공유

Chapter 2

작가: Reidpurplelh
last update 최신 업데이트: 2023-06-20 20:31:35

Pinagmasdan ko ang sarili sa malaking salamin na nasa kwarto ko. Katatapos ko lang ayusan sa dressing room dito sa bahay pero bumalik ako rito sa kwarto ko para mas makita ko ang sarili ko. Nakasuot ako ng silver silky dress at backless ito. Silver din ang three inches na heels ko at naglagay lang ako ng kaonting alahas sa katawan. Ayaw ko sana isipin ng iba na masyado kong pinaghandaan ang pagdalo rito sa party na sinasabi ni Mommy. Ayaw ko rin naman magmukhang hindi maganda sa harapan ng maraming tao lalo na at makakatanggap ng award si Mommy para sa kompanya namin.

Nakailang tawag na rin ang mga kaibigan ko sa akin kanina pero nang maghapon na ay hindi na sila nagpaparamdam sa akin. Siguro ay naging abala na rin sila sa pag-aayos at baka naisip na rin nila na hindi talaga ako dadalo roon.

"Ate,Eli! Is it really true that Josiah will attend to that party too?" tanong sa akin ni Stella nang bigla itong pumasok sa kwarto ko.

Napairap naman ako sa kaniya at tinaasan siya ng kilay. Nang makita niya ang pagtaas ng kilay ko ay napabuntonghininga siya at walang ibang nagawa kung hindi lumabas muli ng kwarto ko para kumatok. Napangisi tuloy ako at napailing bago nagsalita.

"Come in," sabi ko.

Hindi naman na siya nagsalita pa at hindi na inulit ang tanong.

"Of course he will come. Hindi naman papayag 'yon na hindi makasama lalo na sa ganitong party," sagot ko sa tanong niya kanina pagkatapos ay nagkibit ako ng balikat.

"My goshh! I thought he wouldn't come! Kung alam ko lang sana ay nagpumilit ako kay Mommy na 'wag na akong isama," pagrereklamo niya sa akin.

"At bakit naman? Hindi ka naman ginugulo ni Jos. Isa pa mas gusto ko siya para sa'yo kaya hindi ako titigil na i-ship kayong dalawa," sagot ko naman sa kaniya pagkatapos ay inirapan siya.

"What?! I'm too young for that, Ate Eli! Bakit hindi na lang kaya kayong dalawa tutal ay magka-age naman kayo," tuloy-tuloy niyang sabi sa akin dahilan nang pagtawa ko.

"What?! Kadiri!" maarteng sabi ko pagkatapos ay napahaplos pa sa magkabilang braso ko na para bang diring-diri sa kaibigan.

Asaran at kulitan lang ang nangyari sa aming dalawa ni Stella sa loob ng kwarto ko hanggang sa kinatok na kami ni Ate dahil nakahanda na raw ang sasakyan namin papunta sa hotel kung saan gaganapin ang gathering.

As usual ay kabado pa rin ako dahil alam kong hindi basta-basta lang ang mga taong naroon at kahit na naroon pa ang ibang mga kaibigan at schoolmates ko ay hindi pa rin talaga namin maiiwasan na makasalamuha sa mga professional.

"Ipapakilala ko muna kayo sa ibang mga kaibigan ko and the rest, you can enjoy the party all night," sabi ni Mommy bago kami bumaba ng sasakyan.

Sa harap pa lang ng hotel ay marami nang photographer at media roon.

"My friends are here too, Mom. Kaya kapag nawala ako mamaya ay kasama lang nila ako," sabi ni Stella nang tuluyan kaming makababa sa sasakyan.

Sumunod lang din naman akong bumaba at kaagad kong ginala ang mga mata ko sa labas ng venue. Sa resorts world ito kaya naman dito pa lang sa labas ay marami nang tao.

"Sure. Basta ay mag-limit lang kayo sa mga gagawin ninyo all night. Ayaw kong mapahiya ha," paalala ni Mommy sa amin.

Nagkibit lang naman ako ng balikat dahil kahit naman hindi ako kasing tino ng dalawa kong kapatid ay hindi ko pa rin makakayang gumawa ng kalokohan. Wala naman nang nagsalita sa aming tatlo hanggang sa nilapitan na kami ng reporter roon pero may humarang din kaagad para hindi kami malapitan. Ang dalawa kong kapatid ay todo ang ngiti sa bawat camera na tumatapat sa kanila, samantalang ako ay nanatiling fierce ang mukha.

Kaya rin madalas akong napagkakamalan na suplada dahil hindi naman ako palangiti sa mga camera na ganito. Alam ko kasing ilalabas 'yon public kaya medyo hindi ako natutuwa. They're posting out pictures without our permission and consent! Kung sana ay nasa ibang bansa kami at katulad namin ang mga sikat na Celebrities doon pero hindi naman.

Pagpasok pa lang namin sa loob ay may nasalubong na ako kaagad na waiter na nagbibigay ng wine roon. Tumanggi si Mommy at ang dalawa kong kapatid pero ako ay huminto roon para makakuha ng isa at agad kong ininom iyon.

"My gosh, Scarlet! Hindi pa nag-uumpisa ang party pero nauna ka nang uminom," sabi ni Mommy habang naiiling sa akin.

Napangisi naman ako saglit at napailing dahil bigla akong inuhaw roon. Nasarapan ko rin kaagad ang wine at mukhang ngayon ko lang natikman iyon kaya gusto ko pa. Kaya lang ay hindi na ako muling nakakuha dahil may lumapit kaagad sa amin na dalawang matandang babae na kaedad ni Mommy.

"Celeste! Ito na ba ang mga anak niyo ni Adie? Mga dalaga na at in fairness, ang gaganda!" puri ng isang matandang babae.

"Oh yes! This is Allison, Scarlet and Stella," pakilala naman sa amin ni Mommy.

"Girls, this is Alicia and Jen. Isa sila sa mga investors ng kompanya at mga kaibigan ko," dagdag na sabi pa ni Mommy.

Ngumiti naman ako nang maipakilala kami ni Mommy sa mga ito. Nauna si Ate na nakipagkamay sa mga ito at nagpakilala ng formal kaya sumunod ako roon.

"Eliana po but you can call me Eli," pakilala ko sa sarili ko dahil ang second name ko na naman ang binanggit ni Mommy.

Nang matapos akong magpakilala sa mga ito ay sumunod namin si Stella. Nanatili naman ang tipid kong ngiti sa mga ito at iginala kong muli ang mga mata ko para hanapin ang mga kaibigan. Dala ko naman ang phone ko pero ayaw ko namang mag-phone sa harapan ng mga professional na ito para lang hanapin ang dalawang 'yon.

Muli kaming ipinakilala ni Mommy sa iba pang mga kaibigan niya roon at nang makakita ako ng lalaki ay medyo kinabahan na naman ako sa kung ano'ng pwedeng gawin na naman ni Mommy. Napatingin na lang ako kay Stella at napailing dahil baka ipakilala na naman ako ni Mommy sa mga ito.

"Your daughters are really like you Celeste. Eleganteng-elegante," sabi ng isang babae roon matapos kaming ipakilala.

"Yeah but your second child has resemblance to their father," sabi naman ng isang babae roon na mukhang halos kaedad ni Mommy.

Napangiti naman ako dahil kong ako ang tinutukoy roon. Totoo nga na hawig ko si Daddy dahil sa kaniya ko nakuha ang singkit na mata pati na rin ang puti nito kaya maraming nagsasabi na ako raw ang girl version ni Daddy.

"By the way, this is my son. Muntikan ko nang makalimutan na ipakilala," dagdag na sabi pa nito.

Napatingin naman ako sa lalaking nasa likuran nito. Nagtama ang mga mata naming dalawa at nakita ko ang pagngiti niya sa akin kaya naman nag-iwas ako kaagad ng tingin pagkatapos ay napakunot ang noo.

"This is my son, Stefan. I'm pretty sure you guys already met each other, dahil parehas lang naman kayo ng school na pinapasukan," sabi ng matanda pagkatapos ay bahagyang natawa.

"Yeah, I know him po. Sino ba namang hindi makakakilala sa anak niyo," sabi naman ni Ate pagkatapos ay kaagad nang nagpakilala.

"Really? Sikat nga talaga ang anak ko!" natawa ang matanda.

"Matunog po ang name niya sa mga classmates ko and even my friends likes him po. By the way, I'm Stella," sabi naman ni Stella.

Napanguso naman ako dahil bakit kilala nila itong lalaking 'to. Hindi ko kasi siya kilala at pero parang familiar nga sa akin ang gwapo nitong mukha.

"Eli, for sure magkakilala kayo dahil batch mate kayong dalawa," sabi naman ni Ate dahilan nang pag-iling ko.

Hindi ko talaga siya kilala at wala pa akong maalala na nakita kona siya kahit pa batch mate kaming dalawa. Mabuti na lang ay naging abala na ang mga magulang namin dahil magsisimula na ang party kaya naman nagpaalam na rin kaming hahanapin ang mga kaibigan namin. Hindi na rin ako nakipagkilala nang pormal sa lalaking kaharap namin kanina at hindi rin naman mahalaga pa para magpakilala.

"Ate, bakit ba kailangan ko pa sumama sa'yo? Nakita ko na ang mga friends ko," tanong ni Stella sa akin.

Kanina ko pa siya hila-hila dahil hindi ko makita ang dalawang kaibigan. Nakita kona ang Mommy ni Josiah pero wala siya sa tabi nito. Sigurado akong magkasama na sila ni Clara pati na rin ang iba naming barkada sa school.

"Stop asking, Stella. Kapag kasama kita ay madali ko lang mahahanap sila Josiah," sagot ko naman.

Sigurado kasi akong hinahanap na rin ni Josiah ang kapatid ko ngayon para naman kapag nahanap na niya ay makikita ko na rin sila. Wala namang nagawa ang kapatid ko kung hindi sumunod na lang sa akin dahil no choice naman talaga siya. Ako ang mas matanda sa aming dalawa kaya ako ang masusunod.

"Eli!"

"Stella!"

Sabay kaming magkapatid na napalingon sa kaliwa namin at nakita ko nga roon si Clara at Josiah na tumawag sa amin. Katulad nga nang hula ko kanina ay kasama nila ang ibang barkada sa school namin at may nakita rin akong schoolmates namin doon.

"There. Nakita mona sila. Can I go now and find my friends too?" tanong ni Stella pagkatapos ay sumimangot sa akin.

Napangisi naman ako at napailing pagkatapos ay hinila ko siya palapit sa grupo namin.

"Just say hello to them and you can leave na," sabi ko sa kaniya.

Tuwang-tuwa naman si Josiah nang mailapit ko ang kapatid ko sa kanila at kinausap pa niya ito. Hindi na rin naman nagtagal pa at umalis na rin siya.

"I can't keep my sister here, Jos. May mga kaibigan din 'yon at isa pa hindi makakasabay 'yon sa grupo natin," sabi ko nang magreklamo si Josiah dahil pinayagan ko nang umalis ang kapatid.

"Haynaku! Hayaan mona 'yang su Josiah. Ang mahalaga pumunta ka. Akala ko talaga wala ka rito!" tuwang-tuwa na sabi naman ni Clara.

Napangisi na lang ako roon at nakisali sa kwentuhan nila. May ipinakilala pa sila sa akin na kasama ng iba naming kaibigan at ilang minuto lang ang lumipas ay may isang grupo na namang lumapit sa amin.

Tumatawa ako dahil sa kwento ni Josiah sa akin nang mapatingin ako sa bagong grupo na kararating. Nawala naman ang ngiti ko nang makita ang isang lalaki roon. Si Stefan ang isa sa mga lalaking naroon at tsaka ko lang na-realize na basketball team pala silang naroon.

"Tuwang-tuwa na naman 'yang si Clara dahil nasilayan niya si Elijah," bulong sa akin ni Josiah.

Napatingin naman ako kay Clara na pabebeng umiinom sa wine niya at nang marinig ko ang tawa ni Josiah ay napakagat ako sa labi ko para pigilan na huwag matawa.

"Stop teasing her, Jos. Baka mamaya ay bawian ka niyan kay Stella," sabi ko sa kaniya dahil sigurado akong hindi ito papayag na hindi siya mababawian.

Tumahimik nga si Josiah at mukhang natakot sa sinabi ko. Binigyan niya lang ako ng wine at nakipag-usap na sa ibang mga lalaking kasama namin doon.

Nagsimula ang party kaya naman kumain muna kami roon. Hindi pa nga ako masyadong makagalaw roon dahil sa tuwing lilingon ako sa gawi nila Stefan ay nahuhuli ko siyang nakatingin sa akin kahit pa may kasama naman siyang babae. My gosh! What is his problem? Napatanong pa tuloy ako Clara kung may dumi ba ang mukha ko.

"Look Jackson. He's with his new girl. Hindi naman maganda," bulong sa akin ni Clara.

Napatingin naman ako sa gawi nito lalo na nang dumaan sila sa table namin. Parang kinurot na naman ang puso ko nang makitang may iba na talaga siyang kasama. Nang magtama ang mga mata namin ay nakita ko ang awa nito sa mga mata kaya agad akong nag-iwas ng tingin at napailing.

"Are you alright?" tanong sa akin ni Clara.

"Paano magiging okay 'yan kung ipinakita mo na naman yung ex niyang walang kwenta," sagot naman ni Josiah.

Itinawa ko na lang ang sakit na naramdaman ko at tulad nang dati ay ipinakita ko sa kanila na ayos lang ako. Sa totoo lang ay ayos naman na talaga ako. Ayaw ko lang talaga siyang nakikita at napag-uusapan dahil pakiramdam ko ay babalik lang lahat ng sakit na naramdaman ko noong unang araw na nakipaghiwalay siya sa akin.

이 책을 계속 무료로 읽어보세요.
QR 코드를 스캔하여 앱을 다운로드하세요

최신 챕터

  • Betraying the Heiress: TAGALOG   Chapter 65

    "Hindi ba magagalit ang boyfriend mo? Pwede ko naman ipaliwanag kay Yasmin na hindi ka pwede ngayon," sabi ni Stefan habang naglalakad kami papunta sa hospital room ni Yasmin.Napailing ako, at bahagyang napangisi dahil paniwalang-paniwala talaga siya na boyfriend ko nga si Lance."Wala namang dapat ikagalit. Don't mind about it, Stefan. It's okay. I assure you," sabi ko sa kaniya, at nginitian siya.Napabuntong hininga naman siya, at napailing sa akin na para bang hindi ko siyang makumbinsi na ayos lang talaga 'yon para sa akin."Ayaw ko lang mag-away kayo dahil dito," sagot niya nang tuluyan kaming nakapasok sa room ni Yasmin.Kita ko ang kunot noo na itsura ni Yasmin nang mapatingin siya sa amin kaya naman nginitian ko siya, dahil mukhang narinig niya ang huling sinabi ni Stefan."Magalit? Sino ang magagalit? Pinalalayo ka na ba ng Mommy mo sa amin, Doc?" sunod-sunod na tanong ni Yasmin.Mabilis naman akong napailing sa kaniya, at napatingin kay Stefan na inunahan ako sa paglakad.

  • Betraying the Heiress: TAGALOG   Chapter 64

    "Come on, Eli. Tell me the truth. Hindi naman ako magagalit kung nagkabalikan na kayo ulit ni Stefan," pangungulit sa akin ni Josiah.Napabuntong hininga ako, at tinaasan siya ng kilay. Kanina ko pa sinabi sa kaniya na hindi naman kami nagkabalikan ni Stefan, pero ayaw niyang maniwala roon. "Stop it, Jos. Nag-usap lang kaming dalawa," sagot ko sa kaniya.Naglalakad kami ngayon papunta sa isang restaurant malapit sa hospital. As usual ay kahit na nasa labas ako ay alam kong may nakasunod na bodyguards sa akin. Dinner time na rin kasi kaya naisipan naming sa labas na lang kumain dahil may duty kami magdamag."Nag-usap? You said that you already talked. Ilang beses ko na rin kayong nakikitang nag-uusap kaya hindi mo maidadahilan ang salitang 'yan sa akin," sunod-sunod na sabi niya na para bang hindi talaga siya naniniwala sa sinasabi ko.Muli akong napailing dahil hindi ko alam kung paano ko ba siya makukumbinsi na nag-usap lang talaga kami ni Stefan kanina."Kung ayaw mong maniwala sa'

  • Betraying the Heiress: TAGALOG   Chapter 63

    After kong manggaling sa presinto ay dumiretsyo ako sa Hospital. Sinalubong naman ako kaagad ni Josiah para kumustahin ako."Nabanggit sa akin ni Stella na galing daw kayo sa presinto. Kumusta? Nakausap niyo ba ang kakambal ng Dad niyo?" tanong agad sa akin ni Josiah.Tumango ako at napabuntong hininga."Yup. Naipakilala ko na rin sila kay Tito Adler, and we still get to know him," sagot ko naman.Napatango naman sa akin si Josiah bago niya ayusin ang laboratory coat niya. Magsasalita pa sana siya kaya lang ay nabalingin ang tingin niya sa likuran ko kaya napakunot ang noo ko, at napatingin doon.Nakita ko si Stefan na palapit sa amin kaya naman napabuntong hininga ako."I'll just check some of my patients. Pupuntahan na lang kita mamaya sa office mo," sabi ni Josiah pagkatapos ay agad na umalis doon.Sandali akong nataranta dahil hindi ko expected na aalis siya roon agad, pero ikinalma ko ang sarili ko."Doc Eli," tawag sa akin ni Stefan.Nanatili ang tingin ko sa kaniya, at kita ko

  • Betraying the Heiress: TAGALOG   Chapter 62

    "How can you not know about that, Mom?!" tanong ni Allison."My gosh! Kung hindi nagpakilala 'yon ay baka naniwala na akong si Dad 'yon!" sunod-sunod na sabi naman ni Stella."How can I know about that? Walang nabanggit sa akin ang Daddy niyo na may kakambal siya!" sagot ni Mommy pagkatapos ay napa-upo sa sofa. Nasa bahay kami ngayon, dahil matapos lumabas ang statement ni Tito Adler sa balita ay tinawagan kami ni Mommy para umuwi. Akala ko ay hindi nila 'yon mapapanood kaagad dahil busy sila sa mga trabaho nila, pero nagulat na lang ako nang napanood pala nila 'yon kaagad."He looks like Dad. Bigla ko tuloy na-miss si Daddy," sabi ni Ate gamit ang malungkot na boses.Naalala ko ang gabi na nagpakita sa akin si Tito Adler, at sobra rin akong nalungkot dahil akala ko ay Dad ang nasa harapan, pero hindi pala. Naiintindihan ko ang nararamdaman ni Allison dahil naramdaman ko na rin 'yon."So what's your plan, Mom? Don't tell me we're not gonna help him, huh?" tanong ni Stella.Napaangat

  • Betraying the Heiress: TAGALOG   Chapter 61

    Hindi ko alam kung ilang minuto ang lumipas hanggang sa tuluyang kumalma si mommy, pero bakas pa rin ang galit sa mga mata niya."G-Gusto ko lang naman tulungan ang bata, but it doesn't mean na babalik akong muli kay Stefan," paliwanag ko sa kanila.Kahit si Stella ay ayaw sumang-ayon na ampunin ko si Elias, dahil hindi ko naman daw obligasyon 'yon. Isa pa ay matindi talaga ang galit nila kay Stefan kahit na sinabi ko na sa kanila na matagal ko na itong napatawad."How can you so sure about that? Sigurado ako na gagamitin ka na naman ng lalaking 'yon!" inis na sabi ni Stella."Mukhang balak mo yatang magpaloko na lang habang buhay, Eliana. Hay! Hindi ko na alam kung ako pa ba ang dapat kong sabihin. Nasa tamang edad ka na kaya bahala ka!" patuloy na pagsermon sa akin ni Mommy.Napabuntong hininga akong muli dahil hindi ko sila maintindihan kung bakit nasa isip nila ang pakikipagbalikan ko kay Stefan kahit na kailanman ay hindi sumagi sa isip ko 'yon."I just want to help the baby, per

  • Betraying the Heiress: TAGALOG   Chapter 60

    After kong maibalik si Yasmin sa room niya ay pinagpahinga ko na siya. Naroon pa rin si Stefan at si Elias ay tulog sa maliit na crib."Thank you, Doc. Kumusta siya?" tanong sa akin ni Stefan.Nakatulog kaagad si Yasmin, dahil mabilis mapagod ang katawan niya. Si Stefan naman ay itinigil ang ginagawa niya para lumapit sa akin, at magpasalamat."She was fine, at nakapag-usap na rin kaming dalawa. She just mentioned something to me earlier," sagot ko pagkatapos ay nagkibit ng balikat.Kita ko ang bahagyang pagkagulat sa mga mata niya na para bang alam na niya kung tungkol saan 'yon."A-About what?" nauutal na tanong niya.Nag-iwas ako nang tingin sa kaniya, at tinignan ko si Yasmin na tulog sa bed niya na para bang pagod na pagod."She doesn't want to take the surgery." Sagot ko.I feel so sorry for her, dahil kahit na hindi ako sang-ayon sa gusto niya ay wala naman akong ibang magawa."Yes, she already told me about that. Hindi ako pumapayag sa gusto niya kahit na naubos na ang funds n

더보기
좋은 소설을 무료로 찾아 읽어보세요
GoodNovel 앱에서 수많은 인기 소설을 무료로 즐기세요! 마음에 드는 책을 다운로드하고, 언제 어디서나 편하게 읽을 수 있습니다
앱에서 책을 무료로 읽어보세요
앱에서 읽으려면 QR 코드를 스캔하세요.
DMCA.com Protection Status