Share

Chapter 39

Ethan POV

Isang oras na ang nakalipas simula ng umalis si Agatha, sobra akong nasaktan sa mga binitawan niyang mga salita hindi ko alam na kaya niyang sabihin ang mga bagay na 'yon sa akin ng hindi man lang mababakasan sa kanyang mukha ang pagsisisi.

Ng makaalis siya ay hinintay ko pa siya dahil nagbabakasali akong baka bumalik siya, pero inabot na lang ng isang oras ay walang Agatha na bumalik, bakit nga ba ako umasa pa eh alam ko naman na malabo ng mangyari 'yon.

Nag order pa ako ng alak at nilunod ang sarili ko, gusto kung makalimot kahit panandalian lang, kung may gamot lang na pampamanhid ng puso para hindi makaramdam ng kirot at sakit ay binili ko na.

Ng pakiramdam ko ay nahihilo na ako ay saka na ako lumabas ng bar. Pagkasakay ko sa kotse ko ay inistart ko agad ang makina at nagsimula ng magdrive. Hanggang ngayon ay hindi mawala sa isipan ko ang mga katagang binitawan ni Agatha sa akin.

Bakit nga ba ako umasa na sa pagbalik niya ay ako pa din ang mahal niya? Hindi na ako na
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status