Share

CHAPTER 2

last update Last Updated: 2025-10-19 11:11:28

CHAPTER 2

I feel a little bit tipsy. Nasa mini bar kami ng kompanya dahil successful ang isa sa mga projects ni Sir Buenaventura-- 'yong boss namin. He made us happy by throwing a party and even compensated us for the teamwork for the project.

Tiningnan ko 'yong newly hired employee-- si Andrew. I already sensed something about him. Tinaasan ko siya ng kilay at tumango naman siya, signal 'yon na may gagawin kami mamaya.

“Uy Aya! Hinay-hinay naman!” Biglang lapit ko kay Ayannah, katrabaho ko.

“Minsan lang uminom ‘yong tao eh! Tara isa pang bote! Ano? Tagay pa sige!”

Ilang tagay pa ang ginawa niya nang masiguro ko na lasing na siya. Heart broken kasi siya ngayon! Haist! Kaya hanggang fling lang ako eh, ayaw ko ng commitment-- masakit.

“Huy guys! Hatid natin si Aya!” sigaw ko nang hindi na mamulat ni Ayannah ang mata niya at matutumba pa nga!

Buti nga at nasalo siya ng boss namin!

Si Sir Immanuel na ang maghahatid sa kaniya. Si Aya kasi ang unang nalasing sa lahat ng empleyado rito, eh, imbes na magsaya siya para sa kompanya ay nagpakalasing na lang dahil sa boyfriend.

"Sir, sorry talaga!" pareho naming bitbit si Ayannah papunta sa kotse ng boss namin.

I felt Andrew trailing us, matching our pace with quiet intent. A sly smile crept onto my lips... he had good instincts, reading the room without saying a word. As the car pulled away, I seized the chance to slip away from the main party, tracing a path into the shadowed parking lot.

Hm. Saan kaya maganda? Dito na lang siguro sa parking lot para madilim at walang makakita.

“Andrew!” I yelped as he suddenly tugged me out of sight, laughter bubbling from my chest.

Natawa rin siya. Wala na rin naman sina Sir Immanuel, nakaalis na n'ong hinila ako ni Andrew.

"Kaninong kotse 'to?" tanong ko nang sa isang mamahaling sasakyan niya ako idinala pero sa likod. "Bakit hindi na lang sa loob? Kotse mo 'to, 'no?"

"Hindi," tipid niyang sagot at tumingin sa labi ko.

I grinned at his reply, of course it wasn’t his. The car was obviously too expensive for a newly hired, fresh graduate like him.

He pressed me gently up against the car, trapping me in place with arms caged on either side. I looked at his lips, I don't know if he's a good kisser but we'll see.

Naghintay ako kung sino ang unang hahalik sa amin, at hindi nga ako nagkamali at siya ang sumunggab sa labi ko. Hindi ako gumanti, dinamdam ko muna kung gaano siya kagaling humalik.

It wasn't even a ten second kiss when I felt... disgusted.

Siguro ay sa pamilyang Hermes-- ako ang pinakamarumi at hindi loyal. I was so thirsty for lust and kisses. Hindi lang nila alam pero napaka-playgirl ko. I kept it as a secret dahil ayaw kong mas lalong marumihan ang pangalan namin.

I never understood why I was this way. Mama and Papa are paragons of loyalty. Hindi ako nagmana sa kanila kung katapatan lang sa pag-ibig ang pinag-uusapan. Hindi kompleto ang isang taon ko sa buhay nang hindi nakakahalik kada buwan, o malala nga lingguhan pa. It all started when my Father died, nawalan na rin kasi ako ng guidance ng magulang lalo na at nawalan ng bait si Mama.

I know my decisions and limits. Hindi na rin naman ako minor de edad para dito. Fling is normal, kissing anybody as long as they want too is normal, syempre pinipili ko rin 'yong walang asawa o jowa!

“Your kiss is shallow,” I said, giving Andrew a gentle shove.

Damn it.

Natawa siya. "Gusto mo ng mas malalim?"

"Ang mine-mean ko eh, mababaw pa lang ang halik mo pero napakadaming laway na sa labi ko!" singhal ko at naghanap ng tissue sa purse at pinunasan ang sariling labi.

I managed my finger not to touch any saliva from my mouth, nandiri ako sa laway niya... It's not so lustful. Ni wala akong nakuhang init, nakuha ko lang laway!

"Playboy ka ba talaga?" pagmamayabang ko.

"We should try it again. Naging magaan lang ang halik ko kasi akala ko 'yon ang gusto mo."

“Well, your initiative flopped." I raised an eyebrow. "i'll give you another chance."

He grinned in a devil way. Lumapit siya sa akin at hinapit ang baywang ko. I know he was a playboy, unang salang niya pa lang sa trabaho eh linta na siya sa mga babae... I already see him as an asset to my satisfaction.

His lips met mine again... this time, harder, deeper. My groan came not from passion but from his grip on my waist. I feel he's grinning on my lips, crap, siguro ay naisip niya na na-satisfied ako kaya ako umungol. Well, sinasakal niya ang baywang ko kaya ko 'yon nagawa!

I want to push him again... but I said to him that I'll give him another chance! Hindi naman big deal sa akin kung mahigpit ang pagkakahawak niya sa baywang ko, it's just, it's not comfortable.

Ginantihan ko ang halik niya, nagbabakasakali na baka mag-init ako kung pareho kaming gumagalaw. Pero nainis lang ako nang bigla niyang kagatin ang labi ko.

"Aray ko!"

I managed to push Andrew away. He still clung to my waist, shock flashing across his face.

“What’s your problem?” he snapped, frustration creeping into his tone.. "Lip biting is part of kissing... Ang arte mo naman."

"Wow! Ako pa ang maarte?" binitawan niya ang baywang ko dahil hinawakan ko ang palapulsuhan niya at itinapon iyon sa ere.

Unbelievable.

“You’re dramatic,” he scoffed.

“Fine, what if I bite your lip? How would you like that?”

“I’d be happy,” he shot back instantly.

Ugh. What kind of humor was that?

"Well, in my case, I'm not! Ayaw kong pagtsismisan sa loob ng opisina dahil sa kiss mark!"

"Hindi naman tuluyang nasugatan ang labi mo-"

"So, gusto mo talagang masugatan?!" tuminis ang boses ko.

I wanted a kiss, really. Pero kung ganito lang naman siya, kung katulad lang siya ng mga nakahalikan ko eh huwag na lang! Alam ko na mandidiri lang ulit ako kung sakali!

“You know, I expected you to be thrilling. Turns out you’re all drama.”

“Trust me, I kiss better than you!” I fired back.

His expression twisted, anger ghosting across his features. My nerves prickled when I saw his fists clench. As he stepped closer, a silent warning blared in my head.

"Ano'ng sabi mo-"

"Sige, subukan mo. Baguhan ka pa lang dito, baka gusto mong masesante?"

Natigil siya. Pero hindi pa rin natitigil ang pagtibok nang mabilis ng aking puso... He was so scary! Ayaw ko naman na humingi ng tulong kasi ayaw kong makita nila na nandito ako at baka sabihin pa ni Andrew ang nangyari sa amin at baliktarin pa ako!

"Damn it," he cursed "Bahala ka nga riyan!"

Nanlaki ang mata ko nang naglakad siya papalayo. Wait, may usapan kami bago ang halikan na 'to!

"Wait! Ano? Paano na 'yong kasunduan natin? Ihahatid mo ako, 'di ba?"

"Bahala ka sa buhay mo. Maglakad ka na lang! Maghahanap na lang ako ng makakahalikan sa loob!"

I gritted my teeth. I took advantage of him, nangako siya na ihahatid niya ako basta makahalik siya sa akin! Napakawalang kuwenta!

"Hayop ka, Andrew! Tangina mo!"

He didn't look back. He just showed me his middle finger while he was walking away. It irritated me.

"Ugh!"

My house was far away. If I booked a ride, I’d just burn through money. Tapos isang beses na ginawa ko 'yon eh halos ayaw na akong pasakayin ng driver kasi nga malayo.

"Shit sana pala sumabay na ako kay Sir Immanuel! Makikitulog sana ako kay Ayannah!"

Sinabunutan ko ang aking sarili. Naglakad na rin ako pero sa kabilang side ng kotse. Napatigil pa nga ako nang makita na may tao at malalim akong tinitingnan.

"Lasing ka na. Where's Ayannah's apartment then? Hatid na kita roon," aniya at parang narinig ang sinabi ko kanina.

"Sino ka ba?" I asked with irritation with an earlier conversation with Andrew.

“I’m Attorney Liveuxx Amuelo Buenaventura Garcia. Your boss’s cousin.”

That’s a mouthful. Pangalan pa ba 'yan?

"Kanina ka pa nandito?" tanong ko na lang.

"Uhmm I don't know?"

"You saw us... kissing?"

“Unfortunately, yes,” he answered. “But don’t worry, I just arrived. Probably right when you complained his kiss was shallow,” he said with a grin.

It's a silhouette of him that I was seeing. Hindi ko kita ang pagmumukha niya pero kita ko ang pagngisi niya.

Nag-init ang mukha ko... Hindi dahil sa nakita niya lang kami na naghahalikan, kundi naghahalikan kami sa kotse niya!

I already knew that it was his car because I saw the keys in his finger, he's playing it and sometimes tossing in the air.

Nakita niya yata na nakatingin ako sa susi niya.

He caught my lingering gaze. “Want a ride?”

Damn it.

"Puwede ba?"

Hindi lang uminit ang mukha ko... kumapal pa lalo!

I can sleep at Ayannah. Pero baka sarado na ang apartment niya at abutan ako ng liwanag sa labas.

"I can pay you with a kiss, or, fare if you want monetary," I offered.

Given that he already witnessed my kissing escapade. Kaya bakit pa ako mahihiya na mag-offer sa kaniya?

And based on his physque. He's so huge and muscular, silhouette ang imahe niya ngayon pero nate-trace ko ang malaki niyang biceps sa liwanag na tumatakas sa gilid ng kaniyang katawan.

"I want a kiss... Pero ayaw ko ng second hand."

“No problem,” I shot back confidently.

I already understood what made him tick. Guys with that kind of physique... it was impossible not to assume he got aroused easily, especially around women.

Kumuha ulit ako ng tissue at obviously, pinunasan ko nang mariin iyon sa labi ko, wala akong pakialam kung matanggal ang lipstick ko basta makita niya na wala na ang laway kanina ni Andrew.

I already finished and I tossed the tissue on the floor.

"Happy?"

“Just a tissue?” he said, pressing his key fob.

May kinuha siya mula sa loob at nagulat pa ako nang bigla niyang inihagis ang isang bote sa akin. Kamuntikan ko pang hindi masalo dahil hindi ko naman alam na may ihahagis pala siya!

"There, mag-mouthwash ka."

I rolled my eyes, and I know he saw it.

Sa kadesperadahang makauwi sa bahay ay itinungga ko ang mouth wash. Nilimugmog ko iyon nang malakas sa harapan niya at naghihintay lang siya bago ko idura iyon sa sahig ng parking lot.

I raised an eyebrow as a sign that my mouth is already cleaned and free from 'second hand' that he was mentioning earlier.

He studied me. “I saw you at the party. You seemed so innocent... who knew you were starving for casual sex?”

“It wasn’t casual sex, just kissing!” I fired back.

"Talaga? But you're fast when I said that I wanted a kiss instead of fare, panigurado na hindi ka rin magdadalawang-isip kung sex na ang pag-uusapan natin," ganti niya.

Makikipagdebate talaga ako, sa attorney pa?! Well, mahilig sila sa mga accusations... Hindi sila magpapatalo,

But he was wrong. I was still a virgin... kissing was my limit.! I want to show him that, but I don't know how!

"Well," I said. Trying to say that I'm a virgin but I refused. "Kaya kong halikan ka kung 'yan lang ang paraan para may maghahatid sa akin. Pero kung sex, I'm sorry, I can spend a lot of money to take a taxi."

He laughed, leaning halfway into the car and flicking the engine on. The dashboard lights glowed, finally illuminating his face.

Wait, bukod sa guwapo, he looks familiar... Nakita ko na siya sa lugar namin eh! Alalahanin ko nga! Ano nga pangalan niya? Ang haba kasi!

He laughed, maybe when he saw that I was staring at him. I cleared my throat and averted my eyes.

"Relax, halik lang ang habol ko sa 'yo. Sumakay ka na."

Hindi ako pumasok... Hindi dahil sa ayaw ko kundi dahil inaalala ko kung sino ba 'tong lalaki sa harapan ko.

He cleared his throat. I looked at him again. Baka sakaling maalala ko na kung titingnan ko ulit siya.

"I'm your boss' lawyer. I should face legal consequences if I fuck you up," he assured me, as if trying to win my trust.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Bewitched Attorney (Entice Series 2)   CHAPTER 82

    CHAPTER 82Do you believe in destiny? That fate pulls our strings, toying with lives for sport?They say that fate, destiny and hope are interconnected with each other. Pero ngayon, hindi ako naniniwala. All the things were not destined to happen, we have the control, fate gave people hopelessness, when destiny strikes in a bad way. They're really interconnected, but not in a way that we wanted to be.Hindi lahat ng gusto natin ay makukuha natin. Minsan may mga bagay na kailangan nating tanggapin dahil resulta iyon ng mga desisyon ng tao. Minsan kailangan nating tanggapin na wala na ang paborito nating pagkain sa tindahan dahil may mga nauna nang bumili, desisyon lang natin na pumunta roon nang hindi maaga, o desisyon lang ng tindera na huwag tayong pagbilhan. Destiny doesn't have the control of it, we have it. It's my belief right now.Kung gusto mong kumain, kumain ka lang dahil desisyon mo 'yon.

  • Bewitched Attorney (Entice Series 2)   CHAPTER 81

    CHAPTER 81Sinusubukan ni Mama na kunin ang bag sa sahig. She's growling trying to grab the strap using her finger foot.Ginagapangan naman ako nang kaba habang unti-unting lumalapit ang paanan ni Mama sa strap ng aking bag.Isang kaluskos sa pintuan ang nagpadungaw sa amin."Hoy ano 'yan?!"A guy earlier came. Napatingin agad siya sa bag na pilit inaabot ni Mama. He kicks it out, napatili si mama, nagsitapunan ang laman ng aking bag! Gumulong din ang ballpen palabas at ang wallet ko ay dumungaw sa may zipper ng bag."Sa tingin n'yo makakatakas kayo sa amin?!" humalakhak ang lalaking hindi ko kilala.May pumasok ding lalaki sa loob. My eyes darted on my bag, malayo na 'yon dahil sa pagkakasipa ng lalaki at kung pilitin ulit ni Mama na kunin 'yon ay baka saktan nila siya.I gritted my teeth."Hoy, Bruno. Kunin mo ang wallet sa bag niya," saad ng isang kakapasok pa lang kanin

  • Bewitched Attorney (Entice Series 2)   CHAPTER 80

    CHAPTER 80 Naramdaman ko na lamang na huminto ang Van. Bumukas ang pintuan at panay ang pagsisisigaw nina Xianny at Mama. I felt some hands pushed me ouside the van, agad akong napadaing nang napadausdos ako sa sahig. Despite the pen, a tight grip was on my shoulder trying to make me stand. Paika-ika akong naglakad kung saan man ako balak dalhin ng mga demonyong ito. Hanggang sa naramdaman ko na sumalampak ang pwetan ko sa sahig. Napadaing pa lalo ako at mas ininda ang galit kaysa sa sakit na nararamdaman. A cloth that covered my eyes, blocking my view, suddenly fell off of my face. Agad akong nasilaw sa liwanag na pumasok sa aking paningin. I squinted my eyes before I recovered my vision. There, a man standing in front of me. Napalingon ako sa paligid at nakita si Mama na humahagulhol sa iyak at wala na ring piring sa mata. Mariano Garcia, for months of being imprisoned, looked so old to me. Mahaba na ang kaniyang buhok at puwede nang pamugaran ng ibon. Iyong mukha niya ay

  • Bewitched Attorney (Entice Series 2)   CHAPTER 79

    CHAPTER 79Limuel already went into me. Bago pa niya makita ang mga luha ko ay agad ko iyong pinunasan. With my artificial smile, I faced him.Nasu-suffocate ako dahil sa dami ng taong pumapasok ngayon. I sighed when he went in front of me"Do you want to get some air?" tanong ko.He gazes at me confusingly, nawala ang kakaunting ngisi sa kaniyang labi. He held my jaw and made eye contact."Is something wrong?" he pressed, "Why were you talking to Talia? Did she say something to you?"I tried to give a joyful face at him, with all the smiles I could muster, I giggled."Nangumusta lang siya sa akin. Tara?" anyaya ko. Isinabit ko ang aking kamay sa kaniyang balikat.Humigpit ang hawak ko sa kaniya. Staying beside him felt so comforting, pero ngayong naiisip ko na nagpapakumbaba siya para sa akin ay tila punyal akong pilit na dumidikit sa kaniya.Limuel had such

  • Bewitched Attorney (Entice Series 2)   CHAPTER 78

    Credits to: Can’t Take My Eyes Off YouSong by Frankie Valli ‧ 1967CHAPTER 78"I'll take care of Cherry," Limuel's voice cut through the crowd.Hinila niya ako at inilayo sa mga katrabaho kong pilit na tinatanong kung ano ang nararamdaman ko tungkol sa aking nalaman.This party isn't the same as before. People were having fun, but I don't feel it anymore.Dinala ako ni Limuel sa isang sofa kung saan ay walang masyadong umuupo. He eased me down gently, his touch light on my arm, but my heart hammered wildly in my ears."L-Limuel... Ang Daddy mo... N-Nakatakas," saad ko sa nanginginig na boses.He sat next to me. Hinawakan niya ang isang kong balikat habang ang isa ay sa kamay ko. He pinched it trying to comfort me. He looked at me worrily."I know... Don't worry about it, okay?" he murmured, his thumb tracing small circles on my hand. I bit my lips so ha

  • Bewitched Attorney (Entice Series 2)   CHAPTER 77

    CHAPTER 77I can't help myself anymore. We're inside of his tree house.I began kissing him in shallow to deep kisses. Noong una ay hindi siya gumaganti ngunit nararamdaman ko nang unti-unting gumagalaw ang kaniyang labi sa halik ko.He's now sitting on a couch, nakakandong lang ako sa kaniya.His hand slid up to my bare tummy, fingers tracing the soft skin there, sending little sparks racing across it. My own hands cupped his jaw, tilting his head just right to pull him into even deeper kisses, our breaths hot and fast.Mas lalong nag-init ang aking katawan nang maglaban ang aming mga dila. My buttox started to sway as I felt his hardness. Para akong nababaliw sa binibigay niyang init.Suddenly, we stopped kissing. He gazes at me lustfully."Cherry, I am still courting you. Enough with the kissing," aniya.Napangisi ako."Bukas ka na lang magsimulang manligaw!""Why? You miss my body?"

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status