Home / Romance / Beyond That One Night Mistake / CHAPTER 3 => Runaway and Runway.

Share

CHAPTER 3 => Runaway and Runway.

last update Huling Na-update: 2025-05-27 16:30:51

Tumakbo siya palayo—mula sa kahihiyan, mula sa bigat ng isang gabing hindi niya inakalang mangyayari, mula sa sarili niyang mga desisyong hindi niya lubos maintindihan. Kinaumagahan matapos ang party, nagising siya sa isang malambot na kama ng hotel, sa kwartong banyaga, sa espasyo ng hindi pamilyar. Hindi niya maalala kung paano siya nakarating doon, pero malinaw sa kanya ang ilang bakas: ang amoy ng mamahaling pabangong panlalaki, ang pait ng whiskey sa dila, ang pangalan ng lalaki na paulit-ulit niyang iniungol, at ang init ng balat na halos sunugin ang buong pagkatao niya.

Nang lumingon siya, naroon si Xayvier.

Hubad.

Tahimik ang buong paligid, pero ang tibok ng puso niya’y parang tambol na nagsusumigaw ng pagkagulat, takot, at... may bahid ng pagsisisi.

Mabilis siyang bumangon, binuo ang sarili habang pilit sinisikil ang pag-iyak. Walang salitang binitawan. Walang paalam. Isinuot niya ang kaniyang damit, pinulot ang heels, at lumabas ng kwarto na parang magnanakaw.

Sa bawat hakbang papalayo sa hotel, naramdaman niya ang sakit ng pagkapunit ng kaniyang kaselanan—ang alala ng init na pinagsaluhan nila ng binata ay nag bigay ng matinding hiya at galit sa sarili na nag tulak sa kaniya upang tumakas.

Pagkauwi sa kaniyang bagong condo, agad niyang tinanggal lahat ng alaala ng party. Binura ang lahat ng mga litrato at videos, denilete ang mga tags. Nang makuntento ay nagkulong siya sa kwarto—pilit kinomport ang sarili sa instant noodles, kape, at pag-iwas. Hindi niya sumagot sa mga tawag, hindi binuksan ang messenger. Isang linggo siyang nawala—wala sa social media, at mas lalo na, wala sa sarili.

Sa bawat sulok ng unit niya, naroon ang anino ni Xayvier. Sa kama, sa banyo, sa salamin. Parang multong hindi niya mapalayas.

Hanggang sa dumating ang isang tawag.

“Yuki?” si Vina. Dati niyang kaklase sa Fine Arts, at Kaibigan rin na ngayon ay stylist sa isang mid-tier fashion agency

Tahimik si Yukisha. Hindi niya inaasahang may tatawag sa kanya.

“Buhay ka pa ba?” pabirong tanong ni Vina, pero ramdam ang pag-aalala. “A week ka nang nawawala. What happened?” Hindi ito naka sama sa party nila dahil sa kung anong dahilan kaya hindi nito alam ang nangyari.

“Wala. Napagod lang,” sagot niya, maikli, at mahina.

“Napagod? Hindi ka ganun. Hindi mo ako pwedeng lokohin, Yuki. Pero okay—hindi mo kailangan magkwento ngayon. Actually, may reason ako kung bakit ako tumawag.”

Nag-ayos ng upo si Yukisha. “Ano ’yon?”

“May casting call ang Illustre Models. Naghahanap sila ng fresh face for a new luxury perfume line—avant-garde concept. Alam mo 'yung brand na Juaquin’s?”

“Yung may ad campaign na something about purfumes?”

“Exactly that brand. Gusto nila ng fresh, fierce, at hindi pa kilalang model. Gusto nila ng someone na may ‘mystery’. And girl, that’s you. Gusto mo bang subukan?”

“Vina, hindi ako model. Wala akong experience.”

“Hindi mo kailangan ng experience, kailangan mo ng presence. You have that. Trust me. Nagpadala ako ng ilang photos mo sa creative director—‘yung shots na kuha natin nung thesis exhibit? Naalala mo yung naka-all black ka na may red eyeshadow? Nabighani sila. You just need to show up.”

Tahimik muli si Yukisha. Gusto niyang tumanggi, pero ayaw din niyang manatili sa dilim.

“Okay. Kailan?”

“Bukas. 3 PM. May fitting muna. Casual look lang. Trust me on this, Yuki.”

Kinabukasan, tinungo ni Yukisha ang address na ibinigay ni Vina. Isang lumang bodega sa Makati na ginawang studio—malaki, puti, puno ng mga ilaw at taong mukhang hindi natutulog. Maingay ang paligid, pero sa gitna ng kaguluhan ay may ayos na sistema.

“Hi, ikaw si Yukisha Dawson?” bungad ng isang babae, mahaba ang buhok at may headset.

“Opo.”

“Dito ka muna, we’ll do a quick test shoot. Papakilala kita kay Jules, siya yung casting head.”

Ipinasok siya sa isang maliit na dressing room. Walang glam team. Walang makeup artist. Binigyan lang siya ng plain black tank top at fitted jeans. Sinuklay niya ang sarili sa harap ng salamin. Nilagyan lang ng pulang lipstick ang labi—parang pananggalang. Hindi para gumanda, kundi para magmukhang matapang.

Paglabas niya, sinalubong siya ni Vina, nakangiti. “Don’t worry, nandito lang ako.”

Sa harap ng camera, pinapihit-pihit siya. Pinatayo sa liwanag. “Look straight. Now tilt your head. Eyes closed. Very good.”

Pagkatapos ng ilang minuto, lumapit si Jules, isang Britong lalaki na naka-all black, may salamin at hawak-hawak ang tablet.

“She’s raw,” sabi niya kay Vina. “But captivating. Like someone with secrets.”

“Yup. Told you,” sagot ni Vina, siniko si Yukisha. “Puwede ba siyang isama sa final list?”

“Hmm. Actually…” saglit na nag-isip si Jules. “Let me show her portfolio to Margot—creative lead for Juaquin’s new scent. They’re still choosing the face of the line. If she fits the theme, we’ll call.”

Lumipas ang tatlong araw. Tahimik muli ang condo ni Yukisha. Bumalik siya sa instant noodles, sa kape, at sa pagtitig sa kisame. Hindi siya umaasa, pero hindi rin niya mapigilang maghintay.

Hanggang isang gabi, biglang tumunog ang telepono.

“YUKI!” si Vina, halos sumisigaw. “Girl, nakuha mo!”

“Ha? Ano’ng nakuha ko?”

“Pinili ka ng Juaquin’s Perfume! Isa ka sa dalawang final faces para sa bagong scent nila, Venin.”

“Venin?”

“French for ‘venom,’ babe. As in lason. Pero yung tipong lason na gusto mong tikman kahit alam mong delikado. It’s their boldest, sexiest campaign yet. At sabi ng creative head, bagay sa'yo. Fierce, and Sensual.”

Hindi agad nakasagot si Yukisha.

“May test shoot ka sa Sabado. Sa isang private villa sa Tagaytay. May stylist, glam team, concept shoot director. Gusto nila’y ikaw yung babae sa gitna ng panganib—The Temptation." Nagusap pa sila saglit bago pinutol ng kaibigan ang linya, hindi parin siya makapaniwalang natanggap siya bilang isang model ng pabango, isa rin ito sa mag sisilbing patunay na pwede niyang ipakita sa mga magulang na kaya niyang mabuhay ng independent.

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Ianne_Blue_Butterfly
Go rise my queen!!!
Tignan lahat ng Komento

Pinakabagong kabanata

  • Beyond That One Night Mistake   CHAPTER 66 => Tatlong Araw.

    Isa.. Dalawa.. Tatlo.. Tatlong araw na ang lumipas mula nang ibalita ng doktor kay Xayvier na wala na ang kanilang anak. Tatlong araw na rin mula nang itaboy siya ni Yukisha—ang babaeng pinakamamahal niya mula sa silid na kinalalagyan niyo sa ospital. Tatlong araw na siyang walang tulog. Ngunit kahit gaano siya kapagod, hindi siya dinadalaw ng antok. Parang gising din ang kaluluwa niyang hindi mapanatag, nag lalakbay sa gitna ng kadiliman. Tatlong araw na siyang hindi kumakain. Pero hindi rin siya nakakaramdam ng gutom. Wala na siyang gana sa kahit anong bagay. Wala nang saysay ang lahat. Tatlong araw na rin siyang hindi naliligo. Suot pa rin niya ang tuxedo na ginamit niya noong araw na ibinalita sa kanya ang pag kamatay ng kanyang anak ang araw na gumuho ang mundo niya. Gusot na, marumi, at bahagyang may mantsa ng alak at dugo. Pero hindi na niya alintana ang itsura niya. Para saan pa? Tatlong araw na siyang nakaupo sa malamig na sahig ng kwarto nila ni Yukisha—tulalang naka

  • Beyond That One Night Mistake   CHAPTER 65 => Accepting the heartbreaking truth.

    Dahan-dahang dumilat si Yukisha. Napatingin kay Xayvier. Mahinang ngumiti. “Xay…” bulong nito, halos walang lakas. Tumango siya. Lumuhod sa tabi ng kama. Hinalikan ang palad nito. “Yuki…” "Ang baby natin…?" Hindi agad siya sumagot. Tumingin siya sa mga mata nito, mga matang puno ng inaasam na sagot. Pag-asa. Pero alam niyang ang isasagot niya ay isang bagyong hindi nito inaasahan. Tumingin siya sa sahig. Napapikit. Nanginginig ang boses. “Hindi siya... hindi siya naka-survive.” Tahimik. Tahimik ang buong silid. Napahawak si Yukisha sa tiyan niya. Walang galaw. Hindi rin siya umiyak agad. Para bang hindi totoo. Para bang inisip niya’y baka nananaginip lang siya. “Hindi…” mahinang bulong nito. “Hindi, Xay…” Napatakip ng bibig si Delilah at Donatella habang lumalayo sa kama. Ang nurse ay tahimik na lumabas. Si Xayvier ay nanatiling nakaluhod, pinipilit yakapin si Yukisha. “Yuki… I’m sorry… They did everything…” "Umalis ka," mahina pero mariin na utos ni Yukis

  • Beyond That One Night Mistake   CHAPTER 64 => The baby is Gone?.

    “We are sorry for your loss, Mr. Juaquin.” Parang isang guhit ng kidlat sa gitna ng tahimik na gabi ang mga salitang iyon. Wala siyang narinig pagkatapos noon. Wala na siyang naramdaman kundi ang biglang paglubog ng mundo. Tumigil ang lahat. Ang bawat segundo ay parang tumatama sa dibdib niya gaya ng mga suntok na siya mismo ang nagpapatama. Nagtagpo ang paningin nila ng doktor. Tila may gusto pa itong sabihin, ngunit wala nang lumabas na salita. Marahang tumango ito at bumalik sa loob ng operating room, iniwang bukas ang pintuang sa isang sandali lang ay puno ng pag-asa—ngunit ngayo'y mistulang bukas na kabaong. “Anak ko…” mahina at halos hindi marinig na bigkas ni Delilah. Napatakip ito ng bibig at saka tuluyang napaluhod. Nabitawan niya ang hawak na rosaryong kanina pa niya kinakapit. Bumagsak sa sahig kasabay ng pagkabagsak ng puso niya. Wala siyang maisip. Wala siyang maramdaman. Wala siyang masabi. “Hindi totoo ‘to…” bulong ni Xayvier. Pilit niyang iniiling ang ulo ni

  • Beyond That One Night Mistake   CHAPTER 63 => Bad News

    "Ano sinabi 'yon ng doktor? Hala, anong gagawin natin? Anong sinabi mo sa doktor, pumili ka ba sa kanilang dalawa?" tanong ni Delilah sa kanya, bakas sa mukha nito ang kaba at pag-aalala. Umiling siya, "Hindi po, hindi po ako namili. Sinabi ko na kailangan niyang iligtas ang asawa at ang magiging anak ko," saad ni Xayvier habang nakayuko. Ang boses niya'y halos hindi na marinig, parang sinasakal ng emosyon. Ang mga kamay niyang malamig, pinipigilan pa ring manginig habang paulit-ulit na bumabalik sa kanyang isipan ang huling tanong ng doktor "Sino ang pipiliin mo?" Hindi niya kailanman inakala na mapupunta siya sa ganitong sitwasyon. Isang desisyong hindi niya pinangarap gawin kahit kailan. Buong akala niya ay sapat na ang pagmamahal, sapat na ang panalangin, sapat na ang presensya para maiwasan ang ganitong sakit. Ngunit ngayon, nakaupo siya sa labas ng emergency room, hindi alam kung mabubuo pa ba ang mundong sinimulan nilang buuin ni Yukisha. "Huminga ka ng malalim," bulong ni

  • Beyond That One Night Mistake   CHAPTER 62 => Save them Both.

    Walang nagawa ang doktora dahil mukhang disidido na talaga si Xayvier at hindi na mag babago pa ang isip nito. Nag paalam na lamang ang doktor at saka pumasok muli sa loob ng emergency room. Huminga siya ng malalim at saka mariing ipinikit ang mga mata, 'Almighty god please save my Wife and my child, I want to spend my life with both of them in it.' habang nasa gitna ng malalim na pag-iisip si Xayvier ay may naramdaman siyang mainit na kamay na humaplos sa kanyang balikat. "Xayvier anak ano ang nangyari gusto kong malaman ang pinagmulan ng aksidenteng sinasabi mo, pero kung hindi ka pa handa sa ngayon na magkwento, ayos lang naman. Gusto lang namin na iparamdam sayo na nandito lang kami para sayo, sabay-sabay nating ipagdasal ang mag- ina mo." na palingon si Xayvier sa pinagmulan ng boses at bumungad sa kanya ang kanyang ama at ina ngumiti sa kanya ang kanyang ama.' iho ng ma-receive namin ng mama mo ang mensaheng ipinadala mo ay agad kaming pumunta rito nag-aalala kami sa inyo anak

  • Beyond That One Night Mistake   CHAPTER 61 => Between Yukisha & Their Child

    Pilit niyang inangat ang kanyang tingin sa doktor, namumugto ang kanyang mga mata. Nanlalamig ang katawan ni Xayvier. Parang tinanggalan siya ng hangin. dahil sa narinig."Teka, mali ata ang pagkakarinig ko. Anong... ibig mong sabihin na You could only save one? Ililigtas mo silang dalawa, 'di ba?"Tumahimik ang doktora. Napatingin ito sa sahig, saka bumuntong-hininga muli."Kung pareho po silang lalagyan ng intervention, may mataas pong posibilidad na mawala silang pareho. Kailangan po naming ituon ang atensyon namin sa isa—""Hindi pwede. HINDI AKO PWEDENG PUMILI!""Sir, alam kong mahirap. Pero kailangan po natin ng desisyon. Hindi po sapat ang oras natin. Kailangan naming simulan ang emergency procedure sa loob ng tatlong minuto. Please makisama po kayo, kasi habang mas tumatagal ang proseso ay mas lalong nagiging komplikado ang lagay ng buhay ng pasyente..."Umikot ang paningin ni Xayvier. Hindi niya alam kung paano pipili. Ang babae na hindi niya pa ganap na asawa, pero ito ang b

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status