Share

Bewitched Attorney (Entice Series 2)
Bewitched Attorney (Entice Series 2)
Author: TatterDemalion

CHAPTER 1

last update Last Updated: 2025-10-19 11:11:15

BEWITCHED ATTORNEY

WRITTEN BY: TATTERDEMALION

This is the work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the product of the author's imagination and used in a fictitious manner. Any resemblance to an actual person, living or dead, or events is purely coincidental.

No part of this story may be reproduced or transmitted in any form or by any means without the author's permission.

And also, I want to remind you that this story is unedited. I'm always updating a typographical, grammatical, or spelling errors in my chapters so be bare with me.

CHAPTER 1

Your destiny was always on the wheel of fate. Minsan nasa ibabaw, minsan nasa ilalim. People just wait to thrive for what luck would bring them. Some folks drill their ambition deep, pumping every ounce of grit in hopes of climbing out of the pit. They refuse to place blind trust in fate, convinced their true place is always at the peak.

The bitter truth gnawed at me, no matter how hard we claw for the summit, it’s all too easy to slip to the bottom when people around you are quick to pull you down, shackling you with scorn and whispers you can’t silence or outrun.

"Mangkukulam!"

I gritted my teeth. Nainis pa ako nang may nagtapon sa akin ng maliit na bato dahil narumihan ang pantalon ko.

"Aswang 'yan!"

"Siguro ay pinatay niya talaga ang asawa niya, 'no? Ayaw lang aminin!"

Ugh! Bakit ba ako sumunod kay Mama?! The humiliation stung worse with every step beside her, especially seeing the jungle of medicinal herbs bulge from her hands! Wala siyang pakialam sa mga isinasaboy ng mga tao sa kaniya- mayroon ngang nagsaboy ng holy water, o baka nga tubig lang 'yon na marumi. Kainis! Pati ako- 'yong suot ko, 'yong dignidad ko, narumihan!

"Naku! Kawawa naman ang mga anak niya! Sana hindi sila matulad sa kaniya!"

Sinubukan kong iyuko ang ulo ko upang hindi ako makita ng mga tao pero nagiging sanhi lang iyon para muntikan na akong madapa ng ilang beses.

Medyo kumalma lang ako nang makaalis na kami sa palengke. My Mom laughed out loud, as if she won against those people. Iritado ako at gusto kong alisin ang kamay ko na kanina niya pang hawak, pero mahigpit iyon at alam kong hihilahin niya lang ako ulit kapag kumawala ako.

Ano ba ang gusto niya?!

"Ma, saan mo ba ako dadalhin?"

"Ilang taon ka na?"

I rolled my eyes. Nasa gubat na kami at ilang tanong na ang ginawa ko sa kaniya simula sa bahay pero wala siyang sinagot ni isa!

"Ma, birthday ko ngayon... hindi mo alam kung ilang taon na ako?"

She stopped. We both gasped for air. Lumingon siya sa akin at saka tinaasan ako ng kilay.

"Ilan nga?"

"Twenty-two," tipid kong sagot sa kaniya.

Her eyes widened, almost comically, and she hurried forward, forcing me to scramble back to her side. Para namang nakakita siya ng multo n'ong sinagot ko na 22 na ako!

"Bwisit!" aniya sa gitna ng mga yapak niya. "Dapat noong disi-otso mo pa 'to ginawa!"

We stopped at the lake... a wide, midnight pool where the moon carved streaks across the water. A huge stone jutted from the side, and Mama led me straight to it. I watched her unpack odd bundles-- witchcraft tools and charms... arranging them like she’d rehearsed this ritual a thousand times. I already knew what she was planning!

"Ma, magriritwal ka naman? Kaya ka napagsasabihan ng ibang tao eh!"

"Cherry! Legasiya na ito ng pamilya natin! Nasa dinastiya na 'to- balang araw gagawin mo rin ito sa mga anak mo, sa mga apo mo," aniya nito nang hindi ako tinitingnan.

Mas malaki pa ang tsansa na may mang-trip sa amin dito kaysa sa maging epektibo ang ritwal niya! Gabing-gabi na eh!

"Ma, wala pa nga akong asawa!"

"Kaya nga!"

I closed my eyes and groaned. Sirang-sira na ang day off ko dahil sa kaniya! sana nagpapahinga lang ako sa bahay, eh si Mama hinila na lang ako bigla.

Ni hindi niya man lang nga ako binati ng happy birtday.

I didn’t want to leave her here, not in a place so remote it barely registered on the map... not when the whole town branded her as a mangkukulang, o aswang, something to be feared and shunned.

Hindi sana kami nandito kung hindi ako sumama sa kaniya. Ang akala ko kasi may surprise siya sa akin-- kasi nga birthday ko.

"Tumayo ka lang diyan. Huwag kang aalis," malumanay niyang saad at saka lumuhod siya bago umupo nang tuluyan. "Magdadasal lang ako," dugtong pa habang dahan-dahang inililipat ang posporong may apoy sa limang kandila na itinirik niya.

"Ma, hindi naman totoo 'yan!"

'Yan ba 'yong candle? Hihipan ko ba 'yan kasi birthday ko tapos magwi-wish ako?

"Wala ka bang respeto sa mga ninuno natin? Ilang siglo na itong ginagawa namin!"

"Ma, depende na rin kasi sa lalaki kung magloloko sila! Hindi mo naman kayang hawakan ang tadhana ng isang tao!"

Even before Papa died, shattering Mama’s sanity, rumors swirled about the Hermes family’s rituals to preserve loyalty in their bloodline. Ito kasi ang ginagawa nila kapag may tao, mapalalaki man o babae na gustong pumasok sa buhay namin at dugtungan ang aming lahi.

They had to pass through this strange, storied ceremony.

Ginagawa nila ito upang maging tapat ang kabiyak ng isang Hermes... at masasabi kong totoo naman, wala namang mga may kabit sa pamilyang Hermes, they all loyal to their partners lalo na ang Papa ko.

Hindi naman iyon masyadong big deal sa bayan namin. Naging usap-usapan lang n'ong namatay si Papa at napabayaan ni Mama ang sarili. Nawalan siya ng bait at nagsimulang magritwal ng kung anu-ano. Kaya kung may malas man, kamatayan, o sakit dito sa bayan ay kay Mama ang bagsak ng sisi.

“They used me… used us as tools, trying to keep faithfulness alive in those who want to join our family…”

I bit down on my lip. Mama’s prayer began, her voice low and rhythmic. The moon emerged brighter as clouds slipped away, A cold shiver traveled up my spine.

I never truly believed in any of it. But how could I explain this to this d*mn place when this story was the lifeblood of their morbid curiosity? It affects my mental health.

Kaya pinili kong magtrabaho sa malayong lugar. Ayos lang kahit lugi sa pamasahe basta maiwasan ko lang ang mga mapanghusgang mata ng mga taong nandirito na wala nang nagawa kundi ang panghimasukan ang buhay ng ibang tao.

"Uwi na tayo." Ihinihipan ni Mama ang mga kandila... siguro ay tapos na siya sa pagdadasal niya.

Iyong mga natunaw na wax ay isinaboy niya sa lawa bago siya tumayo at humarap sa akin.

“Cherry,” she said with a smile so serene it almost unsettled me. “You are now bound to a man.”

Bumagsak ang balikat ko.

"Ma naman. Natatakot na ako rito oh," saad ko.

Hindi ako natatakot na naisumpa ako sa isang lalaki, kasi hindi naman totoo. Ang ikinakabahala ko lang eh baka abangan kami ng mga tao sa bahay at hintayin na mag-alas-dose.

Palaging ginagawa 'yan ng ibang mosang sa amin. Tuwing kabilugan ng buwan ay nakamasid sila ng palihim sa bahay namin, hinihintay na maging aswang ang pamilyang Hermes. Kaunting kalabog nga lang sa bahay n'on ay nagbubulungan na sila.

"Sa susunod na kabilugan ng buwan, mahuhulog ka sa isang lalaki. Magiging tapat siya sa 'yo habang buhay," aniya.

"Ma, mag-aalas dose na," pangamba ko.

"Hindi nga ako aswang, 'di ba?"

"Ma... Hindi naman ganoon ang nasa isip ko! Baka may mga tao na naman sa labas ng bahay natin!"

Kinakatakot ko na baka taliin nila kami sa poste at maghintay ng pagsikat ng araw... Naging banta na 'yon sa amin. Sinubukan ko nang ireklamo sila sa barangay pero nagsawa na rin ako dahil hindi naman sila nakikinig sa akin.

"Cherry! Naisumpa kita! Naisumpa kita!"

Pumalakpak siya- na siyang ikinalungkot ko.

"Paano ko naman 'yon malalaman?" tanong ko at natigil siya.

Hindi naman ako interesado. Sadyang natanong ko lang 'yon para matigil siya kakapalakpak. Naririndi na kasi ako.

"K.N.N.N.A.P.M," anang Mama.

"K.N.N.N.A.P.M?"

Ngumisi siya. Those wicked grin makes me goosebumbs! Iyong ngisi na nagpapatindig ng balahibo- lalo na at gabi ngayon.

"Kapag.Nakuha.Na.Niya.Ang.Pagkababae.Mo."

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Bewitched Attorney (Entice Series 2)   EPILOGUE

    A/N: This is the final chapter, and nothing will follow. Thank you so much for reading this second installment of Entice... or should I rename it the Buenaventura series? Since it revolves around the Buenaventura cousins. But anyway... I hope you had fun reading this! I also want to inform you that series 3 will be posted soon, entitled "His Darkest Pledge"—that's the story of Xianny and Treve. I hope you'll still support me there. May mga encounter scenes pa roon sina Cherry, Ayannah, Immanuel at Limuel, so hindi pa naman nakakabitin ang ending nitong story.Bewitched Attorney (Entice Series 2)Written By: Tatterdemalion10/19/2025-01/31/2025TO GOD BE THE GLORY.EPILOGUELIVEUXX AMUELO BUENAVENTURA GARCIAAnd I think I was bold enough to make that happen, driven by a determination that surprised even me. Law school was brutal, sabayan pa ng pinapag-aral ko si Xianny sa nursing. Hindi na halos ako nakakauwi sa

  • Bewitched Attorney (Entice Series 2)   CHAPTER 90

    CHAPTER 90LIVEUXX AMUELO BUENAVENTURA GARCIA"We're having a mother and son bonding in America, Limuel," Mom said while carrying her large suitcase. I had my Superman bag slung over my shoulder.A smile suddenly crept into my lips. "Really, Mom?""Yes... Don't tell your Dad about it, okay? We'll surprise him," she whispered. Naaamoy ko ang lavender niyang pabango ngunit may halo itong ointment na nilagay niya sa kaniyang katawan.I was still young back then, naive about how the world really worked. All my heart and mind craved was fun and happiness. Hindi ko pa alam na ang iba pang mga ngiti ni Mommy ay hindi pala totoo. She was forcing herself to be strong, pretending she was still happy with Dad when she really wasn't."We're going to Tito Carlos' house, right?"My Mom nodded. "Yes. You said that you want to meet him."My Mom was American, she had a little bit of Filipino blood. I inherited most of my feature

  • Bewitched Attorney (Entice Series 2)   CHAPTER 89

    CHAPTER 89Things get a lot better. May sugat man sa nakaraan, hindi pa rin n'on mapapantayan kung gaano kami naging matatag at malakas ngayon."Bisitahin mo naman mamaya si Vianna! Palagi ka na lang busy!"Natawa ako habang nag-aayos ng gamit. Hinahawakan na naman ni Ayannah ang kaniyang tiyan habang madilim ang tingin sa akin. Well, she's having her mood swings? Because guess what—buntis na naman siya!"Kakabisita ko lang sa kaniya kagabi, ah? Ano? Baka gusto mong ako ang kilalanin niyang ina paglaki?" dinaan ko sa tawa ang aking sagot pero ang gaga, tinapunan ako ng ballpen.I could see the corner of her mouth twitching.She made a face. "Binuhat mo lang siya ng ilang minuto tapos umalis ka kaagad! Nag-date kayo n'ong pinsan ni Immanuel!""At least nakakita si Vianna ng maganda kagabi! Sawang-sawa na siguro siya sa mukha mong palaging busangot!"Umiiling-iling siyang umupo sa aking swivel chair. "Naku! Kung h

  • Bewitched Attorney (Entice Series 2)   CHAPTER 88

    CHAPTER 88Gusto ko sanang sampalin ang sarili ko para malaman kung panaginip nga ba ito.Pero hindi ko magawa—nakakahiya kay Tito Carlos. Baka isipin niya, nababaliw na ako."Sinabi sa akin ni Limuel na ikaw daw ang nag-me-maintain nitong tree house niya?""Ah opo, Sir..." lumiit ang boses ko.Nasa taas na kami ng tree house. Kita sa buong paligid ang mga mayayabong na bulaklak. Sobrang bango at presko ng hangin dahil puro halaman ang nakapaligid sa amin.Suot ko na ang jacket na kanina ay suot ni Tito Carlos. Aniya'y nilalamig daw ako nang makita niya.Nilingon ko si Tito Carlos. Magkamukha sila ni Talia. Tito Carlos was a pure Filipino while Tita Helen was an American with Filipino blood from her grandparents. Ngunit kahit dominant ang pagiging Americana ni Talia, kapansin-pansin pa rin ang pagkakahawig niya sa ama. Tito Carlos was handsome and distinguished—just like Talia, he was tall with somewhat stern features. H

  • Bewitched Attorney (Entice Series 2)   CHAPTER 87

    CHAPTER 87A full two years was full of joy, frustrations, stress, and happiness. Wala akong ginawa kundi ang ibalanse ang lahat: ang trabaho, ang sarili, ang pag-aaral, at ang tindahan. Masasabi kong sa loob ng maikling panahon na 'yon, napatunayan ko na hindi ko naman pala kailangan ng masyadong maraming tulong galing sa iba upang makamit ang mga gusto ko.Ngayon, hindi ko na iniisip na galing sa maruming kamay, galing kay Mariano, ang mga nakamit ko. Na kapag magtrabaho ulit ako, matatanggap ako dahil may degree at tinapos ko ito, hindi dahil itinapon lamang ako dahil sa awa."Sayang, pasok sana ang GWA mo sa latin honors! Kaso... ate," malungkot na sabi ni Julie.I wore my Filipiniana with an alampay draped over it. Sina Julie, kaninang umaga ay may recognition day rin at kasali siya sa Dean's Lister. Ngayong hapon naman ay ang graduation namin.It's been two years but it felt like I was just frustrated yesterday whether I'd enroll or

  • Bewitched Attorney (Entice Series 2)   CHAPTER 86

    CHAPTER 86Mayaman na raw talaga dati pa si Tita Helen—iyong Mama nina Limuel at Talia. Bago pa sila magka-anak ni Mariano, may mga negosyo na siya na naiwan sa America.Maybe their love didn't work out. Arrange marriage daw ang nangyari, pero sa hindi inaasahan, mas minahal ni Tita Helen si Joaquin, iyong biological father ni Talia. Tita Helen tried to convince Mariano to take Talia with them, but that damn Mariano refused.Kagaya ng nangyari kay Ma'am Marimar, Tita Helen experienced abuse from her husband. May anak na rin naman sila noon, si Limuel, dahilan kung bakit tiniis niya ang lahat ng pananakit ng kanyang asawa. But things didn't turn out the way they expected.Siguro nga, iba rin kapag may anak ka na—kaya mong tiisin ang hirap. Pero darating talaga ang araw na pipiliin mo rin ang sarili mong kaligayahan. Iyong kahit husgahan ka ng iba, ay ayos lang, dahil ikaw naman ang sasaya at hindi sila.Nakwento na sa akin lahat ni Limuel

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status