Se connecterKINABUKASAN ay abala si Armea sa café nang makatanggap siya ng tawag mula sa kaniyang ama. Sandali niyang tinitigan ang screen. Hindi na niya maalala kung kailan ito huling tumawag upang kumustahin siya. Huminga siya nang malalim bago sinagot. “Hello, Daddy?” “Armea, what the hell are you doing?” Agad siyang napakunot-noo. “Good morning din po.” “Don't play games with me! Bakit may mga abogado na naghahanap ng records ng kumpanya?” Napapikit siya nang mariin. Kaya pala ito tumawag. Pero expected naman na niya iyon pero hindi lang niya inaasahan na magiging ganon kaaga. She faked a smile, kahit hindi naman iyon makiita ng kaniyang ama. “I'm checking the documents related to Mommy's shares.” “Who gave you permission?!” singhal nitong tanong Napakunot-noo siya. “Permission?” “Yes! You can't just interfere with company matters!” “Daddy, those shares belonged to Mommy. May karapatan akong malaman kung ano ang nangyari sa mga iyon.” “Your mother entrusted everything to me!”
HINDI makapaniwala si Armea sa kaniyang narinig. Dalawang taon matapos mamatay ang kaniyang ina?Paano nagkaroon ng authorization letter na may pirma nito gayong matagal na itong nakalibing?“Attorney, are you sure?” nanginginig niyang tanong.“Opo, Mrs. Monteverde. Pero kailangan pa rin nating makuha at masuri ang original documents bago tayo makapagbigay ng konklusyon.”Napahawak siya sa kaniyang noo.“Anong property po ang nailipat?”“Isang commercial property sa Makati. Ayon sa records na nakuha namin, dating nakapangalan iyon sa inyong ina bago nailipat kay Mrs. Veronica Alarcon.”Nanlamig ang kaniyang mga kamay.Naalala niya ang gusaling iyon. Minsan siyang isinama roon ng kaniyang mommy noong bata pa siya. Masaya nitong ikinuwento na balang araw ay maaari niyang gamitin ang lugar para sa sarili niyang negosyo.At ngayon, nakapangalan na pala iyon sa babaeng pumalit sa kaniyang ina.“Attorney, gusto kong malaman kung sino ang gumawa nito.”“We'll do everything legally possible t
HINDI agad nakapagsalita si Armea matapos marinig ang sinabi ng lalaking nasa kabilang linya. May mga dokumentong may pirma ng kaniyang ina kahit matagal na itong patay? Paano nangyari iyon? “Mr. Salcedo, are you sure about what you're saying?” seryoso niyang tanong. “Opo, Ma'am. Kaya nga po ako tumawag sa inyo. Matagal ko na pong gustong sabihin ang tungkol dito, pero natatakot po ako.” Napahigpit ang pagkakahawak niya sa kaniyang cellphone.“May hawak po ba kayong ebidensiya?” “May ilang kopya po akong naitago. Pero hindi po lahat. Iyong ibang dokumento, nasa opisina pa rin ng kumpanya.” “Then we need to talk.” Sandaling natahimik ang lalaki. “Puwede po ba tayong magkita mamayang alas-dos? May maliit pong restaurant malapit sa dating opisina ng nanay ninyo.” “Okay. I'll be there.” “Ma'am, isa pa po.” “Yes?” “Sana po, huwag muna ninyong sabihin kahit kanino sa pamilya ninyo.” Napabuntong-hininga si Armea. “Don't worry. Hindi ko po gagawin iyon. Hinding-hindi po ako magpu
HALOS alas-singko ng hapon nang makatanggap si Armea ng tawag mula kay Lucien. Sandali niyang tinitigan ang pangalan nito sa screen bago sinagot.“Hello?”“Armea, are you still at the café?”“Yes. Why?”“I'll pick you up.”Napakunot-noo siya.“Hindi na kailangan. Nandito naman si Mang Tony.”“I know. But I want to talk to you.”Biglang bumilis ang tibok ng kaniyang puso. Tungkol kaya iyon sa litrato?“Okay,” mahina niyang sagot.“I'll be there in twenty minutes.”Pagkababa ng tawag ay napabuntong-hininga siya. Hindi niya alam kung ano ang dapat sabihin kapag nagkaharap sila. Gusto niyang magtanong. Ngunit ayaw rin niyang magmukhang asawa na agad nagdedemand ng paliwanag.Makalipas ang ilang minuto ay dumating ang sasakyan ni Lucien. Personal itong bumaba at pinagbuksan siya ng pinto.“Hi,” bati nito.“Hi.”“How was your day?”“Okay naman.”Sandaling tinitigan siya ng lalaki.“You're unusually quiet.”Napatingin siya sa bintana.“Pagod lang.”Hindi na nagpumilit si Lucien.Ngunit pagda
PAGDATING sa lobby ay napansin ni Seraphina ang isang malaking salamin malapit sa elevator. Huminto siya roon at inayos ang kaniyang buhok. Ilang sandali pa ay nakita niyang lumabas mula sa elevator si Lucien kasama si Cassandra at dalawang lalaking nakasuot ng business suits. Mukhang may pupuntahan ang mga ito. Sa mga oras na iyon, may kung anong sumagi sa nalikot niyang isipan. Mabilis niyang inilabas ang cellphone at lumapit. “Lucien!” Napalingon ang lalaki. Bago pa ito makapagsalita ay tumayo na siya sa tabi nito at bahagyang inilapit ang sarili. “Thank you again for meeting me!” Sinadya niyang hawakan ang braso nito habang nakaharap sa malaking salamin. Mabilis niyang pinindot ang camera. Ngunit agad na umatras si Lucien. “Miss Alarcon, please maintain your distance.” Natigilan siya. “Relax! Picture lang naman.” “Did I give you permission?” Nawala ang kaniyang ngiti. “It's just a photo.” “Delete it.” Napakurap siya. “What?” “I said delete the photo.” Dahil n
KINAHAPONAN ay nagpasya si Armea na umuwi nang mas maaga. Hindi dahil natatakot siya. Kundi dahil gusto niyang makapag-isip nang maayos.Pagdating sa mansiyon ay nalaman niyang wala pa si Lucien. Kaya nagtungo muna siya sa kaniyang silid. Pagkaupo sa kama ay agad niyang kinuha ang cellphone. Wala pa ring sagot ang anonymous sender sa tanong niya kaninang umaga.Napabuntong-hininga siya. Akmang ilalapag na sana niya ang cellphone nang biglang umilaw ang screen.May bagong mensahe. Mula sa parehong numero. Mabilis niya iyong binuksan.“You asked who I am.”Napahigpit ang hawak niya sa cellphone. Ilang segundo pa ay may sumunod na mensahe.“My identity doesn't matter. What matters is the truth your husband has been hiding from you.”Napakunot-noo siya. Mabilis siyang nag-type. Then tell me the truth.Ilang sandali siyang naghintay.Hanggang sa muling lumabas ang tatlong tuldok na nagpapakitang may tina-type ang kausap.“Ask him why he chose you, Armea. Ask him why he wanted to marry you







