Compartir

Chapter 19: ZSA Company Director

Autor: Luffytaro
last update Fecha de publicación: 2026-08-19 18:32:25

KAHIT na puno ng pagdadalawang isip si Thea ay pumunta pa rin siya sa address na nakalagay sa card na ibinigay sa kaniya ng lalaking tumulong sa kaniya kanina. Kailangan niya talagang pumunta doon dahil may utang na looob siyang dapat niyang bayaran.

Dumating siya sa isang building na sa tantiya niya ay nasa kalahating ektarya ang luwang. May apat na palapag ito at ang gate ay napakataas. Doon pa lang ay hinarang na siya kaagad at akala niya ay hindi siya papapasukin kaya lang nang ipakita ni
Continúa leyendo este libro gratis
Escanea el código para descargar la App
Capítulo bloqueado
Comentarios (1)
goodnovel comment avatar
Maribeth Patal Lontoc
bagal naman ng progress(^_^)
VER TODOS LOS COMENTARIOS

Último capítulo

  • Betrayed by My Ex-Husband, Claimed by His Stepbrother   Chapter 33

    NAGPAKAWALA ng isang mahabang buntong hininga si Thea pagkasara niya ng pinto ng silid niya. Ilang oras lang sila halos sa party na iyon pero pakiramdam niya ay pagod na pagod siya. Hindi niya akalaing ganito pala ang pakiramdam kapag muli silang magkikita ni Justin. Pero nakadagdag din kasi sa pagod niya ang pakikipag-usap sa mga tao na walang ibang ginawa kundi ang magtanong tungkol sa personal niyang buhay.Naiinis man siya kanina ay hindi naman siya pwedeng sumimangot sa harapan ng mga ito kundi, syempre ay kinailangan niyang ngumiti pa rin kahit na gusto na niyang umalis doon. Mabuti na lang at nang sabihin niya kay Zach na gusto niya ng umuwi ay hindi na ito nagdalawang isip pa.Mabilis siyang naghubad ng kanyang suot at pagkatapos ay pumasok sa banyo para tanggalin ang kanyang makeup. Nang matapos siya at tuluyang nakapagbihis na ay ibinagsak niya ang sarili sa kanyang kama. Pagod na pagod talaga siya. Matagal-tagal na rin kasi noong huli siyang dumalo sa ganung klaseng pagtit

  • Betrayed by My Ex-Husband, Claimed by His Stepbrother   Chapter 32

    ISANG ngiti ang sumilay sa mga labi ni Zach nang maalala niya ang mga bagay na iyon. Hindi niya inaasahang maaalala niya iyon noong mga oras na iyon. “What inspire me?” ulit niya sa tanong ng lalaking nasa tabi niya.Simple lang. Noong magising siya, isinumpa niya na pagababayarin niya ang mga taong iyon na dahilan ng pagkawala ng kanyang ina. All he wanted is to get revenge.“To tell you the truth, all I want is to be a better person. To be the man I promised for my late mother. I want to be successful even though she is no longer here. I know kung anuman ang maabot ko ngayon ay masaya siya para sa akin.”Sandali itong hindi sumagot bago narinig ang mahinang tawa. Nilingon niya ito. Tumaas ang kilay niya. “To be honest, wala talagang balak na mag-invest si Dad sa kumpanya mo pero nang makita kita. There was something telling me to approach you, to invest in your company. I said to my Dad I am pulling all my savings at pahiramin niya muna ako ng pang-invest sa kumpanya mo.”Tumaas ang

  • Betrayed by My Ex-Husband, Claimed by His Stepbrother   Chapter 31

    “ARE you okay?” tanong ni Zach sa kaniya. Kararating lang din nito at hindi niya alam kung saan ito galing. Marahan siyang umiling.“I’m fine.” uminom siya sa kanyang baso. Ilang tao na ang nakausap niya kanina bago siya makabalik sa mesa nila at lahat ng mga ito ay nagtatanong kung ano ba talaga ang nangyari sa pagitan nila ni Justin. Hindi naman siguro lingid sa kaalaman ng lahat na naghiwalay na sila dahil nga sa pangloloko nito sa kaniya.Gusto lang nilang maki-isyoso pero syempre ay ngumiti lang siya at hindi nagkomento. Hahaba pa kasi ang usapan. Hindi din naman siya komportable na pag-usapan ang tungkol sa bagay na iyon dahil kapag naiisip niya ang ginawa sa kaniya ni Justin ay pakirot lang ng pakirot ang dibdib niya.“We can go home if you want. Lalo na at mukhang hindi ka komportable.”Umiling siya. “No, it’s okay.” Kung uuwi siya at aatras dahil sa pagkikita nila ni Justin, hindi ba at sayang naman ang pagpunta niya doon? Sayang naman ang effort nila ni Zach. napagkasunduan

  • Betrayed by My Ex-Husband, Claimed by His Stepbrother   Chapter 30

    MULING napasuntok sa pader si Justin dahil sa galit niya. “Fvck! Fvck! Fvck!” galit na galit na usal niya habang patuloy sa pagsuntok sa pader.Halos nagtaas baba ang kanyang dibdib. Hindi niya nakontrol ang bibig niya at alam niyang nasaktan niya si Denise sa sinabi niya pero totoo naman ang lahat ng iyon. Mas mainam na rin na alam nito ang lugar nito sa buhay niya.“I didn't intend to hear that, I’m sorry.” sabi ng isang tinig sa likuran niya dahilan para mapalingon siya ng wala sa oras.Nakita niya si Zach na nakatayo doon at may hawak na isang baso ng alak.Umigting ang paa niya at inisang hakbang ang pagitan nilang dalawa. Hinawakan niya kaagad ito sa kwelyo at isinandal sa pader habang nag-aapoy ang mga mata niya sa matinding galit. Ang mga ugat sa kanyang noo at kamay ay halata na rin sa matinding emosyon na nararamdaman niya. Kung siya lang ang tatanungin, mas gusto niya sana itong suntukin para damang-dama nito ang galit niya pero bakit niya sasayangin ang lakas sa ganitong k

  • Betrayed by My Ex-Husband, Claimed by His Stepbrother   Chapter 29

    INIPON ni Thea ang natitira niyang lakas at malakas na itinulak si Justin at tyaka niya ito sinampal ng malakas na halos sumakit ang palad niya. Napuno ng galit ang kanyang mga mata. Ang kanyang dibdib ay nagtaas baba dahil sa galit. Mabilis niya ring pinunasan ang kanyang labi na puno ng pandidiri.Wala siyang balak na makipag-usap dito ng matagal. Hindi na niya gusto pang dumikit o ni makausap ito pero alam niya rin naman na hindi niya maiiwasan iyon.Napakunot na lang ang noo niyang nang bigla na lang itong mapatawa habang nakatingin sa kaniya. “Playing hard to get now Thea?” humakbang ito palapit sa kaniya ngunit mabilis lang siyang umatras.“Huwag kang lumapit sa akin Justin…” ang kanyang mga mata ay nag-aapoy habang nakatitig dito ngunit sa halip ay ngumiti lang ito sa kaniya.“I know why you’re doing this, Thea. Gusto mong makuha ang atensyon ko diba?”Natawa na lang siya sa sinabi nito. Hindi ba ito kinikilabutan sa lumalabas sa bibig nito? Samantalang siya, pinapakinggan niya

  • Betrayed by My Ex-Husband, Claimed by His Stepbrother   Chapter 28

    RAMDAM na ramdam ni Thea na may nakatingin sa kaniya noong mga oras na iyon pero sinubukan niyang pakalmahin ang nararamdaman niya kahit na alam niya kung sino iyon. Sa talim ng titig nito sa kaniya ay hindi na siya magdadalawang isip pa na isiping si Justin iyon at wala ng iba pa.“Are you okay?” tanong ni Zach sa kaniya pagkalipas ng ilang sandali.Isang pilit na ngiti ang ipinaskil niya sa kanyang labi at marahang tumango. “Yeah.” kahit na ang totoo ay hindi ganun kaganda ang pakiramdam niya.Para siyang sinasakal at parang hindi siya makahinga ng maayos. Hindi niya alam kung dahil ba sa mga taong naroon o dahil kay Justin kahit na hindi niya pa ito direktang nakikita? Napakaraming lumalapit kay Zach para magpakilala at ang lahat ng iyon ay pawang mga businessman na hindi niya nakita o nakilala noon.Bilang asawa nito sa mata ng lahat ay kailangan niyang samahan ito at magpakilala rin sa mga kinakausap nito syempre. “Okay lang ba kung iwan muna kita dito?” tanong nito sa kaniya pa

Más capítulos
Explora y lee buenas novelas gratis
Acceso gratuito a una gran cantidad de buenas novelas en la app GoodNovel. Descarga los libros que te gusten y léelos donde y cuando quieras.
Lee libros gratis en la app
ESCANEA EL CÓDIGO PARA LEER EN LA APP
DMCA.com Protection Status