MasukPULANG-pula ang mukha ni Thea paglabas niya mula sa opisina ni Zach. parang gusto niya na lang na lamunin ng lupa ng mga oras na iyon. Hindi niya alam kung bakit bigla na lang niyang ginawa ang bagay na iyon. Nababaliw na ba talaga siya?Simula pa kagabi ay palagi na itong dumadaan sa isip niya at nang makita niya ang sugat sa gilid ng labi nito ay bigla siyang binalot ng pag-aalala. Ilang beses siyang huminga ng malalim para pakalmahin ang sarili niya. Wala talaga siyang ideya kung bakit siya umaakto ng ganun na para bang may isip ang katawan niya.Ipinilig niya ang kanyang ulo. Siguro ay dala lang iyon ng mga kung ano-anong naiisip niya nitong nakaraan at bukod pa doon, nanood kasi siya ng k-drama noong mga nakaraang gabi at pumasok pa sa isip niya what if ganun ang mangyari sa kanila ni Zach. tama, dahil lang iyon sa imahinasyon niya. Kung ano-ano na lang kasi ang pumapasok sa isip niya. Kailangan na talaga niyang maging abala para hindi niya naiisip at nagagawa ang mga nakakakila
“SIR, I think next week ay darating na kaagad ang first ever shipment ng kumpanya.” pag-imporma sa kaniya ng assistant niya. Napakunot ang noo niya ng wala s aoras. “Bakit parang hindi ka masaya?” Halos mapakamot naman ito sa ulo. “Hindi naman sa ganun sir, pero…” ngumiti ito sa kaniya. “Napakalayo na ng kumpanya ngayon kaysa noong nagsisimula pa lang.”Sumandal lang siya sa kanyang kinauupuan bago napa buntong hininga. “Tama ka at tiyak na malaki pa ang maaabot ng kumpanya sa mga susunod na buwan at taon.”Alam niyang ang ZSA company ay makilala sa buong bansa pagkalipas ng ilang taon at iyon naman talaga ang goal niya. Gusto niyang i-expand ang kumpanya niya hindi lang dito kundi maging sa ibat-ibang probinsya kung saan ay alam niyang magiging malaki ang kita niya.Maging ang logistics company nila ni Sea, kapag naging successful ay plano niya itong i-expand sa ibang lugar. Gusto niyang locally ay may ibat-iba silang warehouse.“Well, anyway sir, ito na nga pala ang report tungkol
“WHAT do you mean by that? Kumilos ka ng padalos-dalos? Hindi ka ba talaga nag-iisip?” tanong ni Jax Madrigal kay Justin nang puntahan niya ito sa opisina nito. Kailangan nitong malaman kung ano ang nangyayari dahil malaki ang magiging apekto ng ginagawa ni Zach ngayon sa dalawang kumpanya nila.Napahilot siya sa kanyang sentido. Sa halip na humanap din ito ng solusyon sa problema nila ay parang gusto pa siya nitong siishin sa ginawa niya samantalang ginawa niya lang naman iyon para takutin si Zach at may kalagyan ito ngunit laking pagkakamali niya na nagtiwala siya sa Mr. Enriquez na iyon.Ngayon ay nawalan pa sila ng warehouse. Bakante pa naman iyon pero gagamitin niya sana iyon para paglagyan ng mga plano niyang ipasok sa bansa na mga produkto yung tipong hindi alam ng lahat. Magbabayad lang siya sa kakilala niyang taga customs at pagkatapos ay lusot na siya.Plano niya ring makipag negosasyon sa isa sa mga chinese national na nakilala niya sa isang bar nitong mga nakaraang araw. M
PAGKAGISING ni Zach kinabukasan ay parang sasabog ang ulo niya sa sakit. Paano ba naman, hindi pa siya umuwi kagabi at sinamahan nila si Damien na magpakalasing hanggang sa mailabas nito ang kinikimkim nitong sama ng loob sa mga nangyari noon.Sa pagkakaalam niya, wala itong kapatid na mapagsabihan sa nararamdama nito siguro dahil ayaw nitong mag-open up. Kung hindi pa nga ito nalasing ay hindi pa ito magsasalita lalo na kay Sea. ayaw niya naman itong pangunahan sa totoo lang dahil wala naman siyang karapatan na gawin iyon.Napahilot na lang siya sa sentido niya ng wala sa oras at pagkatapos at pumasok sa banyo para maligo. Kahit na sobrang sama ng pakiramdam niya ay kailangan niya pa ring pumasok sa kumpanya dahil sa dami ng kailangan niyang gawin.~~~~~~“Good morning sir.” bati ng assistant ni Justin sa kaniya. Hindi siya sumagot sa halip ay dumiretso lang siya sa kanyang mesa at umupo. “I have a report regarding the investors of the SZA company sir.”Napuno ng interes ang mga mat
NARINIG ni Zach ang pagsinghap ni Sea nang marinig nito ang sinabi ni Damien. Samantalang siya ay nanatiling tahimik sa kanyang kinauupuan, hindi nagsalita at uminom lang ng alak sa kanyang baso.Hindi totoo ang sinabi ni Damien pero wala siya sa mood na itama ito o makipagtalo pa rito. Matagal ng tapos ang kung anumang gusto sa pagitan nilang dalawa. Nag-umpisa iyon noong nag-aaral pa siya sa ibang bansa at ganun din naman ito.It all started when they both fell in love with a girl. Pareho nila itong pinahalagahan at minahal pero dahil isa lang ang puso nito, isa lang ang pinili nito at iyon ay siya. Yes, siya. Kaya lang ay nagkaproblema silang dalawa and the rest is history.“Woah, woah, woah. Really?” tanong ni Sea. “Siguradong maganda ang babaeng ito right? Nasaan na siya ngayon? I wanna meet her!”Nagsalubong ang kilay ni Sea nang makita niya ang reaksyon ni Damien. Magkahalong galit, sakit at puno ng pagsisisi. Zach was still silent. Parang wala itong balak na magsalita. “I gu
“SORRY, na-;ate ako.” sabi ni Zach kasabay ng pag-upo niya sa sofa sa loob ng VIP room sa bar kung saan sila nakatakdang magkita ni Sea. ibinagsak niya ang hawak niyang folder sa harap nito.Pinulot ni Sea ito habang nakakunot ang noo. Wala siyang ideya kung ano iyon lalo na at niyaya niya ito doon para lang mag-relax hindi para magtrabaho pero mukhang hindi pa rin nito kayang pigilan ang sarili at talagang hanggang doon ay dinala pa rin ang trabaho.“What’s this?” tanong niya habang pabalik-balik ang tingin sa folder at kay Zach. doon niya lang napansin na medyo namumula ang gilid ng bibig nito at may sugat. “What happened to you?” tanong niyang muli rito at sinuyod ito ng tingin. Doon niya lang napansin na medyo gusot nitong damit.“Woah, don’t tell me ay nakipag-away ka pa bago ka pumunta dito?” tinaasan niya ito ng kilay. Sa halip na maawa rito ay bigla siyang nakaramdam ng excitement.Nakita niya kung paano naging madilim ang ekspresyon nito habang nakatingin sa kaniya. “Bakit pa







