LOGINKanina pa nakasulyap si Liza Mae sa bintana ng kaniyang kwarto para masilip ang kaniyang crush na daig pa ang isang Koreana kung maglagay ng foundation. Kasalukuyang nakaharap sa salamin si Luther at kitang-kita niya kung paano ipinahid ng binata ang hawak nitong brush sa mukha nito.
“Ay talaga naman, oo!” aniya sa sarili. “Kung makapahid ng brush ay akala mo talaga babae, eh. Pero sabagay, ako nga na babae hindi marunong mag-make up. Kung magpaturo na lang kaya ako sa kaniya para kunwari may reason ako para makalapit.” Napailing na lang siya sa naisip niya. Kung ano-ano na naman ang naiisip niya.
Umayos na lang siya ng upo at nilakihan ang bukas ng kaniyang kurtina. Ang gwapo talaga ng crush niya, hindi halatang baliko. Ang sarap ngang hawakan ang muscle nito, panigurado na hindi malambot ang mga iyon.
Isa rin sa dahilan kung bakit hindi siya naniniwala na bakla ito dahil sa katawan din nito. Ang laki ng katawan ni Luther. Alam mo ‘yong katawan na nakikita mo sa mga Rated SPG? Gano’n na gano’n ang katawan ng crush niya. Pwede na nga siguro itong mag-apply as b*ld star. Imposibleng tatanggihan pa ito.
“Liza?”
Taranta siyang napatayo nang marinig ang boses ng kaniyang Mama Elsa. Isasarado na niya sana ang bintana niya pero sakto namang nabuksan na ng Mama niya ang pinto. Imbes na sabihin nito ang gusto nitong sabihin ay automatic na nakataas ang kilay ng kaniyang Mama nang makita na nasa bandang bintana siya. Alam na agad nito kung anong ginagawa niya. Naglakad ito palapit sa kaniya at nakisilip na rin.
Alam na niya kung anong next move ng kaniyang Mama kapag nahuli siya nitong sinisilip si Luther. Agad siyang yumuko kasabay ng paglipad ng palad nito kaya hindi siya nito natamaan.
“Siraulo ka talagang bata ka! Wala ka ng ibang ginawa kun’di silipan ang bakla.” Sigaw nito sa kaniya kasabay ng muling paglipad ng palad nito pero hindi na naman siya natamaan. Syempre, alam na niya kung anong the moves nito. Halos araw-araw ba naman. “Bakla na nga ang tao, hindi mo pa rin talaga titigilan!”
“Mama, maniwala ka na lang kasi sa’kin. Hindi bakla si Luther, okay?” Pamimilit niya. “Naaamoy ko po talaga na hindi siya bakla.”
“Iba ang naaamoy ko, Liza. ‘Yong sinaing mo kamo, nasusunog na!”
***
Nang matapos kumain si Liza ay agad siyang lumabas ng bahay para makita ang paglabas ni Luther. Syempre kailangan niyang ihatid ng tingin ang crush niya. Mabilis siyang napangiti nang makita itong lumabas suot ang uniform nito at bitbit ang black bag.
“Ingat ka, asawa ko. Galingan mo sa work, ah!” tudo ngiti niyang paalam kay Luther na tinaasan lang nito ng kilay. “Sungit talaga. Pero okay lang, mahal naman kita, eh. Ako na bahala sa pagmamahal, Luther. Ikaw naman bahala sa kasungitan. Gano’n kita kamahal.”
“Siraulo ka kamo.” Ayan na naman ang Mama niya na hindi talaga kayang magbigay ng support sa buhay pag-ibig niya.
“Alam mo, Mama. Magtatagumpay lang ‘tong lovelife ko kung isu-support mo rin ako.”
“Ewan ko sa’yo matanda ka na.” angil ng kaniyang Mama at pumasok na ng bahay. “Alam mo ba kung saan kita isu-support, Liza?”
“Saan po?” mabilis niyang tanong at sinundan ang kaniyang Mama. Baka biglang magbago ang isip nito at hindi na talaga siya kayang supurtahan.
Nang makapasok siya ng bahay ay sumalubong sa kaniya ang mga tela na binili niya kahapon. Nakalatag na iyon sa mesa nila kasama ang mga drafting paper na naghihintay sa kaniya. Nakalatag na rin pati ang lapis at gunting. Naghihintay na lang talaga para hawakan at gamitin niya.
“Isu-support kita kung tatapusin mo ngayon ‘tong mga kailangan mong tapusin. Ang haba na ng listahan mo, oh!” Pinakita pa nito ang notebook kung saan nakasulat ang mga kinunan na nito ng measurements. “Kailangan mong matapos ‘to ngayon dahil bukas pupuntahan mo pa ‘yong pinsan mo’t kailangan mong makunan ng sukat ‘yon at ikakasal na.”
Oo nga pala, mananahi pala ako at kailangan kong magtrabaho, pagkausap niya sa sarili at kinuha na lang ang tape measure na nakasabit sa kaniyang leeg. Ano naman ngayon kung kailangan kong magtrabaho? Kaya ko namang isabay ang kalandian ko at trabaho ah?
“Mabuti pa ang pinsan mo, ikakasal na. Pero ikaw? Maawa ka naman sa sarili mo, Liza, bente-otso ka na! Ano bang plano mo sa buhay? Baka mamatay na lang ako, hindi ko man lang masisilayan ang apo ko!”
“Mama naman. Si Ante Doring nga, kwarenta na hindi pa nag-aasawa. Nag-aalala ka sa’kin na bente-otso pa ‘ko.” Pagtukoy niya sa kapatid ng kaniyang Mama na kwarenta anyos na pero hindi pa rin nag-aasawa.
“Aanhin ko ‘yang Ante Doring mo? Baka hindi na nga dinudugo ‘yon.” Sabay pa silang nagtawanan ng Mama niya. “Ang pinag-uusapan dito, ikaw! Nag-iisa ka na nga lang na anak ko tapos ang tagal mo pa mag-asawa.”
“Sabi naman kasi sa’yo, Mama. Tulungan mo ‘kong maakit si Luther. Edi sana may apo ka na ngayon. Ang hina mo rin, eh.”
Napailing na lang ang kaniyang Mama at binato siya ng tailor’s chalk at baka daw matauhan siya. Akala mo naman talaga, nababaliw na siya eh. Pero hindi. Kilala niya si Luther at alam niyang hindi bakla ang kaibigan niya.
Kaibigan niya talaga si Luther mula pa no’ng college. Classmate nga niya ito sa minor subject niya noon. At no’ng mga panahong ‘yon, bakla na talaga ito. Pero may isang sagot siyang pinanghahawakan sa kaibigan niya. Ang sinabi nitong kung mag-aasawa daw ito ay gusto nito ng babae.
At alam niyang ang sinasabi nitong babae ay walang iba kun’di siya.
Delulu ka na naman, girl. Imposibleng ikaw ‘yon. Hindi nga ikaw ang kausap niya no’n, eh. Nakikinig ka lang sa usapan nila.
Mabilis siyang nagbuga ng hangin at nagsimula na lang mag-layout ng pattern sa drafting paper. Minsan naiisip niya talaga na imposible pero ngayon pa ba siya susuko? Syempre, hindi.
“Alam mo, anak. Minsan naniniwala ako sa’yo na hindi siya bakla.”
“Bakit po, Ma?” mabilis niyang tanong sa kaniyang Mama. Nagtigil pa siya sa ginagawa niya para harapin ito.
“Wala lang, gusto ko lang maniwala minsan sa kabaliwan mo,” anito na sinamahan pa ng tawa.
Ay talaga naman, oh. Akala ko totoo na, na-fake news na naman pala ako. Basta alam ko sa sarili ko na hindi siya bakla, hindi ko lang alam kung paano patunayan.
Iwinaksi na lang niya sa sarili niya ang mga bagay na ‘yon at nagpatuloy na lang sa trabaho niya nang biglang tumunog ang kaniyang cellphone. Nagmadali siyang tingnan kung sino ang nag-chat at agad na lumitaw ang ngiti sa kaniyang labi. Si Luther lang naman ang nag-chat.
Luther: Bruha, paki-lock nga ang pinto ng bahay ko. Nakalimutan ko yatang i-lock dahil natatakot ako sa mukha mo kanina. Nasobrahan ang blush-on mo. Tenks!
Hinampas-hampas ni Liza ang unan nang makapasok na siya sa kwarto niya. Hindi na nga niya kinausap ang Mama niya nang makarating siya sa bahay. Pakiramdam niya para bang pinagsakluban siya ng langit at lupa. Naiinis siya sa part na alam na nga ni Luther na ito ang crush niya pero nagawa pa nitong sabihin na huwag niya raw agawin ang boyfriend nito.“At bakit ko naman aagawin? Baliw ba ‘ko?” pagkausap niya sa sarili at humarap pa sa salamin. Tinuro niya ang sarili at tumaas ang kilay niya. “Ako? Baliw?” Mahina siyang natawa. “Baliw kay Luther, oo. Kaya hindi ang boyfriend ni Luther ang aagawin ko, kun’di si Luther mismo!”Kung kanina ay naiinis siya, iba na ang nararamdaman niya ngayon. Parang maganda yatang plano ang agawin si Luther sa boyfriend nito. Operation: Agawin si Luther!Nagpahid na siya ng luha at inayos na rin ang pagkakatali ng buhok niya. Walang patutunguhan kung iiyak lang siya nang iiyak. Hindi naman niya maaagaw si Luther kung iiyak lang siya sa kwarto niya diba? Mas
Hanggang sa matapos kunan ni Liza ng mga measurements ang pinsan niya ay hindi talaga lumabas ng kwarto ang hinayupak na Luther. Hindi naman siya isinilang kahapon para hindi malaman kung ano ang ginagawa ng dalawa sa loob.Hindi na niya alam kung tama pa ba ‘tong ginagawa niya. Mas iniisip niya kasi kung anong ginagawa ni Luther sa loob. Baka hindi nito gusto ang ginagawa nito. Pero napipilitan lang ito dahil gusto nitong lumayo siya.Hay nako! Delulu ka talaga, gurl. Galit na sigaw ng utak niya. “Are you okay? Is there something bothering you?” tanong ng pinsan niya nang mapansin na aligaga siya. Hindi rin naman talaga siya mapakali dahil gusto ng mga paa niya na lumapit do’n sa kwarto na pinasukan ni Luther.Kanina pa siya kating-kati na tanungin tong pinsan niya. Kung jowa ba talaga ni Luther ang kasama nito ngayon sa kwarto. Baka naman kasi diba kapatid lang or baka pinsan lang din. Napabuntong hininga na lang siya at nagkamot ng ulo.“Eh kasi, Kitty.” Panimula niya nang matapos
Kasalukuyang ginugupit na ni Liza ang mga tela na tatahiin ng Mama niya para sa araw na iyon. Siya na kasi ang nag-layout sa gown na ‘yon kaya pumayag na lang ang Mama niya na ito na ang magtahi basta daw puntahan na niya ang pinsan niya sa Butuan para makunan na ng sukat.Muli na namang na-open ng Mama niya ang tungkol sa pag-aasawa niya kanina. Hindi niya tuloy alam kung dapat ba siyang matuwa dahil ito na talaga ang naghahangad ng apo or dapat ba siyang ma-pressure dahil hindi niya alam kung makukuha ba niya talaga si Luther. Dahil tinaga na niya talaga sa bato na kung hindi niya mabibingwit si Luther ay hindi na talaga siya mag-aasawa. Ever! Period!Isa lang ang meaning no’n, hindi magkakaroon ng apo si Mama, bulong ng isip niya. Bakit ba kasi ayaw akong tulungan, eh. Edi tiba-tiba na sana kami.“Liza, tapos na ba ‘yan? May isa ka pang gugupitin dito bago ka lumakad.” Biglang tumaas ang kilay niya nang marinig ang sabi ng kaniyang Mama. Napatingin na lang siya sa isang nakatuping
Kanina pa nakasulyap si Liza Mae sa bintana ng kaniyang kwarto para masilip ang kaniyang crush na daig pa ang isang Koreana kung maglagay ng foundation. Kasalukuyang nakaharap sa salamin si Luther at kitang-kita niya kung paano ipinahid ng binata ang hawak nitong brush sa mukha nito.“Ay talaga naman, oo!” aniya sa sarili. “Kung makapahid ng brush ay akala mo talaga babae, eh. Pero sabagay, ako nga na babae hindi marunong mag-make up. Kung magpaturo na lang kaya ako sa kaniya para kunwari may reason ako para makalapit.” Napailing na lang siya sa naisip niya. Kung ano-ano na naman ang naiisip niya.Umayos na lang siya ng upo at nilakihan ang bukas ng kaniyang kurtina. Ang gwapo talaga ng crush niya, hindi halatang baliko. Ang sarap ngang hawakan ang muscle nito, panigurado na hindi malambot ang mga iyon.Isa rin sa dahilan kung bakit hindi siya naniniwala na bakla ito dahil sa katawan din nito. Ang laki ng katawan ni Luther. Alam mo ‘yong katawan na nakikita mo sa mga Rated SPG? Gano’n
Nakahinga na nang maluwag si Liza Mae nang sa wakas ay nakasakay na siya sa tricycle at eksaktong isang pasahero na lang ang kulang at puwede na silang umalis. Hindi nga rin niya maintindihan kung bakit nauwi siya sa ganito. Ang gusto lang naman sana niyang bilhin kanina ay ang bagong released na libro ng writer na iniidolo niya pero bakit nakita na lang niya ang sarili na pumasok sa tindahan ng mga gamit sa pagtatahi kung saan mayroon na siyang suki card. Kaya ngayon ang dami niya tuloy bitbit. Kung ano-ano pa kasi ang pinupuntahan, eh.“Finally, aalis na rin tayo,” ani ng katabi niya na umurong pa talaga palapit sa kaniya para magkaroon ng malaking puwesto. Mabilis na tumaas ang isang kilay niya habang hawak ang mga pinamili niya. Hirap na hirap na nga siyang hawakan iyon lahat pero mukhang hindi nakikita ng lalaking katabi niya. Hindi rin siya nagpatinag kahit pagod siya, mas lumapit pa siya sa katabi niya para magkaroon siya ng malaking puwesto. “Hoy, Miss! Grabe ka naman, naiip
Panay ngiti ang ginawa ni Liza Mae at pakanta-kanta pa nang makita niyang papasok na ang lalaking palaging laman ng kaniyang panaginip, walang iba kun'di ang lalaking nasa labas ng gate. Nakasuot pa ito ng uniform nito bilang guro at muli na naman nagkusang ngumiti ang mga labi niya.Ang pogi talaga ng crush ko, parang ang sarap ipasok sa puk- ay este sa pitaka ko! Kasyang-kasya ka talaga dito kasi wala ‘tong laman. Maraming space, natawa siya sa naisip pero agad din siyang napailing at tinampal ang sariling noo.“For goodness sake! Hindi pala siya straight na lalaki,” aniya sa sarili at muli na namang napailing. Tinitigan na lang niya si Luther na inaayos pa ang pants nito. “Ang lapit-lapit mo lang pero parang ang hirap mong abutin.”Ang hindi lang kasi niya maintindihan ay kung bakit sa isang baliko pa siya pinana ni Kupido? Puwede namang doon sa walang sabit, eh. Bakit doon pa sa lalaking hindi babae ang hanap? Sa dinami-dami ba namang lalaking matino, dito pa siya napana sa lalaki







