Share

Chapter 6

"What are you doing?"

Inis kong inalis ang pagkakapulupot ng kamay niya sa aking bewang, at tinitigan siya ng masama. He's being possessive and I don't like it.

"Protecting you."

"Protecting me. Wow!" I almost rolled my eyes out of irritation. "Nakikipag kaibigan lang 'yong tao!"

"He's obviously hitting on you."

"So what if he is? Ano naman sayo ngayon?"

Ang ibang varsity ay napapatingin na sa amin, dahil medyo tumataas na ang boses naming dalawa. Natahimik siya at halatang nagulat sa biglaang pagtaas ng aking boses.

"Nag-uusap lang naman kami a," I explained and tried to lower down my voice.

Teka, bakit nga ba ako nagpapaliwanag sakanya? He's not even my boyfriend after all.

"Hindi siya mukhang mapag-kakatiwalaan," he concluded.

I laughed out loud and rolled my eyes.

"At sinong mukhang mapagkakatiwalaan?" I crossed my arms over my chest. "Ikaw?"

His eyes never left mine. "Yes. You're right," he confirmed with a smile. "You can trust me, darling."

Leo slowly leaned forward, but I gently pushed him away. Tinalikuran ko na 'to at naglakad palabas.

I need some fresh air. Hindi ko na siya maintindihan, minsan mabait siya madalas ganito, medyo tarantado. Sobrang labo niya, nakaka-turn off. Girls' biggest turn off is inconsistency, acting like you care one day and then switch up the next.

"Uy, teka lang naman." Pagpipigil nito sa akin, at sinundan ako palabas.

"Ano ba?!" I hissed. "What's the matter?"

"Matter is anything that occupies space and has mass," he confidently answered.

Tumawa ito nang makita ang ekspresyon sa aking mata, dulot ng kanyang sagot.

"Leave me alone. Wala akong oras makipaglokohan sayo, Leo!"

"Who told you na nakikipaglokohan lang ako sayo?" His face became serious. "I'm just protecting you," he almost whispered.

"Are you mad? I'm sorry, Tatiana."

"Since when?" Napatigil ako. "Since when did you started to care?" I asked, ignoring what he said.

"Since the day you kissed me," he answered and breathed out in a soft voice.

Mariin akong napapikit dahil sa sagot niyang 'yon. He caught me off guard! Hindi ko naman kasi alam na hahalikan ko siya, at mas lalong hindi ko alam na magkikita pa kaming muli.

"Ihahatid na kita."

I was about to complain, pero wala na akong nagawa dahil nahila niya na ako sa parking lot.

"Kaya kong umuwi mag-isa."

"I insist. May tama ka na, baka mapaano ka pa," he replied and opened the door for me. Hindi muna ako pumasok, at nanatili muna sa labas upang kausapin siya.

"Gago! Pambata nga lang ininom ko, tapos sasabihin mong lasing ako?!"

"Language, Tatiana. Kahit ano pa ang sabihin mo, alak pa din 'yon."

"Alam ko!" Hindi ko na napigilan ang pag-taas ng boses ko.

"Iuuwi na kita," he offered again.

"Stop acting like you care!" I really do hate man like him. Nagbibigay ng motibo para magustuhan, tapos kapag nagka-aminan sasabihin magka-ibigan lang.

"I do," he answered.

"Bullsh*t!" I shouted as I slammed the door of his car. Wala akong nagawa kundi pumayag. He let out a deep sigh before starting the engine.

Laking pasasalamat ko dahil hindi na ako ginulo nito. Itinuon ko nalang ang aking atensyon sa kalsada.

"Pagdating mo sa kanto liko ka pakaliwa," pag tuturo ko sa direksyon.

My eyes automatically widened when he turned his car in the wrong direction. Sa kanan siya lumiko, instead na sa kaliwa.

"Oy, sabi ko kaliwa," I hissed. "Hindi mo ba alam kung nasaan ang kanan at kaliwa? Saan ka ba nag elementary, ha?"

"I finished elementary at States," he answered calmly.

"Graduate ka sa ibang bansa, tapos hindi ko alam ang pinagka-iba nang kaliwa at kanan?"

"Dito ang daan," he answered with a laugh.

"Doon nga ang daan," pagpupumilit ko naman.

"May daan din naman dito."

"Pero mas mapapalayo tayo!"

"Exactly," saglit itong sumulyap sa akin bago ibalik ang tingin sa daan. "Para mas matagal pa kitang makasama."

"Whatever!" I rolled my eyes again for the nth time. "Ayaw kitang makasama, o makita. Naiirita ako sayo, sa mukha mo."

"Mukhang gwapo?"

"Mukhang manloloko," I fired back.

"Ayaw mo pala, edi pumikit ka." He chuckled. Hindi ko na ulit 'to tinapunan ng tingin at pinansin.

Hindi ko maintindihan kung bakit maraming katulad niya, masyadong pa-fall. Yung tipong pakikiligin yung mga girls, tapos when the fire is too much to handle, magni-ninja away na. Mawawala nalang bigla, parang bula.

"Dito nalang," sabi ko. He stopped the car and I immediately pushed the door. Bumaba na ako agad. Naiinis ako sakanya, pero I don't want to be rude kaya nagpa-salamat pa din ako.

"Goodnight, Tatiana!"

Hinintay ko 'tong maka-alas bago dahan dahang pumasok sa bahay, yung tipong walang tunog bawat yabag ko.

Para tuloy akong magnanakaw sa sarili kong bahay.

"Nakauwi ka na pala. Sino yung naghatid sayo?"

Pigil hininga akong humarap kay mama. Damn! Akala ko tulog na siya.

"M-ma!" Mababakas ang gulat sa aking mukha. "Uh, driver po ni Vettinah," I lied.

I greeted her goodnight bago pumasok sa kwarto. Buti na lamang at hindi na 'to nag-usisa pa.

Naramdaman ko ang sunod-sunod na pag-vibrate nang phone ko, with texts and missed calls from my friends.

jcassandrabassig: Tatiana, nasaan ka?!

jcassandra: TATIANA CARA CORSANES!

Damn! Nakalimutan ko nga palang mag-paalam sakanila. Masyado akong nadala sa pagtatalo namin ni Leo.

tatcorsanes: I'm home, guys. Sorry!

vettinahhh: Saan ka nagso-sorry? Sa pag-iwan sa amin, o sa pagsama sa gwapo?

tatcorsanes: Sumama ang pakiramdam ko, kaya hindi na ako nakapag-paalam pa.

vettinahhh: Weh?! Sumama ang pakiramdam, o sumama sa pogi dahil sa kakaibang pakiramdam?

ernishamanalo: Maharot ng taon awardee.

tatcorsanes: Tissue para sa mga taong ma-issue.

jcassandrabassig: Carrot para sa mga taong maharot pero may charot.

vettinahhh: Bread roll para sa mga taong nagbigay ng motibo para ikaw ay ma-fall.

ernishamanalo: Sitaw para sa taong ang gusto ay hindi ikaw.

jcassandrabassig: Nyenyenye! Change topic. Saan kayo pumunta, ha?

vettinahhh: talong, saging, okra, o ampalaya?

tatcorsanes: Hinatid lang ako. Lol

ernishamanalo: Nauna pa meet the parents, kesa sa label? Myg! Kadirdir.

jcassandrabassig: Naol may bebe!

vettinahhh: BEBEtawan ka din niyan.

ernishamanalo: Ingat sa ghost. Ghosterist daw kapag STEM student e.

vettinahhh: Gagi! STEM tayo, hoy!

ernishamanalo: Ikr. Ghoster ka naman talaga.

vettinahhh: Paramihan ba?

tatcorsanes: Tatiana left the group.

jcassandrabassig: Can't relate. Lol

ernishamanalo: Ay, loyal ka gorl?

jcassandrabassig: Yesyesyow! Loyal ako. Loyal sa bente. Sino papalag?

vettinahhh: Shupi! Don ka na sa ABM mo. Sino na nga ulit yon? Magtoto ba? HAHAHAHHA

I decided to turned off my phone. I don't want to assume things yet. Baka ako lang din ang masaktan in the end. Sa una lang naman lahat e. Hanggang umpisa lang sila, kasi masyado silang duwag para tapusin hanggang dulo.

I let out a deep sigh as I closed my eyes, and tried to sleep.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status