LOGINPanay ngiti ang ginawa ni Liza Mae at pakanta-kanta pa nang makita niyang papasok na ang lalaking palaging laman ng kaniyang panaginip, walang iba kun'di ang lalaking nasa labas ng gate. Nakasuot pa ito ng uniform nito bilang guro at muli na naman nagkusang ngumiti ang mga labi niya.
Ang pogi talaga ng crush ko, parang ang sarap ipasok sa puk- ay este sa pitaka ko! Kasyang-kasya ka talaga dito kasi wala ‘tong laman. Maraming space, natawa siya sa naisip pero agad din siyang napailing at tinampal ang sariling noo.
“For goodness sake! Hindi pala siya straight na lalaki,” aniya sa sarili at muli na namang napailing. Tinitigan na lang niya si Luther na inaayos pa ang pants nito. “Ang lapit-lapit mo lang pero parang ang hirap mong abutin.”
Ang hindi lang kasi niya maintindihan ay kung bakit sa isang baliko pa siya pinana ni Kupido? Puwede namang doon sa walang sabit, eh. Bakit doon pa sa lalaking hindi babae ang hanap? Sa dinami-dami ba namang lalaking matino, dito pa siya napana sa lalaking gustong sumuot ng nine inches stiletto. Kinuha na lang niya ang tape measure na nasa maliit niyang lalagyan at isinabit iyon sa kaniyang leeg.
“Who cares? Edi, change plan na lang muna. Operation gawing straight na lalaki si Luther!” pagbanggit niya sa pangalan ng lalaki at loka-loka pa siyang ngumiti at sumigaw ng ‘aja’.
Hinawi niya ang bintana at muling sinulyapan si Luther na nasa baba na ng kaniyang shop at kausap ang kaniyang Mama. Hindi niya maiwasang mapangiti, mukhang malapit pala ang loob ng kaniyang Mama sa future son-in-law nito.
Good behavior, Mama. May taste ka rin pala talaga, aniya sa sarili at mabilis na bumaba. Pero bago pa siya tuluyang makababa ay sinulyapan niya muna ang sarili sa malaking salamin malapit sa pintuan ng kaniyang shop at kinuha ang mga sinulid na sumabit pa sa suot niyang pants.
“Maganda pa rin naman ako kahit pa maraming thread ang nakakabit sa’kin.” Napahalakhak pa siya sa naisip.
Lumapit siya sa bluetooth speaker na nasa malaking mesa niya kung saan siya gumagawa ng pattern at nag-cu-cut ng tela. Pinindot niya ang on button ng speaker at kinuha ang cellphone niya sa bulsa’t nagpatugtog ng isang magandang musika. Perfect para sa unang pagpasok ng kaniyang apple of the eye. Dapat perfect ang lahat, ayaw niyang mapahiya.
Pakembot siyang lumabas at nang makita niya si Luther ay nagtila isa siyang modelo na mas ginandahan pa ang kaniyang pagrampa at nag-pose na tila isa siyang model ng kalendaryo na ginagawang freebies ng isang liquor company.
Aba, dapat perfect! Sigaw ng isip niya at ginandahan pa ang kaniyang ngiti.
Pero nang lumingon ang kaniyang Mama ay napasigaw ito at nag-sign of the cross pa na para bang gustong paalisin ang demonyo na nasa harapan nito. At siya lang naman ang nasa harapan nito kaya napataas ang kilay niya. Siya ba itong demonyo na gustong paalisin ng kaniyang Mama? Sa ganda niyang ‘to? Demonyo?
“Hesus, maryusep! Birheng Maria, paalisin itong masamang espiritu na sumapi sa aking butihing anak!” usal pa ng kaniyang Mama na para bang may sumapi talaga sa kaniya at ilang beses pa itong nag-sign of the cross. “Dios mio, Liza Mae! Ano bang nakain mong bata ka?”
“‘Yong kamote na nasa lamesa, Mama. May iba ka bang binili kanina?” patanong pa niyang wika na nagtataka na rin sa inaakto ng kaniyang Mama. Napakamot pa siya at lumapit na sa dalawa.
“Pasensiya ka na talaga, Luther,” ani ng Mama niya at hinawakan pa ang kamay ng binata. Iginiya ng Mama niya si Luther papasok sa kaniyang shop at naiwan siyang hindi man lang naliwanagan. “Nalipasan yata ng gutom ang anak ko o baka nasobrahan sa kamote.”
Nanlaki ang mga mata niya at walang ibang nagawa kun'di ang titigan na lang ang Mama at ang crush niya na naglakad papasok sa shop niya. Parang ang dalawang ‘yon pa ang mag-ina. Padabog siyang naglakad at dinig na dinig pa niya ang ingay na nalilikha mula sa bawat pagtapak niya sa semento. Bakit ba kung makapagsalita ang Mama niya kanina ay parang nakakahiya talaga ang hitsura niya?
Mabilis siyang naglakad pabalik sa pintuan at tumingin sa nakasabit na salamin. Napaatras siya nang makita ang sarili niyang repleksiyon.
“Dapat lang pala talaga akong ikahiya,” aniya at tinakpan ang mukha gamit ang dalawa niyang kamay. Pero dahan-dahan niya ring inalis ang mga kamay niya at pinagmasdan ang sarili. “Nagpakita ako kay Luther na buhaghag ang buhok ko? Jesus!”
*****
“Mabuti naman, girl, nagsuklay ka na.”
Mabilis na napaikot ni Liza Mae ang mga mata nang marinig ang mga salitang iyon galing kay Luther. Kung makapagsalita kasi ito ay para bang sobrang buhaghag talaga ang buhok niya kanina. Padabog niyang dinampot ang tape measure at sinabit iyon sa leeg. Kinuha niya rin ang maliit niyang notebook para may masulatan siya kapag nagsimula na siyang kunan ng sukat ang baklang maarte na ‘to.
“Akala ko talaga naging real si Chakadal kanina. Chaka ka talaga kanina, girl. Parang nakalunok ka ng buhok na one year hindi nakatikim ng conditioner,” patuloy pa nito at sinamahan ng tawa.
Hindi na siya sumagot. Ayaw na niyang ipagmayabang na kahit kulot ang buhok niya ay alagang conditioner din naman kahit hindi halata.
Lumapit na siya kay Luther at hindi na pinansin ang mga salitang lumabas sa bibig nito. Hindi niya rin naman maintindihan ang ibang salitang ginamit nito. Pinatayo niya ito para masimulan na ang pagkuha niya ng sukat.
“Tapos ka na?” tanong pa niya na pinagmasdan lang si Luther.
Tumaas ang isa nitong kilay na para bang hindi nito naintindihan ang sinabi niya. Napaismid na lang siya at kinuha na ang tape measure sa leeg niya at ipinalibot iyon sa baywang ni Luther. May balak pala itong magpasukat pero bakit naka-uniform pa ito? Pwede naman sanang n*******d na lang para paldong-paldo siya.
Napasigaw naman ang binata sa hindi niya malamang dahilan. Tumalon pa ito at itinulak siya.
Ano na namang kaartehan ito?
“Alam kong maganda ang katawan ko pero hindi kita papayagang haplusin ‘to.” Pinaypayan pa nito ang mukha. “My God! Hindi ko pa nabibigay kay Jhonred ang virgini—”
“Gaga!” pagputol niya kay Luther, sanhi ng paglingon ng binata at tinaasan pa siya ng kilay. “Kung makatulak ka parang gagahasain kita, ah?”
“Bakit? Hindi ba?”
Palihim na lang siyang tumawa. “Mamaya, pagkatapos kitang sukatan—”
“Ito na nga bang sinasabi ko! Kung hindi lang ikaw ang ni-recommend ng mga co-teachers ko sa high school, hindi kita lalapitan!” sigaw nito at tumakbo palabas ng shop niya. “Kakasuhan kita ng sexual harassment!”
Bago pa makalayo si Luther ay sinundan niya ito. Lumabas din siya ng shop niya pero likod na lang nito ang nakita niya, tumatakbo ito na para bang ginahasa niya talaga. Ang pagtawa na lang ang nagawa niya habang pinagmamasdan ang papalayo nitong pigura.
“Girl!”
Mabilis siyang lumingon at nakita niya ang kapitbahay nilang mukhang makikichismis na naman. Suot pa nito ang paborito nitong kulay green na duster na para bang ikinaganda talaga nito. Pero kung tulad niyang mananahi ang tatanungin, tanging pag-iling na lang siguro ang gagawin niya kung tatanungin siyang bagay ba talaga rito ang suot nito. Mas lalo lang kasi itong iitim kapag ganoong kulay ang suot nito.
“Yes?” aniya rito na hindi talaga makikita sa mukha niya na interesado siya sa sasabihin nito.
“Si Luther ba ‘yon?”
Hindi ba halata? Aniya sa isip. Ewan din ba kung bakit ito pa ang naging kapitbahay niya. Daig pa kasi nito ang pulis kung makatanong sa kaniya kapag may customer siya.
Tumango siya at umaktong papasok na para hindi nito madagdagan ang tanong nito. Pero bago siya nakapasok sa gate nila ay muli na naman itong nagsalita. Hindi yata nito na-detect na ayaw niyang makipagdaldalan.
“Totoo ba talagang may gusto ka kay Luther?”
Ilang segundo pa bago siya lumingon dito. Inisip niya muna kung deserve ba nitong malaman kung totoo ba na may gusto siya kay Luther o hindi. Kasi, ano bang pakialam nito? Bakit pati crush niya ay gusto pa nitong malaman?
“Oo. Ano naman ngayon?” tanong niya at hindi siya nagbaba ng tingin hangga't hindi nito sinagot ang tanong.
“Pero bakla siya, girl. Are you out of your mind? Hindi mo ba nakitang mas maarte pa siya sa’yo? Baka kapag naging kayo, ikaw pa ang maging lalaki sa inyong dalawa—”
Hindi niya pinatapos ang kapitbahay niyang mahilig sa chismis. Pinatigil niya ito sa pamamagitan ng pagharang niya sa kaniyang palad.
“Alam mo ba ‘yong crazy in love na term?” tanong niya rito. “Nag-e-exist ‘yon.”
*****
Pagkatapos nilang maghapunan ay kinuha niya ang tupperware na nilagyan niya ng ulam kanina. Ginawa niya talaga ang lahat para lang makuha niya ang isang hiwa ng bangus na niluto ng Mama niya kanina para mabigyan niya si Luther kahit alam naman niyang mas masarap pa ang ulam nito. Pero walang makakatalo sa ulam niya kapag ang Mama na niya ang nagluto.
Mabilis niyang narating ang bahay ni Luther dahil ilang bahay lang din naman ang pagitan. Hindi na siya nag-abalang kumatok dahil nakabukas naman ang pinto ng bahay nito. Nang makita niyang nasa sala ang lalaki ay agad niyang tinahak ang daan patungo sa puwesto nito.
Kahit pa talaga nakatalikod ito ay kilalang-kilala niya ang binata. Kahit pa siguro nakapikit siya, maamoy lang niya ang pabango nito ay alam na alam na niyang si Luther iyon. Walang ibang lalaki ang nakakapagpabilis sa pagtibok ng puso niya. Hindi na niya kailangang magdilat para lang malaman kung si Luther ba talaga ang nasa harapan niya.
Agad namang sinalo ng malambot na sofa ang puwet niya nang umupo siya para hintayin na lumabas ang lalaki na paniguradong nasa loob pa ng kuwarto nito. Inilapag niya sa tabi ang dala niyang tupperware at naglakad-lakad siya para tingnan ang mga picture na nasa gilid. Wala siyang ibang nakitang mga picture na nakalagay doon maliban sa picture ni Luther at ang kasama nitong isang lalaki na hindi niya alam kung sino.
“Bakit kaya wala siyang picture sa family niya?” tanong niya sa sarili na bigla ring naputol dahil may biglang nagsalita sa likuran niya.
“Anong ginagawa mo rito? Hindi na sabi ako magpapagawa ng uniform sa—”
“May pinadala si Mama na ulam,” aniya at itinuro ang tupperware na nasa sofa. “Pinabibigay ni Mama para sa future son-in-law niya.”
“Son-in-law?” gulat nitong tanong at agad na nabuga ang iniinom nitong kape.
“Nagkakape ka? Gabi na, ah. Baka ‘di ka makatulog niyan.”
Mabilis na nilapag ni Luther ang hawak nitong tasa at magkasalubong ang kilay nitong hinarap siya.
“Umalis ka na nga! Para kang kabute, kung saan-saan ka na lang sumusulpot.” Itinulak pa siya nito para makalabas daw siya pero agad naman siyang umiwas.
“Ang ganda ko namang kabute, ‘no?”
“Hindi ka lang kabute. Kapag malapit ka sa’kin palagi akong nadidisgrasya.”
“Pinabibigay nga sabi,” ulit na naman niya at tinutukoy ang tupperware na hindi pa nito kinuha sa sofa. Mukhang wala na naman itong planong pakinggan siya.
“May pogi kang kapatid? May six pack abs?” tanong pa nito na mukhang nagsisimula na naman ang pagiging bakla. Muli nitong kinuha ang kape at muli na namang uminom.
Hindi na niya matandaan kung kailan niya unang nakita si Luther. Pero ang tangi lang niyang natatandaan ay sa mismong araw ding iyon ay nalaman niyang bakla ito. Marami na agad itong nilapitang lalaki sa kalye nila na para bang tatakbong kapitan, namimigay pa ng candy.
Pero kahit gano’n ang eksena nang una niya itong makita ay nabihag pa rin nito ang puso niya.
“Ako lang ang anak ni Mama uy. Anong abs ang pinagsasabi mo?”
Pero bago pa niya naintindihan ang tanong nito ay muli na naman nitong nabuga ang kape sa bibig.“So, ikaw ang tinutukoy niya na magiging asawa ko kaya tinatawag niya ‘kong future son-in-law? Tumigil ka, girl, hindi kita papatulan. Ever!”
“Ang sakit mo namang magsalita. Pero okay lang.” Ngumiti pa siya para ipakitang hindi siya nasaktan. Siyempre, ganiyan talaga ‘yan sa una. “Pa-kiss na nga lang. Baka kapag natikman mo ang unang halik ko, magbago ang isip mo.”
“Umalis ka na! Kadiri!”
Hinampas-hampas ni Liza ang unan nang makapasok na siya sa kwarto niya. Hindi na nga niya kinausap ang Mama niya nang makarating siya sa bahay. Pakiramdam niya para bang pinagsakluban siya ng langit at lupa. Naiinis siya sa part na alam na nga ni Luther na ito ang crush niya pero nagawa pa nitong sabihin na huwag niya raw agawin ang boyfriend nito.“At bakit ko naman aagawin? Baliw ba ‘ko?” pagkausap niya sa sarili at humarap pa sa salamin. Tinuro niya ang sarili at tumaas ang kilay niya. “Ako? Baliw?” Mahina siyang natawa. “Baliw kay Luther, oo. Kaya hindi ang boyfriend ni Luther ang aagawin ko, kun’di si Luther mismo!”Kung kanina ay naiinis siya, iba na ang nararamdaman niya ngayon. Parang maganda yatang plano ang agawin si Luther sa boyfriend nito. Operation: Agawin si Luther!Nagpahid na siya ng luha at inayos na rin ang pagkakatali ng buhok niya. Walang patutunguhan kung iiyak lang siya nang iiyak. Hindi naman niya maaagaw si Luther kung iiyak lang siya sa kwarto niya diba? Mas
Hanggang sa matapos kunan ni Liza ng mga measurements ang pinsan niya ay hindi talaga lumabas ng kwarto ang hinayupak na Luther. Hindi naman siya isinilang kahapon para hindi malaman kung ano ang ginagawa ng dalawa sa loob.Hindi na niya alam kung tama pa ba ‘tong ginagawa niya. Mas iniisip niya kasi kung anong ginagawa ni Luther sa loob. Baka hindi nito gusto ang ginagawa nito. Pero napipilitan lang ito dahil gusto nitong lumayo siya.Hay nako! Delulu ka talaga, gurl. Galit na sigaw ng utak niya. “Are you okay? Is there something bothering you?” tanong ng pinsan niya nang mapansin na aligaga siya. Hindi rin naman talaga siya mapakali dahil gusto ng mga paa niya na lumapit do’n sa kwarto na pinasukan ni Luther.Kanina pa siya kating-kati na tanungin tong pinsan niya. Kung jowa ba talaga ni Luther ang kasama nito ngayon sa kwarto. Baka naman kasi diba kapatid lang or baka pinsan lang din. Napabuntong hininga na lang siya at nagkamot ng ulo.“Eh kasi, Kitty.” Panimula niya nang matapos
Kasalukuyang ginugupit na ni Liza ang mga tela na tatahiin ng Mama niya para sa araw na iyon. Siya na kasi ang nag-layout sa gown na ‘yon kaya pumayag na lang ang Mama niya na ito na ang magtahi basta daw puntahan na niya ang pinsan niya sa Butuan para makunan na ng sukat.Muli na namang na-open ng Mama niya ang tungkol sa pag-aasawa niya kanina. Hindi niya tuloy alam kung dapat ba siyang matuwa dahil ito na talaga ang naghahangad ng apo or dapat ba siyang ma-pressure dahil hindi niya alam kung makukuha ba niya talaga si Luther. Dahil tinaga na niya talaga sa bato na kung hindi niya mabibingwit si Luther ay hindi na talaga siya mag-aasawa. Ever! Period!Isa lang ang meaning no’n, hindi magkakaroon ng apo si Mama, bulong ng isip niya. Bakit ba kasi ayaw akong tulungan, eh. Edi tiba-tiba na sana kami.“Liza, tapos na ba ‘yan? May isa ka pang gugupitin dito bago ka lumakad.” Biglang tumaas ang kilay niya nang marinig ang sabi ng kaniyang Mama. Napatingin na lang siya sa isang nakatuping
Kanina pa nakasulyap si Liza Mae sa bintana ng kaniyang kwarto para masilip ang kaniyang crush na daig pa ang isang Koreana kung maglagay ng foundation. Kasalukuyang nakaharap sa salamin si Luther at kitang-kita niya kung paano ipinahid ng binata ang hawak nitong brush sa mukha nito.“Ay talaga naman, oo!” aniya sa sarili. “Kung makapahid ng brush ay akala mo talaga babae, eh. Pero sabagay, ako nga na babae hindi marunong mag-make up. Kung magpaturo na lang kaya ako sa kaniya para kunwari may reason ako para makalapit.” Napailing na lang siya sa naisip niya. Kung ano-ano na naman ang naiisip niya.Umayos na lang siya ng upo at nilakihan ang bukas ng kaniyang kurtina. Ang gwapo talaga ng crush niya, hindi halatang baliko. Ang sarap ngang hawakan ang muscle nito, panigurado na hindi malambot ang mga iyon.Isa rin sa dahilan kung bakit hindi siya naniniwala na bakla ito dahil sa katawan din nito. Ang laki ng katawan ni Luther. Alam mo ‘yong katawan na nakikita mo sa mga Rated SPG? Gano’n
Nakahinga na nang maluwag si Liza Mae nang sa wakas ay nakasakay na siya sa tricycle at eksaktong isang pasahero na lang ang kulang at puwede na silang umalis. Hindi nga rin niya maintindihan kung bakit nauwi siya sa ganito. Ang gusto lang naman sana niyang bilhin kanina ay ang bagong released na libro ng writer na iniidolo niya pero bakit nakita na lang niya ang sarili na pumasok sa tindahan ng mga gamit sa pagtatahi kung saan mayroon na siyang suki card. Kaya ngayon ang dami niya tuloy bitbit. Kung ano-ano pa kasi ang pinupuntahan, eh.“Finally, aalis na rin tayo,” ani ng katabi niya na umurong pa talaga palapit sa kaniya para magkaroon ng malaking puwesto. Mabilis na tumaas ang isang kilay niya habang hawak ang mga pinamili niya. Hirap na hirap na nga siyang hawakan iyon lahat pero mukhang hindi nakikita ng lalaking katabi niya. Hindi rin siya nagpatinag kahit pagod siya, mas lumapit pa siya sa katabi niya para magkaroon siya ng malaking puwesto. “Hoy, Miss! Grabe ka naman, naiip
Panay ngiti ang ginawa ni Liza Mae at pakanta-kanta pa nang makita niyang papasok na ang lalaking palaging laman ng kaniyang panaginip, walang iba kun'di ang lalaking nasa labas ng gate. Nakasuot pa ito ng uniform nito bilang guro at muli na naman nagkusang ngumiti ang mga labi niya.Ang pogi talaga ng crush ko, parang ang sarap ipasok sa puk- ay este sa pitaka ko! Kasyang-kasya ka talaga dito kasi wala ‘tong laman. Maraming space, natawa siya sa naisip pero agad din siyang napailing at tinampal ang sariling noo.“For goodness sake! Hindi pala siya straight na lalaki,” aniya sa sarili at muli na namang napailing. Tinitigan na lang niya si Luther na inaayos pa ang pants nito. “Ang lapit-lapit mo lang pero parang ang hirap mong abutin.”Ang hindi lang kasi niya maintindihan ay kung bakit sa isang baliko pa siya pinana ni Kupido? Puwede namang doon sa walang sabit, eh. Bakit doon pa sa lalaking hindi babae ang hanap? Sa dinami-dami ba namang lalaking matino, dito pa siya napana sa lalaki







