Share

Chapter 9

"Can I stay to your condo until tomorrow morning? Ayoko muna rito," sabi ko at sinimulan nang kumuha ng mga damit.

"Pwede naman pero baka lalong magalit sa'yo si Tita. Magpaalam ka na lang muna," sagot naman ni Clara sa akin.

"Please, Clara. Kung hindi ayos sa'yo ay kay Josiah na lang ako makikituloy," sabi ko naman sa kaniya.

"Fine sa akin na. Ipaalam mo na lang kila Ate Allison or kay Stella," sagot niya sa akin.

"Hindi ako magpapaalam sa kanila, Clara. Kaya mag-ayos kana dahil aalis na tayo ngayon. Ililibre na lang kita ng breakfast sa labas," sabi ko sa kaniya.

Wala namang ibang nagawa si Clara kung hindi sumunod sa akin. Ayaw ko muna rito dahil sigurado akong sa akin lang isisisi ni Mommy ang lahat. Syempre, kailan nga ba kasi niya nakita ang tamang nagagawa ko? Kahit kailan never niyang nakita 'yon lalo na kapag ang naaapektuhan na ay si Stella at si Ate Allison.

Umalis kami ng bahay ni Clara at nagpaalam lang siya sa mga kapatid ko na aalis muna kami. Hindi ko nakita sa baba si
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status