“Bakit?” tanong ni Zylah Kay Bryce nang matapos itong makipag-usap kay Jessa. “Bakit kasama ni Jessa si Jaxon? Akala ko ba kasama si Jax ng mommy mo?”
Hindi siya pinansin ni Bryce at isinuksok na ulit ang phone sa bulsa. Hindi rin sinagot ang tanong niya hanggang lumabas na ito ng bahay nila. Kinuha ni Zylah ang phone na nakapatong sa mesa at sinundan si Bryce. Sasama siya puntahan ang anak at hindi siya pwedeng balewalain ng asawa. Binuksan ni Zylah ang pinto ng passenger seat at sumakay ng kotse. “Sasama ako,” aniya. Punong-puno ng pagtitimpi rito ang boses niya at pag-aalala para sa anak niya. Katahimikan ang namayani habang papunta sila ng ospital. Katahimikan na lalong dumudurog kay Zylah. Hindi niya alam kung ano ang nasa isipan ng asawa pero isa lang ang totoo, niloloko siya nito paulit-ulit. At ang kaninang iniisip niya na gusto nitong maging maayos sila ay isang kalokohan. Gusto lang nito magmukha siyang tanga at maging sunod-sunuran. Inuuto habang masaya itong kasama ang minamahal na si Jessa. Gustong itanong ni Zylah kay Bryce kung bakit hindi na lang siya nito hiwalayan kung si Jessa naman pala ang mahal nito at gustong makasama? Bakit kailangan pa siyang utuin? Bakit kailangan pa siyang papaniwalain at paasahin? Masaya ba si Bryce na lokohin siya? Nang dumating sila ng ospital, nagmadali si Zylah puntahan ang pediatric ward. Nakita niya agad si Jaxon na nakahiga sa hospital bed. Namumutla. Naiiyak na nilapitan niya ang anak. Ito na nga ang sinasabi niya na mangyayari kapag nasobrahan sa matamis si Jaxon. Nang lingunin niya ang babaeng kasama ni Jaxon ay likod na lang nito ang nakita niya. Pasimple itong lumabas ng kuwarto ni Jaxon kasama ni Bryce. ‘Ang mga walanghiya…’ Naupo si Zylah sa tabi ng anak. Hindi pa nagtagal siyang nakaupo nang may bumukas ng pinto at galit na lumapit sa kaniya. “Napaka-iresponsable mo talaga, Zylah!” galit na sabi ng mother-in-law niya. Si Helen. “Napakapabaya mong ina! Nag-iisa lang si Jaxon tapos hindi mo maalagaan ng tama!” “Mommy…” bulong niyang sabi. Hangga't maari ayaw niya maging bastos na manugang. “Alam naman po natin lahat kung ano ang kondisyon ni Jaxon, ‘di ba?” pabulong niyang tanong. Ayaw niyang maistorbo ang tulog na anak. “At sabi ni Bryce ay isinama niyo si Jaxon kaya kampante ako na—” “At ako ang sinisisi mo?!” hiyaw ni Helen. “Kung ano-ano ang binibigay mo sa anak mo kahit alam mo na hindi pwede sa kaniya, ngayon na nasobrahan ay ako ang sisisihin mo?!” Nanlaki ang mga mata ni Zylah sa narinig. Napatitig siya sa byenan. “Ayaw ko po sabihin ito pero nakakatawa naman po ang mga pinagsasabi ninyo.” Napailing si Zylah sa sama ng loob. “Sana alam niyo po kung sino ang nagbibigay ng kung ano-ano kay Jaxon. Sana tanungin niyo ang anak niyo muna kung sino ba ang lagi nilang kasama ng apo niyo.” “Oh, please…” Helen scoffed. “Tigilan mo ‘yang kapapasa mo ng kapalpakan mo sa iba. And cut the dramatics, Zylah! Ikaw ang pabaya kaya sana alam mo ang mali mo!” “Kung mali po ako ay sino ang tama? Kayo? Si Bryce?” sunod-sunod na tanong ni Zylah nang hindi na siya makatiis sa sama ng loob. “At bakit po napunta kay Jessa ang anak ko, Mommy? Imposible naman na basta na lang nakarating ang anak ko sa bahay ni Jessa na mag-isa, ‘di po ba?” “Wow naman…” patuyang sabi ni Helen kay Zylah. “At ngayon si Jessa ang sisisihin mo?!” mataray na tanong ni Helen. “Si Jessa na nagmalasakit kahit hindi naman niya kaano-ano si Jaxon?!” Gustong kumawala ng mga luha ni Zylah. Pati ba naman itong byenan niya ay kakampihan si Jessa? At siya pa talaga ang may mali? “Alam ninyo pareho ni Bryce ang mga bawal kay Jaxon,” mahina ang boses na wika ni Zylah. Napapagod na siyang magpaliwanag. Napapagod na siyang umunawa. “At hindi ko po kayo gustong sisihin. Pero bakit sinisisi niyo ako sa kamalian ni Jessa?” “Mommy…” sabat ni Bryce na palapit kina Zylah at Helen. “Bakit niyo hinatid si Jaxon kay Jessa?” tanong nito at nasa mga mata ang inis nito sa ina. “Akala ko ba naunawaan ninyo ang sinabi ko na gusto kong ilayo na si Jaxon kay Jessa.” Umilap ang mga mata ni Helen. Guilty sa sinabi ng anak. “Hindi ko ihahatid si Jaxon kung hindi siya umiiyak hanapin ang Mama Jessa niya!” Tiningnan ni Helen si Zylah at inirapan. “Kung matino ba naman kasi iyang ina ng anak mo ay bakit mas gusto pa ni Jaxon makasama ang bago lang nito nakilala? Think of what I said, Bryce! May mali at sana makita mo ‘yon!” Napayuko si Zylah. Masyado na siyang nasasaktan. Pero naisip niyang tama si Helen kahit paano. May mali kasi bakit nga naman mas gugustuhin ni Jaxon si Jessa makasama kaysa kaniya? May mali na si Bryce ang nagsimula. “Tama na, Ma!” sagot ni Bryce sa ina. “Huwag ninyo na pag-initan si Zylah. Bata lang si Jaxon, hindi niya alam na para sa kabutihan niya ang ginagawa ng mommy niya. Kayo ang umintindi sana. Mali ihatid ang anak namin kay Jessa at pabayaan doon. Walang alam si Jessa sa kondisyon ni Jaxon pero kayo alam niyo.” “Bryce!” Nanlaki ang mga mata ni Helen sa direktang paninisi rito ng anak. She was horrified. “At ako pa ang mali ngayon?!” “Si Jessa ang may mali, Mommy,” singit ni Zylah. “Ayaw niyo lang siyang sisihin at ako ang pinapalabas niyong may kasalanan. Bakit?” naguguluhan niyang tanong. “Bakit po ako? Noong hindi pa nakilala ng anak ko si Jessa ay maayos po ang kalagayan niya. Ngayon lang naman nangyari ulit ito. Kayo nitong si Bryce… kayo ang dapat magsisihan dahil hinayaan niyo si Jessa bigyan ng sakit ang anak ko!” “Zylah…” awat ni Bryce sa asawa. “Totoo naman, Bryce.” Ipinilig ni Zylah ang braso niyang hinawakan ni Bryce. “At ikaw ang higit kanino man mali rito mula simula. Kung hindi mo hinayaan mapalapit si Jaxon kay Jessa, hindi sana ganito ang nangyari! That woman tolerated Jaxon without thinking those sweets she fed to our son could kill him!” Sa wakas ay nasabi ni Zylah ang mga salita. Sa wakas ay nailabas na niya ang sama ng loob. “Ikaw—” “Ma!” saway naman agad ni Bryce sa ina kaya hindi na ito nakatuloy ng sasabihin pa. “You better go home, Ma. Pabayaan niyo na kami ni Zylah rito.” Tamang sinulyapan lang ni Zylah ang asawa. Kung totoo man ang sinabi nito ay bahala na ang panahon. Ang importante sa kaniya ay ang bagay na mailayo niya si Jaxon kay Jessa. Simula ngayon ay hindi siya papayag makalapit ang babaeng iyon sa anak niya. “Daddy…” mahinang tawag ni Jaxon kay Bryce. Gising na ito. “Where’s Mama Jessa?” Nilapitan ni Zylah ang anak kahit nasaktan na naman sa paghahanap nito kay Jessa. Hinawakan niya ang kamay ni Jaxon. “Mommy’s here, Jax.” “Kaya siguro wala si Mama Jessa kasi nandito ka! Ayoko sa ‘yo, Mommy! Umalis ka!” sunod-sunod na wika ni Jaxon kay Zylah bago tumingin sa ama. “Si Mama Jessa gusto ko rito, Daddy. Sige na... Paalisin mo si Mommy...”Naningkit ang mga mata ni Jessa sa inis sa narinig na kuwento ng driver. Pero nang maalala niya ang sinabi ni Bryce na dahilan kaya hindi raw makakarating si Austin Mulliez ay napangiti siya. Ang sabi ni Bryce na may meeting ang may-ari ng Hotel Tranquil na napaka-importante kaya ibig sabihin ay mali ang nasagap ng driver na dahilan kaya may pa-raffle ang account ng hotel ni Austin.Napakaimportante kaya sabi pa nga ni Bryce ay baka sa ibang bansa magaganap ang meeting kaya hindi makaka-attend sa imbitasyon nila si Austin. With that thought, kung totoo na may pakilalang magaganap sa asawa ng CEO mamaya ay baka naman mga tauhan lang ng hotel ang may pakulo para lang may abangan ang mga followers nila. “Scam ‘to!” nakangising sabi ni Jessa at ibinalik ang phone ng driver. “Hindi po ‘yan scam, ma’am.” Umiling ang driver. Nasa mga mata ang pangungumbinsi sa bride na inihatid na nagsasabi siya ng totoo. “Noong isang linggo nga po, ma’am, ay ganitong oras din nang may nanalo ng isang mi
Bryce and Jessa’s wedding day…Masayang-masaya si Jessa dahil ang lahat ng gusto niya ay natupad para sa kasal niya kay Bryce. Sa isip ay sikat na naman siya sigurado sa mga social media at siguradong kahit sa TV news ay mababanggit ang pangalan niya. She’s an internet celebrity kaya normal iyon. At ano pa ba ang aasahan sa isang internet celebrity na may pakakasalang guwapo at mayamang CEO ng Almendras Pharma? Of course, siya na naman ang kaiinggitan ng mga netizens na walang magawa sa buhay kundi abangan ang mga ganap niya sa buhay. “Ang ganda mo, Mommy!” namimilog ang mga matang wika ni Brody sa ina. “Syempre,” tugon ni Jessa sabay ngiti ng ubod-tamis. “Kailangan si mommy talaga ang maganda kasi ako ang bride. Dapat pangalan ko ang maging trending sa lahat ng socmed ngayong araw. My wedding with your Daddy Bryce should be the envy of all women.” Sa daming trending sa internet nowadays ay kailangan ni Jessa ng magandang content para malipat sa kaniya ang atensyon ng marami. At an
Kung nag-enjoy si Raffy sa mga bagong kaibigan ay gayundin si Zylah. At marami pa silang napag-usapan nina Willow at Chloe. Dahil din kina Chloe at Willow ay naisip ni Zylah na mali pala ang akala niya noon na kapag sobrang yaman ay may ibang ugali ang mga tao. Willow and Chloe proved her wrong. Sadyang minalas lang siya sa mga mayayaman na nakilala dati. Mayayaman na wala naman sa level ng yaman ng mga taong kaharap niya pero sobrang mapang-api at akala mo mga kung sino. Hindi nagtagal ay dumating na rin sina Austin at Mathias kaya nagpaalam na si Zylah sa magpinsan. Ang sabi ni Chloe ay ipapadala na lang sa kaniya ang naisip nito para sa interior design kaya ibinigay niya ang personal email dito. Si Raffy ay nagpaalam na rin sa tatlong batang lalaki na kalaro niya. At habang nasa byahe pauwi ay nakatulog si Raffy sa pagod sa pakikipaglaro. “May problema ba?” mahinang tanong ni Zylah sa asawa. Alam niyang kanina pa may gumugulo rito at iyon ang gusto niyang malaman. Hinintay niya
Umiling si Willow. Hindi niya kilala kung sino ang sinasabi ni Zylah kasi hindi naman siya naging close kina Austin at Rachel. Tanging kay Mathias niya lang nalaman ang mga bagay-bagay tungkol sa kaibigan nito at kung bakit umiwas si Austin noon sa kuya niya. “Kanino mo pala nalaman ang tungkol sa kapatid ni Rachel?” tanong ni Willow para malinawan tapos natawa ng mahina. “And weird kasi… bakit kailangan sabihin pa na kamukha ni Rachel?”Wala naman pakialam si Willow pero hindi niya maitago ang pagtataka lalo na at kanina lang itinanong ni Zylah kung hawig ba ito kay Rachel. Maganda si Rachel sa tanda ni Willow pero hindi rin naman papahuli si Zylah. In fact, kung siya ang pipili kung sino ang mas maganda ay si Zylah ang pipiliin niya.“Kay Paulina,” kiming tugon ni Zylah. “Hindi ko alam kung kilala mo si Paulina Vergara pero siya ang nagsabi sa akin. Ang alam ko ay college friend din nina Mathias at Austin ang uncle ni Paulina. Si Harrison Vergara.” Hanggang doon lang ang kayang sab
“Uwi na tayo?” malambing na tanong ni Zylah kay Raffy. Lumapit ang anak sa kaniya at humingi ng maiinom na tubig. Kanina pa ito masayang nakikipaglaro sa mga pamangkin ni Willow habang siya ay nakikipag-usap kay Chloe tungkol sa interior design na naiisip nito para sa lobby ng mall ni Willow. “Can we stay for another hour?” nakangiting tanong ni Raffy pagtapos nitong uminom. “And can you tell daddy to bring Baby Raegan here?” malambing nitong dagdag. “You’re worrying about her, right?” Bahagyang natawa si Zylah. “Not that. Mas okay na nasa bahay si Raegan. Hindi ko rin siya kayang asikasuhin kung isinama ko siya kasi work-related ang ipinunta natin dito,” paliwanag niya sa anak. “I just asked you kung gusto mo na bang umuwi kasi baka naiinip ka na maghintay kay mommy matapos sa meeting with Tita Willow and Tita Chloe..” Mabilis na umiling si Raffy. “It’s okay, Mommy. Masaya naman kalaro ang mga bata rito kaya hindi ako naiinip.” Nang tawagin si Raffy ng mga kalaro nito ay iniwa
“Here,” abot ni Mathias kay Austin ng flashdrive kung saan naroon ang file ng CCTV footage na ipinakiusap nito sa kaniya. “Who’s your receptionist?” natawang tanong niya kasunod sabay punta sa single couch at doon naupo. “Why?” balik tanong ni Austin sa kaibigan. “Hindi ko alam kung sino ang nasa frontdesk ngayon pero it’s either Rochelle Reyes, Realyn Garcia or Lily Santos. Silang tatlo ang regular na front desk officer.” “Mukhang wala sa tatlong nabanggit mo.” Dinampot ni Mathias ang isang fashion magazine at napakunot-noo nang makita ang babaeng model na nasa cover dahil kilala niya. “Bago lang ‘yon sa tingin ko. Baka under probationary period pa.” “Ano bang kasalanan sa ‘yo?” natatawang tanong ni Austin kasunod. Kumibit-balikat si Mathias. “Wala naman. Makulit lang masyado at hiningi pa ang ID ko para tingnan ang pangalan ko. Akala ko hindi pa ako papaakyatin kasi ang tagal pa akong tinitigan. Mabuti dumating si Daniel at nakita ako agad.” Napakunot-noo si Austin. Paanong hi