Home / Romance / Beyond That One Night Mistake / CHAPTER 46 => Evil Plan.

Share

CHAPTER 46 => Evil Plan.

last update Last Updated: 2025-06-21 22:27:51

Tahimik ang paligid. Kahit ang mga reporter ay tila natameme. Wala ni isang nagtangkang magsalita. Parang biglang naglaho ang usisero nilang kuryosidad at napalitan ng tensyon.

“Hindi porket may pera kayo, kayo na ang tama,” dagdag pa ni Xayvier. “Hindi porket may impluwensiya kayo, kayo na ang may lisensya para manghusga. Dahil kung iyon ang batayan, mas madumi kayo sa babaeng sinisiraan ninyo.”

Sa isang iglap, ang dating mayabang na postura ni Mrs. Domingo ay napalitan ng tahimik na pagngitngit. Wala siyang masabi. Ang mga salita ni Xayvier ay tumama diretso sa kanyang pride. Samantalang si Mr. Domingo naman ay walang imik, tila ba natigilan din sa ipinakitang ng binata. Lagi itong seryoso at cold pero hindi pa nila ito nakitang magalit ng ganito.

Naglakad si Xayvier papasok ng gusali, mahigpit ang hawak kay Yukisha. Sa bawat hakbang nila, hindi niya pinapansin ang mga flash ng camera. Wala na siyang pakialam sa sasabihin ng mga tao. Ang mahalaga, kasama niya ang taong pinili niya.

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Beyond That One Night Mistake   CHAPTER 47 => Her first cravings.

    Ilang linggo na ang nakalipas matapos ang ginawang gulo nang mga Domingo. Tahimik ang gabi. at mula sa bintana ng penthouse, kitang-kita ang liwanag ng mga bituin at ang halos walang galaw na siyudad sa ibaba. Alas-dos ng madaling araw. Malalim na ang tulog ng karamihan, ngunit hindi si Yukisha. Gising siya, mulat na mulat habang nakahiga. Kanina pa siya nagpapalit-palit ng pwesto sa kama. Pinipilit niyang balewalain ang nararamdaman, pero habang lumilipas ang mga minuto, parang may maliit na boses sa loob ng tiyan niya na paulit-ulit na sumisigaw. “Mangga. Maasim. Bagoong. Ngayon na.”Hawak niya ang tiyan niya at halos mapangiwi. Hindi masakit pero grabe ang cravings niya. Ngayon lang niya naranasan ito. Parang hindi siya mapakali kung hindi niya makukuha ang hinahanap ng katawan niya. At sa bawat segundo na lumilipas, lalo lang itong lumalakas.Dahan-dahan siyang lumingon sa tabi niya. Mahimbing ang tulog ni Xayvier, bahagyang naka-buka ang bibig, at mukhang payapa. Ngunit kahit aya

  • Beyond That One Night Mistake   CHAPTER 46 => Evil Plan.

    Tahimik ang paligid. Kahit ang mga reporter ay tila natameme. Wala ni isang nagtangkang magsalita. Parang biglang naglaho ang usisero nilang kuryosidad at napalitan ng tensyon.“Hindi porket may pera kayo, kayo na ang tama,” dagdag pa ni Xayvier. “Hindi porket may impluwensiya kayo, kayo na ang may lisensya para manghusga. Dahil kung iyon ang batayan, mas madumi kayo sa babaeng sinisiraan ninyo.”Sa isang iglap, ang dating mayabang na postura ni Mrs. Domingo ay napalitan ng tahimik na pagngitngit. Wala siyang masabi. Ang mga salita ni Xayvier ay tumama diretso sa kanyang pride. Samantalang si Mr. Domingo naman ay walang imik, tila ba natigilan din sa ipinakitang ng binata. Lagi itong seryoso at cold pero hindi pa nila ito nakitang magalit ng ganito.Naglakad si Xayvier papasok ng gusali, mahigpit ang hawak kay Yukisha. Sa bawat hakbang nila, hindi niya pinapansin ang mga flash ng camera. Wala na siyang pakialam sa sasabihin ng mga tao. Ang mahalaga, kasama niya ang taong pinili niya.

  • Beyond That One Night Mistake   CHAPTER 45 => Mrs. Domingo made a scene.

    Akala nila, pagkarating sa penthouse ay magiging maayos na ang lahat. Sa dami ng pinagdaanan nila sa nagdaan na mga linggo, mga eskandalong ayaw mamatay, mga tanong na walang sagot, at mga matang palaging nakamasid. Ang tanging pag-hinga lang nila ay ang katahimikan kahit panandalian lang. Isang lugar kung saan puwedeng huminga ng malalim si Yukisha, kasama ang lalaking sa kabila ng lahat, ay hindi siya iniwan. Akala nila makakapagpahinga na sila. Pero hindi paman sila kababa ng sasakyan, Naka abang ang napakaraming paparazzi, may hawak na camera, may dala-dalang mikropono, may ilang halos sumasampa na sa bonnet ng sasakyan nila. Ang ingay ng mga tanong, ang pagkurap ng mga flash, at ang tila ba sabay-sabay na hiyawan ng mga tao ay parang dagundong ng kulog sa isang bagyong hindi nila inaasahan. Pero hindi pa roon nagtatapos ang gulo. Sa gitna ng kaguluhan, lumitaw ang isang grupo ng pamilyar, ang pamilyang Domingo. Nandoon si Katrina, nakataas ang kilay at halatang galing sa iya

  • Beyond That One Night Mistake   CHAPTER 44 => Paparazzi.

    Pagbukas nila ng pintuan palabas ng klinika, isang matinding liwanag ang sumalubong sa kanila, hindi mula sa araw, kundi mula sa mga kamera flash ng mga paparazzi.Agad na sumirit ang mga tanong, sabay ng palakpak ng shutter ng kamera. “Yukisha! Totoo bang buntis ka?” “Xayvier, handa na ba kayo sa magiging responsibilidad niyo?” “Ano ang masasabi ng magulang niyo tungkol dito?” At ang tanong na rumaragasang parang ulan sa kanilang dalawa ay. “Magtatagal ba kayo bilang magulang? Makakaya niya ba?”Sa napakabigat na sandaling iyon, parang tumigil ang mundo. Hindi na nila narinig ang ibang tanong, pati ang ingay ng sasakyan at nag mamadaling tunog ng pag pindot ng mga daliri sa kamera. Ilang segundo silang nagkatitigan, si Yukisha, mahinhin at matatag habang si Xayvier, ay buo ang determinasyon at abot langit ang ngiti, tila walang pake alam sa nangyayari.Nakakasilaw ang ilaw galing sa mga flash ng kamera at masakit sa mata. Pakiramdam ni Yukisha na parang tumalon ang kanyang puso. Ngun

  • Beyond That One Night Mistake   CHAPTER 43 => Pregnant for real.

    “Buntis ako...?” mahinang ulit ni Yukisha, halos pabulong. “Imposible…” Ngunit naroon sa harap nila ang katibayan. Ang maliit na tuldok sa screen, ang gumagalaw na bagay na ayon kay Hanna ay isang embryo. Masyado pa itong maliit para makilala, ngunit sapat na para masabing may buhay. May namumuong nilalang sa kanyang sinapupunan. Hindi niya alam kung ano ang mararamdaman. Takot? Saya? Wala. Putlang-putla si Yukisha habang tulala pa rin sa screen. Si Xayvier naman ay tahimik lang, pero hindi inaalis ang tingin sa monitor. Parang biglang huminto ang oras para sa dalawa. Tahimik ang buong silid maliban sa mahinang ugong ng makina at ang marahang paghinga nila, na tila pilit na kinakalma ang sarili. Pakiramdam nila'y hindi na sila humihinga. Parang wala sa realidad, parang panaginip na hindi nila alam kung gusto nilang magising o manatili na lang. Naramdaman ni Xayvier ang panginginig ng kamay ni Yukisha. Marahan niya itong hinawakan at pinisil ng bahagya. Walang salitang lumabas sa

  • Beyond That One Night Mistake   CHAPTER 42 => SHOCKING NEWS.

    “Teka saglit, pwede ba akong sumama sa loob?” pigil na tanong ni Xayvier kina Yukisha at Hanna na noo’y papasok na sa isa pang silid sa loob ng naturang klinika. Bahagyang napahinto si Hanna at nilingon siya bago sumagot.“Pwede, ikaw naman ang ama eh,” aniya habang tumuloy na sa paglakad, maingat na inalalayan si Yukisha papasok sa loob. Agad namang sumunod si Xayvier, halatang kinakabahan ngunit hindi nagpapahalata.Pagpasok nila sa loob, agad silang sinalubong ng malamig na simoy ng aircon at ang amoy ng alcohol na pamilyar sa loob ng mga klinika. Sa gitna ng silid ay naroon ang isang single bed na may puting bed sheet at unan. Nakapalibot dito ang iba’t ibang aparato na ginagamit para sa pagsusuri. May ultrasound machine, monitor, tray ng gamit, at iba pa.“Higa ka na muna rito, Yuki.” malumanay na sabi ni Hanna habang inaayos ang ilan sa mga kagamitan. Dahan-dahan namang inalalayan ni Xayvier si Yukisha papahiga sa kama, marahang inalalayan ang balikat at bewang nito. Nang makahi

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status