Home / Romance / Beyond That One Night Mistake / CHAPTER 4 => Crossed Paths

Share

CHAPTER 4 => Crossed Paths

last update Last Updated: 2025-05-27 16:32:16

Nasa venue na ang dalaga suot lang ang oversized coat, shades, at kumpiyansang pilit pa ring binubuo. Pinakilala siya sa team: isang Italian photographer na si Luca, stylist na si Renz, at art director na si Margot—babaeng matangkad, maputla, at may titig na parang scanner.

“Is this her?” tanong ni Margot kay Vina.

“Yes, she’s Yukisha.”

Lumapit si Margot, saka lumibot sa paligid ni Yukisha. “You’re not the classic beauty. That’s good. We don’t want pretty. We want danger.”

Ang concept: siya ang embodiment ng Venin—isang halimuyak na makakasindak at makakaakit. Isang halimaw na hindi mo iiwasan kahit alam mong masasaktan ka. Suot niya ang sheer black bodysuit, thigh-high leather boots, at pulang lipstick na parang dugo. Ang buhok niya’y basang-basa, nakakalat sa balikat, habang sa likod ay may itim na kabayong nakatali—raw, primal, powerful.

“Give me heat,” sabi ni Luca habang kinukunan siya. “Give me seduction, pero hindi cheap. Isa kang lihim. Isang bitag.”

Sumunod si Yukisha, gumiling ang baywang, tumingin sa camera na parang bumubulong. Hinawi ang buhok, yumuko ng bahagya, saka dumilat na parang may isinisigaw ang mata. Sa bawat flash, bawat pitik ng ilaw, mas nadadagdagan ang dating siya.

Sa dulo ng shoot, tumigil ang lahat.

Si Margot, natahimik. Tumango.

“She’s not the face of Venin. She is Venin.”

Ilang araw mula nang lumabas ang unang campaign shoot ni Yukisha, hindi pa siya lubos na makapaniwala na maging bahagi na ng isang creative agency. Hindi pa siya sikat, pero napapansin. Hindi pa siya kilala ng lahat, pero binubulong na ang pangalan niya sa mga casting calls.

Hindi naging madali ang pagsisimula. Sa bawat shoot, kinailangan niyang patunayan ang sarili. Minsan nagkamali siya sa poses, minsan kinailangang ulitin ang walk ng higit sa tatlong beses. Pero may kakaiba sa kaniya—isang presensya. May nararamdaman siyang isang mata na laging naka subaybay sa lahat ng shoots niya, binabantayan ang mga kilos niya. Ngunit ipinag sa walang bahala na lamang niya iyon marahil isa lamang iyon sa mga trabahador sa set na nanunuod sa kanila.

Si Vina, ang kaibigan niyang stylist, ang naging tulay niya sa mas malaking mundo. Ito rin ang unang nagbanggit ng posibilidad na maisama siya sa isang proyekto para sa Juaquin’s, isang luxury perfume brand na kilala sa sensual at avant-garde na mga kumpanya.

“Yuki, may paparating na event. Anniversary ng Juaquin’s. Hindi pa confirmed, pero mukhang gusto ka nilang imbitahan. Hindi pa campaign ha, presence lang. Pero malaking bagay ito. Kasi andun ang mga decision makers”

“Bakit ako?” tanong niya, habang tinatapalan ng concealer ang eye bags niya matapos ang magdamagang shoot.

“Because you’re new, but unforgettable. At aminin mo, may chemistry kayo ng camera.”

Napangiti si Yukisha. Hindi niya inakalang maririnig niya ito kahit kailan. Pero hindi niya rin maikakaila—sa tuwing haharap siya sa lente, parang may hinahanap siyang hindi niya maipaliwanag. Hindi fame. Hindi validation. Parang… isang pangarap na hindi niya maipaliwanag.

Ilang araw ang lumipas, at dumating ang imbitasyon. Gold-embossed. Private gala para sa 15th anniversary ng Juaquin’s Perfume. Venue: Grand Étoile isang restored mansion sa Forbes Park.

Hindi siya nagdalawang-isip. Hindi dahil sa ambisyon, kundi sa kutob. Parang may itinutulak sa kaniya.

Dumating si Yukisha sa event suot ang isang itim na gown na mababa ang neckline, backless at may slit hanggang hita. Walang labis, walang kulang—elegante pero delikado. Ang buhok niya ay nakapusod ng maluwag, at ang makeup ay smokey at mapang-akit. Hindi niya alam kung sino ang makakasalamuha niya roon, pero alam niyang kailangan niyang huminga ng malalim marahil isa iyong luxury party at tiyak na maraming mga negosyante at kilalang mga tao ang naroron.

“Yuki!” bungad ni Vina, sabay akbay. “Girl, you look lethal.”

“Dapat lang. Pabango ang tema di ba? Kailangan lason.”

Tumawa si Vina. “Exactly. Anyway, huwag kang mawawala mamaya ha. May program. At may big reveal.”

“Anong klaseng reveal?”

“Secret. Pero may clue ako. Someone important is finally stepping into the spotlight.”

Bago pa siya makatanong pa, tinawag na si Vina ng ibang stylist. Naiwan si Yukisha, nakatayo sa tabi ng isang flower arrangement na amoy mamahaling jasmine at sandalwood. Parang pamilyar. Parang...

“Venin,” bulong niya sa sarili. Ang pabango sa ad na pinangarap niyang mapasama.

Ilang minuto pa ang lumipas, nagsimula na ang program. May live classical music, may video montage ng history ng brand, at ilang fashion film na umani ng palakpakan. Nang matapos ang mga ito, lumapit ang isang executive sa entablado.

“Ladies and gentlemen,” anunsyo nito, “tonight is a special night. As we celebrate 15 years of excellence, we also welcome a new face—a muse who captured the essence of our next fragrance. But before that... allow us to finally introduce to you, for the very first time in public, the man behind Juaquin’s Perfume. The elusive force. The visionary. Mr. Xayvier Juaquin.”

Tahimik si Yukisha.

Parang tumigil ang oras.

Sa entablado, isang lalaki ang umakyat. Matangkad. Naka-itim na suit. Walang tie. Bukas ang unang butones ng damit. Malinis. Matikas. May hawak na baso ng champagne, na nag pahiyaw sa lahat.

Si Xayvier.

Hindi siya agad makagalaw sa kinatatayuan. Pero habang lumalakad ito patungo sa gitna ng entablado, hindi na siya nagduda. Ang lalaking iniwan niya sa kama. Ang lalaking pilit niyang nilimot. Ang lalaking naging anino sa bawat photoshoot niya. Siya pala ang may-ari.

“Thank you all for being here tonight,” panimula ni Xayvier. Malamig ang boses, ngunit may bigat sa bawat salita. “Fifteen years ago, Juaquin’s was a name. Today, it’s a language. A scent that speaks to your skin, to your memory, to your desire.”

Napatingin siya kay Yukisha. Tila walang ibang tao sa silid. Tila sila lang.

“And soon,” dagdag ni Xayvier, “you’ll witness the face of our next fragrance. Someone who surprised even us. Someone unforgettable.”

Tumindig ang balahibo ni Yukisha. Hindi siya sigurado kung siya ang tinutukoy. Pero sigurado siya sa isang bagay—hindi pa tapos ang istorya nila.

Sa mga palakpak ng crowd at flash ng kamera, siya lang ang tahimik.

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Ianne_Blue_Butterfly
ayy wow baka sila talaga ang para sa isat isa, pinag tagpo pero di tinadhana
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Beyond That One Night Mistake   CHAPTER 95 => The Trace of a Mole

    FEW DAYS AGO...Pagkatapos ng mabigat na pagpupulong at ng matinding emosyon mula sa CCTV footage, napagpasyahan ng grupo na hati- hatiin ang trabaho. Ngunit para kay Xayvier, hindi sapat ang nakita nilang ebidensya. Kailangan niya ng mas matibay, mas kongkreto. Kaya’ t nang makaalis ang sina Leanxro, Nathaniel at Dominic ay nanatili siya sa silid kasama si Rafael.Tahimik ang buing kwarto. Ang tanging maririnig ay ang mahinang tunog ng mga keys sa laptop ni Raf at ang mahinang ugong ng aircon.“Hindi ko kayang umasa lang sa mga hinala, Raf,” basag ni Xayvier sa katahimikan, malamig at mabigat ang boses. “Kailangan natin ng bagay na hindi nila kayang itanggi. Kung CCTV lang, madali nilang pekein o burahin. Pero kung makukuha natin ang mismong mensahe nila, ang mismong galawan nila… iyon ang magpapatumba sa kanila.”Tumango si Rafael, nakakunot ang noo habang nakatutok sa laptop. “Naiintindihan ko, Xayv. Kaya nga pinakilos mo na ang iba para diyan diba? Pero ibang level na ‘to. Ang kah

  • Beyond That One Night Mistake   CHAPTER 94 => Third Mission Part ||.

    Pero habang lumalakad si Joy papunta sa filing cabinet, may napansin si Nate: mabilis itong sumulyap sa cellphone na nakapatong sa mesa. At hindi iyon typical na check lang ng notification; parang may inaantabayanan. “Joy,” biglang sambit ni Nate, “pinaunlakan na ba ni Xayvier na gumamit ka ng telepono sa oras ng trabaho? Siguro boyfriend mo 'yan ano? Kanina ka pa tingin nang tingin sa phone mo eh.” Halos mabilaukan si Joy. “Ha? Wala noh! Gawa-gawa mo lang ‘yan.” “Talaga lang ha? Baka mamaya kaya apla hindi mo nararamdaman ang pagod dahil may nag 'goodmorning babe, goodluck sa work mo, galingan mo lang lagi I'm always proud of you, iloveyousomuch.' kana pala,” pang-aasar pa niya, pero sa loob-loob niya, nagtataka siya. Kanino bang minsahe ang kanina mo pa inaabangan Joy? Hindi siya pinansin ni Joy at nagpatuloy lang ito sa pagsasalansan ng files, tila ba iniiwas ang usapan. At doon mas lalong kinutuban si Nathaniel. Habang nakaupo, pinanood niya kung paano kumuha si Joy ng isa pa

  • Beyond That One Night Mistake   CHAPTER 93 => Third Mission.

    Tahimik ang biyahe ni Nathaniel papunta sa Juaquin's Corporation. Alam niyang wala si Xayvier sa opisina dahil abala ito sa mansyon at inaasikaso ang nangyari kay Yukisha kasama si Rafael. Kaya’t iyon ang perfect timing para makalapit at makapagmasid kay Joy nang hindi halatang nagmamanman. Pagpasok niya sa Juaquin's Corporation, pagbukas pa lang ng glass door, agad siyang binungaran ng security guard. "Uyy magandang umaga sainyo sir Nate." Bati ng SG sa kanya agad naman siyang sumaludo dito habang nakapaskil ang kingkoy niyang ngiti. "Magandang umaga chiff, iba ang aliwalas ng mukha mo ngayon ah siguro naka score ka kay misis noh?" Tinawanan naman siya ng SG "Nako sir hindi pi, sahod kasi ngayon kaya masaya ako." Saad nito na ikinatawa nila pareho, nag paalam na si nate at dumeretso sa front desk. Mabilis namang bumujgad sa kanya ang isang bagong receptionist. “Good morning, sir! May appointment po ba kayo?” tanong ng babae, nakangiti pero halatang sanay na sa mga bisitang hindi

  • Beyond That One Night Mistake   CHAPTER 92 => Second Mission Part ||

    “Napansin ko, Nay,” bungad ni Dominic habang humihigop ng gatas, “na madalas kang may hawak na notebook. Listahan ba ‘yan ng utang namin sa turon mo?” “Listahan ng kasalanan ni Xayvier,” sagot ni Nanay Linda sabay tawa. “Pero seryoso, anak… ito ang history ng bahay. Kahit bago pa ako, ang lola ng lola ng lola ko na ang nag-aalaga ng pamilya nila. Lahat ng nangyari rito — sa mansion, sa pamilya, sa mga empleyado — sinusulat ko. Parang journal na rin.” “Kasama ba kami ro’n?” tanong ni Dominic. “Lahat kayo,” sagot ni Nanay Linda. “Simula nang una kayong tumakbo sa hallway na may tsinelas na sumabog ang strap… hanggang sa una mong niligawan na driver’s daughter.” Natatawang saad nito at marahan pa siyang hinampas sa balikat dahilan upang lumislis ang apron ng matanda at bumungad ang lumang isang keychain na nakasabit sa pang ibabang suot nito. “Grabe, Nay!” Halakhak ni Dominic habang palihim na naka sulyap doon sa keychain. Ngunit habang natatawa siya, napansin niyang bahagyang

  • Beyond That One Night Mistake   CHAPTER 91 => Second Mission.

    Habang si Leandro ay tahimik na sinusundan si Alfred sa mga blind spot ng compound, at si Nate nama’y pinagmamasdan ang bawat kilos ni Joy, isang mas personal na misyon ang nakaatang sa balikat ni Dominic — ang bantayan ang pinaka- inosente sa lahat: si Nanay Linda. Hindi ito isang ordinaryong pagsubaybay. Hindi ito tulad ng kina Alfred o Joy, na may malinaw na koneksyon sa seguridad ng pamilya o access sa sensitibong impormasyon. Marahil ay kahit na matagal nang nag tatrabaho ang pamilya ni Nanay Linda ngunit hindi kailanman nalaman nang mga ito ang misteryong bumabalot sa pamilyang Juaquin. Pero ayon sa plano ni Xayvier, kailangang walang palampasin. Kahit sino, kahit ano, oras na mag kasala ka patay ka. Iyon ang kaisa- isang batas ni Xayvier. Kaya kahit ang isang tulad ni Nanay Linda na may matagal nang Ugnayan sa pamilyang Juaquin ay wala paring takas. Simula bata pa sila Xayvier, Leandro, Nathaniel, Dominic at Rafael si Nanay Linda na naginh pangalawang nanay nilang Nanay,

  • Beyond That One Night Mistake   CHAPTER 90 => First Mission, Part ||.

    Pagkatapos noon, bumalik ito sa guardhouse at nakipag- usap muli sa mga tauhan. Isa -isang kinamusta ang bawat assigned shift, at binigyan ng maikling payo ang ilan na baguhan pa. Walang halong pananakot o pang- aabuso ang kanyang estilo. Bagkus, halatang nirerespeto siya ng mga tao dahil sa kanyang pamumuno. Tahimik na nagpatuloy si Leandro sa pagsubaybay hanggang tanghali. Lahat ng kilos ni Alfred ay normal —mula sa pagtanggap ng ulat, pag- inspeksyon sa perimeter, hanggang sa simpleng pagkain ng tanghalian kasama ang dalawa sa kanyang mga tauhan. Wala siyang ipinakitang kahit anong kahinahinala. Bawat galaw nito ay sistematiko, halos parang nakasulat sa manual. Kapansin- pansin kung paano nito sinisilip ang bawat gate, binubuksan at isinasara ang mga logbook, at paulit-ulit na kinukumpirma ang mga oras ng pagpasok at paglabas ng mga sasakyan. Kung may nagtanong, mahinahon siyang sumasagot, diretso at malinaw ang tono, walang bahid ng pagkabahala. Kahit ang simpleng paglalakad niya

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status