Lipat muna ako sa Pilipinas. Namimiss ko na bigla si Jessa eh.
Sa mansion ng mga Almendras ay kakapasok lang ng kuwarto nina Zylah at Austin. Hindi naman ginabi masyado ang birthday celebration ni Raffy pero nagtagal pa rin sila sa hotel dahil may mga kinausp pa si Austin na mga kaibigan pagtapos ng party ni Raffy. “Happy?” tanong ni Austin sa asawa.“Hindi ba dapat happiness ni Raffy ang inaalam natin at hindi ang happiness ko?” nakangiting tanong ni Zylah. “But your happiness always comes from us first,” malambing na wika ni Austin. “Kung hindi mo kami nakikitang masaya ay siguradong hindi ka rin masaya.”Ngumiti si Zylah, may punto ang asawa. “At dahil sa sinabi mo ay sana nasagot na ang tanong mo. Happy kayo kaya happy rin ako. At salamat, Austin. Salamat na pagmamahal mo sa amin.”“Of course.” Dinampian ng halik ni Austin ang noo ng asawa. “Lahat ginagawa ko para sa inyo ng mga bata dahil kayo ang laging priority ko.”“I know…” malambing na wika ni Zylah. Tawag mula kay Bianca ang umagaw ng atensyon ni Austin at naputol ang planong paghal
Sa likod ng pinto ay naririnig ni Jessa ang bawat hampas ng sinturon kay Jaxon at ang malakas na iyak nito. Lumapad ang ngiting nakapaskil sa mga labi niya. Akala niya pa naman ay maniniwala na kay Jaxon ang asawa. Mabuti na lang at siya pa rin ang pinaniwalaan. Siya pa rin ang panalo. At salamat sa patuloy na pagiging tanga ni Bryce.“You heard that, Brody?” tanong ni Jessa sa anak na alam niyang nakakaramdam ng awa kay Jaxon kahit paano. “Kaya huwag na huwag mong gagalitin ang daddy niyo. Huwag mong gagayahin si Jaxon para hindi ka mapalo…” turan niya na may pananakot ang tono ng boses. “Yes, mommy…” mahinang usal ni Brody. And yes, ayaw niya nga magaya kay Jaxon kaya susunod lang siya sa sinasabi ng ina. Si Bryce ay matapos ang akalang tamang disiplina sa anak ay lumabas na ng kuwarto nito. Saktong pagbukas niya ng pinto ay nakita niya na nasa labas ang mag-inang Jessa at Brody na parang ginawa pang entertainment ang iyak ni Jaxon. “What are you doing here?” tanong ni Bryce sa
“Pero paaano kapag nagalit pa rin sa akin si daddy, mommy?” inosenteng tanong ni Brody. Masyado itong namamanipula ng ina kaya sunod-sunuran. “Kaya nga dapat siguraduhin mo na hindi mangyari kasi kapag nagalit sa ‘yo ang daddy niyo ay papalayasin ka niya sa bahay na ito. Mahihiwalay ka sa akin, Brody! Mawawalan ka ng mommy!” pananakot ni Jessa sa sariling anak. Iyon ang paraan niya para sumunod ito Tanda pa ni Jessa nang dati ay sinabi ni Brody na bad ang ginagawa niya kay Jaxon. Sinabi pa na bawal magsinungaling kaya bakit iyon ang itinuturo niya rito.“Gusto mo bang mahiwalay sa akin?” tanong ni Jessa sa anak nang mabasa niya ang kalituhan sa mga mata nito. “No, mommy…” Mabilis ang pag-iling ni Brody. “Ayaw ko mahiwalay sa ‘yo…”Napangisi si Jessa. “Kaya nga makinig ka, Brody…” malambing niyang wika sa anak. “Sasabihin mo na bad talaga si Jaxon sa daddy mo kapag sinabi ni Jaxon na ikaw ang naunang nanulak. At sasabihin mo rin na laging gumagawa ng gulo si Jaxon kahit sa school
“Jaxon!” tawag ni Brody sa isa na hindi siya pinansin at dire-diretso lang sa paglalakad galing sa pool area papunta sa kuwarto nito. Si Jaxon ay sadyang hindi pinansin si Brody kasi mula pa noong inaapi siya ni Jessa ay alam niyang kasabwat ito. Ni minsan ay hindi ito naging mabait sa kaniya at lagi pang nagsisinungaling gaya ng mommy nito“Tinatawag kita, Jaxon!” habol ni Brody sabay tulak sa isa na patuloy lang naglalakad kaya na-out balance at nauntog sa hamba ng pinto. Si Jaxon na nasaktan ay kinapa ang bukol sa noo at nang tumayo siya ng diretso ay hinarap si Brody na nakangisi pa sa kaniya. Parang tuwang-tuwa pa na nabukulan siya.“Papansin ka!” galit na sabi ni Jaxon sabay tulak din kay Brody.“Brody!” malakas na sigaw ni Jessa. Saktong nasa baba na ng hagdan siya nang makita na itinulak ni Jaxon ang anak. Mabilis na nilapitan niya ang anak para tulungan tumayo. “What’s your problem, Jaxon?” tungayaw niya sa stepson. “Bakit mo itinulak si Brody?”Hindi sumagot si Jaxon. Alam
Raffy’s birthday…Napangiti si Zylah habang nakatingin kay Raffy na masayang-masaya na sinalubong ang sinasabi nitong best friend. Ang batang si Nathan ay may katabaan at kasama ang lola nito. “Hello po,” magalang na bati ni Zylah sa matandang babae na kiming ngumiti. Namiss niya tuloy ang nanay niya dahil sigurado siyang nagkakalapit ang edad nito sa mama niya. “Samahan ko na po kayo sa table,” aya niya sa matanda at kay Nathan. She invited her parents pero hindi makapunta dahil hinahapo ang papa niya. Nangako na alanhgh sila ni Austin na sila ang papasyal sa mga ito. Hindi naman nagpaiwan si Raffy at sumama rin sa kanila hanggang sa table kung saan niya dinala ang mag-lola. “Happy birthday, Raffy!” masayang bati ni Nathan sa kaibigan nito sabay abot ng regalo na siya mismo ang pumili para rito. “Thank you, Nathan!” masayang turan ni Raffy at kasunod ay niyaya na nito ang kaibigan na maglaro sa pinasadyang play area para sa mga bata. Gusto nila ni Austin na pagbigyan ang gusto ni
“You are so impossible, Bryce! I always admire you kaya nga magkasama na ulit tayo pero sa nakikita ko ngayon na takot mo kay Zylah dahil asawa na siya ni Austin ay parang hindi ko makita na ang lalaking minahal ko ng sobra-sobra at hinangaan. Handa mo nga ako ipaglaban noon kay Harry pero si Jaxon hindi mo kayang gawan ng paraan para makasama man lang ang totoong mother niya?”“Enough, Jes!” matigas ang tonong pagpapatigil ni Bryce sa kakasalita ng asawa. Naiba na ang topic nila pero bumalik na naman ito sa ideya na lapitan niya si Austin para kausapin tungkol kay Zylah. “What’s wrong with you?”At napipikon na siya sa asawa. Kanina nang sabihin nito ang totoong nangyari noon kaya nakunan si Zylah ay talagang nagulat siya at nadismaya rito. Paano naman kasi ay killa niya itong mabuting tao kaya hindi niya maisip na nagawa nitiong pagtakpan ang nagawa ni Jaxon dahil lang sa naawa ito sa anak niya. “Anong what’s wrong with me na ‘yan?” kunot-noong tanong ni Jessa. ”Bakit parang ako pa