Sa shootHindi naging madali ang araw. Sunod-sunod ang adjustments. Every camera angle, every touch-up, sinisigurong flawless. Kasi kahit konting kapintasan, tiyak may screenshot, may meme, may bagong chismis.Sa break, humiwalay si Yukisha at nagpunta sa rooftop. Kailangan niya ng hangin. Pero wala pa siyang dalawang minuto doon, may sumunod na sa kaniya—si Xayvier. Paano ito nakarating ‘ron? hindi ba‘t nasa Conference Room dapat ito? Gusto niyang mag tanong ngunit mas inigi niya na itikom ang bibig.Tahimik silang dalawa. Hangin lang ang naririnig. Hanggang sa hindi na niya napigilan ang sarili at siya na ang unang nagsalita.“Hindi ako artista, Xayvier. Hindi ako sanay sa mundong ‘to.”Alam niyang naririnig siya nito kahit nakatalikod pa siya. Lumingon siya, at doon lang niya nakita ang pagod sa mukha ni Xayvier. Hindi ito ang CEO na palaging kontrolado ang lahat. Para itong taong may dalang panghihinayang.“I know. And I’m sorry.”Hindi niya inaasahang marinig ‘yon. Kaya napalingo
Ang paligid ay puno ng bulungan. Ilang oras pa lang mula nang matapos ang press launch ng Venin, pero trending na sa social media ang pangalan ni Yukisha—kasama ng salitang “private elevator scandal.”Sa studio ng isang primetime entertainment talk show, ipinasok ang pangalan niya sa rundown ng gabing iyon May title agad“Who is Yukisha Dawson, is she the secret heiress of Xayvier Juaquin’s heart?”Hindi pa man siya lubusang nakikilala, pero ang mga tao, may sarili nang bersyon ng kuwento. May nagsasabing girlfriend siya ng CEO. May nagsasabing padulas lang daw siya ng HR ng Juaquin Corp. May ilan pang mas malisyoso, at mas mapanakit.Samantala, sa condo unit niya, naka-pantulog na si Yukisha pero hindi mapakali. Hawak niya ang phone, paulit-ulit binabasa ang message ni Xayvier.“I won’t let them touch you.Pero kung pipiliin mong umiwas… igagalang ko.”Hindi ako iiwas.Bumalik lang ako sa simula.Pero totoo nga ba ito?Tumayo siya at lumapit sa bintana. Sa labas, tanaw niya ang mga
“She’s the face of temptation.” Ito ang line sa teaser ng Venin—isang signature fragrance ng Juaquin Corporation na ilang linggo nang pinag-uusapan ng luxury market bago pa man ilabas. Sa loob ng 15 segundo, ipinakita ang isang babae sa dilim—basa ang buhok, makislap ang balat, at maitim ang matang tila bumubulong ng kasalanan. Sa dulo ng clip: "VENIN. From Juaquin." “Model: Yukisha Dawson.” Isang baguhang pangalan sa industriya. Hindi artista, hindi influencer, pero pinili ng Juaquin bilang first face ng bagong luxury line. At dahil sa lakas ng brand—na kilala sa paglabas ng mga global best-selling perfumes—hindi na kailangang hintayin pa ni Yukisha ang spotlight. Sa unang sabak pa lang, headline na siya. _ Ang mga lente ay nakatutok kay Yukisha. Naka-arch ang likod niya sa upuan, habang ang kaniyang balat ay sinasamba ng malalambot na ilaw mula sa softbox. Ang usok sa paligid, ang telang halos dumikit sa balat niya, at ang lipstick na halos mag mukhang dug04n ang lab
BABALA: Ang kabanatang ito ay naglalaman ng maseselang tema at eksena na hindi angkop para sa mga menor de edad. Magpatuloy lamang kung ikaw ay nasa wastong gulang. 🔞 ~•~ “Try mo lang,” bulong ni Yukisha, pero may halong kiliti sa boses. Naniningkit ang mata niya habang hinahampas ng mahina si Xayvier sa dibdib gamit ang unan. “Eh ‘di try na nga,” tugon ni Xayvier, at walang babala siyang muling pumatong sa kanya, sabay ngiti ng ubod ng pilyo. Isang malambing na tili ang lumabas sa bibig ni Yukisha nang muling lumapat ang mga halik ni Xayvier sa kanyang leeg, parang binabawi ang bawat segundo ng kanilang pagkakalayo. Mainit, mapusok, at mas marubdob ngayon—tila ba lalong lumalim ang koneksyon nila sa gitna ng kasinungalingang ibinato nila sa ina ni Xayvier. “Xay… seryoso ka ba kanina?” usal ni Yukisha habang unti-unting nawawala ang kaniyang ulirat sa sunod-sunod na dampi ng labi ng binata. “Alin?” tanong nito habang humahaplos pababa ang mga daliri nito sa balakang ng dal
“Mom, let me explain,” ani Xayvier habang mabilis na itinakip ang unan sa dibdib niya, tila ba iyon ang magliligtas sa kaniya sa sermon ng kaniyang ina.Nakatayo pa rin si Mrs. Juaquin sa bungad ng pintuan, parang isang hukom na naghihintay ng paglilitis. Mabagal siyang pumasok, isinara ang pinto, at tumayo sa tabi ng kama na para bang hindi siya nasanay sa ganitong eksena — kahit halatang sanay na sanay na siya sa pag-aayos ng mga kaguluhan ng anak niya.“Please do,” malamig na sabi nito. “Dahil kung hindi mo ipapaliwanag, ako ang lalapit kay Katrina at aayusin ko ang skedyul ng kasal ninyo.”Parang binuhusan ng malamig na tubig si Yukisha sa ilalim ng kumot. Dahil sa tindi ng kaba, muntik na siyang mapahatsing. Pero nagpipigil pa rin siyang huwag magpakita ng mukha. May sandali pa siyang naisip kung kaya pa niyang gumapang palabas sa bintana. E kaso, penthouse ‘to — nasa tuktok ng building, matik mamat4y siya pag tumalon siya doon.“Mom…” hinagod ni Xayvier ang batok niya at pilit n
Mainit ang sinag ng araw na pumapasok sa malalawak na bintana ng penthouse. Kinain na ng hapon ang oras, pero sa loob ng silid ay tila nakalutang pa rin ang katahimikan mula sa matinding init ng damdamin. Nagising si Yukisha sa marahang paggalaw ng dibdib na inuunan niya. Mabagal ang bawat hininga, pero ramdam niya ang tibok ng puso ni Xayvier sa ilalim ng kaniyang pisngi. Kumunot ang noo niya nang mapansing mas maliwanag na sa silid, at saka lang niya naalalang wala pala siyang suot. Napasinghap siya nang bahagya, sabay higpit ng pagkakayakap sa kumot. Pero naramdaman niyang lalong humigpit ang yakap ni Xayvier sa kaniya mula sa likuran. Mainit ang braso nitong nakapulupot sa kaniyang baywang, at ang kamay nito’y marahang humahaplos sa kaniyang tagiliran. “Gising ka na pala,” bulong ni Xayvier, malalim at paos. “Hmm...” tangi niyang sagot habang dinadama ang mainit na katawan nito sa likod niya. “Anong oras na ba?” “Mga alas-tres na ng hapon,” sagot niya habang humalik sa ba