa apelyido niya.
Inilagay niya ang kontrata sa drawer ng mesa niya at sinara iyon nang marahan—parang sinasadya niyang iparamdam na tapos na ang isang yugto ng buhay ko.
Tumayo siya.
“Rule number one,” wika niya, mababa ang boses, pero sapat para manginig ang loob ko.
Lumapit siya sa bintana, nakatalikod sa akin, tanaw ang lungsod—mga ilaw, mga taong walang ideya na may babaeng tinanggalan na ng kalayaan.
“You’re not allowed to make decisions without my approval.”
Nanlaki ang mata ko. “Sebastian—”
Hindi siya lumingon.
“Every public move, every appearance, every word you say as my wife goes through me,” dagdag niya. “Walang pagkakamali. Walang sariling interpretasyon.”
Nilunok ko ang kaba sa dibdib ko. “This is still fake,” sabi ko, pilit na pinapakalma sa sarili ko.
Humarap siya sa akin, diretso ang tingin.
“And that’s exactly why it works,” sagot niya. “Walang emosyon. Walang pag-aalinlangan.”
Lumapit siya, huminto sa tapat ko—hindi masyadong malapit, pero sapat para maramdaman ko ang bigat ng presensya niya.
“Break the agreement,” sabi niya nang mahina, “and I walk away. I don’t threaten. I withdraw.”
Tumahimik siya saglit, saka muling nagsalita.
“Is that clear? Mrs. Montecarlos?”
Nilunok ko ang laway ko bago tumango. “Yes.”
Tumalikod siya, kinuha ang tablet niya, parang normal lang ang lahat—parang hindi niya kinuha ang pangalan ko, ang hinaharap ko, at ang karapatan kong pumili.
“The wedding announcement goes out tomorrow,” aniya. “Be ready.”
At doon ko naintindihan.
Hindi lang ako pumirma sa isang kasunduan.
Tinanggap ko ang isang kasal na hindi ko kailanman pinili—
at isang lalaking kayang kontrolin ang buong mundo… kasama ako.Ilang araw matapos ang gabing yumanig sa buong industriya, isang tahimik ngunit mahalagang desisyon ang ginawa ni Sebastian.Hindi ito tungkol sa negosyo.Hindi ito tungkol sa kumpanya.Kundi tungkol sa isang bagay na matagal na niyang kinikimkim—Ang katotohanan.Sa loob ng kanyang opisina, ilang beses niyang tiningnan ang kanyang telepono. Ilang beses niyang sinimulan ang mensahe—at ilang beses din niya itong binura.Hindi siya sanay sa ganitong pakiramdam.Hindi siya sanay na mag-atubili.Ngunit pagdating kay Elara—Lahat ay nagiging komplikado.Sa huli, pinili niyang maging diretso.Isang simpleng request.Isang personal meeting.Walang halong negosyo.Walang halong iba.At hindi niya inaasahan—Na papayag agad si Elara.Sa kabilang banda, habang hawak ni Elara ang mensaheng iyon, hindi na siya nagulat.Hindi siya nag-alinlangan.Hindi siya nag-isip ng matagal.Dahil alam na niya.Alam niya kung ano ang pakay ni Sebastian.Hindi na ito tungkol sa investment.Hindi na ito tungkol s
Tahimik ang buong mansion matapos ang masayang sandali ng mag-ina.Sa kabilang bahagi ng sala, abala si Seblar sa paglalaro ng kanyang mga laruan—mga maliliit na sasakyan, building blocks, at kung anu-ano pang bagay na nagbibigay sa kanya ng simpleng saya na hindi kayang tumbasan ng kahit anong yaman sa mundo.Samantala, si Elara ay nakaupo lamang, pinagmamasdan ang bawat galaw ng kanyang anak.May ngiti sa kanyang labi.Ngunit sa likod nito—May lalim.May pagod.At may mga tanong na matagal na niyang tinatakbuhan.Sa bawat tawa ni Seblar, sa bawat inosenteng galaw nito—May bahagi sa puso ni Elara ang lumalambot.Ito ang mundo na gusto niyang protektahan.Ito ang mundo na ayaw niyang madungisan ng nakaraan niya.Ngunit kahit anong pilit niyang iwasan—May mga bagay na darating at darating.Hindi dahil gusto niya.Kundi dahil—Panahon na.“Mommy?”Naputol ang kanyang pag-iisip.Muli niyang narinig ang boses ng anak niya.Ngunit iba ang tono nito ngayon.Mas mabagal.Mas maingat.“Yes
Hindi pa rin tuluyang nawawala ang katahimikan sa loob ng mansion.Matapos ang mga tanong ni Seblar at ang mga simpleng sagot ni Elara, nanatili silang magkatabi sa malambot na sofa sa sala. Ang umaga ay tila mas mabagal kaysa dati—parang nagbibigay ng oras para sa mga bagay na matagal nang hindi napag-uusapan.Tahimik na nakasandal ang bata sa kanyang ina, habang ang maliit nitong kamay ay mahigpit na nakakapit sa braso ni Elara. Wala na ang kaninang kuryosidad sa kanyang mga mata—napalitan iyon ng isang kakaibang katahimikan, tila sinusubukang unawain ang mundong unti-unti niyang nakikita.Si Elara naman ay tahimik lamang na nakatingin sa malayo.Ngunit sa kaibuturan ng kanyang isip—Maraming bagay ang tumatakbo.Hindi niya inaasahan na ganito kabilis darating ang araw na ito.Na ang anak niya mismo ang magtatanong.Na ang mundong pilit niyang inilalayo rito—Ay unti-unti nang lumalapit.“Mommy…” mahinang tawag ni Seblar, pumutol sa kanyang pag-iisip.Dahan-dahan siyang napatingin d
Sa loob ng mansion ni Elara, kabaligtaran ng ingay sa labas ang katahimikan.Habang ang buong bansa ay abala sa pagtalakay ng kanyang pangalan—ang kanyang mukha, ang kanyang tagumpay, ang kanyang nakaraan—dito sa loob ng kanyang tahanan, tila bumagal ang takbo ng oras.Ang umaga ay tahimik.Malamlam ang sikat ng araw na tumatagos sa malalaking bintana.At sa gitna ng sala—Nakaupo si Elara, hawak ang isang tablet na patuloy na nagpapakita ng mga balita tungkol sa kanya.Sunod-sunod.Walang tigil.“Mommy?”Naputol ang kanyang pag-iisip.Dahan-dahan siyang napalingon sa maliit na boses na tumawag sa kanya.Doon sa hagdan—Nakatayo ang kanyang anak.Si Seblar.Bitbit nito ang isang maliit na tablet, halatang kakagising lamang, ngunit ang mga mata nito ay puno ng kuryosidad.Hindi takot.Hindi lungkot.Kundi simpleng tanong.Lumapit ito sa kanya nang dahan-dahan.“Mommy…” ulit nito habang inaabot ang tablet.“Totoo ba ‘to?”Napatingin si Elara sa screen na hawak ng bata.Isang balita.Isa
Kinabukasan matapos ang engrandeng gabi—Isang balita ang tuluyang yumanig sa buong bansa.Hindi na ito bulung-bulungan.Hindi na ito haka-haka.Kundi isang katotohanang lantad na sa lahat.Nagpakilala na ang CEO ng Seblar Creatives.Mula sa mga pangunahing news outlets hanggang sa bawat sulok ng social media, iisa lamang ang laman ng bawat headline.Mga larawan mula sa event.Mga video ng kanyang pag-akyat sa entablado.Ang sandaling tinanggal niya ang maskara.At ang eksaktong sandali kung kailan niya sinabi—“I am the CEO of Seblar Creatives.”“BREAKING: The long-hidden CEO of Seblar revealed!”“From mystery to dominance—who really is Elara?”“The woman behind Seblar and Vera—now the most talked-about CEO in the country.”Sa loob lamang ng ilang oras—Viral.Trending.Pinag-uusapan ng lahat.“Hindi ako makapaniwala… siya pala ‘yon?”“Nakita ko na siya before… hindi ko alam na ganun pala siya kalaki.”“She was right in front of us all along…”“Grabe… she built everything in just fiv
Patuloy ang ingay sa loob ng venue.Halos hindi na magkamayaw ang mga tao sa paglapit kay Elara—sunod-sunod ang tanong, pagbati, at pagtatangka na makuha ang atensyon niya. Ang ilang minuto na sana’y simpleng pagdiriwang ay naging isang gabi ng rebelasyon, kapangyarihan, at pagbabaliktad ng kapalaran.Sa gitna ng lahat—Nakatayo si Elara, kalmado, kontrolado, at tila sanay sa bawat matang nakatutok sa kanya.“Ms. Elara, is it true na ikaw ang nasa likod ng Seblar all along?”“How long have you been planning this?”“What’s your next move after tonight?”Isa-isa niyang hinarap ang mga iyon nang walang pagmamadali. Ang bawat sagot niya ay maingat, sapat lang para mapanatili ang interes ng lahat—ngunit hindi sapat para ibigay ang lahat ng baraha niya.Ngunit sa likod ng kanyang kalmadong anyo—May isang bagay na malinaw.Alam niya ang susunod na mangyayari.Samantala, sa kabilang bahagi ng venue, tahimik na nakatayo si Sebastian.Hindi siya nakikihalubilo.Hindi siya nakikisali sa usapan.






![Chasing Mr. Billionaire [SSPG]](https://acfs1.goodnovel.com/dist/src/assets/images/book/43949cad-default_cover.png)
