Nakasubsob si Cali, halos hindi humihinga, habang pinipilit niyang itukod ang nanginginig na kamay sa maruming tiles. Ang kanyang duguang pisngi ay nakadikit sa sahig, at ang maitim niyang buhok ay nagkalat sa paligid niya habang ang ilang hibla ay dumidikit sa kanyang mamasa-masang balat.
Masakit ang katawan niya—hindi lang dahil sa bugbog na natamo niya ngayong gabi, kundi dahil sa paulit-ulit na ganitong pangyayari sa loob ng tatlong taon ng kanyang buhay. Napapikit siya nang mariin, pinipilit pigilan ang pagsabog ng kanyang luha. Hindi niya na kailangang tingnan ang sarili sa salamin upang malaman kung gaano siya kawasak. Sobra pa ang sakit sa kaniyang dibdib para patunayan iyon. Sa kanyang harapan, isang lalaking may matipunong katawan at bagsak na balikat ang nakatayo. Hawak nito ang kanyang kamao, mabigat ang paghinga na parang siya ang nasaktan. Nakatingin ito sa kanya—hindi dahil sa awa, kundi dahil sa inis. Pinunasan ni Devin ang bahid ng dugo sa kamao gamit ang manggas ng kanyang mamahaling polo, saka padarag na tumalikod. “Anong napapala mo sa pagsagot-sagot sa akin, ha?” malamig na tanong nito. “Kailan mo ba matututunang sumunod, Cali?” Hindi sumagot si Cali. Alam niyang anumang sagot niya ay magdadala lang ng mas matinding parusa. Huminga naman nang malalim si Devin, saka bumaling muli sa kanya. May natitira pang galit sa kanyang mga mata, pero tila nagsimula na itong magsawa sa eksenang ito. “Huwag mo nang subukang lumaban, Cali. Alam mong hindi mo ako matatakasan.” Napalunok siya, pero hindi niya pinayagan ang sariling ipakita ang takot sa kanyang mukha. "Simula pa lang ito," bulong ni Devin, saka tuluyang lumabas ng kwarto. Narinig niya ang tunog ng pinto—isang katunayan na muling nakalayo ito sa kanya. Ngunit kahit wala na ito sa silid, ang bigat ng kanyang presensya ay nananatili. Hindi niya alam kung ilang minuto siyang nanatili sa sahig bago niya nagawang igalaw ang kanyang katawan. Dahan-dahan niyang iniangat ang kanyang ulo, pilit pinoproseso kung paano siya makakawala sa malupit na kamay ng kaniyang asawa. At doon niya naramdaman ang isang bagay na matagal na niyang gustong maramdaman; ang pagod at awa sa sarili. Huminga siya nang malalim. Dahan-dahang gumapang papunta sa bintana habang pinipigilan ang sariling humikbi. Alam niyang kung maririnig siya ni Devin ay babalik ito, at hindi niya na kakayanin pa ang isa pang hagupit. Hindi niya alintana ang hapdi ng sugat sa kanyang tuhod nang makalapit siya sa bintana. Nanginginig ang kanyang kamay habang tinanggal niya ang lock nito, saka itinulak nang dahan-dahan. Nang maramdaman niya ang malamig na hangin mula sa labas, alam niyang mas ikamamatay niya ang pag atras. Kailangan niyang tumakas habang meron pa siyang pagkakataon. Sa isang iglap, lumundag siya palabas. Ang matigas na lupa ang sumalo sa kanyang katawan, pero hindi siya nagpatinag. Bumangon siya at mabilis na tumakbo sa eskinita, hindi alintana ang kumikirot na katawan. Sa kaniyang matinding takot na maabutan ni Devin, hindi na niya alintana pa ang madilim na kalsada, kawalan ng saplot sa paa at panginginig sa ginaw. Ang suot niyang damit ay may bahid ng dugo, at ang bawat hakbang niya ay may bakas ng desperasyon. Hindi niya alam kung saan siya pupunta. Ngunit alam niyang wala nang dahilan para bumalik. Hanggang sa isang nakakasilaw na liwanag ang bumungad sa kanya, kasabay ng sigaw ng isang preno. Isang segundo lang ang lumipas bago sumalpak ang kanyang katawan sa malamig na hood ng sasakyan. Nawala ang kanyang balanse, gumulong siya sa kalsada, at bumagsak nang malakas sa semento. Para bang nawala ang lahat ng tunog sa paligid niya. Ang mundo ay nagliwanag, at ang kanyang katawan ay naging napakagaan. Ngunit, bahagyang bumasag sa katahimikan ang malakas na pagmumura ng lalaking lumabas ng sasakyan. “Sh*t!” May mga yabag na mabilis na lumapit sa kanya, at may bisig na mainit ang pumasan sa kanyang katawan. "Bakit ka nasa gitna ng daan sa ganitong oras?!" galit ngunit may bahid ng pag-aalalang tinig ang narinig niya. Hindi na niya nagawang sumagot. Bago tuluyang dumilim ang kanyang paningin, isang mukha ang huling bumungad sa kanya—matalas na panga, malamlam na mga mata, at kunot-noong ekspresyon. Nang muling magmulat ng mata si Cali, para siyang lumulutang sa kawalan, hindi sigurado kung gising ba siya o panaginip lang ang lahat. Nang tuluyang pumasok sa kaniyang tainga ang tunog ng monitor, unti-unting bumigat ang kanyang talukap at pilit niyang iminulat ang mata. Unang sumalubong sa kaniya ang maputing kisame at malamig ang silid. Ang amoy ng disinfectant ay iba sa nakasanayan niyang amoy ng alak at sigarilyo sa bahay ni Devin. Napatingin siya sa paligid at napagtantong nasa ospital siya. Naguguluhan man, pinilit niyang isinandal ang ulo sa unan, inalala ang huling nangyari. Parang sinagot naman ng pagkakataon ang iniisip niya nang bumukas ang pinto at iniluwa noon ang isang matangkad na pigura ng lalaki. Mabibigat at may dating ginawa nitong pagpasok sa silid. Idagdag pa ang magandang lapat ng suot nitong itim na coat, isang kamay na hawak ang cellphone, habang ang isa naman ay nasa bulsa. "Sa wakas, nagising ka rin," malamig nitong sabi. Napatitig siya. May kung anong pamilyar sa mukha ng lalaki, pero hindi niya agad matukoy. “Sino ka?” garalgal ang boses niya. Humakbang ito palapit sa kanya, saka sumandal sa pader. “Lewis Alcaraz.” Parang binuhusan ng malamig na tubig si Cali nang marinig ang pangalan. Hindi nga siya nagkamali, kilala nga niya ito. Siya ang lalaking hindi natatakot banggain si Devin, ang mortal na karibal ng asawa niya sa negosyo. Laging laman ng mga balita, kinatatakutan sa mundo ng korporasyon, at ngayon, narito ito mismo sa harapan niya. At sa lahat ng maaaring magligtas sa kanya, bakit siya pa? Bumibigat ang tingin sa kanya ni Lewis, tila sinusukat ang kanyang kahinaan. “Alam ko kung sino ka.” Napakuyom siya ng kamao. “Alam ko rin ang ginagawa sa’yo ni Devin.” Napatingin siya rito. Hindi niya alam kung bakit, pero may kung anong lungkot sa tono ng boses ni Lewis. Nagtagal ang katahimikan bago muling nagsalita si Lewis. “May alok ako sa’yo.” Nagpantig ang tainga niya sa sinabi nito. Mukhang disente ang lalaki, ngunit hindi siya magugulat kung gigipitin din siya nito. Ang kagaya niyang negosyante ay hindi nag-aalok ng libreng bagay. Ngunit kahit ganoon ang nasa isip ni Cali, nanatili siyang tahimik at pinakinggan ang susunod na sasabihin ni Lewis. “Tutulungan kitang makalaya sa kanya,” patuloy ni Lewis. “Tutulungan kitang mag-file ng divorce.” Huminga nang malalim si Cali. “Bakit mo ginagawa ’to?” Ngumiti si Lewis, pero hindi iyon ngiting may lambing—isa iyong ngiti ng isang taong may sariling laro. “Dahil gusto kong gumanti.” Kumunot ang noo niya. “Gumanti?” "Si Devin ang pinakamalaking hadlang sa negosyo ko," diretsong sabi ni Lewis. “At anong pinakamagandang paraan para pabagsakin ang isang lalaking kagaya niya?” Napako ang tingin ni Cali sa kanya. "Agawin ang asawa," mahinang bulong ni Lewis. Natahimik si Cali at mariing napalunok. “Kapag nakipaghiwalay ka kay Devin… kailangan mo akong pakasalan.”Mataas na ang araw nang magising si Cali. Unang pumasok sa isip niya ay ang nakakahalinang katahimikan. Sunod niyang naramdaman ay sama ng tiyan. Napakabilis ng pagsunod ng mga susunod na pangyayari—parang may humila sa bituka niya, at sa isang iglap ay napabangon siya mula sa kama, hawak ang tiyan, at halos madapa habang nagmamadaling bumangon ng kama.“Cali?” tawag ni Lewis, garalgal pa ang boses—halatang kagigising lang.Pero hindi na siya nakasagot.Diretso siya sa banyo, binuksan ang pinto, at yumuko sa bowl. At sa gitna ng mga masusuka-sukang tunog, naramdaman niyang may malamig na pawis na tumulo sa batok niya. Humawak siya sa tiles habang paulit-ulit na sinusuka ang laman ng sikmura niyang halos wala nang laman.Hindi niya alam kung dahil sa gutom, stress, o kung pareho—pero alam niyang ito na ‘yon.Morning sickness.Hindi lang ito idea. Hindi lang ito test result.May nabubuhay sa loob niya.Ilang saglit pa, narinig niyang bumukas ang pinto sa likod niya.“Cali?” mahina, pero
Tahimik lang si Cali sa loob ng sasakyan habang bumabaybay sila pauwi mula sa condo. Hawak-hawak niya ang maliit na paper bag na pinaglagyan ng pregnancy test. Wala siyang masabi. Hindi niya rin alam kung may dapat pa bang sabihin.Pero ang kamay ni Lewis, naroon—nakapatong sa ibabaw ng kanyang hita habang nagmamaneho siya gamit ang isang kamay.Hindi ito nangungulit. Hindi nagtatanong.Pero ang presensya niya, sapat para hindi tuluyang malunod si Cali sa sariling pagkalito.“Gusto mo bang sabihin kay Devin?” tanong ni Lewis, mahinahon ang tono, parang sinusukat ang lalim ng tubig bago ito lubusang talunin.Umiling si Cali. “Hindi ko pa alam Devin. Hnid ko rin maiisip kong anong dahilan bakit pa niya dapat malaman.”Tumango lang si Lewis. “Okay.”Lumunok si Cally ng makapag pasya ng sabihin kung ano ba talaga ang pinag-aalala niya ngayon. “Ahm– ang iniisip ko ay pamilya mo, Lewis. Anong gagawin natin? Kung kelang sinabi mo na sa pamilya mo na nawala na ang pinagbubuntis ko saka naman
Dumilat si Cali sa loob ng isang kwartong hindi kanya. Mahinang liwanag mula sa bintanang may sheer curtains ang dahan-dahang bumalot sa paligid, at sa gilid ng kama ay naroon ang isang lalaking mahimbing pa ring natutulog.Si Lewis.Nasa guest room sila ng mansion—yung kwarto malapit sa sala. Doon siya inilipat ni Lewis matapos siyang makatulog sa couch kagabi, at sa halip na iwan siya, nanatili rin ito sa sofa bed sa tabi. Pero tila lumipat ito sa kama noong madaling-araw… o baka siya ang nilapitan nito habang mahimbing siyang natutulog.Hindi na mahalaga.Ramdam niya ang init ng katawan nitong malapit sa kanya, at ang tahimik na paghinga ng taong halos hindi nagsasalita pero damang-dama mo ang presensya.Bahagya siyang gumalaw para bumangon, pero bigla siyang napatigil.May kumirot sa sikmura niya—hindi ordinaryong kirot. Sumunod ang matinding hilo. Napasinghap siya at agad tinakpan ang bibig. Dali-dali siyang tumayo at halos napasadsad sa sahig sa pagmamadaling lumabas ng kwarto.
Pagkarating nila sa mansion, tahimik pa rin si Cali habang binabaybay ang hallway papasok. Si Rea ay nauuna sa kanya, pero pagkabukas pa lang ng pinto ay agad silang sinalubong ng tanim na katahimikan—maliban sa mahinang classical music na nanggagaling sa loob.Nasa living area si Lewis, nakatayo sa harap ng isang malaking shelf na may koleksyon ng alak. May hawak siyang baso ng whisky, pero hindi pa niya ito iniinom. Nang marinig ang mga yabag nila, agad siyang napalingon.Agad tumama ang tingin niya kay Cali.“Hey,” bati niya, may bahagyang pag-aalalang nakapinta sa mukha. “Kakauwi n’yo lang?”Tumango si Cali. “Oo. Nilibang lang ako ni Rea.”Lumapit si Lewis, iniwan ang baso sa marble counter ng bar.“Kamusta ka na?” tanong niya, diretsong tinitigan si Cali. Wala sa tono ang pagiging pormal—mas parang gusto niyang tukuyin kung kumain ba siya, kung okay ba ang pakiramdam niya, kung umiiyak ba siya habang wala ito.“Okay naman,” sagot ni Cali, tipid ang ngiti. “Thanks sa planner ni Re
Habang inaabot ni Cali ang isang librong may hardbound na cover, napatingin siya kay Rea na panay ang sulyap sa kanya.“Rea,” mahina niyang tawag. “Bakit bigla kang nagyayang lumabas?”Napatingin si Rea, tila hindi inaasahan ang tanong. Saglit itong natahimik bago sumagot.“Si Mom,” anito, sabay iwas ng tingin at kunwaring abala sa pag-aayos ng buhok. “She asked me to. Sabi niya... baka daw kasi hirap ka ngayon. Kasi... you know,”Bahagyang huminga ito nang malalim. “Kasi nalaglag ‘yung baby.”Parang biglang huminto ang mundo ni Cali. Mariin siyang lumunok.Nag-freeze ang mga daliri niya sa gilid ng librong hawak. Nanuyo ang lalamunan niya, at naramdaman niyang may bigat sa dibdib na hindi niya alam kung saan ilalagay.Hindi naman totoo iyon.Hindi siya buntis. Hindi siya nawalan ng bata.Pero isang bahagi ng isip niya, alam niyang iyon ang naging kasunduan nila ni Lewis—na ito ang “istoryang” sasabihin kung sakaling may magtanong. Para hindi na siya kailangang paulit-ulit magpaliwana
Pagkatapos ng gabing puno ng katahimikan at damdaming hindi kailangang isigaw, bumalik na sila sa mansion. Tahimik pa rin ang biyahe, pero hindi na ito kagaya ng dati. Hindi na awkward, hindi rin nakakailang. Tahimik—pero komportable. Parang parehong hindi na kailangang magsalita para maintindihan.Pagbaba nila sa sasakyan, agad silang sinalubong nina Manang Letty at Linda. Parehong may bitbit na sweater at maiinit na tsaa, tila alam na ginabi sila sa labas.“Ay, salamat at nakauwi na kayo, sir, ma’am,” bungad ni Manang Letty. “Ginabi po kayo, malamig pa naman sa labas.”“Gusto n’yo po ba ng sabaw o mainit na tsokolate?” alok naman ni Linda, sabay abot ng malambot na tuwalya kay Cali.Ngumiti si Cali at mahinang tumango. “Thank you po, Manang. Okay lang po ako.”Napatingin siya kay Lewis na kasalukuyang nag-aayos ng coat at cellphone. Mabilis na may tinype ito, bago lumingon sa kanya.“I need to go,” aniya, diretso sa punto. “Biglaang meeting sa hotel. Emergency. Hindi ko na 'to mapap