Beranda / Romance / Beyond That One Night Mistake / CHAPTER 6 => The Fiancée and the Suitor

Share

CHAPTER 6 => The Fiancée and the Suitor

Penulis: Lazydaydreamer
last update Terakhir Diperbarui: 2025-05-27 17:37:24

Nagising si Yukisha sa lambot ng kama, ngunit ang hindi pamilyar na silid ay agad nagpalamig sa kanyang balat. Pupungas-pungas pa siya nang unti-unting bumalik ang mga alaala ng gabing puno ng init at paglimot. Napalunok siya at mabilis na nanlaki ang mga mata—isang malaking pagkakamali. Isa nanamang pagkakamali.

“Bumigay na naman ako…” bulong niya sa sarili, habang mabilis na pinulot ang kaniyang damit sa sahig. Isinuot ito nang walang pakialam sa ayos at lumabas ng kwarto na parang hinahabol ng sarili niyang konsensya.

Pagdating sa elevator, halos hindi na siya huminga. Bumukas ito at agad siyang lumabas, halos sumalpok sa hangin. Tumatakbo siya, pilit nilalampasan ang bawat segundo ng alaala na pilit bumabalik. Sa kaniyang likuran, isang tinig ang sumigaw.

“Yukisha, hintay—”

Hindi siya lumingon. Hindi niya kailangang marinig ang boses ni Xayvier. Alam niyang ang bawat salitang maaaring lumabas sa bibig nito ay lalong makakasugat.

“Nakikita kita, Yukisha,” sigaw ni Xayvier, habol ang hininga, ang boses niya'y galit ngunit may halong lungkot, desperasyon.

Muling lumingon si Yukisha. Puno ng takot at pagkalito ang kaniyang mga mata. “Please, huwag mo akong habulin,” pakiusap niya, halos pabulong ngunit may bigat na parang sinisigaw ng puso niya.

Ngunit hindi tumigil si Xayvier. Parang hinihila siya ng isang hindi maipaliwanag na pwersa na pilit lumalaban sa kaniyang galit at pagkalito. Sa bawat hakbang niya palapit, ramdam ni Yukisha ang unti-unting pagdikit ng isang mundong pilit niyang tinatakasan.

At sa isang iglap, isang bagong presensya ang sumingit sa pagitan nila—isang babaeng elegante, nakaayos na parang mula sa isang magazine spread. Ang matatalas niyang mata ay agad tumingin kay Yukisha, na para bang binabasa ang kasalanan sa likod ng kanyang mga mata.

“Xayvier,” tawag ng babae, “Kanina pa kita hinahanap.”

Napahinto si Xayvier, bahagyang napalingon. Kita sa mukha niya ang tensyon, at sa ngiting pinilit, tila may gusto siyang ipaliwanag ngunit hindi niya masabi.

“Magandang araw,” bati ng babae kay Yukisha, ang boses ay mahina ngunit matatag. “Ako si Katrina Domingo. Fiancée ni Xayvier.”

Walang tunog ang saglit na iyon. Walang nag salita. Parang tumigil ang oras.

Nanlamig ang balat ni Yukisha. Fiancée? Parang sinuntok siya sa sikmura. Napatitig siya kay Xayvier—ang lalaking ilang beses niyang nakasama sa maiinit na tagpo, ngunit ni minsan ay hindi binuksan ang buong katotohanan.

“Yukisha…” lumapit si Xayvier, pilit pinapawi ang gulo sa kaniyang mukha. “Kailangan nating pag-usapan ‘to.”

Tiningnan siya ni Yukisha—ang lalaking ilang ulit niyang hinayaang maging bahagi ng kanyang gabi, kahit paulit-ulit siyang sinusunog ng katotohanang hindi siya kailanman naging una.

Ito na nga ba ang isasabi ko! Naiinis na bulong ng kaniyang isip Umiikot ang mundo niya. Wala siyang ibang naging sagot kundi ang tumakbo.

Tumakbo siya nang parang hindi na niya kayang huminga. Ang mga yabag niya ay parang sigaw ng kaniyang puso. Gusto niyang makalimot, gusto niyang mawala.

At doon, sa isang kanto ng lobby, nabangga siya sa isang matigas na dibdib. “Yukisha?” bulong ng isang pamilyar na boses.

Si Paulo.

Ang kaniyang magaling na manliligaw, Hinawakan nito ang balikat niya at agad siyang niyakap, mahigpit, parang takot ding mawala siya.

“Yuki, ano’ng nangyari? Bakit ka tumatakbo?”

Hindi na siya nakapagsalita. Bumigay na ang mga luha niya. Kumapit siya sa damit ni Paulo na para bang siya na lang ang natitirang ligtas na mundo.

“Hindi ko na kaya, Paulo,” hikbi niya. “Ang sakit, sobra.”

Dahan-dahang pinahid ni Paulo ang kanyang luha, at tinitigan siya nang may pag-unawa.

“Sabihin mo saakin. Narito ako.”

Ngunit mula sa di kalayuan, naramdaman nila ang presensya ni Xayvier. Hindi pa rin siya umaalis. Nakatayo siya roon, parang bantay ng isang nakaraan na ayaw lumubog sa gabi.

“Hindi ko na kaya…Ilayo mo ako rito pakiusap” bulong niya muli, sa sarili man o kay Paulo, hindi niya alam.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • Beyond That One Night Mistake   CHAPTER 17 => When Life Calls—Moment paused.

    BABALA: Ang kabanatang ito ay naglalaman ng maseselang tema at eksena na hindi angkop para sa mga menor de edad. Magpatuloy lamang kung ikaw ay nasa wastong gulang. 🔞 ~•~ “Try mo lang,” bulong ni Yukisha, pero may halong kiliti sa boses. Naniningkit ang mata niya habang hinahampas ng mahina si Xayvier sa dibdib gamit ang unan. “Eh ‘di try na nga,” tugon ni Xayvier, at walang babala siyang muling pumatong sa kanya, sabay ngiti ng ubod ng pilyo. Isang malambing na tili ang lumabas sa bibig ni Yukisha nang muling lumapat ang mga halik ni Xayvier sa kanyang leeg, parang binabawi ang bawat segundo ng kanilang pagkakalayo. Mainit, mapusok, at mas marubdob ngayon—tila ba lalong lumalim ang koneksyon nila sa gitna ng kasinungalingang ibinato nila sa ina ni Xayvier. “Xay… seryoso ka ba kanina?” usal ni Yukisha habang unti-unting nawawala ang kaniyang ulirat sa sunod-sunod na dampi ng labi ng binata. “Alin?” tanong nito habang humahaplos pababa ang mga daliri nito sa balakang ng dal

  • Beyond That One Night Mistake   CHAPTER 16 => Caught in the Sheets, Saved by a Lie.

    “Mom, let me explain,” ani Xayvier habang mabilis na itinakip ang unan sa dibdib niya, tila ba iyon ang magliligtas sa kaniya sa sermon ng kaniyang ina.Nakatayo pa rin si Mrs. Juaquin sa bungad ng pintuan, parang isang hukom na naghihintay ng paglilitis. Mabagal siyang pumasok, isinara ang pinto, at tumayo sa tabi ng kama na para bang hindi siya nasanay sa ganitong eksena — kahit halatang sanay na sanay na siya sa pag-aayos ng mga kaguluhan ng anak niya.“Please do,” malamig na sabi nito. “Dahil kung hindi mo ipapaliwanag, ako ang lalapit kay Katrina at aayusin ko ang skedyul ng kasal ninyo.”Parang binuhusan ng malamig na tubig si Yukisha sa ilalim ng kumot. Dahil sa tindi ng kaba, muntik na siyang mapahatsing. Pero nagpipigil pa rin siyang huwag magpakita ng mukha. May sandali pa siyang naisip kung kaya pa niyang gumapang palabas sa bintana. E kaso, penthouse ‘to — nasa tuktok ng building, matik mamat4y siya pag tumalon siya doon.“Mom…” hinagod ni Xayvier ang batok niya at pilit n

  • Beyond That One Night Mistake   CHAPTER 15 => Cuddle was interrupted by his Mother.

    Mainit ang sinag ng araw na pumapasok sa malalawak na bintana ng penthouse. Kinain na ng hapon ang oras, pero sa loob ng silid ay tila nakalutang pa rin ang katahimikan mula sa matinding init ng damdamin. Nagising si Yukisha sa marahang paggalaw ng dibdib na inuunan niya. Mabagal ang bawat hininga, pero ramdam niya ang tibok ng puso ni Xayvier sa ilalim ng kaniyang pisngi. Kumunot ang noo niya nang mapansing mas maliwanag na sa silid, at saka lang niya naalalang wala pala siyang suot. Napasinghap siya nang bahagya, sabay higpit ng pagkakayakap sa kumot. Pero naramdaman niyang lalong humigpit ang yakap ni Xayvier sa kaniya mula sa likuran. Mainit ang braso nitong nakapulupot sa kaniyang baywang, at ang kamay nito’y marahang humahaplos sa kaniyang tagiliran. “Gising ka na pala,” bulong ni Xayvier, malalim at paos. “Hmm...” tangi niyang sagot habang dinadama ang mainit na katawan nito sa likod niya. “Anong oras na ba?” “Mga alas-tres na ng hapon,” sagot niya habang humalik sa ba

  • Beyond That One Night Mistake   CHAPTER 14 => This time, it's Love.

    Nagising si Yukisha sa marahang paghaplos ni Xayvier sa kaniyang likod. Parang alon ng hangin ang galaw ng kamay nito—hindi nagmamadali, hindi nananakit, kundi marahang sinusuyong parang siya'y alon sa baybayin ng isang umagang tahimik at puno ng damdamin.Napasinghap siya. Hindi dahil sa pagkabigla, kundi dahil sa init na muling gumising sa kaniyang balat.“Good morning,” bulong ni Xayvier sa mismong batok niya, habang ang labi nito ay marahang sumayad sa kanyang balikat.Hindi muna siya sumagot. Mahigpit ang yakap niya sa kumot, ngunit mas mahigpit ang pagkakaakap ng lalaki sa kaniyang baywang. Ramdam na ramdam niya ang init ng hininga, at ng di-mapigilang kilig.Hindi nila pinansin ang oras. Ang tanging orasan ay ang bawat halik, bawat haplos, at bawat ungol na sumasayaw sa katahimikan ng gabi.Pareho silang nakahiga, pero hindi mapakali. Hindi dahil sa hindi sapat ang unang beses—kundi dahil parang kulang pa. Parang may kailangan pang ulitin, damhin, at maramdaman nang mas malalim

  • Beyond That One Night Mistake   CHAPTER 13 => Beyond That One Night Mistake.

    Matapos ang palitan nila ng linyahan na puno ng kakornihan ay naisipan na nilang umuwi, hindi natuloy ang usapang ihahatid ang dalaga sa bahay nito ngunit napunta sa penthouse ng binata ang distinasyon nila. Pumara sila ng taxi at hindi na inabala ang pah balik sa pinag iwanan ng kotse ng binata. Tahimik ang biyahe nila pauwi. Pero hindi katahimikan ng awkwardness—kundi ‘yung katahimikang puno ng kuryente sa hangin. Gabi na, pero pareho silang gising na gising. Nasa loob sila ng elevator paakyat sa penthouse ni Xayvier. Walang nagsasalita. Pero kapwa nila ramdam ang tibok ng puso ng isa’t isa—mabilis, hindi mapakali. Pagdating sa taas, tahimik siyang binuksan ang pinto. “Pasok ka,” aniya, halos bulong. Pumasok si Yukisha. Maaliwalas ang loob ng penthouse—malambot ang ilaw, amoy leather at lalaking cologne, pero may halong tamis na hindi niya maipaliwanag pero hindi masakit sa ilong. “Ayusin ko lang ‘yung sapatos ko…” sabi niya, pero hindi siya makagalaw. Tahimik na lumapi

  • Beyond That One Night Mistake   CHAPTER 12 => Cheesy Night.

    Tahimik ang paligid habang dahan-dahang humupa ang tawanan nila sa bench. Hawak pa rin nila ang kamay ng isa’t isa, parang ayaw bumitaw kahit medyo pawis na.Napatingin si Xayvier kay Yukisha. Sa ilalim ng mahinang ilaw ng poste, kumikintab ang buhok nito, parang mga bituin na nakatago sa maitim na kalangitan. Pero ang mas nakakabighani? Yung mata ni Yukisha—ipinikit nito habang humihigop ng ice cream, parang ini-enjoy bawat segundo ng gabi nila.Kinabahan siya.“Uh… Yuki…” bulong ni Xayvier habang hinihigpitan nang kaunti ang hawak.“Hmm?” tanong ni Yukisha, hindi pa rin bumubukas ang mata.“Wala naman… gusto ko lang sabihin na... parang ngayon lang ako kinabahan nang ganito sa simpleng hawak kamay.”Dumilat si Yukisha, ngumiti, at biglang sumeryoso. “Totoo? Eh ako nga, feeling ko may mga butterflies sa tiyan ko, na may fireworks pang kasama. Parang... ako ‘yung bida sa teen movie tapos ikaw ‘yung love interest kong may pagka-weird pero sobrang pogi.”“Uy, pogi talaga?” tanong ni Xay

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status