LOGINMabilis na naghanap ng dahilan si Kyros. “Don’t overthink it. Her dad helped me in the past. Gusto ko lang bumawi sa utang na loob.”
Kung noon niya ito idinahilan, posibleng maniwala ako. Sa puntong ito, ang nakaaalam pa lang ay si Royal, and administration at si Stella. Marahil ay ginigipit na siya ni Stella kaya hindi na siya nag-aaksaya ng oras.
“Kyros, ako ang masisira sa sorority. Idinahilan ko na sa kanila na pinutol ni dad ang credit cards ko kaya hindi ko na matulungan si Stella. Hindi tama na gumastos ako nang malaki sa bayarin ng iba. Ano na lang ang iisipin ng pamilya mo sa akin?”
His frown deepened. “Gawin mo na ito kahit ngayon lang, Gazelle. Ako naman ang magbabayad. Why must you be so stubborn about this?”
Hindi siya napalagay pagkatapos akong pagtaasan ng boses. Tiningnan ko lang siya nang walang emosyon.
“I’m… I’m sorry. You are right.”
Umalis siya ng villa nang nagmamadali, siguradong para i-console ang kanyang kalaguyo.
Nasasaktan ang puso ko ngunit kailangan kong maging matatag.
***
“Stella’s annual funds came from your fiancé’s office, but he still put them under your name,” Royal informed me as soon as I met her at her office.
Siyempre, gagawin niya iyon.
“Alam mo naman kung gaano kabilis ang tsismis sa sorority. Gusto lang isalba ng nagtataksil kong fiancé ang mukha niya.” Naihilamos ko ang dalawang kamay ko sa aking mukha, sinusubukang patigilin ang galit na namumuo sa loob ko
Nagdilim ang mukha ni Royal. “Hindi ako makapaniwala! Alam ng lahat kung gaano ka kamahal ni Kyros. Sinong negosyante o socialite ang hindi nakakaalam sa relasyon ninyo? Alam na alam ito ni Stella, pero inakit pa rin niya si Kyros?”
“At ’yan mismo ang dahilan kung bakit napakasakit ng pagtataksil niya.” Sumikip ang lalamunan ko. “Roy, alam mo ang nangyari dalawang taon na ang nakakaraan nang pakasalan ng papa ko si Cristina!”
Nag-isang linya ang kanyang labi. Dahil hindi lang basta kung sino si Cristina, naging kaibigan ko siya.
My family had built its empire in the petroleum business. Kaklase ko sa unibersidad si Cristina, isang taong pinagkatiwalaan ko nang sapat para patuluyin sa aming mansiyon. Tinulungan ko pa nga siyang makakuha ng slot sa Sinclair corporate college program gamit ang koneksyon ng pamilya ko para sa kanyang kinabukasan.
Pagkatapos sumakabilang buhay ng aking ina, ipinakita ni Cristina ang tunay niyang kulay. Halos isang buwan pa lang pagkatapos ng libing ng aking ina, inanunsyo na ng aking ama ang kanilang kasal.
Doon na inamin ni Cristina ang katotohanan: sinadya niyang akitin ang aking ama habang buhay pa ang aking ina, dahil determinado siyang makapasok sa pamilya namin. Tumawa pa nga siya nang maalala kung paano niya pinapasok sa kanyang silid ang dad ko, sa mismong ilalim ng bubong namin.
Hindi niya itinago kung gaano niya kinainggitan ang buhay ko.
Hindi ako makapaniwala na magagawa iyon ng aking ama. Kaedad ko lang si Cristina, nagpakasal siya sa babaeng pwede na niyang maging anak.
Bumuntong-hininga ako nang malalim. “Kung talagang mahal ako ni Kyros gaya ng sinasabi niya, hindi niya ako lolokohin.”
Nag-atubili si Royal. “Sigurado ka bang may relasyon sila? Ibig kong sabihin… baka may iba pang paliwanag.”
Pati si Royal ay nahihirapang maniwala na si Kyros, na palaging tapat sa akin, ay magagawa akong lokohin nang ganito.
Namiligpit ang sikmura ko nang magbalik ang alaala kagabi. “Nakita ng sarili kong mga mata, Roy. Umuwi ako at nahuli ko sila.” Nagbago ang tono ng boses ko. “Hindi ako gumagawa ng walang basehang akusasyon.”
Halata ang pagkaasar niya para sa nobyo ko. “Then what are you going to do? Kung masisira ang nakatakdang kasal ninyo, malaking pinsala ang aabutin ng pamilya mo. May mga ugnayan sa negosyo ang mga Ferrero at Sinclair, hindi ba
Hindi ko ito obligasyon. Pero alam ko ang kakayahan ng aking ama na manipulahin ang mga bagay-bagay hanggang sa wala na akong magagawa kundi ituloy ang alyansa sa mga Ferrero.
“I know! Kaya nga hindi ko magawang makipaghiwalay at umakto nang basta. I have to be strategic.”
Royal tapped her fingers thoughtfully against her desk. “Ang naiisip ko na lang na posibleng gawin mo ay pakasalan ang kapatid niya Sa ganoong paraan, mananatili ang alyansa, at mapapalaya mo ang sarili mo kay Kyros.”
I frowned. Maximus? He was a pervert, a control freak!
Dati niya akong sinusulatan ng mga liham na nagpapatayo ng aking balahibo.
Para niya akong hinuhubaran sa tuwing maghaharap kami kaya hanggat maaari ay iniiwasan ko siya sa mga pagtitipon ng pamilya or sosyal na kaganapan.
Naalala ko limang taon ang nakaraan, ang huling araw na nagkita kami ni Maximus.
I had been barely nineteen when Maximus cornered me at a charity gala and whispered “Kapag napagdesisyunan mong makipaghiwalay kay Kyros, inform me immediately. I’ll arrange our marriage without delay.”
Hindi ko sineryoso dahil tila siya demonyo na naghihintay kung kailan ako lalapain. Kinakabahan ako kapag kasama siya. Nasa isip ko noon na ginagawa niya iyon para balikan ang kanyang kapatid na si Kyros dahil hindi maayos ang relasyon ng dalawa.
Royal suddenly remembered, “Siyangapala, the Department of Health asked for the sorority’s presence to join RuralCare Foundation. Hindi kita inabala dahil alam ko na masyado kang abala sa schedule ng kasal mo. However, if you’re interested in traveling to Northwindbrook, I could draft a formal letter to your hospital director requesting your involvement.”
“I’ll go!” hindi ako nagdalawang isip na sabihin.
“Pero sa northern part iyon banda, Gazelle. It’s freezing out there. Hindi ka ba mahihirapan?”
“Siguradong mahihirapan. Ngunit sa puntong ito ay mas gusto ko na makalayo kay Kyros dahil hindi ko masikmura na kaya niyang magsinungaling nang harap-harapan sa akin. This trip gives him and Stella the perfect opportunity, and I need you to help me gather proof of their affair, Roy.”
***
Lumipas ang isang linggo. Natuloy ang trip namin ni Kyros sa pinakamalapit na farmhouse ng pamilya niya. Nagpasya kaming dumaan sa isang malapit na kainan para kumain, ngunit napuna ko na hindi mapalagay si Kyros habang kumakain kami. Tumunog ang kanyang telepono ngunit saglit lang niya itong sinulyapan bago kinansela ang tawag.
Umabot sa ikatlong ring ang tawag, at mapanuri ko siyang tiningnan.
“Hindi mo ba sasagutin? Baka may mahalagang bagay mula sa opisina,” udyok ko.
“Uh, tama ka. Hintayin mo ako saglit.”
Dinampot niya ang telepono, hinalikan niya ako sa noo bago lumabas. Sumunod ako nang patago, pumuwesto sa likod ng salaming pinto kung saan makikita ko siya. Nakatalikod siya sa entrada, walang kamalay-malay sa aking presensya.
“Ano ba ang sinusubukan mong gawin? Hindi mo man lang ba naisip, paano kung mag-isip nang masama si Gazelle?” tanong niya sa mababa at naiinis na tono.
May sumunod na katahimikan habang nakikinig siya sa kabilang linya.
“Malinaw ang napagkasunduan natin sa setup na ito… Wala kang karapatang masaktan… Pakiusap huwag kang umiyak… Babalik ako agad, pangako.”
Isang serbidora ang dumaan at tiningnan ako nang may panunuri. Siguro naisip niya na para akong creepy na nakikinig sa usapan ng iba. Inabutan ko siya ng 50 dollars na tip, huwag lang siyang magsalita.
She grinned. Satisfied, I returned to my seat and sipped my milkshake, feigning indifference.
Ininom ko ang milkshake at umaktong kalmado. May ideya na ako sa gagawin ni Kyros kaya nang sabihin niya sa akin ang plano niya ay umakto ako na nalungkot.
“I’m sorry, babe. May importanteng business trip na pinaaasikaso sa akin si Dad kaya kailangan kong bumalik kaagad sa Bryston City.”
“Sayang naman. Akala ko pa naman ay magkakasama tayo nang matagal dahil parehas tayong busy sa trabaho.”
“I know. I’m genuinely sorry about this,” sabi niya, habang inaabot ang aking kamay. “Bibigyan naman ako ng opisina ng mahabang bakasyon para sa honeymoon natin dalawa. By then, sayong-sayo ang oras ko.”
Ngumiti ako, pinilit na maging mainit ang aking ekspresyon, kahit pa nga dinudurog ang puso ko sa sobrang sama ng loob.
‘Pagsisisihan mo ang pagtrato sa akin nang ganito, Kyros.’
Pinukaw kaagad ni Nanny Beth ang isip ko, “Basta, pumunta ka na sa kuwarto ni Sir Max at maghanap ka ng isa sa mga damit niya para kay baby Lulu. Pangako mo lang sa akin na hindi mo bubuksan ang huling drawer ng kanyang dresser. Bawal na bawal 'yon, at tiyak na magagalit siya kapag nalaman niyang pinakialaman mo 'yon.”Hindi na ako nagdalawang-isip na sundin ang ginang. Bukod sa gusto kong malaman kung ano ang anyo ng silid ni Maximus, gusto ko rin matulungan si Lulu na maramdaman na mas malapit siya sa kanyang daddy.Bumukas ang pinto nang halos walang anumang maririnig. Nakikita ko ang kasambahay na pumapasok at lumalabas sa kuwartong ito araw-araw, pero kami ni Lulu ay hindi man lang naglakas-loob na humakbang sa loob. Isa ito sa mga silid na ipinagbabawal pasukin nang walang pahintulot.It looked nothing like I expected. Instead of a cold, dark bachelor’s room, it resembled the shared space of a husband and wife. The walls were
ElleTatlong araw na akong nag-aalala kay Lulu. Mainit akong tinanggap nina Nanny Beth at Mandy na hindi ko inaasahan, kaya naging mas madali akong nakapag-adjust kaysa sa mga iniisip ko.Nang unang araw, dumaan si Bonnie. Dinalhan niya ako ng mga personal na gamit matapos malaman na kinailangan kong mag-stay sa estate ng kanyang boss. Sa unang gabi ko ay pinahiram lang ako ni Mandy ng kanyang mga damit na magagamit.Ang pagpapanatag kay Lulu sa nursery school ang naging tunay kong pagsubok. Parang tuko na nakadikit sa akin si Lulu sa unang dalawang araw, habang tahimik na pinapanood ang ibang mga bata mula sa malayo. Pero nagbunga naman iyon sa ikatlong araw.Gumaan ang pakiramdam ko habang pinapanood siyang humahabol sa isang batang lalaki, na masayang tumatawa sa buong playground.Nakakausap ko rin sa chat si Maximus at pinadadalhan siya ng picture ni Lulu bilang update na rin sa kanya.Pero n
Kyros Habang papalabas ng restaurant, binabalot ng napakaraming tanong ang isipan ko. Nabilin ko na sa chef na mawawala ako nang ilang araw dahil pupunta ako sa Bryston. Ang mismong pag-iisip pa lang tungkol sa lugar na iyon ay sapat na para bumilis ang kabog ng dibdib ko.Simula nang umalis si Elle,, pinaimbestigahan ko kung saan makikita ang lokasyon ng numerong tinatawagan ko. Noong mga naunang araw, nasa South pa siya. Hindi ako nakuntento nang makausap ko muli si Elle. Inalam ko muli kung saan naroon ang kanyang numero.Dahil nakarehistro sa pangalan ko ang telepono niya, nabigyan ako ng access sa mobile signal nito, at doon ko natuklasan na pumunta siya sa Bryston.Agad na sumiklab ang matinding galit na bumalot sa buo kong pagkatao.Walang dahilan si Elle para magtungo sa lugar na iyon. Maliban na lang kung… nagbalik na ang mga alaala niya, o baka may natuklasan siya tungkol sa kanyang anak. Dahil nagtatrabaho siya sa organisasyon ni Cassian, siguradong may access siya sa mga i
MaximusAng mga duda ay nakatatak pa rin sa isip ko kahit nasa tatlumpung libong talampakan na ako sa himpapawid, habang umuungol ang mga makina ng eroplano patungong Europa.Nang mag-usap kami sa library, napansin ko na kaamoy ni Miss Elle si Gazelle. Kusa na lang nag-react ang katawan ko, tulad noong araw, na marahil ay siyang dahilan kung bakit hindi ko mailayo ang tingin ko sa kanya sa mga tahimik na sandaling kaming dalawa lang ang naiwan.Yet the differences nagged at me. Her accent carried the warm drawl of the American South, nothing like Gazelle’s. Napakaingat magkubli ng damdamin ang mga matang iyon na kulay asul... ibang-iba sa kung paano ako tingnan ni Gazelle noon, na puno ng kahinaang nagpapatigil sa paghinga ko.May gaspang sa himig ang boses ni Miss Elle, na para bang ilang taon siyang sumisigaw laban sa ingay o marahil ay nakaiyak na ng napakaraming luha.Pakiramdam ko ay siya si
ElleNabigla na lang kaming tatlo sa loob ng silid ni Lulu nang marahas na magbukas ang pintuan!Nanginig at tumigas ang buo kong katawan bago ko pa man ito namalayan. Hindi ko alam kung ano ang gagawin o iisipin; ang alam ko lang, galit ang boses ng lalaking biglang pumasok.Sa tabi ko, mabilis na tumayo si Mandy, ang kasambahay, na halatang kinabahan. Naningkit sa amin ang malamig niyang mga mata, na sapat upang manahi ang takot sa balat ko.“What’s going on here?” he demanded. “Daddy!” tili ni Lulu, na kumikinang ang mga mata sa tuwa habang tumatakbo patungo sa lalaki, at saka humahagikgik.“Naglalaro po kami! Ako po ang may-ari ng salon!” buong pagmamalaki niyang sabi, bago itinuro si Mandy. “Siya po ang beautician ko,” at itinuro naman ako, “and Miss Elle is my customer. Do you want to be my customer, too, Daddy?”Nakahahawa ang kanyang kasiyahan, kahit sa gitna ng tensyong kinalalagyan namin.Kinarga ni Maximus Ferrero si Lulu. Tingin ko ay kumalma na siya. “Gustong-gusto kong
Maximus“Paanong nangyari ito?” tanong ng aking ama.Lumabas sa screen ang manager mula sa London Branch, namumutla habang itinuturo ang breach analysis na makikita rin sa screen.“It happened while we were switching over to the new logistics app. We were right in the middle of updating the system when the hackers found a way in.”Tumikhim muna siya bago ipinagpatuloy ang mga detalye “Nakapasok ang mga hacker sa mga lokal na server at nakakuha ng walang pahintulot na access sa sensitibong data ng mga customer; lahat ng impormasyon na pribado.”Hindi lang ito basta-bastang breach; direktang paglabag sa mga batas sa proteksyon ng datos. We were already being investigated for slipping up on global security standards, and I knew we needed Lucas and his cybersecurity team now more than ever.“Boss, kung hindi natin ito malulutas agad, nahaharap tayo sa hanggang twenty million euros na multa!” paliwanag ng manager sa London. Sumulyap ako sa aking ama. Kita ko ang pagkaasar sa kanyang mukha,







