Home / Romance / Beyond That One Night Mistake / CHAPTER 25 => She Wasn't a Secret, She Was His Choice

Share

CHAPTER 25 => She Wasn't a Secret, She Was His Choice

last update Last Updated: 2025-06-10 22:03:59

Tahimik ang buong opisina ng PR department ng Juaquin Corporation habang hinihintay ang pagdating ni Xayvier. Sa isang conference room na may glass walls, naghihintay ang ilang piling media representatives—hindi masyadong marami, pero sapat para kumalat agad ang sasabihin ng binata.

Nasa loob ng hallway sina Yukisha at Xayvier, parehong nakatigil sa harap ng pinto ng conference room. Hawak ni Xayvier ang kamay ni Yukisha, marahan pero matatag, parang sinasabing nandito lang ako, wala kang kailangang katakutan.

“Handa ka na?” tanong ni Xayvier, bahagyang yumuko para mapantayan ang tingin niya.

Tiningnan siya ni Yukisha. Sa loob-loob niya, may bahagyang takot pa rin, hindi dahil sa hiya, kundi dahil sa bigat ng posibleng kahihinatnan nito. Pero sa mga mata ni Xayvier, sa mahigpit na hawak ng kanyang kamay, ramdam niya ang katotohanan, hindi na siya nag-iisa.

“Hindi,” sagot niya. “Pero kasama kita, kaya ayos lang.”

Ngumiti si Xayvier. “Sapat na ‘yon.”

Binuksan ng PR manager ang pinto. Lu
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Beyond That One Night Mistake   CHAPTER 35 => Pregnant?

    Tahimik ang buong studio.Walang nakapagsalita.. Ang mga crew at mga manunuod ay tila naging estatwa, ang mga cameraman ay natigagal, waring hindi sigurado kung dapat pa ba silang gumalaw. Ang makeup artist sa gilid ay natigil sa pagpo-powder ng isa pang panauhin. Si Madam Celeste na sanay na sa mga pasabog na balita ay tuluyan nang nawalan ng script.Ang natitirang gumagalaw na lang ay ang pulang ilaw ng direktang pagsasahimpapawid.Si Katrina? Nakatitig kay Donatella. Wala na sa tono ang kaniyang ngiti, ngayo’y naninigas ngunit pilit pa ring pinipinturahan ng dignidad ang mukha kahit basag na ang imahe.“Cut to Commercial!” sigaw ng direktor mula sa booth. Ngunit huli na ang lahat. Direkta nang isinasahimpapawid. Buong Pilipinas ay nakatutok.“May replay na ’to sa Facebook, YouTube, TikTok, IG, at Twitter sa loob ng isa... dalawa... tatlo...” bulong ng isa sa mga assistant, may tila may halong pananabik pa.Hindi lang simpleng bangayan ng dalawang babae ang nakuha ng kamera, kundi a

  • Beyond That One Night Mistake   CHAPTER 34 => Undoing the Lies.

    “Kailangan kong puntahan si Papa, Xayvier… kailangan niya ako. Kasalanan ko lahat ng ‘to—kasalanan ko!” umiiyak na sabi ni Yukisha habang nanginginig ang kanyang mga kamay, pilit na pinipindot ang elevator button nang paulit-ulit na parang sa ganoon niya maililigtas ang kaniyang ama. Mabilis na hinabol siya ni Xayvier, agad siyang hinarang bago pa tuluyang makapasok sa elevator. “Yuki, hindi ka puwedeng magmaneho sa lagay mo. Pano kung—” “BITAWAN MO AKO!” singhal ni Yukisha, tuluyan nang nawalan ng kontrol ang kanyang emosyon. “Baka mamaya wala na si Papa! Wala na—at ako *sob* ako ang dahilan!” Natahimik si Xayvier. Kitang-kita niya kung paano nawasak ang lakas ng loob ng babaeng dati’y matapang humarap sa kahit anong camera. Ngayon, isa na lang siyang basag na anak na desperadong makalapit sa amang galit, at ngayo'y nanganganib ang buhay. Nagkatinginan silang dalawa, at sa saglit na ‘yon, walang Xayvier na CEO. Wala ring Yukisha na model. Dalawa lang silang tao, parehong takot, p

  • Beyond That One Night Mistake   CHATER 33 => Shattered.

    Tahimik ang buong studio. Hindi dahil sa utos ng direktor, kundi dahil sa biglaang linya na binitawan ni Katrina. "Kung tutuusin, matagal na akong fiancée ni Xayvier. Hindi ako 'yung sumingit—ako 'yung nauna." Parang may granadang sumabog sa gitna ng set. Lahat ng mata, mula sa crew hanggang sa makeup artist, ay napalingon. Ang iba, napatigil pa sa paghinga. Ang assistant cameraman na kanina’y umiinom ng kape, nabilaukan. Ang staff na hawak ang clipboard, napamura sa gulat, “Ay, put*ng—” Ang mata ni Madam Celeste, bahagyang nanlilisik pero may halong pananabik. Eksaktong ganito ang moment na gustong-gusto niya, yung tipong kayang magpatumba ng ratings at magpa-trending sa lahat ng social media platforms. Isang staff ang mabilis na lumapit sa kanya at bumulong, "Ma'am, viral na agad. May hashtag na po: #FiancéeReveal. May mga meme na rin." Napangisi si Madam Celeste. “Excellent.” Agad siyang tumayo mula sa director’s chair at humarap sa camera. Sa loob-loob niya, jackpot. Hindi

  • Beyond That One Night Mistake   CHAPTER 32 => Showbiz Tsismis

    Sa studio ng Showbiz TsismisSa kabilang banda ng mundo kung saan humahagulhol si Yukisha, ay naroon si Katrina Domingo, perpektong bihis, pulidong ayos, at may confidence na parang isang reyna. Nakasuot siya ng custom red silk dress na bakat ang alon ng kaniyang katawan, may pakpak sa balikat na mukhang b4liw man ngunit tila sinadya para mas lalong mapansin ng buong bansa.Handang-handa na siya para sa exclusive interview niya kay Madam Celeste, ang kilalang host ng Showbiz Tsismis na sikat sa mga tanong na “hindi raw biased pero halatang may pinapanigan.”Nakaupo si Katrina sa vanity corner habang inaayusan pa ng konti ang kanyang buhok. Sinulyapan niya ang sarili sa salamin at ngumiti. Hindi lang basta ngiti—kundi ngiting malademonyo, ngiting alam mong may masamang binabalak pero ayaw mong pansinin dahil masyado siyang maganda para mapag-initan.Ilang segundo na lang at magaganap na ang pinaka-aabangang sandali ng kanyang linggo."Let’s see kung makakaahon pa si 'Yuki' pagkatapos

  • Beyond That One Night Mistake   CHAPTER 31 => Mistress?

    Sa Office Mabilis na ipinatawag ng PR head ang sekretarya ni Xayvier at inutusan itong muling tawagan ang media para sa nalalapit na pagharap sa mga isyung kumakalat. Hindi na maaaring pumayag si xayvier na mas lumala pa ito. Nasa gitna sila ng matinding krisis sa imahe, at kahit anong pa-cute o PR control, kung patuloy ang pagkalat ng mga tsismis—lalo na ang tungkol sa pagkakadikit ng pangalan ni Yukisha sa isang Juaquin—baka hindi na nila makontrol ang sitwasyon. Hindi niya maintindihan kung bakit tila nawalan ng saysay ang pahayag na ibinigay niya sa media noong nakaraang araw. Parang mas lalo pa itong nag-udyok ng mga haka-haka, mas lalo pang nagpasiklab sa apoy ng intriga. Sa halip na tumigil, nag-multiply pa ang mga memes, blind items, at mga bastos na komento online. Tumango ang PR head sa mga staff habang binubuksan ang laptop. "Paghandaan n’yo na ang script. Dapat malinis. Dapat malinaw. At higit sa lahat—dapat ditalyado, at hindi halatang scripted." Habang abala ang laha

  • Beyond That One Night Mistake   CHAPTER 30 => Trending Scandal?

    Tahimik ang gabi sa penthouse ni Katrina Domingo, pero sa loob ng kaniyang silid ay may unos na bumabagyo. Habang nakaupo siya sa harap ng laptop, tinititigan niya ang isang screenshot mula sa isang live video na kumakalat sa social media—si Xayvier at Yukisha, magkahawak-kamay, mata sa mata, para bang nasa sarili nilang mundo."Ang kapal talaga ng mukha mo Yukisha Dawson." bulong ni Katrina habang pinipiga ang hawak na wine glass. "Wala ka naman talagang alam sa laro ng mga tunay na Reyna, dahil isa ka lang namang hampas lupa."Isang notipikasyon ang lumitaw sa kanyang screen:'500M views na ang video. Trending #3 sa bansa.'Napangisi si Katrina. Pero hindi ngiti ng pagkatalo—bagkus, isang ngiting tagumpay.Ilang oras bago iyon…Sa isang pribadong lounge ng isang kilalang media production studio, tahimik na humigop ng brandy si Direk Manolo habang pinagmamasdan si Katrina. Suot niya ang blood-red satin dress na tila nilikha para sa kasalanan. Dumulas siya sa sofa na para bang pusang

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status