LOGINNakahinga na nang maluwag si Liza Mae nang sa wakas ay nakasakay na siya sa tricycle at eksaktong isang pasahero na lang ang kulang at puwede na silang umalis. Hindi nga rin niya maintindihan kung bakit nauwi siya sa ganito. Ang gusto lang naman sana niyang bilhin kanina ay ang bagong released na libro ng writer na iniidolo niya pero bakit nakita na lang niya ang sarili na pumasok sa tindahan ng mga gamit sa pagtatahi kung saan mayroon na siyang suki card. Kaya ngayon ang dami niya tuloy bitbit. Kung ano-ano pa kasi ang pinupuntahan, eh.
“Finally, aalis na rin tayo,” ani ng katabi niya na umurong pa talaga palapit sa kaniya para magkaroon ng malaking puwesto.
Mabilis na tumaas ang isang kilay niya habang hawak ang mga pinamili niya. Hirap na hirap na nga siyang hawakan iyon lahat pero mukhang hindi nakikita ng lalaking katabi niya. Hindi rin siya nagpatinag kahit pagod siya, mas lumapit pa siya sa katabi niya para magkaroon siya ng malaking puwesto.
“Hoy, Miss! Grabe ka naman, naiipit na ‘ko oh.”
Pero hindi niya pinansin ang sabi nito. Pagod na siya para makipagsagutan pa sa lalaking mukhang isang linggong hindi naligo. Amoy na amoy pa nga niya ang gamit nitong pabango na humalo na sa maasim nitong amoy. Bago kasi sana gumamit ng pabango, uso rin maligo.
“Teka, Manong,” tawag niya sa driver na sasakay na sana para makauwi na sila. “Lilipat na lang po pala ako ng tricycle. Gusto ko ‘yong ako lang ang pasahero para walang katabi.”
Mabilis siyang umalis at nakarinig siya ng mga reklamo mula sa kasamahan niyang pasahero. Isa lang kasi ang ibig sabihin ng pagbaba niya, maghihintay na naman ang mga ito ng kapalit niyang pasahero. Mas matatanggap pa niya ang hinanakit ng mga ito kaysa ang maamoy niya hanggang pag-uwi ang matapang na amoy no’ng lalaki.
Sorry na lang po, masiyado kasing toxic ang lalaking katabi ko, mahina niyang bulong bago sumakay sa kabilang tricycle. Nang makaupo na siya ay saka niya inilapag nang maayos ang mga pinamili niya. Sa wakas naman ay sulo niya ang tricycle, makakauwi na rin siyang matiwasay.
Nang lilingunin na sana niya ang driver para ipaalam dito na aarkelahin niya ang tricycle ay saka niya nakita ang apple of the eye niya. Walang iba kun’di si Luther. Ang lalaking tinitibok ng kaniyang kep- ay este ang tinitibok ng kaniyang puso.
Hindi na naman niya mapigilan ang ngumiti. Talaga namang pinaparamdam ng Dios na mahal na mahal siya nito. Dahil heto na nga si Luther, handang bigyan ng kulay ang buhay niya.
Hindi na lang niya tinawag ang driver kasi mas importante na masulit niya ang bawat segundo na papalit si Luther sa kaniya. Tila ba nagkaroon pa ng slow motion ang mga hakbang nito katulad sa korean series na pinapanood niya. Walang-wala ang Kathniel sa kilig na nararamdaman niya ngayon. Daig pa niya ang mga bida sa binabasa niyang libro.
Syempre, ako na ‘to eh.
“Mukha kang tanga, tumutulo na ang laway mo, oh!” ani ni Luther na nagpagising ng diwa niya.
Nasa harapan na pala niya ito pero hindi niya napansin. Fake news pala ‘yong slow motion. Agad niya pinahiran ang kaniyang bibig. Walang hiya naman talaga, oo! Nagawa pa talaga ng laway niya na tumulo. Imbes na plus points kasi maganda siya, parang mas lalo pa yatang na discourage si Luther sa kaniya.
“Parang dami mong bitbit, girl, ah. Lalayas ka na ba?” usisa nito nang makita maraming nakasupot sa kaniyang upuan. “Tama ‘yan para mabawasan ang hinanakit ko sa buhay.” Tumawa pa talaga ito at umupo na sa bandang likod ng tricycle.
“Hinanakit talaga? Grabe ka sa’kin, ah. Samantalang ikaw, happy pill ko.”
Umakto pa itong nasusuka. “Dios ko, girl. Hindi tayo talo kaya tumigil ka na sa kahibangan mo.”
Napangiti na lang siya sa inakto ni Luther. Kahit pa ilang beses nitong sabihin na wala siyang pag-asa dito ay hindi talaga siya titigil. Matindi na yata talaga itong nararamdaman niya.
Sa totoo lang ay hindi niya rin alam kung bakit niya ginagawa ‘to. Pakiramdam niya kasi talaga ay may pag-asa pang isalba ang kabadingan ni Luther at siya lang ang makakagawa no’n. Kahit no’ng unang kita niya pa lang dito, alam niyang ito na ‘yon.
Ang problema lang naman ay kung paano niya maaakit ang baklang ‘to? Kung makapagpowder nga ay daig pa ang foundation day.
“Well, anyway.” Tumingin ito sa kaniya at tinitigan pa siya. Para bang gandang-ganda ito sa kaniya kung makatitig ito.
‘Yan ang sinasabi ko. May pag-asa pa talaga ‘to, eh. Kunting push pa at babalik din ang pagkalalaki nito. Ang lagkit nga makatitig sa’kin oh.
Inilapit pa nito ang mukha sa mukha niya at hinaplos pa.
See? I knew it! Bibigay din ang h*******k na ‘to. Ilang araw pa nga lang na inaakit ko ‘to, ganito na ang improvement. Paano pa kaya kung magtagal diba?
“Alam mo,” panimula pa nito na naging rason kung bakit siya napalunok ng laway. Ito na talaga ang moment na hinihintay niya. “Ang dry ng lips mo, girl. Halata ka talagang walang jowa. Ang sad siguro ng life mo.”
Putek! Napamura na lang siya sa isipan niya. Akala niya kung ano na. Ang lips lang pala niya ang napansin nito. Akala niya may improvement na, eh. Parang mas lumala lang pala.
Napakamot na lang siya sa ulo niya nang wala sa oras at binasa ng laway ang lips niyang dry na raw kuno. Marami naman sanang pwede mapansin, bakit lips pa niya talaga?
“But, you don’t have to worry, sissy ko.” Dagdag pa nito na ikinataas ng kilay niya. “I have something for you.”
Nilingon niya si Luther. Parang wala na siguro talagang pag-asa. Or kung meron man, parang pinapangarap niya lang na maging hugutin na lang ni kupido ang pana sa puso niya. Bakit naman kasi sa bakla pa siya nagkagusto?
“Ano naman ‘yan?”
“Meron akong lip balm dito na hindi ko pa nagamit. Sayo na lang.” Kinalkal nito ang bag. “Wait lang, hanapin ko lang.”
At bibigyan pa ‘ko ng lip balm! T*ng-ina namang buhay ‘to!
Wala siyang ibang nagawa kun’di ang magbuntonghininga at panoorin si Luther na hinahanap ang lip balm daw kuno nito na hindi pa nagagamit. Napansin pa niya na pati kuko pala nito ay mas mahaba at mas maganda pa sa kaniya. Tama yata talaga ang sinabi ng kapitbahay nila na kung sakali mang magkatuluyan sila ni Luther ay siya pa ang magmukhang lalaki sa kanilang dalawa. Sa ngayon pa nga lang ay ang pag-offer pa lang nito ng lipbalm ay mas may alam pa ito sa kaniya.
Hindi na niya hinintay na mahanap pa nito ang lip balm na tinutukoy nito. Tinawa na lang niya ang driver para makaalis na sila at masimulan na niya ang mga tatahiin niya. Sobrang dami pa niyang dapat gawin kaya wala na siyang panahon para mag-ayos.
“Tara na, Manong. Ako na po bahala sa kulang,” aniya na ikinatuwa ng driver habang si Luther ay naghahanap pa rin. Desidido yata talaga na ibigay ang lip balm nito.
“Wait lang talaga, Liza. Alam kong nandito lang ‘yon, eh. Imposible na wala dito sa bag ko.”
“Ano ba naman kasi ‘yang bag mo. Daig mo pa si Doraemon, ang dami mong bitbit.” Tumawa pa siya sa biro niya pero tahimik lang itong kinakalkal ang bag.
“Ay kung pwede lang ilagay ang bahay ko sa bag. Ginawa ko na para hindi na ‘ko makauwi.”
Natigilan siya sa sinabi nito. Kahit umaandar na ang tricycle ay dinig na dinig niya ang sinabi nito.
“Yeey! Found it na!” Inabot nito sa kaniya ang isang lip balm na may balot pa nga talaga. Halatang hindi pa nagamit. “Sayo na ‘yan para hindi na mag-dry ang lips mo, okay?” Ang laki ng ngiti nito.
Inabot na lang din niya ang lip balm at mabilis na nilagay sa isang supot. Ang galing talaga ng tadhana. Kung sino pang crush siya, ‘yon pa talaga ang magbibigay ng lip balm. Okay lang sana kung lalaki, hindi bakla.
“Magsabi ka lang kung ano pang need mo ha? Baka meron ako.”
“Yes, Doraemon.” Inikot na lang niya ang mga mata at hindi na ito pinansin. Nag-focus na lang siya sa daan.
Hindi rin naman magtatagal ay pasasaan ba’t babalik din ito sa dati. Baka kasi kailangan niya na rin itudo ang pang-aakit niya. Hindi na yata kasi ‘to tatablan ng pagpapa-cute lang.
Hindi na ito nagsalita pa hanggang sa makarating sila sa lugar nila. Nauna itong bumaba sa kaniya at pakembot pang naglakad papasok sa bahay nito. Hindi man lang ito nag-thank you dahil nilibre niya ng pamasahe. Basta na lang bumaba.
“Thank you, Babe. I love you!” Sigaw niya na naging dahilan kung bakit ito tumingin sa kaniya. Muli na namang nag meet up ang mga kilay nito na siyang gusto-gustong niya.
“Jusko, Liza Mae. Kilabutan ka naman sa pinagsasabi mo! Hindi nga tayo talo!”
“Ang sama talaga ng ugali mo, no?” Hindi mapigilan ni Liza ang mapairap sa sinabi ni Luther.Ang galing-galing talaga ng ugali ng baklang ‘to. Nakita na nga na tumutulo ang luha niya pero nagawa pa nitong isingit ang panlalait at sinabi pang kaya wala siyang jowa. Ano namang pakialam nito kung wala siyang jowa? Ang importante, hindi lalaki ang iniiyakan niya. Ang importante hindi siya namomroblema kung may ibang kausap ang lalaking mahal niya.Well, lalaki rin naman ang Papa mo. And technically speaking, siya ang rason kung bakit ka umiiyak ngayon. Napabuntonghininga na lang siya sa naisip niya. Sabagay, totoo rin naman kasi na ang Papa niya ang rason kung bakit siya umiiyak.Isa rin sa dahilan kung bakit hindi niya magawang pumasok sa relasyon dahil sa ginagawa ng kaniyang Papa sa Mama niya. Buong akala niya talaga ay sila ang totoong pamilya at may kabit ang Papa niya.May kabit nga, hindi ako nagkamali…“Ano ba kasi ang iniiyak-iyak mo dyan, girl?” Muling nagsalita ang bakla at tum
Hindi alam ni Liza kung anong sasabihin sa mga oras na ‘yon. Hindi na rin alam ng puso niya kung anong dapat niyang maramdaman. Para siyang pinagsakluban ng langit at lupa. Parang kinukurot ang puso’t damdamin niya. Ang sikip-sikip ng dibdib niya habang patuloy na tumutulo ang mga luha niya.Paanong hindi pala sila kasal ni Mama? Mahinang bulong ng kaniyang isip. Patuloy pa rin siya sa paghikbi habang nakatitig sa kaniyang Papa na sinasarado na ang bag nito. Hindi na ito muling nagsalita na lihim niyang pinapasalamat baka kung ano pang marinig niya na dadagdag pa sa nararamdaman niya ngayon.Hindi niya alam kung dapat ba siyang humingi ng sorry dahil sa mga nasabi niya at nag-assume siyang sila ang totoong pamilya. O kailangan niyang mag-sorry dahil kabit lang pala ang Mama niya.Hindi ko na alam.Ang hindi niya lang din maintindihan kung bakit kailan naging twenty eight years old na siya ay ngayon pa lang niya malalaman na hindi pala kasal ang mga magulang niya. Pero paano nangyari
Mas nauna pang nagising si Liza sa alarm niya. Hindi pa eksaktong alas singko ay nagising na siya dahil sa mga kalabog na galing sa kanilang kusina. Mas excited pa yata ang Mama niya na mamalengke. Kunsabagay, tuwang-tuwa talaga ang Mama niya kapag uuwi ang Papa niya sa kanila.Bumangon na lang siya pagkatapos niyang i-off ang alarm ng cellphone niya. Baka mamaya tutunog pa ang alarm kahit gising na gising na ang diwa niya. Lumabas na rin siya ng kaniyang kwarto at nagtungo na sa kusina para puntahan ang Mama niya at makahingi na ng listahan kung anong bibilhin niya.“Ehh?” Tanong niya sa kaniyang Mama nang makita na nagkalat na sa mesa ang mga bagong biling gulay at karne. Pinagmasdan niya ang kaniyang Mama na nakangiti pa habang naghihiwa na ng kamatis. “Nakapamalengke ka na, Ma?”“Tingin mo?” balik-tanong pa nito sa kaniya, kaya wala siyang nagawa kun’di ang magkamot na lang ng ulo.“Grabe naman ‘yan. Ang aga ko na nga gumising.”“Dapat mas maaga pa kasi, Liza. Gigisingin sana kita
Kahit tinulak na si Liza ay hindi pa rin siya natinag. Tinitigan niya pa rin si Luther para ipaulit ang sinabi nito. Alam niyang tama ang pagkakarinig niya. Na umuwi na siya para makain na siya nito.Itong baklang ‘to talaga. Gusto pala makakain ng pechay, aayaw-ayaw pa. “Ano nga ulit ‘yong sinabi mo?” tanong na naman niya. Hindi naman siya bingi eh. Gusto niya lang talaga ipaulit kay Luther kasi parang…Masharep ‘yon.“Tigilan mo ‘yan, girl. Umuwi ka na sa inyo at kakain pa ‘ko. Distorbo ka talaga kahit kailan.” Tinalikuran na siya nito at pumwesto na para maghapunan, “Pakisara na lang din ang pinto at pati gate na rin ha?”Napakamot na lang siya ng ulo. Kahit kailan talaga ‘tong si Luther. Kailan ba kasi nito makikita na deserve naman nitong mahalin. Na babae talaga ang para dito at hindi lalaki. Na sila talaga ang itinadhana? Bakit kasi lalaki pa ang gusto nito?Pero sa sinabi nitong kakainin siya, parang sign na ‘yon talaga! Ipapakita niya sa kaniyang Mama na magtatagumpay din si
Hinampas-hampas ni Liza ang unan nang makapasok na siya sa kwarto niya. Hindi na nga niya kinausap ang Mama niya nang makarating siya sa bahay. Pakiramdam niya para bang pinagsakluban siya ng langit at lupa. Naiinis siya sa part na alam na nga ni Luther na ito ang crush niya pero nagawa pa nitong sabihin na huwag niya raw agawin ang boyfriend nito.“At bakit ko naman aagawin? Baliw ba ‘ko?” pagkausap niya sa sarili at humarap pa sa salamin. Tinuro niya ang sarili at tumaas ang kilay niya. “Ako? Baliw?” Mahina siyang natawa. “Baliw kay Luther, oo. Kaya hindi ang boyfriend ni Luther ang aagawin ko, kun’di si Luther mismo!”Kung kanina ay naiinis siya, iba na ang nararamdaman niya ngayon. Parang maganda yatang plano ang agawin si Luther sa boyfriend nito. Operation: Agawin si Luther!Nagpahid na siya ng luha at inayos na rin ang pagkakatali ng buhok niya. Walang patutunguhan kung iiyak lang siya nang iiyak. Hindi naman niya maaagaw si Luther kung iiyak lang siya sa kwarto niya diba? Mas
Hanggang sa matapos kunan ni Liza ng mga measurements ang pinsan niya ay hindi talaga lumabas ng kwarto ang hinayupak na Luther. Hindi naman siya isinilang kahapon para hindi malaman kung ano ang ginagawa ng dalawa sa loob.Hindi na niya alam kung tama pa ba ‘tong ginagawa niya. Mas iniisip niya kasi kung anong ginagawa ni Luther sa loob. Baka hindi nito gusto ang ginagawa nito. Pero napipilitan lang ito dahil gusto nitong lumayo siya.Hay nako! Delulu ka talaga, gurl. Galit na sigaw ng utak niya. “Are you okay? Is there something bothering you?” tanong ng pinsan niya nang mapansin na aligaga siya. Hindi rin naman talaga siya mapakali dahil gusto ng mga paa niya na lumapit do’n sa kwarto na pinasukan ni Luther.Kanina pa siya kating-kati na tanungin tong pinsan niya. Kung jowa ba talaga ni Luther ang kasama nito ngayon sa kwarto. Baka naman kasi diba kapatid lang or baka pinsan lang din. Napabuntong hininga na lang siya at nagkamot ng ulo.“Eh kasi, Kitty.” Panimula niya nang matapos







